Chereads / The Love Wars / Chapter 13 - Top 12—15

Chapter 13 - Top 12—15

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗹𝘃𝗲:

"Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw na kung saan, ang kagandahan at katalinuhan ay magbabangga. Welcome to Lidford Academy, and this is Mr. and Ms. Nutrition." Panimulang bati ng Emcee.

Nasa back stage ako ngayon at kasalukuyang naghahanda para sa gaganaping pageant. Ilang oras nalang at magsisimula na ito.

Alam na rin nina mama, papa at kuya ang pagsali ko rito kaya ang sabi nila ay i-video ko raw ito at i-send sakanila. Well, gusto ko man na live nilang mapanood ang performance ko pero alam kong hindi sila pwedeng umuwi rito. Pero ayos lang 'yon dahil may rason namin sila.

"Ito ang number mo." Sabi ng isang staff habang ibinibigay sa akin ang isang bilugang karton na may nakasulat na '26'

Hinanap ko si Jess at nakita ko ito sa sulok habang may mga babaeng nakapalibot dito at kasalukuyan siyang mine-make up-an

Candidate number 26 ako habang si Jess ay number 24 at si Matrica naman ay number 25. Halos magkakasunod lang pala ang mga numero namin.

Yaminah - number 26

Matrica - number 25

Jess - number 24

Bali tatawagin kami sa mga number na naiatas sa amin at hindi sa mga section or grade level. Mahihirapan daw kasi kapag ganoon. Since more than 50 ang mga kalahok. Kaya mas minabuti nilang by number ang pagtawag saamin.

"Ladies, be ready!" Sigaw ng isang staff kaya tumango lang kaming lahat. Kinakabahan ako ngayon pero para sa section ko, pagbubutihan ko ito.

Rinig na rinig ko na ang malakas na hiyawan ng mga estudyante sa labas ng stage. Imbes na matuwa ay mas nagpadagdag lang ito ng intense na nararamdaman ko. Kahit makapasok lang ako sa Top 10 ay ayos na ako!

Sa totoo lang ay kakatapos lang ng pageant ng mga boys kanina, and as expected ay si Reed ang nanalo. Super duper mega ultra expected na ang pagka-panalo niya. Ang gwapo tapos ang galing pang sumagot ni Reed sa Q&A. Hindi ko in-expect na ganoon pala siya kung lumaban. Parang nanlalapa at nangangain.

Kung inaakala niyo na good news 'yan. Sad to say pero hindi! Mas dumagdag lang ang pressure na nararamdaman ko dahil doon.

Imagine, nanalo ang representative namin na si Reed sa Mr. Nutrition and dahil doon ay mas tumaas ang expectation ng lahat na magaling ang isasalang ng section Providence para sa Ms. Nutrition.

Arghhhh! Mukhang kakainin ki ata ang lahat ng sinabi ko dati na, nandito ako para i-represent ang section ko at hindi ang manalo.

"Pumila na kayo, ladies. Magsisimula na." Wika ng staff.

Nakita ko ang pagtayo ng lahat at pagpila nila base sa kanilang numero. Nasa unahan ang number '1' habang nasa dulo ang may number '53'.

Tumayo narin ako at nagsimula ng pumila. Nasa harapan ko ngayon si Matrica na sobrang tangkad. Grabe, hanggang balikat niya lang ako!

"This is it! Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Let me introduce to all of you. Our beloved candidates for Ms. Nutrition. Isa sakanila ang makakasama ni Reed sa trono bilang Mr. and Ms. Nutrition of this year. Candidates, please do you first walk." Wika ng Emcee bago kami magsimulang rumampa isa-isa.

Bali, rarampa kaming lahat at tanging Top 20 lang ang makakapasok saamin para gawin ang introduction round. Mula sa 53 na kandidatang lalaban ngayon ay tanging 20 lang ang papalarin na makakapasok para ituloy ang laban. As of now, pabonggahan ng rampa ang labanan.

"Please welcome, candidates number 26 (Yaminah). " Sabi ng emcee, hudyat na ako na ang rarampa sa stage.

Sinimulan ko ng igayak ang paa ko at ihampas ito sa stage. Nakasuot lang kaming lahat ng school uniform para sa first round kaya hindi ako nahirapan na rumampa dahil komportable ako sa aking suot.

Kitang-kita ko kung paano ako tignan ng lahat na tila'y isa akong anghel na bumaba sa lupa. Nang makarating na ako sa pinakaharap ng stage ay muli kong ikinembot ang balakang ko pabalik. Nakita ko pa si Reed na nasa gilid ng stage habang naka-upo sa isang parang trono ng hari.

Natapos ako sa pagrampa ng maganda kaya nagresulta ito ng malakas na palakpakan mula sa mga kaklase ko at sa lahat ng estudyante sa school.

Matapos kong rumampa ay agad akong yinakap ni Jess sa back stage. "Ang galing mo kanina Yaminah!" Sabi nito.

"Ikaw din naman eh, ang galing ng rampa mo." Sabi ko rin dito na kinangiti niya agad. Sinulyapan ko pa si Matrica na ngayon ay nakangiti sa akin. Nginitian ko rin ito pabalik.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin sa wakas ang first round. Kasalukuyan kaming nasa stage ngayon habang isa-isang inaanounce ng emcee ang mga nakapasok sa Top 20.

"There's only two spot remaining for Top 20. Congratulation dahil pasok ka, contestant number......24 (Jess)" Sabi ng Emcee.

Nagpalakpakan ang lahat ng marinig nila ang numero ni Jess. Agad naman naglakad si Jess papunta sa harap, kasama ang ibang nakapasok na din. Para sa kaalaman niyo ay pasok na rin si Matrica sa Top 20. Siya ang pinaka-unang natawag saamin.

Malakas ang tensyon na nararamdaman ko ngayon dahil isang kandidata nalang ang makakapasok pero twenty four (24) pa kaming hindi natatawag.

"Last but not the least! Congratulations, contestant number...... 26 (Yaminah)." Wika ng emcee na siyang nagpahiyaw sa lahat ng estudyante.

Nakapasok ako! Nakapasok ako! Sigaw ko sa aking utak.

Ngumiti ako ng malaki bago rumampa papunta sa harap kasama ang nga kandidatang nakapasok din. Akala ko ay hindi ako makakapasok pero mukhang pabor sa akin ang tadhana dahil nakapasok parin ako.

"Sabi ko na eh, makakapasok ka!" Bulong ni Jess sa akin.

Nang matapos na ang announcement ay isa-isa na kaming bumalik sa back stage habang ang mga hindi nakapasok ay umalis na. Ngayon na kaunti nalang kami ay nakakasigurado akong mas magiging mahirap ang laban na magaganap sa susunod.

-----

"Congratulations sa mga kandidata na pasok sa Top 20 pero hindi na natin kaylangan pang patagalin ito dahil magsisimula na ang next round! Introduction Round." Rinig namin na wika ng Emcee.

Tumayo na si Matrica dahil siya ang magsisimulang mag-introduce. Since, siya ang pinaka unang natawag kanina.

Nanood naman kaming lahat sa isang maliit na tv na naka set sa harap ng backstage. Mapapanood namin dito ang mga nagyayari sa labas ng backstage at hindi ko maipagkakaila na sobrang daming fans ni Matrica.

"Good Afternoon to everyone! My name is Matrica Andres, 17. Representing Grade 11, ABM! And I believe in saying that, a room without books is like a body without a soul." Pakilala nito.

Malakas na hiyawan at palakpakan ang agad na maririnig mo, matapos nitong mag-introduce.

Sumunod naman ang iba pang kandidata sa pagpapa-kilala. Hanggang sa si Jess na ang sumunod.

"A pleasant afternoon. I am, Jess Lidford, 15. Representing, Grade 9, honesty! I believe in saying that, you only live once, but if you do it right, once is enough." Kagaya ng mga nauna ay malakas na hiyawan at palakpakan din ang natanggap ni Jess matapos niyang magpakilala.

Ako na ang susunod kaya huminga ako ng malalim bago unti-unting naglakad palabas ng backstage. Nakikita ko ang mga tinginan nila, may mga masaya at may ilan naman na parang galit saakin.

Habang palapit ako sa mic na nasa harap ng stage ay hindi ko napigilan ang matapilok. Muntik na akong natumba, buti nalang ay may nakasalo sa akin.

"S-salamat." Sabi ko rito. Nang tignan ko kung sino ito, nakita ko na si Reed pala ang tumulong sa akin. Mababakas mo ang pag-aalala nito sa mukha.

"Don't be afraid Yaminah, you can do it! I believe in you-i mean, we believe in you." Sabi nito sa akin. Ngumiti lang ako bago bawiin ang kamay ko at naglakad papalapit sa mic.

Muli akong sumulyap sa gawi ni Reed at nakita ko ang kaunting pag ngiti nito na parang sinasabi niya na kaya mo 'yan.

Huminga muna ako ng malaki bago magsimula,

"Good afternoon to each and every one of you. Ako nga pala si Yaminah Ava Huxley. Labing anim na taong gulang at nirerepresenta ang section na palaging nag tutulungan at nagmamahalan, Grade 10, Providence....."

"At naniniwala ako sa isang kasabihan na, ang buhay ay parang rainbow. Maaaring dumating man ang napa-kalakas na bagyo o problema saating buhay pero lagi nating tatandaan na mayroon paring rainbow o pag-asa tayong matatanaw pagkatapos ng unos. Thank you." Pagi-introduce ko.

Nagpalakpakan ang lahat matapos kong magpakilala. Ang mga ilan sa kaklase ko ay may dala pang torotot habang ang iba naman ay may dalang kaldero. Kinakalampag nila iyon para mas dumagdag sa ingay.

"Thank you very much. Mukhang malakas sa audience si candidate number 26 ah." Wika ng Emcee na siyang mas nagpalakas sa mga hiyawan. Hindi ko na napigilan na mapangiti ng malaki dahil doon.

Kahit natapilok at sumablay ako kanina ay mukhang bawing-bawi naman ako ngayon.

-----

"Congrats, candidates number 24 (Jess)."

"You're in, candidates number 25 (Matrica)."

"Pasok ka rin, candidates number 26 (Yaminah)."

Sabay-sabay kaming tatlo na naglakad papunta sa harap dahil kaming tatlo ay isa sa mga nakapasok sa Top 10.

Ngayon na sampo nalang kami, nasisigurado kong, magsisimula na ang totoong laban.