𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗶𝗻𝗲:
It's been a week since lumipat ako sa bahay nina Uno. Maaaring hindi naging maganda ang unang araw ko roon pero masasabi kong naging maayos naman ang pananatili ko sa sumunod na araw.
Minsan-minsan ay nagkakainitan parin kami ni Uno dahil napakarami niyang rules sa bahay. As if naman na siya ang nagmamay-ari no'n. Ang sabi saakin ni tita ay feel at home lang daw ako roon pero bakit may pa-rules ang garapatang iyon?
"Kumusta ka naman?" Ang tanong ni Jess ng sandaling makahanap ako ng p'westo. Kakatapos lang ng morning class namin kaya nasa canteen kami ngayon para sa break time.
Para sa kaalaman niyo, magkaibigan na kami ni Jess ngayon dahil gusto niya raw na makilala ako ng lubusan at maka-close since magkasama na kami sa iisang bahay, "Ayos lang ako" simpleng sagot ko sa tanong nito.
"Ang bilis ng panahon no'? Halos dalawang buwan na rin pala ang lumipas simula nung nag simula ang klase." Napatingin ako ng kaunti rito dahil sa sinabi niya.
Hindi ko napansin ang oras at panahon, parang no'ng isang araw lang ay nakikipag-away pa ako sa kapatid nito pero ngayon magkasama na kami sa iisang bahay.
Tinanguan ko lang ito at pinag patuloy na ang pagkain ko. Kung tatanungin niyo ako tungkol doon sa apat, as usual, palagi pa rin silang galit saakin. Minsan nga ay nahuli ko silang pinapakielaman ang gamit ko at naglalagay ng kung ano-ano.
Dalawang buwan na ang lumipas pero immature pa rin sila. Kung may gamot lang sana ang ganon baka nabigyan ko na ang mga 'yan.
----
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon habang nakikinig kay Sir Al, na nagtuturo about math. Medyo hirap akong maka-catch up dahil wala akong maintindihan sa tinuturo nito. Magaling mag turo si Sir dahil kahit papa-ano ay may natututunan ako subalit may mga formula at term talaga na kahit anong aral ko, hindi ko parin maintindihan.
"Understand?" Tanong ni Sir sa aming lahat. Isang malakas na 'OPO' lang ang sagot namin. Dalawang oras nalang at matatapos narin ang klase ngayong araw kaya konting tiis nalang at makakapag-pahinga na ako.
"Very good. I didn't expect na magiging ganito kayo kabait. Buti nalang talaga at hindi ako nag padala sa pananakot ng mga ibang guro." Magiliw na sabi ng aming tagapag-turo.
Tumayo naman agad ang aming class clown na si Ferry at nagsalita, "Anong pananakot po sir?"
Tumikhim ng dalawang beses si Sir bago ito sagutin, "Sabi nila ay hindi raw kayo mababait at maaasahang estudyante pero look at y'all now. Ang babait niyo ng lahat at napaka-sipag pa."
Lahat kami ay kinilig dahil sa sinabi ni Sir, may ilan pang nagtata-talon dahil sa tuwa. Napatingin naman ako sa apat na ngayon ay nakangiti ng malaki, if I say lahat, pati si Uno ay kasama. Gwapo naman pala sila kapag nakakingiti eh.
Kahit naman na palagi akong galit sa mga garapatang 'yan ay hindi ko mapag-kakaila na may tinatago silang ka-gwapuhan.
Iniikot ko nalang ang mga mata ko ng mapansin ko ang pag-sulyap ni Uno sa p'westo ko. Maagap nalang akong nakinig kay sir habang nag kwe-kwento ito tungkol sa talambuhay niya. Puro tawanan lang ang maririnig mo sa loob ng silid-aralan dahil sa mga pahapyaw na biro ni sir.
"By the way, meron pa tayong one and a half hours bago matapos ang klase. Gusto ko lang i-announce na magkakaroon ng pageant sa darating na Nutrition Month." Saad ng aming guro.
Bumalot naman agad ang ingay sa buong classroom dahil sa pahabol na sabi ni Sir.
'For sure, si Reed na nanaman ang sasali'
'Sana sumali si Fafa Uno ko'
'Bet kong sumali si Milo dahil napaka-witty niyang tao'
'Gusto kong marinig si Aiden na sumagot sa Q&A ng event na iyan'
Mas lumakas ang hiyawan nang tumayo si Reed sa kinau-upuan niya at taas noong humarap sa'ming lahat.
"I think, hindi na natin kaylangan pang pumili ng sasali diyan dahil nandito na ako. I will assure na ako ang mananalo sa pageant na iyon." Proud na sabi nito. Nginitian lang ito ni Sir na parang expected niya na ang pag sali nito.
Hindi na ako mag tataka kung manalo nga si Reed sa pageant dahil balita ko ay kaya siya nakapasok sa Highest 10 dahil sa pagsali nito sa pageantry.
"Yaminah, isa ka rin sa sasali roon." Agad naman akong napatayo dahil sa narinig ko, aangal pa sana ako kaso agad na dinugtungan ni Sir ang sinabi niya.
"Wala kang choice Yaminah, dahil ikaw lang ang babae sa section na ito."
Hindi na ako umangal pa dahil tama naman si Sir. Alang-alang naman na mag-panggap na babae ang mga kaklase kong lalake. Kahit naman na may ilang bakla dito sa klase namin ay hindi naman sila pwedeng isabak.
Tinignan ko si Reed na nakangisi ngayon habang nakatingin saakin. Anong problema nito?
Inilayo ko nalang ang tingin ko rito dahil nai-intimidate ako sa mga titig niya. Pinakinggan ko nalang ang mga habilin ni sir bago mag-uwian. Pina-alala pa nito ang assignment na dapat naming i-pass bukas, rinig ang malakas na pag atungal ng mga kaklase ko dahil doon. Mga tamad.
Nagdaan ang ilang minuto at natapos din sa wakas ang klase kaya sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko. Napatigil ako sa aking ginagawa ng mayroong isang kamay ang dumampi sa balikat ko. Tinignan ko kung sino ito at nakita ko si Reed na nakangiti.
"Anong problema mo? Kung balak mo akong awayin, huwag ngayon." Mahinang sabi ko bago ko ipagpatuloy ang paga-ayos sa aking gamit.
"Nilapitan lang kita, away agad ang nasa utak mo." Tinignan ko ulit ito at agad na tinaasan ng kilay. Every time na lalapitan niya ako ay puro away lang ang nangyayari sa'min kaya hindi niyo ako masisisi kung ayan ang unang papasok sa utak ko.
Tumikhim lang ito ulit para mabasag ang katahimikan bago dagdagan ang sinabi nito, "Gusto lang kitang i-good luck sa contest na sasalihan natin."
Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Kita ko pa ang pag-ngiti nito bago ako iwanan na nakatulala. Ano bang nangyayari sa mundo at nagkaganon iyon.
Agad kong hinabol ng tingin si Reed na kasalukuyang nasa bukana ng pintuan habang ka-usap ang tatlo pang garapata. Medyo nagulat pa ako ng biglang tumingin saakin si Uno, gamit ang nanlilisik nitong mata.
Ano nanaman ang ginawa ko at parang galit ulit siya saakin?
Nilakihan ko lang ito ng mata pero hindi ito natinag at mas tumalim ang tingin niya sa akin. Napansin ko rin ang pag kuyom ng kamao nito na parang galit na galit siya.
Parang ayos lang kami kanina tapos galit na nanaman siya ngayon. Napaka-bipolar talaga ng lalakeng 'yan. Ang hirap intindihin.