Chereads / The Love Wars / Chapter 3 - Cleaners

Chapter 3 - Cleaners

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝘁𝘄𝗼:

Wala pang kahit anong bakas ng liwanag sa labas subalit mulat na mulat na ang aking mga mata. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Ginawa ko na ang morning routine ko bago nagpahatid sa kuya ko na hanggang ngayon ay malungkot parin. Ang bata-bata pa kase pero maharot na. Ayan tuloy nasaktan nang hindi oras.

Ibinaba ako ng aking kuya sa tapat ng unibersidad nang makarating na kami rito. Binigyan ko na muna ng isang halik sa pisnge si kuya bago ko siya iwanan at pumasok. 6:00 na at tatlong oras pa bago magsimula ang klase.

Habang papasok ay may isang kamay ang kumalabit sa likuran ko. Nang aking lingunin ito ay wala akong nakitang kahit anong bakas ng tao.

"Sino 'yan?" pagtawag ko rito pero walang kahit sino ang sumagot. Sinubukan ko ring luminga-linga muna pero bigo akong makita kung sino ang kumalabit saakin.

"Hi!" muntik ko ng maitapon ang lahat ng gamit ko dahil sa gulat, napahawak din ako sa dibdib.

"Kahapon kapa 'a!" sigaw ko rito ng malaman ko na ang kumalabit pala saakin ay ang babaeng makulit kahapon. Kung hindi niyo siya naaalala. Ito 'yung babaeng nilapitan ako agad pagpasok ko palang sa school no'ng first day.

"Hala, nagulat ba kita?" inosente nitong tanong.

"Kung sampalin kaya kita tapos bigla kitang tanungin kung ayos kalang, anong isasagot mo?" Mukha naman itong nagulat dahil sa sinabi ko. Imbes na makipag-away pa ako rito, mas pinili ko nalang umalis.

"Hoy, saan ka pupunta?" Hindi ko nalang ito sinagot sa pagtawag nito saakin. Para saan pa? Para mas dadagdagan ang inis ko?

Tuluyan na sana akong makaka-alis ng isang kamay ang biglang humablot sa mga braso ko. Shet! Ang sakit no'n!

"Ano bang probl-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko ang galit na mukha ni Uno. T-teka lang? Ano nananaman ang kasalanan ko dito?

"Subukan mong sampalin ang kapatid ko at ako ang makakalaban mo." So, magkapatid pala ang dalawang ito. Tsaka anong sasampalin? As if naman na gagawin ko 'yon.

"Don't worry, wala akong balak na sampalin ang kapatid mo. Nagpapaka-banal ako ngayon kaya ayaw kong magkasala. Tanga!" Nainis naman ito ng sobra dahil sa sinabi ko. Kita ko ang mas pamumula ng mukha nito pati ang pag ngitngit ng mga ngipin n'ya.

"Tsaka para sabihin ko saiyo. Hindi ko pa nakakalimutan ang pag-tulak mo saakin kahapon. Tangina mo. Nasaktan ako roon tapos wala man lang, sorry." Dagdag na wika ko rito.

Nginisian lang ako nito. "Well, wala akong pake sa nararamdaman mo."

"Kuya! Ano kaba?! Wala naman s'yang balak na sampalin ako eh. Ginulat ko kase siya kaya niya lang nasabi 'yon pero I know na hindi niya iyon magagawa." Pag-depensa ng kapatid nito saakin. Buti naman agad niyang sinabi 'yan dahil kung hindi, baka ako nananaman ang magmukhang masama rito.

"O diba? Maling hinala ka kase." dagdag kong sabi dito. Napaduko nalang ito dahil sa kahihiyan. Ganyan nga, mahiya kalang.

"Pagpasensyahan mo na ang kuya ko ah. Tsaka ano pala 'yung ibig mong sabihin na tinulak ka ni kuya?"

"Huwag mo nalang pansinin iyon. Baka sinaniban lang sandali ni satanas ang kuya mo kaya niya ako ginanon." Aniko bago ko sila talikuran at iwan. Narinig ko pa na tinawag ako ni Uno pero hindi ko nalang ito pinansin

Akala ko ay iyon na ang huling beses na mai-imbyerna ang araw ko pero kung hindi ka nga naman minamalas ay nakita ko sina Milo at Reed na may kahalikang babae habang naglalakad ako. Pati ba naman dito sa school ay dinadala nila ang kababuyan nila?

"Akala ko sa farm ko lang makikita ang mga baboy pero meron din pala rito." Bulong na parinig ko pero masyadong matalas ang mga tainga nila at narinig nila iyon.

"Kami ba ang pinaparinggan mo?" Mataray na tanong ni Reed.

"May lahi ba kayong baboy para matamaan sa sinabi ko? Sabagay, hayop nga pala kayo. Mga ANIMAL!!" Sigaw ko bago ako tumakbo ng mabilis papasok sa classroom.

Hinihingal akong pumasok dahil sa sobrang pagod. Para akong nakipaghabulan sa isang cheetah dahil sa bilis ng pagtagaktak ng mga pawis sa katawan ko. Ikaw ba naman na habulin ng mga garapatang iyon hanggang dito. Like, 3 floor ang kaylangan mong akyatin bago ka maka-punta rito sa classroom. Buti nalang ay tinigilan nila ako no'ng nasa second floor na kami. I'm exhausted.

Nagpahinga muna ako sandali bago kuhanin sa bag ang extra shirt na dala ko. Pumunta narin ako sa cr para makapag palit ng damit dahil basang-basa na ang suot kong uniporme ngayon dahil sa pawis. Nang matapos ay dagli dagli akong bumalik sa puwesto dahil ilang minuto nalang ay darating na rin si Sir.

"Good morning class." Bati ni sir ng makapasok na ito sa classroom pero as usual, ako lang ang bumati pabalik sakanya.

Agad akong napaiwas ng tingin ng bumukas ang pinto ng classroom at iluwa nito ang apat na parehong masama ang tingin sa'kin. As if naman na matatakot ako sa mga tingin nila.

Nag-focus nalang ulit ako sa harapan ng mag-announce si sir na may magaganap daw na contest.

"So, class. Sigurado akong alam niyo na ito dahil once a year kung ito'y maganap. Magkakaroon ulit ng contest para sa Most Cleanest Classroom and every section sa bawat grade level ay maglalaban laban. Since merong 8 section and Grade 10. Inaasahan ko na makakapasok tayo kahit sa Top 3 lang. So, sisimulan natin mamaya ang paglilinis and pagde-decorate sa classroom para manalo tayo." Agad namang kumislap ang mga mata ko dahil sa aking narinig. Para sa kaalaman niyo ako ang madalas na mag decorate and mag design sa school namin dati.

Nang matapos ang klase ay agad akong nag paalam kay sir para bumili ng ipang de-decorate rito sa loob. Hindi na ako nanghingi ng pera pa kay Sir. Al dahil may ipon naman ako at iyon nalang ang gagamitin ko sa pagbili ng mga gamit.

Ilang oras din ang tinagal ko sa tindahan para sa pagbili ng mga decoration sa classroom. Bumili ako ng art papers, paint and marami pang iba.

Pakanta-kanta pa akong bumalik sa classroom dahil sa excitement na nadarama ko ngayon. Kahit sa mga birthday party ng pamilya namin, ako ang palaging naaatasan na magdesign.

Kung hindi niyo na naitatanong ay isa akong creative person. I love doing such creating thing: drawing, designing, decorating, drawing, even writing. Talented kasi ako tapos maganda pa. I'm so bless talaga.

Naka-ngiti ako habang binabagtas ang hallway papunta sa classroom. Nang saktong papasok na ako sa loob ay na-estatwa ako bigla. Totoo ba 'to?