Chereads / The Love Wars / Chapter 11 - Matrica

Chapter 11 - Matrica

๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ง๐—ฒ๐—ป:

Lakad dito

Lakad doon

Lakad dito

Lakad doon

Ayan lang ang tanging ginagawa ko sa loob ng aking kwarto. Hanggang ngayon kase ay iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin sa darating na pageant.

Madalas na akong sumali sa mga patimpalak ng pagandahan dati pero no'ng Grade 6 pa ang huling laban na nasalihan ko. Sigurado na mangangapa ako sa gaganapin na pageant dahil bata pa ako no'ng last na sumali ako sa mga labanan na ganoon.

Sandaling napurnada ang pagiisip ko ng biglang may kumatok sa pintuan. Agad ko itong nilapitan at pinihit ang doorknob. Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay agad na iniluwa ng pinto si Jess na nakasuot ng panjama at sweater.

Dumeretso ito sa higaan ko at pabagsak siyang humiga. "Anong kaylangan mo?" I asked.

Tumayo ito mula sa pagkakahiga at tinignan niya ako ng mataman. "Nabalitaan ko na sasali ka raw sa pageant." She answered.

Tumango lang ako dito para kumpirmahin na tama ang narinig niya. Ang bilis naman kumalat ng tsismis. Parang kanina lang nasabi saakin tapos alam na agad niya.

"You know what, I'm so excited na makita kang rumampa tsaka excited din akong makalaban ka." Masayang turan nito.

"Kalaban?"

"Yup, makakalaban mo ako sa pageant dahil kasali rin ako doon."

"Huh? Teka lang, kasali ka rin doon? Pero bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"At bakit naman hindi? I mean, kaylangan kong sumali roon para ma-mentain ko ang aking rank sa highest 10." Ano raw? Highest 10? Shit! Kasali rin pala siya doon.

"Akala ko ba ay honor students kana sa klase niyo? Diba ang highest 10 ay para sa mga estudyanteng hindi kayang makipag-compete sa academics." Litong-lito na ako. Napaka complicated naman ng rules na iyan!

"Yup, I'm already an acedemic achiever na pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na ako pwedeng makapasok sa highest 10."

"Paano iyon? So, dalawang award ang makukuha mo?"

"Tumpak! Dalawang award ang makukuha ko. Isa para sa pagiging honor student ko at isa rin para sa highest 10." Masayang sabi nitoย 

Mukhang napansin naman ni Jess ang pagkalito ko kaya agad niya itong dinagdagan. "Isipin mo nalang na ang pagiging honor students ay nakukuha lang sa loob ng klase. Habang ang highest 10 naman ay pinaglalabanan ng buong estudyante sa Lidford Academy. Kaya kung mapapansin mo, mas respetado doon ang mga estudyante na pasok sa highest 10 kesa sa mga academic achiever."

Gets ko na siya. So, ganoon pala ang patakaran doon. Mula grade 7 hanggang Grade 12 ay maglalaban-laban para sa Highest 10. Imagine, libo-libo ang estudyante ng Lidford Academy pero tanging sampo lang doon ang makakapasok sa Highest 10.

"Anong rank kaba Jess?" Tanong ko.

"Rank 9 ako."ย 

"So, ibig sabihin ay isa ka rin sa mga estudyante na pasok doon. Grabe ang galing niyo naman." Manghang sabi ko rito. Agad naman ako nitong nginitian at hinawakan sa kamay.

"You know what, kaya lang naman ako nakapasok doon dahil sa pag sali ko sa mga pageant kagaya nito. I know na mahihigitan mo pa ang rank ko."

Hindi ko nalang ito sinagot sa sinabi niya. Even me, nagdududa ako sa kakayahang mayroon ako. Kaya kong maging honor student pero ang talunin ang libo-libong estudyante para lang makapasok sa highest 10? Ayan ang imposibleng mangyari.

"By the way, mayroon kana bang any plan sa pageant? Kaylangan mong paghandaan iyon dahil matinding laban ang kakaharapin natin."

"Wala pa nga eh." Simpleng sagot ko.

Inobserbahan naman ako nito na wari'y inaalam niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Kanina ko lang nalaman na isasali ako sa pageant kaya huwag siyang mag-expect na may plano na agad ako.

"You know what, kung ano man ang magiging plan mo, hindi ko na pakikielaman iyan pero kilala mo na ba kung sino ang mga makakalaban mo?" Tanong nito.

"Kaylangan pa ba 'yon?"

Gulat naman ako nitong tinignan na parang hindi niya inexpect na isasagot ko iyon. "Of course! Napaka importante non. Para alam mo kung sino ang mga iiwasan mo at hindi."

Napataas naman agad ang kilay ko. "Hindi iniiwasan ang kalaban dahil nilalabanan dapat sila."ย 

"Hindi pa naman tayo nag sisimula pero pang Miss. Universe na ang sagot mo. Pero kahit na gaano kalakas ang confidence mo, sigurado akong lalampasuhin ka nitong isang candidate." Bakit parang tinatakot ako nito?ย 

"Sino naman 'yang candidate na sinasabi mo?

"Si Matrica Andres! Siya ang reigning queen ng Miss. Nutrition. Beside, halos lahat ng sinasalihan nitong pageant ay nananalo siya. Super ganda nito and napaka witty pa niya sumagot." Pagde-describe nito roon.

"Mas maganda ako doon kaya bakit ako kakabahan. Tsaka sasali ako roon para i-represent ang section namin at hindi para manalo." Matigas na sabi ko rito. Nakita ko ang pag ngiti niya kaya napangiti rin ako.

Iyan ang dapat na lagi nating tatandaan, hindi mahalaga kung manalo o matalo ka bagkus ang karanasan na babaunin mo, mula sa patimpalak na sasalihan mo, ang siyang magsisilbing award mo.

"Bilib na bilib ako saiyo no'ng nakita kita kung paano sagutin at labanan si kuya." Panimula niya.

"Pero mas bumilib ako saiyo nung malaman ko kung gaano ka-matured 'yang mindset mo. I really admire you, Yaminah." Dagdag pa nito.

Na-touch naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inexpect na may nakaka-appreciate pala sa akin.

"Natatandaan ko no'ng una kitang makita. First day of class non. Unang kita ko palang saiyo, gusto na agad kitang maka-close. Napaka-gaan ng pakiramdam ko saiyo, Yaminah."

"Kaya ba ginulat mo ako dati at pilit na nilalapitan?"

"Parang ganon na nga BWAHAHAHA" Natawa naman ako dahil sa sagot nito.

It's been a month since umalis ang family ko papunta sa New York. Aminin ko man o hindi pero alam ko sa sarili ko na, miss na miss ko na sila. Kung wala siguro si Jess dito ay baka puro iyak parin ako hanggang ngayon pero t'wing kasama ko siya ay nakakalimutan ko panandalian ang pangungulila ko sa aking pamilya.

"Hindi tayo talo, Yaminah. Hotdog din ang gusto ko, baka iba na ang nasa utak mo." Natatawang sabi nito.

"Yuck, as if naman na magugustuhan kita. Kapatid na ang turing ko saiyo Jess, kaya importante kana sa buhay ko. By the way, thank you sa pag-appreciate sa akin."

"No problem. Basta ikaw, nanginginig pa." Sabi nito kaya napuno ng tawanan ang buong kwarto ko.

Tumagal pa ng ilang oras bago naisipan ni Jess na bumalik sa kwarto niya. Kumaway pa ito bago sabihin na, "Goodnight Yaminah!" Tinanguan ko lang ito bilang tugon.

Hihiga na sana ako ulit pero muling bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jess na nakangiti parin.

"Gusto ko lang sana sabihin na Rank 8 si Matrica sa Highest 10 kaya sigurado akong mahihirapan kang talunin siya pero gaya nga ng sabi mo, manalo o matalo, ayos lang iyon."

So, rank 8 pala si Matrica. Ano kayang hitsura at gaano kaya siya katalino? Bakit kaya kinakatakutan siya ni Jess?

Magaling ba talaga si Matrica?