𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗢𝗻𝗲:
First day of class at hindi ko ramdam ang excitement sa pag pasok. Maliban sa unang araw ito ay mas dumagdag pa ang katotohanan na, transferee ako.
"Opo nandyan na." Simpleng tugon ko ng marinig ko ang sigaw ni mama sa labas ng kwarto.
Nag-stretching ako ng kaunti bago pumasok sa banyo at mag simulang maligo. Inabot ako ng ilang minuto bago matapos, nanginginig pa ako habang sinusuklayan ang buhok ko dahil sa lamig ng tubig.
Nang matapos na ako at ma-satisfy sa hitsura ko ay sinimulan ko ng bagtasin ang hagdan pababa, papunta sa dining area.
"Nandito kana pala." Sabi ng kuya ko ng makita ako nitong pa-upo sa tabi niya.
"Hindi ba obvious." Pabalang kong sabi, nakita kolang itong umirap.
Nang matapos na kaming kumain ay agad akong hinatid ng kuya ko, patungo sa bagong eskwelahan na aking papasukan.
Ayaw ko man lumipat ng school pero wala na akong magagawa dahil kahit anong paliwanag ko sa mga magulang ko. Ayaw nila akong iwanan sa probinsya, delikado raw dahil mag-isa lang ako roon.
Inayos ko pa ng kaunti ang nagusot kong uniporme bago bumaba sa sasakyan. Hinalikan ko si kuya sa pisnge bago ko ito lisanin at tuluyang pumasok sa napaka-laking unibersidad.
Napasinghap ako ng malakas ng bumungad sa akin ang loob ng unibersidad. Kung maganda na yung labas mas maganda ang loob. Kung ganito lang rin naman yung eskwelahan na papasukan ko araw-araw ay baka pati sa saturday at sunday ay pumasok ako. Joke lang.
Habang busy akong tumitingin-tingin sa kabuuan ng unibersidad ay may isang matinis na boses ang biglang nag salita sa likuran ko, "Anong section ka?"
Nilingon ko ang pinang galingan ng boses at natagpuan ko ito sa isang babaeng punong-puno ng accessories sa katawan, mapapansin mo din ang magandang mukha nito pero wala akong pake sa kanya dahil mas maganda ako.
"Ako ba?" Tanong ko dito, agad naman itong tumango bilang tugon.
"Section Providence ako." Walang buhay na sagot ko, hindi ako ang tipo ng tao na mahilig makipag-socialize kaya medyo weird lang na may feeling close na kumakausap saakin ngayon.
"So, last section ka pala." Agad ko itong tinignan ng sandaling marinig ko ang sinabi niya.
"Ano?! Paano nangyari yon? Isa ako sa mga honor student sa school namin dati!" Sigaw na tanong ko dito.
"Kahit na ikaw pa ang pinakamatalino sa dati nyong eskwelahan. Kapag nag transfer ka dito wala kang choice kundi mapunta sa last section. Para mapunta kasa First section kaylangan mo munang patunayan na karapat-dapat ka. Kaylangan mong makakuha ng mataas na marka para makapasok sa first section." Paliwanag nito.
"Ganun ba." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa, kase sigurado ako na bobo ang lahat ng mga classmate ko. Malulungkot kase wala nako sa first section.
"Okay lang yan girl. Kahit ako nagulat din noong lumipat ako rito. Pero alam mo kung mag-aaral kalang nang mabuti, may chance kang makapasok sa first section."
Nakaramdam naman ako ng kaunting inis dahil sa sinabi nito. Minamalit niya ba ako? Anong tingin niya saakin, hindi nag-aaral ng maayos. "Excuse me, hindi ko need ng advice mo dahil kaya kong makapasok sa first section kahit na nakapikit lang ako"
Ayan ang sinabi ko bago siya tuluyang iwanan doon. Nakaka-imbyerna, hindi ako sanay na mapunta sa last section. Beside, ayon sa mga naririnig kong tsismis ay puro raw mga basagulero ang mga nasa last section.
---
Ingay at gulo ang unang bumungad sa akin ng sandaling makapasok ako sa classroom namin, last section.
Naghanap ako ng puwesto para maupuan at makapag-pahinga dahil sobrang haba ng nilakad ko papunta dito. Agad kong napansin ang bakanteng upuan sa pinaka-likod kaya doon ko mas piniling umupo.
Kinuha ko sandali ang aking cellphone para i-text si kuya na nadito na ako pero habang hawak-hawak ko ito ay isang kamay ang humampas sa braso ko para mag resulta ng pagkaka-bitaw ko sa aking cellphone.
"Ano bang problema mo?!" Maangas kong tanong sa nanghampas sa'kin.
"Wala lang." Sabi nito. Anong wala? Sino ba naman ang matinong tao ang manghahampas tapos, wala lang?
"Ano bang trip mo?"
"Feeling bad bitch kanaman masyado, transferee kalang naman." Pang-aasar na sabi ng lalake.
T-teka lang, bad bitch? Ano bang problema nito at pinag-iinitan ako. Sabagay, nasa last section nga pala ito kaya expected ko ng wild ang ugali niya.
"Excuse me, hindi bale ng maging bad bitch kesa naman sa mukhang penguin na katulad mo!"
Nagulat ito dahil sa sinabi ko at nakita ko pa ang pagyukom ng kamao niya, "Hindi ako mukhang penguin! Ang yabang-yabang mo!" Naramdaman ko pa ang pag-talsik ng laway nito sa akin.
"Oo, mayabang ako at alam mo ba kung bakit ako mayabang? Dahil may ipagyayabang ako. Umalis ka sa harapan ko, bago kita masapak diyan"
Iiwanan ko na sana ito subalit daglian niyang hinablot ang braso ko at pinag-buhatan ng kamay. S-sinampal niya ako.
Sigurado akong namumula ang aking pisnge dahil sa lakas ng impact ng pagsampal nito, "How dare you!"
Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya agad kong hinablot ang buhok nito at hinampas sa lamesa na malapit sa'min. Agad na namula ang ulo nito dahil sa pagkaka-hampas ko. Mayroon ding tumulo na kaunting dugo roon. Mukhang napa-lakas ata.
"Huwag kang mananakit ng kahit sino, kapag wala silang ginagawa sa'yo. Tandaan mo 'yan." Walang emotion na sabi ko bago siya iwanan.
Pinulot ko ang aking cellphone na nasa sahig ngayon at dagliang lumabas sa silid-aralan. Nakita ko pa na gusto akong gantihan no'ng lalake kaso pinipigilan siya ng iba pa naming kaklase.
Nilakad ko ang kahabaan ng hallway para hanapin ang playground dito. Mayroon pa akong 3 hours before ang class time kaya mas maganda na mag liwaliw muna ako doon kesa naman sa mag stay ako sa classroom. Baka mamatay ako ng maaga dahil sa mga toxic kong kaklase.
Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago marating ang playground na ngayon ay medyo kinakalawang na. Wala na kasing masyadong gumagamit nito dahil bihira nalang ang mga batang pumapasok sa unibersidad at karamihan sa mga estudyante rito ay mas pinipiling mag-cellphone kaysa pumunta rito. Pero kahit na ganon ay mapapansin mo pa din ang tingkad at ganda ng kulay nito. Napapalibutan din ang buong playground ng iba't-ibang bulaklak at may fountain ito sa gitna.
Habang pinag mamasdan ko ang kabuuan ng playground ay isang alaala ang agad na nag-pop up sa utak ko. Memories namin ni kuya noong mga bata pa kami.
𝗙𝗹𝗮𝘀𝗵𝗯𝗮𝗰𝗸
Walang habas akong tumatakbo sa kabuuan ng playground habang kasama ko ang kuya ko na busying nag-lalaro sa kanyang PSP.
"Kuya laro tayo." Paanyaya ko rito pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Hindi na ako bata para mag-laro pa ng ganyan." Sagot nito na siyang nag pasimangot sa akin. Nilapitan ko ito at agad na hinawakan sa kamay para matigil siya sa pag lalaro ng PSP.
"12 years old kapalang kaya pwede mo pa akong samahan mag laro." Pangungulit ko rito. Mas sumama naman ang timpla nito dahil sa ginagawa ko.
"Kapag hindi ka sumali sa laro ko, isusumbong kita kay Ate Joan na may gusto ka sakanya." Bigla itong napatigil at agad na tumingin sa akin. Sabi ko na eh.
"O sige, sasamahan kitang mag-laro pero promise mo na tutulungan mo ako kay Joan 'a." Tinanguan ko lang ito bilang sagot. Ang lakas talaga ng tama ni kuya kay Ate Joan, ang bata-bata pa nila pero ang haharot na.
Inubos namin ang kalahating-araw sa pag lalaro ng tagu-taguan, bahay-bahayan, langit lupa at marami pang iba.
𝗘𝗻𝗱 𝗢𝗳 𝗙𝗹𝗮𝘀𝗵𝗯𝗮𝗰𝗸
Ang totoo niyan ay pupunta si Kuya sa ibang bansa, New York, para doon na muna tumira. Hindi kasi nasuklian ni Ate joan ang pagmamahal nito sa kanya kaya broken-hearted siya.
Higit pitong taong nanligaw si Kuya sakanya pero kahit anong porma at gawin nito ay hindi talaga siya bet ni Ate Joan kaya ang ending ay na-reject siya. Pupunta siya sa New York para mag move-on dahil every time raw na nasa Pilipinas siya ay mukha ni Ate Joan ang palagi niyang nakikita.
Nang matapos akong mag balik-tanaw ay naisipan ko ng bumalik sa silid-aralan. Halos dalawang oras din ang ginugol ko sa playground.
Pumasok na ako sa classroom namin at agad kong napansin ang lalake na naka away ko kanina, kasalukuyan itong naglalagay ng benda sa noo.
Kasabay ng pag-upo ko ay siyang pag pasok din ng aming guro, "Good Morning." Bati nito sa amin.
"Good Morning din sir." Bati ko pabalik pero ang mga kaklase ko ay nag mistulang tuod dahil walang kahit isa ang bumati pabalik kay Sir at wala ding nag tangkang tumayo para rumespeto sa guro namin.
Isa pa sa napansin ko ay ako lang ang tanging babae dito! Baka na-late lang siguro 'yung ibang babae. Tama. Baka na-late lang.
"Thank you for responding, by the way you're the transferee right?" Tinanguan ko lang ito bilang tugon.
"Please, introduce yourself." Dagdag nito.
Agad naman akong tumayo para makipag kilala ng pormal, "Good morning to everyone, I'm Yaminah Ava Huxley. I'm 16 years old and I hope na maging kaibigan ko kayong lahat." Simpleng saad ko.
Nginitian lang ako ni Sir ng matapos na akong mag pakilala. Umupo na ako ulit sa puwesto ko para makinig dito.
Pumunta si Sir sa gitna ng classroom bago muling mag salita, "I'm Aldro Herras but you can call me Sir Al. Dahil nasa last section kayong lahat automatic na isa lang ang magiging teacher niyo sa lahat ng subject at ako iyon."
Nakangiti ito habang pinapakilala nito ang sarili niya. Tinignan ako nito bago ako tanungin, "Honor students kaba dati, Yaminah?"
"Yes sir at sisiguraduhin kong, ako ang magiging valedictorian dito." Determinado kong sabi pero agad ding nawala ang ngiti sa mukha ko ng makarinig ako ng tawanan. Nakaka-insultong tawa.
Hinanap ko kung saan nanggagaling iyon at natagpuan ko ito sa apat na lalake, "Anong nakakatawa?" I asked.
"Are you crazy? Kapag nasa last section ka, hindi ka pwedeng makapasok sa list ng honor students and nag e-expect kapa na maging valedictorian. Dream high, bitch." Saad ng isa sakanila.
"Masyado kasing proud sa sarili." Pang-aasar na dagdag nu'ng lalake na blonde ang hair.
Bakit parang pinag-iinitan ako sa classroom na ito? Newbie palang ako pero kung maka-tawa sila parang close na close kami, "Totoo po ba ang sinabi nila, sir?"
Tinignan lang ako nito bago sagutin, "Yup, they're right. Pero may pag-asa ka panamang makapasok sa honor students but malabo ang valedictorian na sinasabi mo."
"Hindi na bale iyon sir, ang importante ay meron kaysa sa wala. Pero paano po ako makakapasok sa honor students?"
"Merong pinapatupad na highest 10 dito. Ang lahat ng makakapasok dito ay automatic na makakasama sa list ng honor students. Bagsak kaman sa mga exam, hangga't pasok ka doon. Hindi mo na pro-problemahin iyon." Paliwanag nito.
"Okay, now I understand. Hindi narin masama ang highest 10 nayan. Beside, base sa mga grade ko dati. Madali lang ako makakapasok diyan." Proud na sabi ko.
"Masyado naman atang mataas ang pangarap mo." Saad no'ng isa na kasama sa tumawa saakin kanina.
"Did you know na kaming apat ay pasok sa highest 10?" Tanong no'ng nakasalamin. Agad naman akong napakunot ng noo at napatakip sa bibig. So ang ibig sabihin nito ay,
"MATALINO KAYONG APAT!!" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Naku nagkakamali ka Yaminah." Natatawang sabi ni Sir Al saakin.
"Hindi lang matatalino ang nakakapasok sa Highest 10 dahil maging ang mga athlete, models, debater, student council, senior scout, and even ang mga journalists ay puwedeng makapasok dito. Hindi patalinuhan ang Highest 10 bagkus ito ay paligsahan ng kakayahan, talino at diskarte. Hangga't nagagawa mong maging school pride, makakapasok ka dito."
Hindi ko parin ma-gets kung ano ang gustong ipahiwatig ni sir, mukhang napansin naman nito ang hindi ko pag kaintindi doon, kaya dinugtungan nito ang sinabi niya,
"Nais ng may-ari nitong unibersidad na mabigyan parangal ang mga estudyante na talentado. Naniniwala kasi ito na ang pagiging honor student ay hindi dapat naka-base sa utak kundi sa pag-pupursigi mo. Gusto nito na hindi lang matatalino ang makapasok sa Honor students, bagkus nais nitong mabigyang pagkilala din ang mga estudyante na nag e-excel sa iba't ibang larangan, gaya ng sport at marami pang iba."
Ayun, mas naintindihan ko na. Nais ng may-ari ng eskwelehan na hindi lang mga matatalino ang mag ka honor kundi maging ang mga ibang estudyante na magaling din sa ibang bagay.
"Agree ako doon and super effective non, lalo na sa mga estudyante na hindi kayang makipagsabayan sa academic, but paano nakapasok ang apat na garapatang ito? I mean, deserving ba sila? Arghhhh, whatever." Mataray kong saad.
"Why not? Bakit hindi kami dapat makasama sa highest 10? Transferee kapalang pero kung umasta ka, akala mo kung sino ka? Batas ka?" Mapanuyang saad nung lalake na parang laging galit sa mundo.
"That's true! Imagine, calling us na hindi deserve na makasama roon dahil lang sa pagtawa namin kanina. How pathetic, you are." Dagdag nu'ng naka blonde.
Hindi agad ako nakapag-react dahil tama sila. Masyado ako naging bida-bida at masyado kong in-understimate ang kakayahan nila bilang estudyante.
"Chill lang kayo. Huwag na kayong mag away. Yaminah, tama sila. Hindi tama na husgahan mo agad ang tao base lang sa nakikita mo. And kayong apat naman, hindi rin tama ang ginawa niyo na pagtawanan si Yaminah." Pangaral ni Sir Al. Napaduko nalang ako dahil sa kahihiyan habang yung apat naman ay nakita kong umirap lang. Wow ah, daig pa ako sa pagiging mataray.
Umupo agad ako ng mapansin ko ang pagtingin ng mga kaklase ko saakin. May mga tingin na masama at may mga tingin din na naaawa.
Nag-focus ulit ako sa harapan nang isa-isang tumayo at mag pakilala ang mga kaklase ko and tama ang hinala ko kanina, ako lang ang babae dito. Bakit ba minamalas ako ngayong araw na 'to?
Makalipas ang ilang minuto, sabay-sabay na tumayo ang apat na lalake na namahiya sa akin or let say na ako mismo ang nagpahiya sa sarili ko.
"Good morning. I'm Reed Alvarez and Rank 7 ako sa highest 10. Isa ako sa mga pinaka-gwapong nilikha ng Maykapal, kaya hindi narin ako magtataka kung palagi ako nananalo sa mga pageant." Pakilala nung naka blonde. Hindi naman halata na masyado siyang mayabang. Lahat ng tao ay ginawang maganda at gwapo ng Panginoon kaya kung hindi ka maganda, baka hindi ka tao.
"Hi, I'm Milo Sanchez. Rank 5 sa highest 10 and ako rin ang school pride pagdating sa sport. Basketball ang favorite sport ko pero minsan ay nag vo-volleybal din ako. Depende kung kulang sila. Well, ganyan talaga kapag magaling ka katulad ko." Tanginang 'yan! Napaka-yabang masyado, palibhasa hindi umiinom ng gatas eh. Well, ano pabang aasahan mo sa mahilig sa milo. Charot!
"Hey, I'm Aiden Davis. Rank 3 sa highest 10 and I'm also the vice president of the student council. Kaya sa future wife ko, hindi kana mag aalala sa future mo dahil secure na sa'kin yon." Kadiri naman ito. Magpapakilala na nga lang may kasama pang banat. Pero infairness, nakakakilig. Shet!
"I know that y'all already know me. But since may transferee, mag papakilala ako ng pormal. I'm Uno Lidford, rank 1 sa highest 10. I excel in everything, including sports. I'm the president of the student council as well. Maihahalintulad mo din ako as a perfect guy." Paanong naging perfect ang kumag na ito? Kung ano ang kina-gwapo ng mukha nito, ayon naman ang kinapanget ng ugali niya.
Malakas na hiyawan ang agad mong maririnig sa buong classroom namin. Kahit puro lalake ang kasama ko rito ay hindi parin nila mapigilan ang sumigaw.
Required ba na sumigaw kapag may gwapo. Wait? Tama ba na tinawag ko silang gwapo? Like, hell no! Ang papanget nila. Mas gwapo pa ata yung paa ko kesa sakanila. Beside mukha silang mga garapata!
Dinismiss kami agad ni Sir Al ng matapos nang mag pakilala ang lahat ng kaklase ko dahil introduction muna raw ngayong araw and bukas nalang daw sisimulan ang mga lesson.
Sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko para makauwi narin agad ako. Sobrang sakit ng katawan ko ngayon kahit nakaupo lang ako magdamag. Ganyan ba talaga kapag masyadong maganda, agad napapagod.
"Masaya bang mapahiya?" Isang boses ang narinig ko mula sa likuran ko and hindi nga ako nagkakamali dahil galing ito sa apat na garapata kanina. Kung hindi ako nagkakamali Uno ang pangalan nya.
Hindi ko na siya sinagot bagkus ay inirapan ko lang ito pero mukhang hindi ito natuwa sa inasal ko dahil bigla nitong hinablot ang kamay ko nang akmang tatalikuran ko na sila. Pero mas nagulat ako ng tinulak ako nito ng malakas, na nagresulta ng pagkatumba ko.
"Gago kaba?!" Sigaw ko sakanya pero tinawanan lang ako nito bago siya tuluyang lumabas kasama ang mga ulupong nyang feeling gwapo.
Napaka yabang naman nya! Walang respeto sa babae! Gaganti ako mga hayop kayo! Ang kakapal ng pagmumukha niyo para saktan ako! Mga hayop!
Kinuha ko na agad ang bag ko at tuluyang lumabas. Mapapansin mo ang pag iwas ng mga istudyante sakin dahil sa awra na pinapakita ko. May ilang istudyante na nginingitian ako pero wala akong oras para makipag plastikan sakanila kaya inisnob ko lang sila.
"Kumusta ang klase?" Bungad saakin ng kuya ko ng tuluyan na akong makalabas ng campus. Hindi ko ito sinagot dahil hanggang ngayon ay badtrip ako. Mukhang napansin n'ya naman agad ito kaya mas pinili nitong manahimik nalang.