𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗦𝗶𝘅:
Alas otso na ng umaga pero nakahiga parin ako. Masakit ang aking likod dahil late na ako naka-uwi kagabi. Nagkaroon kasi ng maliit na salo-salo sa bahay nina sir para raw sa pagka-panalo namin sa contest.
Nagsimula na akong bumangon at mag-ayos ng sarili. Sabado ngayon at wala kaming pasok kaya hindi ko kaylangan mag madali. Nang matapos na akong mag-ayos ay agad akong bumaba para makasabay sa hapag-kainan.
"Good Morning." Bati ko sakanila ng sandaling makapunta na ako sa dining area. Kasalukuyan na silang kumakain, kaya agad na akong sumabay.
"Kumusta ang pag-aaral mo Yaminah? Walang bang nag bubully saiyo roon?" tanong ni mama sakin.
"Ayos lang po ako doon ma." simpleng sagot ko.
Napansin ko ang pagiging balisa nilang tatlo, na animo'y may gusto silang sabihin ngunit hindi nila magawa.
Mukhang hindi na napigilan ni mama ang sarili nito kaya muli niyang binasag ang katahimikan. "May gusto sana kaming sabihin saiyo anak."
Napatingin naman ako rito at tinignan ng seryoso habang naghihintay sa sasabihin niya.
"Anak, sasama kami sa kuya Caleb mo paalis ng bansa."
Agad kong nabitawan ang kutsara't tinidor na hawak ko dahil sa narinig ko. Nanlaki din ang mga mata ko at nagsimula akong magtaka. "B-bakit biglaan naman ata 'yan mama?"
"Yaminah, alam mo naman na kaylangan ng kuya mo ang suporta namin ngayon. Huwag kang maging selfish. All this time, nandito kami para saiyo. Siguro ito naman ang time para tutukan namin ang kapatid mo." Matigas na sagot nito.
"Nagtatanong lang, galit ka naman agad." Nakangiwing sabi ko.
"Ay ganon ba. Sorry naman heheheh." Akward na wika nito.
Kaya ang hirap kausap ni mama eh. Masyadong OA kapag sumasagot. Nakaka-istress. "What if, mag stop muna ako sa pag-aaral para makasama ako sainyo." Suhestiyon ko.
"No. Hindi ka titigil sa paga-aral. Hindi nalang ako tutuloy sa New York. Ayaw ko rin naman na maiwan kang mag isa." pagpigil ni kuya sa'kin.
"Caleb, no! Huwag muna aalahanin si Yaminah dahil doon muna siya sa kaibigan ko titira. Matanda na 'yan. Doon na muna siya sa bahay ng kumare ko para hindi siya mag-isa rito." Matigas na sabi ni mama.
"Mama nakakahiya." Mariin na pag tutol ko rito. Hindi na baleng maiwan ako rito kaysa naman sa tumira ako sa bahay ng hindi ko kakilala.
"Don't worry Yaminah, anak niya lang ang nakatira roon dahil nasa state silang mag asawa. Beside, mag kaedad lang naman kayo ng mga anak niya kaya hindi ka mahihirapan makisama doon." sagot ni mama.
Hindi nakatulong ang mga sinabi ni mama para pakalmahin ako. Kahit naman na hindi ako tumutol ay alam ko sa sarili kong, hindi ako payag sa pag-alis nila. Gusto ko mang sumama o pigilan sila sa pag-alis, alam kong wala na akong magagawa dahil kapag sinabi nila, wala ka ng magagawa pa. Kagaya lang ng ginawa nila no'ng pinalipat nila ako ng school. Kahit ayaw kong lumipat ay wala akong nagawa. Hays.
"Anak, alam kong mahirap ito para saiyo pero this is the best way para matapos na ito. Kaylangan kami ng kuya mo at ito narin ang magandang oras para matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa." Mahinahon na sabi ni papa.
Marami pa silang sinabi saakin pero halos wala na akong maintindihan dahil hanggang ngayon ay nagtatampo parin ako. Dapat hindi nalang nila ako isinama sa Manila kung iiwan din pala nila ako.
Punong-puno ng tensyon ang salo-salo namin dahil sa usapan kanina. Hanggang sa matapos ay walang nagtangkang magsalita pa. Agad kong iniligpit ang pinag kainan ko ng sandaling matapos ako.
Lutang akong pumasok sa aking kwarto at hinayaan lang na bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama.
Buong buhay ko ay naka-depende lang ako sa magulang at kuya ko. Nasanay ako na palagi silang nandiyan kapag kaylangan ko sila. Kung aalis sila at iiwan ako, hindi ko alam kung magiging maayos ba ang takbo ng buhay ko. Kaya kong mag-survive kahit wala sila pero alam kong mahihirapan ako.
Papa's right, ito na siguro ang oras para matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa, to be independent.
Ipipikit ko na sana muna ang aking mga mata para umidlip ng kaunti pero naantala ito dahil sa tunog ng pinto. May pumasok.
"Bunso?" Sigurado akong si kuya ang nagbukas ng pinto at nagsalita. Alam na alam ko kase ang boses niya.
Umupo ako sa higaan at hinarap ito na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Nginitian ko lang siya pero alam kong peke lang iyon. Dramatic ka ghourl?
"Bunso, alam kong malungkot ka ngayon dahil maiiwan kang mag-isa dito pero sinisigurado ko na palagi tayong mag-uusap through video call and lagi kitang kakamustahin." Wika nito.
"Ayos lang iyon. Alam ko naman ang dahilan kung bakit ka aalis kaya huwag ka ng mag-alala. Baka nakakalimutan mong pretty at strong ang kapatid mo." Magiliw kong sabi rito. Nginitian niya lang ako kaya nginitian ko rin siya pabalik.
Kita ko sa mga mata ni kuya na malapit ng tumulo ang pinipigilan niyang luha. Hindi ko na ito hinintay na mag-salita pa at yinakap ko na siya agad. Rinig ko ang mahina niyang hikbi habang yakap-yakap ko siya. Hinayaan ko lang siyang ibuhos ang lahat ng lungkot niya sa balikat ko.
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na siya sa pag-iyak at nagawa na ako nitong harapin. Natawa pa ako ng makita ko itong sumisinghot-singhot. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin ng mapansin nito ang pagtawa ko pero mas natawa lang ako dahil doon.
"So, pinagtatawanan mo na ako ngayon?" Kunwareng tampo na sabi nito. Hindi ko siya sinagot bagkus ay mas lumakas pa ang tawa ko.
"Ganyanan pala. O sige, heto ang saiyo." Sabi niya bago ako kilitiin. Pinuntirya nito ang leeg ko dahil alam nitong malakas ang kiliti ko roon.
"K-kuya, tama na HAHAHAHAH." Hindi ko na napigilan ang paghalakhak ko. Malakas talaga ang kiliti ko sa beywang kaya dito niya ako palagi pinupuntirya.
Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ito nagsasawa. Tawa naman ako ng tawa dahil sa sensasyon na dala ng kiliti nito. Nang mapagod ito ay siya rin ang kusang bumitaw. Tumawa pa ito ulit kaya tumawa rin ako.
"Parang ayaw ko ng ma-inlove." Out of nowhere na sabi ko. Tinignan naman ako ni kuya at ngumiti siya ng malungkot.
"Bakit naman?"
"Dahil natatakot ako na maramdaman ang nararamdaman mo ngayon. Masyadong nakakatakot pala 'yan."
Hinarap naman niya ako at tinapik sa balikat. "Hindi naman nakakatakot ang ma-inlove eh." Wika ni kuya.
"Kung hindi naman pala siya nakakatakot, bakit ganyan ang resulta ng saiyo?"
"Bakit nga ba?" Hinawakan pa nito ang chin niya bago muling humarap saakin. "Nasaktan ako dahil nag-expect ako ng malaki. Sa bawat galaw, salita at achievement na nakakamit ko ay kasama palagi roon si Joan. Kahit hindi pa niya ako sinasagot ay nai-isip ko na ang future namin: kung ilan ang anak namin, kung anong klaseng kasal ang gagawin namin. Ultimo bahay at sasakyan ay naka-plano na." Tumigil ito sandali para huminga ng malalim bago magsalita muli.
"Ang akala ko, kami na talaga hanggang dulo pero mali ako. Masyado akong nabulag sa pagmamahal na nararamdaman ko kaya kahit alam kong wala naman talaga akong pag-asa sakanya ay pinilit ko parin ang gusto ko. Pilit ko kaseng pinanghahawakan ang pag-asang, puwede pang maging kami dahil wala pa siyang boyfriend. Kaso mali ako. Maling-mali." Tinignan ko siya at nakita ko ang pagtulo muli ng mga luha niya.
"Masyado kong ibinigay ang mayroon ako sakanya kaya naubos ako. Ubos na ubos. Hindi ko nga alam kung mayroon pa bang natitira saakin kahit kaunti lang. Pero alam mo kung ano ang na-realize ko sa one-sided na love story namin ni Joan?"
"Ano?" Tanong ko.
"Iyon ay huwag na huwag mong ibibigay ang lahat ng mayroon ka. Hindi masama ang magmahal hangga't may tinitira ka sa sarili mo. May dumadating para bigyan ka ng leksyon at hindi para mag-stay. Love can be dangerous sometimes but not everytime. Love yourself first before others." Nakangiting wika ni kuya Caleb.
"I'm still scared."
"Takot ka ngayon dahil hindi mo pa nararanasan ito pero ang tanging masasabi ko lang saiyo, sa oras na ma-inlove ka, makakalimutan mo ang takot na nararamdaman mo."
Ngumiti lang ako rito at yinakap siyang muli.
He's right. Maaaring hindi ko pa naiintindihan ang mga pinagsasabi ni kuya ngayon pero alam kong darating ang araw na mage-gets ko ito. Sana sa oras na dumating iyon ay handa na ako. Handa na akong magmahal.