𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗘𝗶𝗴𝗵𝘁:
Sinunod ko ang sinabi ng guard sa akin. Pumunta ako sa second floor. Nang nakapunta na ako roon ay bigla kong naisip kung anong direkyon ang dapat kong puntahan. Ang sabi lang sa akin ay nasa dulo raw ng second floor ang kwarto ko pero hindi niya sinabi kung saang banda? Sa Right o Left? Hayop na buhay ito, napakadaming problema.
Nag minie-minie-my-nimo nalang ako tapos kung saan ito titigil ay doon ako pupunta. Tumigil ang hintuturo ko sa right side kaya doon ako unang pumunta. Kung wala sa right side ang kwarto ko, ibig sabihin ay nasa left side iyon.
Halos madapa-dapa pa ako habang naglalakad sa pinaka-dulo nito. Hindi ko halos makuha kung paano ko magagawang lakarin ang mahabang daan na ito habang bitbit ang dalawang naglalakihang maleta. Bakit ba kasi ang bigat nito? Naglagay ba sila ng washing machine rito?
"May nakalagay na name sa tapat ng pinto non kaya hindi ka maliligaw."
Ayan ang sinabi ng guard sa akin bago niya ako iwan kanina. Napaka-galing naman talaga. Akala ko ba hindi ako maliligaw pero bakit nandito ako ngayon, nakaharap sa pinto ng kwarto na ito at ang masaklap pa ay walang nakalagay na name ko sa harap ng pintuan.
Narating ko na ang pinaka-dulong kwarto nitong right side at kung mamalasin ka nga naman ay hindi ito ang kwarto ko. Dapat pala nilinaw ko na roon sa guard kung ano bang direksyon ang dapat kung puntahan para hindi ako nagmumukhang tanga habang nakakatitig sa pintuan ng kwarto na ito.
Nabuhayan naman ka-agad ako ng dugo nang makarinig ako ng mahihinang boses galing sa loob ng kwartong ito. Puwede akong magpatulong sakanila na buhatin ang mga maleta ko papunta sa aking kwarto. Alam kong nakakahiya pero kakapalan ko na ang mukha ko.
Inayos ko na muna sandali ang aking hitsura para naman presentable ako kapag hihingi na ako ng tulong sakanila. Nang matapos ay ka-agad akong kumatok ng mahina sa pintuan.
Naghintay ako ng ilang minuto bago may sumagot mula sa loob, "Come in."
Muli kong tinignan ang aking hitsura sa screen ng cellphone ko. Nang makita kong ayos naman siya ay sinimulan ko ng pihitin at buksan ang pintuan.
Pagkapasok ko palang sa kwartong ito ay bumungad agad saakin ang kulay pink na pintura nito at mga butterfly na design. Mukhang babae ang natutulog dito.
"What the hell?! Why are you here?" Agad akong napatigil sa pango-obserba rito ng marinig ko ang boses na iyon. Hinanap ko kung saan ito nanggagaling at natagpuan ko ito mula sa lalakeng nakakunot ang noo at nanlilisik ang mata.
T-teka lang? Bakit nandito ang hayop na 'to?
"U-uno?" Utal na tawag ko rito. Nakita ko pa ang pag taas ng kilay nito at pag-igting ng panga niya.
"Sino ang nagpapasok sayo rito?!" Muli nitong sigaw.
"Kuya, stop. Huwag mong takutin si Yaminah." Sabi ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yung makulit na estudyante na pilit akong ginugulo. Siya rin ang dahilan kung bakit muntik na kaming mag away ni Uno dati.
D-dont tell me? Sila ang mga anak ng kaibigan ni mama na makakasama ko dito. Napakamalas ko talaga!
"Hello, it's been a while since nung last tayong nag meet and I just want to make an apology dahil hindi naging maganda ang huli nating pagkikita." Sabi nung babaeng makulit habang lumalapit sa akin. Nginitian ko lang ito bago ko tignan ang kuya nitong galit parin.
Pinaglihi ba sa sama ng loob ito? Bakit palaging galit?
"Ayos lang 'yon." Simpleng tugon ko. Magsasalita pa sana ako kaso natigilan ako ng biglang tumayo si Uno at hinarap ako.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nandito?" Matapang na sabi nito. Medyo na intimidate ako dahil doon pero hindi ko nalang pinakita iyon bagkus ay tinaasan ko pa ito ng kilay.
"Well, sabi ni mama ay dito muna raw ako titira hanggang wala pa sila." Deretsong sabi ko na mas nag pausok sa ilong nito.
"W-H-A-T!!" Hindi makapaniwalang sagot niya.
"Uhmmm, kuya I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo ito pero kinausap ako ni mom kagabi and sinabi niya saakin na, dito muna titira ang anak ng friend niya." Pagtatanggol sa akin nung babaeng makulit.
Nginitian naman ako nung babae, na sinuklian ko din ng ngiti. Hinawakan nito ang kamay ko sabay sabing,
"Hi, I'm Jess Lidford. Pasensya nga pala kung kinukulit kita palagi sa school."
"Ayos lang iyon, pasensya nadin kung nasusungitan kita. Hindi lang talaga ako sanay kumausap ng mga hindi ko masyadong kilala." Tinanguan lang ako nito.
Matapos naming mag chikahan about life ay napadako naman ang tingin ko kay Uno na hanggang ngayon ay nakataas parin ang kilay at parang gusto ng manapak.
"Who told you na pwede kang mag stay dito? Lumayas ka sa pamamahay na 'to dahil ayaw kong makasama ang katulad mo." Naiinis pa na sabi niya.
Pipigilan pa sana siya ni Jess pero agad ko itong hinawakan para sabihing, "Ako na bahala rito."
"First of all, si Tita ang nagsabi na pwede akong tumira dito kaya kahit ano man ang maging opinyon mo about sa pag stay ko dito ay wala akong pake."
"Hindi kaba nahihiya na nakikisampid ka sa pamamahay namin?" Matalim na sabi nito.
Kitang-kita ko ang paglabas ng litid nito sa leeg at pulang pula narin ang kanyang mukha. Bakit ba sobrang init ng dugo nito saakin?
"Okay. If ayaw mo ako dito, edi huwag! As if naman na gusto kitang kasama." Mataray na sabi ko rito bago kuhanin ulit ang mga bagahe ko at nagsimulang lumabas.
"Teka lang!" Sigaw ni Jess.
Hahabulin niya pa sana ako kaso agad siyang pinigilan ni Uno. "Hayaan mo na 'yan."
Ang yabang niya talaga! Anong akala niya, gusto ko siyang kasama? Kung may ibang choice lang sana ako, hindi talaga ako titira sa bahay na ito.
---
Hinihingal na ako dahil sa sobrang layo ng nilakad ko, paalis sa bahay ng demonyitong lalake na iyon. Saan na ako titira nito? Baka umuwi muna ako siguro sa bahay. Tutal bukas panaman ang alis nila kuya, papunta sa New York.
Kinapkap ko ang aking bulsa para kuhanin ang wallet ko subalit kahit anong kapkap ang gawin ko ay hindi ko ito mahalagilap. Nasaan na ba iyon? Paano ako nito sasakay sa taxi kung wala akong pambayad?
Muli ko itong tinignan sa aking bulsa pero bigo parin akong makita ito. Sinubukan ko naring tignan ang bag ko subalit wala rin ito doon. Napakamalas ko ngayon!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para magpasundo nalang sa kuya ko subalit lowbatt ito. Napairap nalang ako dahil sa sobrang inis.
May two choice nalang ako ngayon
Maglalakad ako pauwi o babalik sa bahay ng demonyitong iyon.
Pero dahil mataas ang pride ko, mas pinili ko ang unang choice na maglakad nalang. Hinding hindi na ako babalik sa bahay na iyon! Kung ayaw niya sa akin, edi huwag. Sino ba siya para pag-tuunan ko ng pansin?
Sinimulan ko ng lakarin ang mahabang daan paalis sa bahay ng demonyito slash garapatang lalaki na iyon. Masakit ang paa ko pero hindi ko na ito ininda dahil ang importante ngayon saakin ay maka-uwi at maka-alis dito.
Napatingala ako dahil sa mga patak ng tubig mula sa kalangitan. Madilim ang mga ulap at ang hangin ay unti-unti naring lumalakas.
Umuulan na pero halos hindi ko pa nakaka-halati ang daan pa-uwi. Basang-basa na ako at sigurado ako na maging ang nga gamit ko sa maleta ay basa na rin.
Pero habang sinusuong ko ang ulan ay bigla akong nagtaka dahil hindi ko na nararamdaman ang tubig na dumadampi sa balat ko. Hindi pa naman tumitila ang ulan at dinig na dinig ko parin ang pagaspas ng tubig mula sa ulap pero bakit hindi na ako nababasa?
Agad akong tumingala para kumpirmahin ito at tama nga ang hinala ko na hindi pa tumitigil ang ulan bagkus ay may isang lalake ang nakatayo sa likuran ko habang may hawak itong payong.
Agad akong napangiti ng malaman ko ito pero sa kung anong bilis ng pag ngiti ko ay siya ring bilis ng pag-kawala nito dahil ang lalakeng nag magandang loob na payungan ako ay walang iba kundi si UNO.
"Huwag mo akong tignan ng ganyan. Magpasalamat ka dahil sinundo pa kita dito at pinayungan." Mataray na sabi nito.
"Edi thank you pero hindi mo na kaylangang gawin 'yan dahil kung tutuusin, ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito sa gitna ng ulan at naglalakad." Sagot ko rito. Imbes na makonsensya ay mas napangisi pa ang gago. Aba't sumosobra na ito ah!
"Ano bang malay ko na maglalakad ka? Tinawagan ako kanina ng mama mo at ang sabi niya ay naiwan mo raw 'yung wallet mo. Ipapadala niya nalang daw bukas iyon." Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa dahil sa inaasta nito na parang wala lang lahat ng ito sakanya.
Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa bago dugtungan ang sinabi nito, "Kung alam ko lang sana na uunahin mo iyang pride mo kesa bumalik sa bahay. Edi sana pinigilan kita."
"So, kasalanan ko pa? Sa tingin mo babalik ako roon kung alam ko na mainit ang dugo mo saakin!" Galit na sabi ko. Hindi ko na ring napigilan na umiyak dahil nakakasama lang ng loob na parang ako pa ang sinisisi nito.
"Yeah, I know. Ako ang mali at dapat hindi ko ginawa iyon kaya humihingi ako ng sorry about doon. Sumama kana sa akin para makapag pahinga ka na sa bahay." Kahit na malamig ang pagkakasabi niya ay nakitaan ko naman ito ng sinseridad.
"Alam ko ang iniisip mo, yes totoong mainit ang dugo ko saiyo dahil super panget ng first meet natin pero hindi ako ganong kasama para iwanan ka at hayaan na umuwing mag-isa. Masyadong delikado ngayon." Dagdag na sabi nito. Hindi ko alam pero agad akong napangiti dahil doon sa sinabi niya. May puso ka rin pala.
"Hayaan mo na 'yon. I understand." Napangiti naman ito sa sagot ko na siyang mas nagpangiti lalo sa akin. First time ko lang siyang nakita na ngumiti. Totoo ba ito?
"N-ngumiti ka!" Gulat na sabi ko rito. Agad namang nawala ang ngiti niya ng marinig nito ang sinabi ko.
"Bahala ka nga diyan!" Sigaw nito sa akin bago bitbitin ang dalawang maletang dala ko. Iniwan niya ang payong saakin kaya siya naman ngayon ang nababasa.
Pumasok agad ako sa sasakyan ng makita ko itong pumasok na. Inabutan din ako nito ng t'walya para pamunas sa mabasa kong katawan.
Hindi ko mapigilang mapatingin dito dahil hanggang ngayon ay, hindi ako makapaniwala na nakita ko ang pag ngiti nito. Shet! Mukhang delikado na itong nararamdam ko!