Chereads / The Love Wars / Chapter 12 - One Day Apart

Chapter 12 - One Day Apart

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗘𝗹𝗲𝘃𝗲𝗻:

"Class dismiss!" Sabi ni sir kaya agad nagsi-tayuan ang mga kaklase ko at sabay-sabay kaming nag goodbye.

Mayroon kaming practice ngayon na gaganapin sa gymnasium para sa paghahanda sa darating na pageant. Hindi pa naman ako late pero kaylangan ko paring mag-madali dahil ayaw ko naman na mahuli sa unang practice namin. Nakakahiya.

Sinimulan ko ng maglakad papunta roon. Medyo malayo-layo ito dahil nasa first floor ito at kasalukuyan akong nasa third floor.

Nang makarating na ako sa gymnasium ay agad ko ng binuksan ang pintuan nito at pumasok. Bumungad agad saakin ang napaka-laking espasyo ng gymnasium at nao-okupahan ang mga bleacher nito ng mga babaeng naka-suot ng mga dress, mayroon ding naka-school uniform parin at ang ilan pa sakanila ay naka-suot ng heels.

Nakita ko si Jess na naka-upo sa pinaka-dulo ng mga bleacher kaya lumapit ako sakanya. "Nandito kana pala, Yaminah." Bungad na bati ni Jess. Tinanguan ko lang siya bilang tugon.

"Girl, isuot mo na ang heels mo dahil parating na ang coach natin. Terror panaman iyon." Dagdag na sabi niya. Tinanguan ko lang ito at sinimulan ko ng suotin ang heels kong 5 inch ang takong.

Pinasara muna sandali ang buong gymnasium para saaming mga candidate ng pageant. Dalawa naman ang gymnasium nila rito kaya hindi naman maa-antala ang ibang estudyante na gustong maglaro.

Ang balita ko ay kakatapos lang ng mga lalaki na mag-practice kaninang umaga. Morning ang practice nila habang sa hapon naman kami. Para raw makapag-aral parin sila ng hapon at kami naman ay sa umaga.

Habang nag-aayos ako, nakarinig ako ng mahihinang kalampag ng sapatos sa sahig kaya napatingin agad ako kung saan nanggagaling iyon.

Natagpuan ko naman ito sa isang magandang babae na naglalakad ngayon papunta saamin. Nasa trenta anyos na siguro ito base hitsura niya pero hindi mo parin mapag-kakaila ang ganda nitong taglay. May kasama itong isa pang babae pero mas bata iyon kesa sakanya.

"Sino sila?" Tanong ko kay Jess. Humarap ito saakin bago ako sagutin,

"Iyong medyo may katandaan ay ang coach natin. Siya si Coach Hemilia. Sikat na model at fasion designer 'yan habang iyong kasama niya na medyo bata ay anak niya. Ayan si Matrica, iyong sinasabi ko saiyo kahapon na makakalaban nating malakas. Ang ganda nila diba?" Tugon nito. Napatango nalang ako dahil maging ako ay nagagandahan ng sobra sa kanilang dalawa. Ngayon ay alam ko na kung bakit parang threatened si Jess kay Matrica dahil super ganda niya pala talaga. Kung lalake lang siguro ako, baka niligawan ko na 'yan.

"Everybody's here na ba?" Tanong ni Coach Hemilia ng makalapit ito saamin.

Nakita ko pa ang pag-upo ni Matrica sa tabi ko. Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko in-expect na saakin ito tatabi.

"Yes Coach." Sabay-sabay na sabi ng mga kasamahan ko.

Pinatayo kami isa-isa ni Coach Hemilia at sinabihan na maglakad, iyong pang-rampa na lakad daw.

Tumayo naman kami at nag-form ng line. Isa-isang rumampa ang lahat. Mula sa pinaka-una hanggang sa taong nasa harap ko ay magagaling. May ilan na nagka-kamali pero mas marami ang naka-execute ng maayos.

Nang ako na ang rarampa ay sinimulan kong ikembot ang aking balakang at iwinagayway ang mga mahahaba kong binti. Parang nasa runaway ako. Nakita ko ang pag-ngiti ng aming coach at pag-palakpak nito ng mahina nang matapos na ako.

"Good job, Ms?"

"Yaminah. Yaminah Huxley."

"Good Job, Ms. Huxley" Puri nito saakin.

"Thank you, coach." Ang sagot ko.

Bumalik na ako sa aking pwesto kanina. Nilapitan naman ako ni Jess ng makaupo na ako, "Girl, grabe 'yung lakad mo kanina, ang ganda." Sabi nito na kinangiti ko naman agad.

Hindi ko nalang siya sinagot at mas piniling i-focus ang tingin ko sa mga sumunod na kandidatang rumarampa. Kitang-kita ko na mayroong natatapilok at mayroon ding tuluyang nadapa. Mukhang maraming kandidata rito ang katulad ko rin na nangangapa pa sa pagdating sa pageant.

Lumipas pa ang ilang minuto bago sumalang si Matrica. Tumayo ito sa pinakadulo ng gymnasium bago nito simulang iwagayway ang bewang niya at ihampas ang mga binti nito habang ang paa niya ay nakasuot ng 5inches na takong.

Ang magsasabi ko lang ay napaka-flawless ng galaw niya. Parang natural na natural na ang pagrampa nito.

Nang matapos na si Matrica sa practice ramp ay sabay-sabay kaming nagpalakpakan dahil sa galing nito. May ilan pang napatayo at maging ang coach namin, na nanay nito ay napangiti rin. Ngumiti lang ng malaki si Matrica bago umupo sa tabi ko. Wow, super galing niya!

Hindi rin nagtagal at natapos na rin ang practice ramp namin.

"Good job! Wala na akong masabi pa sa ginawa niyong pag-rampa dahil napaka galing niyong lahat." Sabi ni coach sa amin.

Tumingin muna ito sa aming lahat bago magpatuloy sa sasabihin niya, "Sa pagsagot at introducing naman ang next na gagawin natin. Ladies tumayo na kayo diyan at magpra-practice tayo ulit!" Dagdag ni Coach.

"Ano bayan?! Walang pahinga!" Inis na bulong ni Jess saakin. Tinawanan ko lang ito pero alam ko sa sarili ko na pagod na rin ako. Ikaw ba namang rumampa ng tatlong beses sa buong gymnasium.

Gaya ng kanina ay nagsimula ng mag-intro ang lahat. May kanya-kanya silang kasabihan at ang ilan naman ay nagpatawa pa. Dito ay ituturo kung paano ba ang tamang pakikipag-usap habang nasa stage.

"Ms. Huxley, you're next." Sabi ni Coach sa akin. Tumayo na ako at pumunta sa harapan niya.

Huminga muna ako ng malalim bago magsimula. "Good morning ladies and gentlemen. I am Yaminah Ava Huxley.

16. Representing, Grade 10, Providence!

"Well done." Maikling sabi ni coach sa akin bago ako pina-alis sa harapan niya dahil may susunod pa saakin.

Natapos ang buong araw namin sa ganoong paraan. Practice rito, practice roon.

Gabi narin kami naka-uwi dahil kaylangan daw naming maghabol ng oras dahil tatlong araw nalang before ang pageant.

Nakakapagod siya pero keri ko panaman dahil pretty ako.

-----

Lumipas ang dalawang araw na puro lang kami practice. Sa umaga ay papasok kami at sa hapon naman ang practice namin. Nakaka-pagod at nakaka-hingal man pero nae-enjoy korin siya.

"Girl, bukas na ang pageant. Shit!" Masayang turan ni Jess habang nasa boutique kami dahil namimili kami ngayon ng susuotin namin para sa pageant.

"Oo nga eh." Simpleng tugon ko. Mabuti nalang at walang swimwear competition doon dahil hindi ko alam kung kaya ko bang magswimsuit sa harap ng maraming tao.

Ang eskwelahan na namin ang bahala sa mga make-up artist at hair stylist

habang kami naman ang bahala sa mga susuotin namin. Well, hindi naman mahirap saamin 'yon, since mayaman naman kami.

Sana kayanin ng ganda ko ang mangyayaring pageant bukas. Hays. Nakaka-istress pero kakayanin para sa section ko. Fight.