Chereads / The Love Wars / Chapter 8 - Independent

Chapter 8 - Independent

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗦𝗲𝘃𝗲𝗻:

Ito na ang araw na kaylangan ko ng umalis para pumunta sa bahay ng kumare ni mama. Kahapon lang nila sinabi ito at ngayon na agad ang alis ko. Ang bilis diba? Well, kahit ako ay gulat. Sa lunes na kasi ang alis nila at linggo na ngayon. Ayaw daw kase nilang makita ko sila habang umaalis baka raw sumama pa ako.

"Anak, mag iingat ka doon ah. Palagi mong i-ingatan ang sarili mo, kumain ka ng tama tapos kapag may nanga-away saiyo doon. Isumbong mo saakin, papakitaan ko sila ng mala Jackie Chan kong moves." Saad ni papa na ikinatuwa ko lang.

Itinaas ni papa ang mga braso niya at inambahan ako ng isang mahigpit ng yakap. Nakita ko naman si mama na nasa harap ng pinto habang humihikbi ng mahina. Katulad ng kay papa ay yinakap ko rin ito. Mas lumakas ang iyak niya ng magsimula na itong maghabilin saakin.

"Ano kaba mama? Magiging ayos lang ako doon." Saad ko rito.

"Anak, I swear kung may other option lang hindi kanamin iiwan dito. Kung alam mo lang kung gaa--" Tinakpan ko na lang ang bibig nito dahil nagsisimula na naman itong mag-react ng super OA.

"Ayos lang ako mama. Huwag ka ng mag-alala." Nakangiting saad ko rito.

Sinimulan ko ng maglakad palabas sa kwarto dala ang maleta na naglalaman ng mga damit at ilang gamit ko. Sumunod naman agad si papa saakin ng sandaling makalabas na ako.

"Alis na tayo papa. Malayo-layo pa ang biyahe baka gabihin tayo." Sabi ko dito na agad naman niyang sinang-ayunan.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko muli sina mama at kuya na nakasilip sa labas ng pintuan. Nakita ko ang patuloy na pag iyak nila kaya nginitian ko lang ang mga ito para sabihin na, ayos lang ang lahat.

Tampo? Well, nagtatampo ako sakanila kase hindi nila ako sinama pero matagal ng naplano ito. I think, 7 months ago pa 'yung plano na pag alis ni kuya pero 'yung hindi ko in-expect ay pagsama ng mga magulang ko. Sana sinabi nila agad saakin ng maaga para mas ayos sa pakiramdam.

Naiintindihan ko ang pag-alis nila dahil para kay kuya iyon. Masyado kasing nalunod si kuya Caleb sa pagmamahal nito kay ate Joan kaya siya nasaktan ng sobra. Humantong pa ito sa muntik na pagpapakamatay ni kuya dahil sa sobrang depression at stress. Isa iyan sa dahilan kung bakit gustong samahan nina mama si kuya. Ayaw nilang mangyari ulit iyon.

"Yaminah, gising na. We're already here." Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang haba ng biyahe namin. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko bago tignan ang isang malaking bahay. I think, ito na 'yung bahay ng kumare/kaibigan ni mama.

Bumaba na ako sa sasakyan namin habang bitbit naman ni papa 'yung mga bagahe ko.

"Paano ba iyan, iiwan na kita. Mag iingat ka dito and lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." huling sabi ni papa bago bitawan ang bagahe ko sa harap ng malaking gate na nasa tapat namin.

Yinakap pa ako ni papa at hinalikan sa buhok bago niya tuluyang paandarin ang sasakyan at umalis.

Well, this is it! Mag isa nalang ako. All this time, nakadepende lang ako palagi sa pamilya ko at ito na ang oras para maging depende naman ako sa sarili ko.

Naghanap ako ng doorbell or kahit anong monitor para ipaalam na nandito na ako pero bigo akong makahanap ng kahit isa. Napansin ko ang isang cctv camera na nakatutok saakin. Lumapit ako dito at sumigaw ng, "Nandito na ako! Ako 'yung anak ni Shiela Huxley!"

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang malaking gate at iniluwa nito ang isang lalakeng nakasuot ng tuxedo at may baril sa gilid.

"Good Morning, madam. You're Ms. Yaminah Huxley, right?" Sambit nito nang sandaling makalapit na ito saakin. Simpleng tango lang ang sinagot ko.

"Ms. Lidford command me to welcome you here. So, Welcome to Lidford Mansion." Masayang sabi nito habang nakatingin sakin. Kahit na nakangiti ito ay mapapansin mo padin ang authority na bumabalot sa awra niya.

Itinaas nito ang kamay niya at winagayway. Agad namang lumapit ang ibang guard at sinimulang bitbitin ang mga gamit ko. I think, senyas ang ibig sabihin ng pagkaway nito.

Nagsimula na itong maglakad papasok kaya sumunod nalang din ako. Kinakabahan ako ngayon dahil para akong isang preso na may nagawang mabigat na kasalanan. Ang dami kasing bodyguard ang nakapalibot saakin. Mukha ba akong may gagawing masama?

Kahit mayaman kami ay never kaming nagkaroon ng sobrang daming guard and 'yung bahay na ito ay triple sa lake ng bahay namin.

Ganito ba talaga kayaman ang kaibigan ni mama?

Medyo sumakit ang paa ko dahil ang haba ng nilakad namin bago makapunta sa main house. Medyo haggard na ako pero keri lang.

"Ms. Huxley, we're already here and ito ang mga bagahe niyo." Wika nito bago iabot saakin ang dalawang maleta ko.

"Thank you pala sa pagtulong saakin." Tugon ko dito

"No problem. It's my job to accompany you. By the way, nasa second floor ang kwarto mo. May nakalagay na name sa tapat ng pinto non kaya hindi ka maliligaw. Have a nice day, Ms. Huxley." huling sabi nito bago ako iwan.

Wala ng atrasan 'to. Mag isa nalang ako at kaylangan ko ng tumayo sa sarili kong mga paa gaya ng sabi ni mama. New house, new people, new environment and new lifestyle.

Sigurado na marami akong babaguhin sa kinasanayan ko dahil hindi na katulad ng dati ang uuwian at makakasama ko. Mangangapa pero lalaban parin. Walang susuko. Fight!