๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฟ:
Magiliw akong naglalakad sa kahabahan ng hallway papunta sa classroom. Curious kasi ako sa mga reaction ng kaklase ko. Sigurado akong gulat na gulat sila ngayon dahil sobrang linis at ganda ng classroom namin.
Thursday na ngayon at meron nalang kaming limang araw bago ang contest. Kapag talaga nanalo kami roon ay hahampasin ko ang lahat ng mga kaklase kong makiki-celebrate.
Subalit taliwas sa ina-akala ko ang aking nadatnan sa loob ng silid-aralan. Walang nagulat gaya ng akala ko. Kitang-kita ko kung paano nila babuyin at sirain ang mga dekorasyon sa loob; Ang malinis na blackboard ay punong-puno na ng chalk. Ang makintab na sahig ay nag tila disyerto dahil puno ito ng buhangin at bakas ng paa. Ang naka-ayos at naka-arrange na mga upuan at lamesa ay wala na sa ayos ngayon.
Hindi ako makapaniwala sa ina-asal ng mga kaklase ko ngayon. Paano nila nagawang sirain at guluhin ang mga pinaghirapan namin ni Sir? Wala ba silang mga utak? O sadyang kulang lang sila sa aruga kaya ganyan sila.
Hinanap ng mga mata ko si Sir at natagpuan ko ito sa may harapan habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Lalapitan ko na sana ito para mag-reklamo subalit napa-tigil kaagad ako dahil nakita ko kung paano punasan ni sir ang tubig na tumutulo sa pisnge niya. Umiiyak si sir.
"Tumigil na kayo." Mahina pero maotoridad kong sabi. Sandali lang nila akong tinignan pero agad din silang bumalik sa mga kanya-kanya nilang ginagawa.
"SABING TUMIGIL NA KAYO!!" Galit na galit na sigaw ko. Nakita ko ang pagkagulat nilang lahat dahil sa aking ginawa. Ang kaninang maingay na classroom ay tahimik na ngayon. Lahat sila ay nakatingin saakin at naga-abang sa sasabihin ko.
"Hindi ba kayo nahihiya sa sarili niyo? Kahit minsan ba naisip niyo na magtino o kahit minsan ba nakaramdam kayo ng konsensya? Hindi ba kayo naaawa sa mga magulang niyo na pinag-aaral kayo pero puro katarantaduhan lang ang ginagawa niyo? Inabot kami ng gabi ni Sir kakalinis at kaka-decorate rito. Pero bakit hindi niyo na-appreciate iyon? Ginagawa namin ito hindi lang para saamin kundi para saating lahat! Gusto naming patunayan sa lahat na kahit last section tayo ay may ibubuga tayo, na malakas tayo, na hindi tayo basura gaya ng sabi ng iba! Kung wala kayong pakielam sa mundo puwes huwag niyo kaming itulad sainyo!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko dahil sa inis. Nakita ko rin ang pagduko nilang lahat dahil sa kahihiyan.
"Pwede bang lumabas muna kayong lahat. Aayusin lang namin ang mga sinira niyo. Nakakahiya naman kase sainyo baka sabihin ng mga magulang niyo na pinababayaan kayo rito." Mahina kong sabi pero sapat na iyon para marinig nila.
Sinunod naman nila ako at lumabas agad sila pero yung apat na garapata ay nanatiling naka-upo at parang walang balak na tumayo at lumabas. Lumapit ako sa kanila at tinignan ko sila ng diretso sa mata. Hindi ko na rin tinakpan ang mukha ko na punong-puno na ng luha ngayon.
"Nakikiusap ako sainyo. Puwede bang kahit ngayon lang ay sundin niyo ako."
"Labas na nga tayo. Baka sabihin pa nila na pina-iyak natin 'yan." Maarteng sabi ni Uno bago lumabas. Sinundan naman siya ng tatlo.
"Hindi mo na dapat ginawa iyon. Dapat hinayaan mo nalang sila." Sabi ni Sir ng maka-alis na ang lahat sa loob ng classroom.
"No. Never magiging ayos 'yon. Pinalagpas ko iyong kahapon na hindi nila pagtulong pero, yung sirain nila ang pinaghirapan natin sir? Iyan nag hindi ayos!" matigas kong sabi dito. Napabuntong hininga nalang siya at nagsimulang magpulot ng mga kalat na nasa sahig. Sinimulan ko naring mag pulot ng kalat at itapon ang mga decoration na sira-sira ngayon. Itinago ko naman ang mga pang design na pwede pang irecycle.
Malapit na kaming matapos ni sir sa pag-aayos ulit dito nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na sigaw sa buong classroom, "MR. AL! WHAT THE HELL IS GOING ON HERE?!"
"P-principal" takot na takot na wika ni Sir ng tumama ang mata nito sa mata ng isang matandang lalake. Kung hindi ako nag kakamali ay siya ang principal dito. Well, kay sir na mismo nanggaling.
"Bakit nasa labas ang mga students mo, Sir Al?" matigas na tanong nito.
"I'm sorry Principal, kasalukuyan po kasi kaming naglilinis sa loob ng classroom kaya nasa labas sila."
"Still, it's wrong dahil hindi allowed ang mga estudyante na lumabas sa oras ng klase beside pwede naman kayong maglinis after class."
"Uhmm, excuse me po Mr. Principal pero wala pong kasalanan si Sir. Al dito. Ako po ang nagpalabas sakanilang lahat and if meron man pong nalabag na rules dito, I will take the responsibility." Mahinahon kong sabi rito. Napatingin naman agad ito saakin at animo'y inoobserbahan kung totoo ba talaga ang sinasabi ko o hindi.
"You're transferee here, right?" Tinanguan ko lang ito bilang sagot. "Bago kapalang sa school pero may bad behavior ka agad na ipinapakita dito. Sumama ka sa office ko para matanggap mo ang punishment mo sa paglabag sa rules."
Lumabas na si Principal kaya agad ko itong sinundan, bago ako tuluyang makalabas sa aming silid-aralan ay nakita ko pa si Sir na nag-aalala ng sobra.
---
Nasa loob ako ngayon ng office ni Mr. Principal at kasalukuyan ako nitong pinapagalitan. "Sino ka para utusan ang mga kaklase mo? Alam mo bang labag sa rules ng eskwelahan ang ginawa mo."
"Sorrโ" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil habang nasa kalagitnaan kami ng diskusyon, biglang bumukas ang pintuan ng office at iniluwa nito ang lahat ng mga kaklase ko. When I say lahat, kasama pati 'yung apat.
"What are y'all doing here?" Agad na tanong ni principal.
"Para po ipagtanggol si Yaminah. Wala po siyang nilabag na rules dahil kami po ang kusang lumabas. Pinag takpan lang po kami ni Sir Al at ni Yaminah para hindi kami mapahamak." Agad na depensa saakin ng isa sa mga kaklase ko. Mukhang hindi naman kumbinsido si Mr. Principal sa mga sinasabi nila.
"Oh, c'mon. Stop talking nonseโ"
Hindi na natapos ng principal ang sasabihin nito ng biglang lumuhod ang isa sa mga kaklase ko. Sinundan naman siya ng iba, hanggang sa ang lahat ay nakaluhod na sa harapan namin. Ang mas nakakagulat pa rito, maging ang apat na garapata ay lumuhod din. Katapusan naba ng mundo?
"Ano bang ginagawa niyong mga bata kayo?! Tumayo na kayo diyan at baka magkasakit pa kayo, malamig ang sahig. O sige, pinapatawad ko na kayo. But, next time ayaw ko ng mauulit pa iyon." Aligagang sabi ni principal habang pilit na pinapatayo ang lahat.
"Kaya kanamin lab lab eh, Mr. Principal." Masayang sabi ng isa sa mga kaklase ko, si Josh. Nanlaki naman ang mata ni principal ng bigla itong yakapin ni Josh at sundan siya ng iba. Group hug.
Lumabas kaming lahat sa office ng masaya dahil nag ka-free food kami. Pinakain kami ni Mr. Principal dahil sakto daw hindi pa siya naga-almusal. Naikwento din niya saakin na first time daw mangyari na humingi ng sorry ang mga estudyante sa last section.
"Uyy, salamat sainyo ah. Kung hindi sainyo baka nag ka record na ako dito."
"Dapat nga kami ang mag pa-thank you eh. Dahil saiyo na-realize namin na sobrang importante ng pag aaral at hindi ibig sabihin na nasa last section ka ay pwede ka ng maliitin ng iba." Nakangiting sabi ng isa sa mga kaklase ko. Nahagip ng mata ko 'yung apat na nakatingin din sa akin at wari'y kinikilatis ako ng mabuti. Nang mapansin nila na nakatingin ako sakanila ay agad silang nag-iwas ng tingin. Well, thankful din ako sakanila dahil unexpected ang pagluhod nila.
Gulat na gulat si Sir ng pumasok kami ng masaya. Kinuwento namin sakanya ang lahat ng nangyari si principal office at maging siya ay hindi makapaniwala sa ginawa ng mga kaklase ko.
Nagtulong tulong kaming lahat na ayusin at i-decorate ulit ang buong classroom. Nakangiti ako ngayon habang pinagmamasadan ang masasaya nilang mukha habang naglilinis.
Mukhang magiging masaya ang pananatili ko rito sa last section.