Chereads / The Love Wars / Chapter 6 - Win Or Lost

Chapter 6 - Win Or Lost

Para hindi kayo malito sa kung ano bang section sina Yaminah. Sila ay section Providence.

---

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗶𝘃𝗲:

Ito na ang araw ng announcement para sa 'Most Cleanest Classroom'. Sa nakalipas na araw ay nagawa naming i-mentain ang kalinisan sa buong classroom and nakatanggap din kami ng samu't saring papuri sa mga judges nang chineck nila ito. Mayroon parin kaming nararamdaman na kaba dahil hindi basta basta magpapatalo ang mga kabilang section.

"Kahit ano man ang maging resulta, walang malulungkot ah. Ang importante ay ginawa natin ang best natin." Sabi ni sir na tinanguan lang namin.

Nandito kami ngayon sa gymnasium at dito gaganapin ang announcement ng mga panalo. Sobrang daming estudyante ang nakapalibot ngayon sa isang maliit na entablado; doon nakatayo ang Emcee namin.

"Hawak ko na ang resulta." Magiliw na sabi ng Emcee habang iwinawagayway ang isang papel na sa tingin ko ay naglalaman ng mga section na nanalo.

Nag-umpisa na itong magsalita at inanunsiyo ang mga nagwagi. Purong sigawan lang ang tanging maririnig mo sa loob ng gymnasium. Nagsimula itong mag-announce sa Grade 7 at kitang-kita ko ang palakpakan at sigawan nila. Hindi rin mawawala ang mga atungal sa oras na hindi matawag ang section nila.

Makalipas ang ilang oras ay dumako ang tingin ng Emcee sa amin, Grade 10 students. Kakatapos lang nito sa ika-siyam na baitang kaya kami na ang susunod.

Dumadagundong ng sobrang lakas ang puso ko dahil sa kaba, excitement at takot. Ito na iyon. Ito na ang oras na kung saan ay malalaman na namin kung sino ba ang nagwagi.

"Ang nakakuha ng pangatlong puwesto para sa 'Most Cleanest Classroom' with an average score of 93% is..... PEACE."

Palakpakan at sigawan ang agad na pumalibot dito. Sobrang saya ng mga estudyante ng section na iyon dahil sa announcement na pasok sila sa top 3.

"Ang nakakuha naman ng pangalawang puwesto with an average score of 96% is...Prosperity."

Kagaya kanina ay sumigaw din ng sobrang lakas ang mga estudyante nito. Ang ilan pa sakanila ay tumatalon-talon dahil sa galak. Deserve naman nila iyon dahil nakita ko 'yung classroom nila at ang tanging masasabi ko lang ay aesthetic. Super daming butterfly na nakalagay sa classroom nila. Ang pretty talaga non like me.

Isang section nalang ang tatawagin para tumanggap ng unang premyo o first place. Anim pa kaming hindi natatawag at isa nalang ang tatawagin. Nakakaramdam ako ng kaba ngayon, hindi dahil sa ayaw kong matalo, kundi dahil sa ayaw kong mapunta lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan namin.

(Ps. Gusto ko lang ulitin na ang pangalan ng section nina Yaminah ay Providence.)

"Masyado kang nerbyosa kaya puma-panget ka eh." Napatingin naman agad ako kay Uno ng marinig ko ang iritableng boses nito. Ang lakas mang-insulto, akala mo naman perfect. Kapag talaga nagkaroon ako ng pagkakataon ay kukurutin ko ang singit nito.

"As if naman na gwapo ka." Masungit kong sabi rito.

Nginisian lang ako nito bago magsalita. "Baka nga may crush ka saakin ng palihim eh."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Kadiri ka masyado." Huling sabi ko bago siya talikuran at mag-focus sa harap.

Nabawasan naman ng kaunti ang kabang nararamdaman ko dahil sa ginawa ni Uno. Kahit naman na may lait at kahambugan ang sinabi niya ay nakatulong ito ng malaki para bumaba ng kaunti ang kaba ko. Thanks to him.

"Ang nanguna at nagwagi sa 'Most Cleanest Classroom' ng Grade 10. With an average score of 99% is..."

Agad akong napasinghap ng unti-unti ng ina-announce ang nagwagi. Napatingin ako sa mga kaklase ko at alam kong maging sila ay kinakabahan din. Ang ilan sakanila ay nakapikit pa at ang iba naman ay nagdadasal na. Wala na akong nagawa kundi dumuko rin at magdasal ng taimtim: na sana'y hindi mapunta sa wala lang ang pinaghirapan namin. Na sana'y manalo kami rito para naman hindi masayang ang mga araw at oras na ginugol namin sa pag-aayos ng classroom namin.

"--congratulations to..... PROTECT."

Nagdiwang naman ang lahat ng estudyante ng section na iyon. Habang kami naman ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Kitang-kita mo sa mukha ng bawat isa saamin ang dissapointment dahil hindi kami nakapasok sa top 3. Hindi namin nagawa ang akala namin ay magagawa namin. Masyado kaming nag-expect na may pag-asa kami but it turns out na mali kami. We expect to much.

"You're so dramatic. Wala namang problema kung natalo tayo eh. Ang importante ay ginawa natin ang best natin para lumaban. Mas maganda na 'yung natalo tayo at lumaban kaysa naman sa natalo tayo tapos hindi pa tayo lumaban. Parte ng buhay ang pagka-talo at pagka-panalo kaya wala ka dapat na ikabahala." Sabi ni Uno saakin habang tinatapik ang balikat ko.

Lumapit naman saakin si Reed at tinapik din ang balikat ko. "Ano kaba naman. Wala naman kaming problema kung matalo tayo eh. Diba classmate?"

Nagsi-tanguan naman ang lahat at sabay-sabay silang sumigaw ng 'OO'. I felt relief and comfortable at the same time. Hindi ko in-expect na kung sino pa ang pinaka-ayaw at kinai-inisan ko sa lahat ay siya pang mag cocomfort saakin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap nalang ako sakanila. Yinakap din nila ako pabalik. Tawagin niyo na akong baliw dahil umiiyak ako habang tumatawa. Hindi ko rin alam eh. Halo-halo na ang nararamdaman ko.

"At Providence, congratulations we have a tie."

Nagulat naman kaming lahat sa pahabol na wika ng Emcee. T-teka lang. Totoo ba iyon? "Nanalo tayo?" Confused na tanong ko.

"Oo panalo tayo. Tie ang score natin sa section Protect." Nakangiting wika ni Sir.

Nanalo kami. Shit, nanalo kami! "Nanalo tayo!" Sigaw ko. Nakita ko naman ang pagsigaw ng mga kaklase ko at nagtalunan pa ang iba.

Nagform kami ng bilog at nag group hug. Sumali na rin si Sir at nakiyakap din. Hindi ako makapaniwala na nanalo kami. Ang lahat ng pinaghirapan namin ay worth it.

"Nerbyosa kasi eh." Pang-aasar na wika ni Aiden nang matapos ang yakapan . Tinawanan ko lang ito at hinampas ng mahina. Nakita ko ang pagtawa rin nito at kasabay nito ang pagtawa din ng lahat.

Pero na-realize ko na hindi ang pagka-panalo namin ang totoong award na natanggap namin ngayon dahil ang totoong premyo dito ay 'yung nagka-isa kami at nagtulungan para magawa namin ang bagay na 'to. Temporary lang ang award at agad na nawawala at nakakalimutan pero 'yung memory namin habang ginagawa ito; ayan ang never mawawala.