𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗿𝗲𝗲:
Halos malaglag ang panga ko sa gulat ng makita ko na ang buong classroom ay malinis na. Wala nang bahid ng alikabok sa sahig, maging ang blackboard ay makintab na at naka-arrange na rin ng maayos ang mga mesa at upuan.
"Nandito kana pala." Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang mag salita si Sir sa likuran ko. Nginitian ko lang ito dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na sobrang linis na dito.
Pero habang tinitignan ko ang buong classroom ay napansin ko na mag-isa lang si sir. Walang bakas ng kahit sino man sa mga kaklase ko ang narito.
"Sir nasaan po sila? Bakit mag-isa kalang dito?" Agad na nawala ang ngiti nito ng marinig niya ang tanong ko.
Malungkot lang niya akong tinignan bago ako sinagot na, "Umuwi na silang lahat. Ako lang ang mag-isang naglinis dito. Pero ayos lang iyon dahil baka may emergency lang."
Emergency nga ba o sadyang tamad lang sila? Ano iyon, sabay sabay sila?
Nginitian lang ako ni Sir at parang ipinapahiwatig nito na, ayos lang ang lahat. Gusto ko mang umangal at sabihin na, hind ito ayos, ay mas pinili ko nalang na manahimik.
"Hay nako Sir, hayaan mo na ang mga tamad na 'yon. Mas mabuti pa na tulungan mo nalang ako mag design. Bumili ako ng maraming pang-design para sa classroom natin." Magiliw kong sabi na agad namang sinang-ayunan ni Sir.
Nagsimula na kaming halungkatin ang dalawang plastic na dala ko. Naglalaman ito ng iba't-ibang gamit pang-dekorasyon. Ginupit na muna namin ang mga construction paper at ginawa itong korteng puso. Idinikit namin iyon sa mga pader gamit ang isang matibay na pandikit.
Nakakapagod man dahil dalawa lang kaming nagtu-tulong tulong para sa kaayusan ng classroom ay hindi nalang namin iyon ininda. 'Di bale ng mapagod atleast nag-effort kami. Natagalan pa kami ng kaunti bago tuluyang matapos na bigyang ganda at kulay ang buong silid-aralan.
"Tapos na!" Masayang sabi ko habang tinitignan ang buong classroom na punong puno ng dekorasyon. Sigurado akong may pag-asa kaming manalo kung ito ay mapapanatili namin hanggang sa araw ng kompetisyon.
Sinilip ko ang aking relo ng mapansin ko na madilim na sa labas, "Sir, kaylangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako sa bahay." Sabi ko rito na agad namang niyang tinanguan.
Dagli-dagli kong kinuha ang aking bag at kinawayan si sir bago tuluyang lumabas. Sobrang dilim na sa labas at kakaunti nalang din kami na narito sa eskwelehan. Nginitian ko naman ang security guard ng magtagpo kami sa bukana ng gate.
Pumara ako ng taxi para sa aking transportasyon pa-uwi. Sigurado akong alalang-alala na sina mama dahil hindi ako nag paalam na late akong makaka-uwi.
Inabot na kami ni Sir ng 6 o'clock ng gabi, kakadecorate sa classroom namin. Ang kaylangan nalang naming gawin ay ma-mentain ang kalinisan doon hanggang sa dumating ang araw ng paligsahan.
Bumaba na kaagad ako sa taxi ng tumapat na ito sa aming tahanan, nakita ko pa ang pag pasok ni mama sa loob ng bahay na wari'y nagmamadali. Nagbayad muna ako kay manong driver bago tumakbo papasok sa bahay.
Pagbukas ko palang ng pinto ay isang malakas na iyak ang agad kong narinig. Nakita ko si mama na humihikbi ng malakas kaya agad ko itong nilapitan.
"Ayos kalang ba 'ma?" Tanong ko rito. Nag-angat ito ng tingin at ng sandaling makita niya ako ay mas bumuhos ang iyak nito.
"Anak, anong nangyari sayo? Ayos kalang ba?" Sunod-sunod na tanong nito habang umiiyak. "Ayos la-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dugtungan agad ni mama ang tanong niya.
"May nangyari bang masama saiyo? Or baka naman isinuko mo na ang bataan mo kung ka-kanino lang? Pinalaki kita ng tama anak! Bakit mo ito nagawa?!" Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong umuuwi ng late eh. Napaka oa nila kung mag-react.
Kumalabog ng malakas ang pinto at iniluwa nito si kuya na mukhang pagod na pagod. May hawak pa itong cellphone. Nang makita ako nito ay agad niya rin akong nilapitan at yinakap ng mahigpit.
"Ikaw na babae ka! Saan ka nagpunta? Bakit ngayon ka lang? Huwag mong sabihin na nakipag date ka o baka naman nakipag se-" Hindi na natuloy ni kuya ang sasabihin niya ng takpan ko ang bunganga nito. Medyo hindi na maganda ang lumalabas dito.
"Ano ba kayo? Masyado akong maganda para isuko lang basta basta ang bataan ko. Tsaka boyfriend nga wala ako, tapos makikipagtalik pa ako kung kani-kanino lang. Kaya late akong umuwi dahil naglinis kami ni sir sa buong classroom. May contest kasi kami sa school na Most Cleanest classroom." Agad kong depensa ng makita ko na sobrang sama ng tingin nila sa akin.
"Ganon ba? Pasensya na anak, akala ko kasi sinuko mo na ang bataan. Ganyan din kasi kami ng papa mo, nung estudyante palang kami, inaya ako nito na makipag se-" Tinakpan ko agad ang mga tenga ko ng magsimula ng magkwento si mama tungkol sa nakaka-sukang love story nila ni papa.
Tinawanan lang ako ni kuya ng makita ako nitong medyo naiirita dahil sa pagkwe-kwento ni mama. Nilapitan ako nito at ginulo ng kaunti ang buhok ko.
"Sa susunod na uuwi ka ng late, magpaalam ka. Para hindi kami nag aalala." Simpleng sabi nito. Kahit naman na madalas kaming mag-away nito ay alam kong mahal na mahal niya ako. Nag thumbs up lang ako rito para i-assure siya na hindi na mauulit ang pangyayaring ito.
"Tara kain na tayo dito. Baka lumamig ang pagkain." Sabi ni papa na kakalabas lang sa kusina. Nginitian lang ako nito ng makita niya ako. Alam kong nag-alala rin ito dahil sa hindi ko pag-uwi ng maaga pero mukhang naiintindihan naman niya kung bakit ko nagawa iyon.
Sabay-sabay kaming pumasok sa dining area at nag salo-salo kami sa munting pagkain na nakahapag sa lamesa.
Tawanan, kwentuhan at kulitan lang ang tanging maririnig mo sa buong silid na ito. Tuwang-tuwa kami dahil sa kwento ni mama tungkol sa love story nila ni papa, kahit ilang beses niya ng kwinento ito ay hindi parin kami nagsasawa na ito'y pakinggan. Nakaka-kilig kasi.