Albert's POV
"How is she?" I asked my friend Neil when we entered my study room and office in our home. We sit at the sofa with wine in our hands.
"She's alright. She has high fever but she's alright. Hindi naman na nakakapagtaka 'yon sa ginawa mo sa kanya. You let her take an ice cold bath last night. And you make her do it for 8 hours. Kaya wag ka na magtaka kung bakit mataas lagnat ng asawa mo. She just needs rest and some medicine."
"Thanks." I sinecerely said.
"Why?" he asked.
"What do you mean?" kunot-noo kong tanong.
"Why you didn't make love to her? If you just do 'it' with her wala sana siyang sakit ngayon." nagtatakang tanong niya.
Yes, I didn't do 'it' with her. I just kissed her last night pero bago ko pa hindi makayang kontrolin ang sarili ko I put her on the bath tub with ice cold water. Tuwing nilalamig siya ay umaahon siya but everytime she feels hot again I'll make her have an ice cold bath again. And it happened for more than 8 hours.
And when I woke up she already has fever kaya agad kong pinapunta si Neil dito. He is the best doctor I know.
"I can't. I promised her."
"I don't get it. She is your wife but you don't want to do 'it' with her."
Bumuntong-hininga muna ako bago ko ikinuwento ang lahat tungkol sa amin ni Sab, simula nang gabing nagkakilala kamin.
"You mean Fernan drugged you that night you met Sam. Then last night Fernan drugged your wife?" tanong ni Neil namg matapos ako magkwento.
"Yes. Hindi ko na pinagbayad si Fernan sa ginawa niya sa akin dahil hindi naman natuloy ang plano niya. And besides I met my wife because of him. But I will never forgive him with what he did to my wife last night."
"Well, goodluck na lang kay Fernan. I guess hindi niya matatakasan ang parusa niya. How about those two, Sherwin and Rina?"
"As much as I want to deal with them, but Sab wants to take revenge herself. I'll just let her do what she wants to do. But at the same time I will also watch everything around her to make sure she will not get into trouble or put herself in danger again."
"Are you inlove with her?" tanong niya na nakapagpatahimik sa akin. "I guess you're not aware of your feelings." natatawang dugtong niya.
"What makes you think I'm inlove with her?" kunot-noong tanong ko.
"First, since elementary you never focus your attention to any girl. When we were in high school and college you never had a girlfriend or fling or one night stand kahit pa babae na ang lumalapit sa 'yo at nagpapakitang motibo. But with Sam, you just met her pero pinakasalan mo agad."
"Nagalaw ko s'ya 'di ba? And I'm the one who took her virginity." pangangatwiran ako.
"Knowing you, it will not matter even if you took her virginity accidentally. You will offer a compensation but not marriage. Remember, when we were in college? Once, we celebrated Lester's birthday. Uminom tayo mula alas dos nang hapon hanggang madaling-araw that we got so wasted. And when we wake up the next day you were in bed with one of Lester's classmate at kumot lang ang tumatakip sa inyo. She asked for marriage but you never agreed, instead you offer compensation. But with Sam, the first thing you offer is marriage."
"Because I don't remember what happened between me and Lester's classmate. But with Sam I know that something really happened between us." I explained.
"Well, thanks to Lester na nagpilit na ipa-test yung babae bago ka magbigay ng malaking halaga, we found out that nothing really happened. Kaya naman hindi mo kinailangang magbigay ng pera or mapilitang pakasalan siya. But what if it turned out na may nangyari nga sa inyo, papakasalan mo ba siya?"
"Okay, okay aamin na. I'm attracted with Sab. Her fragrance is so sweet and enticing that I can't stop myself from wanting to be near her as much as possible. And who woudn't be attracted with her beautiful face and calm personality?"
"Are you sure you're only attracted to Sab and not inlove with her?" tanong ni Neil na nakapagpatahimik sa akin but I glared at him when I realized kung ano ang itinawag niya kay Sab.
"How many times do I have to tell you that you should call her Sam or Samantha but never Sab."
"And that's the second one. Kailan ka pa naging madamot sa palayaw? You gave nickname to your brother and friends pero hindi ka kailanman nagalit kapag may ibang tumawag sa amin ng nickname na ibinigay mo. But with Sam, you don't want others to call her Sab." hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.
"Third, you always do what you want to do. Wala kang pakialam sa gusto o ayaw nang mga nasa paligid mo. But with Sam you consider what she wants.
"Fourth, you're a very alcoholic person. Madalang kang umuwi at halos sa opisina ka na tumira. You work for almost 24/7. But since you met Sam, ilang beses ka nang hindi pumasok, and you also become a 8-5 man, you go to work at 8 am and leaves work at 5 pm."
"I still work when I got home." singit ko sa pagsasalita niya.
"We both know na mas marami kang magagawa kung nasa opisina ka. And I'm sure you didn't spend the whole evening working. At nasisiguro kong maaga kang natutulog ngayon." and again, I don't know what to say kasi tama siya kaya tumahimik na lang ako.
"Fifth, wala kang pakialam sa hacienda na binigay ng lolo mo sayo. Kahit na anong sabi niya na i-develop mo iyon at alagaan wala kang pakialam. Kaya nga siya pa rin ang nangangasiwa niyon kahit sa iyo na nakapangalan ang Hacienda Fralanciana. Pero ngayon, bigla-bigla pinasimulan mo ang pag-aayos nang hacienda. Nagpapanim ka ng mga gulay at prutas at sinabi mo pa na mag-aalaga na rin ng iba't ibang klase ng hayop. Hindi lang 'yon, binili mo pa ang mga karatig hacienda.
"Sixth, your farm. You bought it three years ago para gawing factory kapag uumpisahan mo na ang toy business mo. But now your renovating it at gagawin mo iyong house for horses na ibi-breed mo.
"Seventh, you're not an animal lover pero halos bilhin mo na lahat ng ibinebentang hayop ni Margaux. Na kung pumayag lang si Margaux sa gusto mo eh siguradong ang dami niyo nang hayop na iniuwi kahapon. But you didn't stop there. Hindi mo tinigilan si Margaux hanggang hindi pumapayag sa gusto mo. You even promised her na bibilhin mo yung ibinebentang bahay na karatig nitong bahay n'yo para lang gawing pet house at training area, and you also promise her na magha-hire ka ng mga professional trainer.
"So tell me, Albert, bakit ang laki agad nang pinagbago mo sa loob ng dalawang linggo? Hindi ba't dahil kay Sam kaya ka nagbago? Kahit ang mga empleyado mo ay napapansin ang malaking pagbabago mo. I'm sure that you are inlove with Sam, you just haven't realized it yet pero sigurado ako na mahal mo na si Sam." sabi ni Neil na may nakakalokong ngiti sa labi.
"Well, hindi naman ako nagmamadaling alamin kung ano ang nararamdaman ko para kay Sab. We a have a lifetime anyway to be together. But I'm just curious," I said staring at him, "kailan ka pa naging interesado sa nangyayari sa akin to the point na pati mga plano kong gawin at mga bagay na kahapon ko lang inumpisahang ipagawa ay alam mo na din." sabi ko na nagpawala ng ngiti sa kanyang labi at napalunok rin siya ng ilang beses.
"Dalawang tao lang ang nakakaalam ng mga bagay na iyan, Travis and my lawyer. Ang lamang lang ni Travis eh siya ang unang nakakaalam ng mga ginagawa ko, pangalawa ang lawyer ko. Tulad na lang nang pagpapakasal namin ni Sab. Alam na iyon ni Travis simula pa lang pero nalaman lang iyon ng lawyer ko nang dumating na sa kanya ang copy ng marriage certificate namin last Friday.
"Kilala ko si Travis, his loyal at hindi niya sasabihin kahit kanino ang tungkol sa akin. And what a coincidence kasi nung tawagan kita kanina you were with my lawyer who happens to be my brother and your friend."
"Fine! We were talking about you earlier. Curious kasi kami dahil nagpakasal ka nang hindi nagsasabi sa mga kaibigan at pamilya mo. But we were more curious with your wife. So we did a background check on her pero konti lang nalaman namin. Her name, her family background, and her previous jobs. Oh, and we also found out that she's an animal and nature lover. Pero 'yon lang nalaman namin kaya naman talagang curious na curious kami sa asawa mo." pag-amin niya.
"Makikilala n'yo rin s'ya."
Sam's POV
The moment I open my eyes, flashback of what happened last night came to me. From the dinner meeting with Fernan, the real reason of our meeting, pag-amin ni Fernan na may nilagay s'ya sa pagkain at inumin ko, pagdating ni Aljosh, at lahat ng mga sinabi at ginawa ko kay Aljosh.
Sobrang nahihiya ako kay Aljosh dahil sa mga pinaggagawa ko kagabi. Hindi ko na alam kung ano'ng mukha ang ihaharap ko sa kaniya. But at the same time masaya ako kasi he didn't take advantage of me. Though, hindi ko siya masisisi kung magawa man n'ya 'yon. With what I did and said last night, hindi lahat ng lalaki ay maiiwasan o matatanggihan ang mga iyon.
Pero nangingibabaw din ang galit ko kina Rina at Sherwin. Hindi ako makapaniwalang nagawa nila akong ibenta para lang makuha ang gusto nila.
'At kung nagawa nila sa akin iyon ngayon, siguradong hindi sila magdadalwang-isip na ulitin iyon o kaya ay gawan ako ng mas higit pa kesa do'n.'
With that thought, agad kong tiningnan ang bedside table sa pagbabaka-sakaling nandoon ang cellphone ko. At hindi naman ako nagkamali kasi nakita ko agad iyon. Kinuha ko ang cellphone ko and I dialled Katherine's number.
"Hello, Miss Sam?" bungad ni Katherine.
Napabuntong-hininga na lang ako sa itinawag n'ya sa akin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na tawagin mo lang ako sa pangalan ko. Magkaibigan tayo, 'di ba?"
"Yes, we are friends. Pero oras ngayon ng trabaho, at ikaw ang boss ko kaya dapat lang na igalang kita." pangangatwiran naman nito.
"Ikaw na nga bahala." sumusukong saad ko.
"Bakit ka po napatawag, Miss Sam? May ipag-uutos ka po ba?"
"Gusto kong dalhin mo sa akin lahat ng files about sa Velasquez Construction and Rina's. I'll send you my new address para madala mo sa akin agad." sabi ko.
"Okay, I'll be there as soon as I can. Bye."
"Bye."
Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko si Katherine as my assisstant ay dahil kahit kailan hindi niya kinuwestiyon mga desisyon ko. She just follow my instructions.
After our phone call, I stay on bed for another fifteen minutes bago ko naisipang bumangon na. I went straight to the bathroom to take a bath. Nakakonekta naman ang banyo namin sa walk-in closet kaya hindi na ako nag-abalang kumuha ng damit.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. I just wear a maong pants and a black shirt. Nang makabihis na ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa study room ni Aljosh.
I'm not sure kung nandito ba si Aljosh or nasa office na niya, pero wala namang mawawala kung susubukan ko muna dito sa study room. Kung wala siya dito tatawagan ko na lang siya.
Nahihiya pa rin ako kay Aljosh, but I really need his help para makahanap ng lawyer. May kilala naman akong mga lawyer, kaya lang mga kaibigan ng mga kapatid ko ang mga iyon. Kapag sila ang tinawagan ko siguradong makakarating agad 'yon sa mga kuya ko, at 'pag nangyari 'yon siguradong malalaman nila ang nangyari kagabi. Ayaw ko pa namang malaman nila Kuya ang nangyari, kasi siguradong magwawala ang mga iyon at susugurin sila Sherwin at Rina.
Nang nasa labas na ako ng study room ay bigla akong kinabahan ng todo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag kaharap ko na si Aljosh, nahihiya pa rin ako sa mga ginawa ko kagabi. But I really need his help to find a lawyer na walang koneksiyon sa mga kapatid ko.
Bumuntong-hininga ako para kumalma bago ako kumatok.
"Sab, bakit bumangon ka agad." tanong ni Aljosh nang mapagbuksan ako ng pinto. Pagkatapos ay inilagay n'ya ang kanyang palad sa noo ko. "You still have a fever, kailangan mo pang magpahinga." nag-aalalang sabi niya na inilingan ko.
"Papunta si Katherine dito. May kailangan ksming pag-usapan. Ahm." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihing kailangan ko tulong niya.
"Do you need something or you need help? Don't hesitate to tell me whatever you need." sabi niya nang mapansin ang pag-aalinlangan ko.
"Well, as I said, pupunta si Katherine dito at may kailangan kaming pag-usapan. But I also need a lawyer. Ayaw ko kasing tawagan ang mga lawyer na kakilala ko, they were all friends of my btothers and-"
"You don't have to explain. I'll call my brother. He's the best lawyer I know. If that's okay with you."
Yup, Aljosh has an elder brother. His name is Hubert Jacob, and he is one of the best lawyer.
Pero hindi ako sigurado kung siya ba talaga dapat ang kunin kong lawyer. I mean napakagaling niya pero I am still his brother's wife, and we got married nang hindi alam ng pamilya namin. How will I explain my relationship with Aljosh?
Seeing my face full of hesitation, Aljosh laughed softly.
"You don't have to worry. He is the head of my legal services team at alam niya ang tungkol sa atin. Nalaman niya iyon nang padalhan ko siya ng copy ng marriage certificate natin. But he is also a professional. I can tell you that he is curious with you and our relationship, but because of his professionalism, hindi siya magtatanong sa iyo nang walang kinalaman sa trabaho." paliwanag ni Aljosh. "Kaya wala kang gagawin kundi pumuntang kusina at kumain habang naghihintay kina Katherine at Kuya Jake. Tatawagan ko lang si Kuya and then susunod ako sa 'yo, okay?" tanong niya na tinanguan ko.
At pagkatapos ay parang bata akong sumunod sa iniutos, pumunta ako sa kusina at kumain.
After 30 minutes ay halos sabay na dumating sila Katherine at Atty. Hubert. Nagpakilala kami sa isa't isa, at maging si Dr. Neil na ayaw paalisin ni Aljosh hanggang hindi pa ako gumagaling ay nakilala ko na rin.
Nandito kami ngayon sa study room. Magkatabi kami ni Aljosh sa couch, sa katapat naming couch nakaupo sila Katherine at Atty. Hubert, habang si Dr. Neil naman ay nasa single couch na kalapit ni Aljosh. Gusto kasi ni Aljosh na nandito si Dr. Neil para daw in case na sumama ng pakiramdam ko ay matitingnan agad ako. Hinayaan ko na lang sila kasi I have to ask him a favor.
"Katherine, nadala mo ba lahat ng pinapadala ko." tanong ko kay Katherine.
"Yes." sagot niya at may inilabas na mga folder sa bag niya. Tapos ay iniabot niya sa akin ang mga iyon.
Tiningnan ko isa-isa ang mga iyon at napatango nang makitang kumpleto ang mga iyon. Pagkatapos ay iniabot ko iyon kay Atty. Hubert.
"Atty., these are the proof that I own 50% of Velasquez Construction and 50% of Rina's. Kulang kasi ang puhunan nila to start their business kaya pinahiram ko sila. Balak ko sana ay pahiramin lamang sila, at ibalik na lang nila sa akin. But they disagree at ipinilit na gagawin nila akong co-owner at ibibigay sa akin ang 50% ng business nila.
"Pero simula nang maitayo ang mga negosyo nila wala akong natanggap maski piso mula sa negosyo nila. At kahit ang perang inilabas ko para maitayo negosyo nila ay hindi rin napabalik sa akin. Hinayaan ko lang sila noon dahil boyfriend ko naman si Sherwin at bestfriend ko si Rina.
"But everything is different now. Gusto ko nang bitawan ang shares ko sa mga negosyo nila. Gusto kong ibenta ang shares ko, at gusto ko ding makuha ang lahat ng dapat na ibinigay nila sa akin mula nang mag-umpisa ang mga business nila." sabi ko nang seryoso.
"Don't worry, madali lang ang gusto mong mangyari. By tomorrow I can make all the necessary papers." sagot naman ni Atty. Hubert.
"Pero pwede bang puntahan mo lang sila kapag sinabi ko na? May mga kailangan pa rin kasi kaming pag-usapan bago ko kunin lahat ng para sa akin."
"Of course. Sabihan mo lang ako kung kailan." nakangiti namang sagot ni Atty. Hubert.
"Dr. Neil, can I ask you a favor?" tanong ko at nilingon si Dr. Neil.
"Oo naman. Basta huwag ka lang mangungutang sa akin. Kung pera kailangan mo iba na lang ang kausapin mo." sagot ni Dr. Neil kaya nakatanggap siya ng masamang tingin galing kay Aljosh.
"Hindi niya kailangang mangutang sa 'yo dahil bukod sa may sarili siyang pera, I can provide for her kahit pa hindi siya magtrabaho. At kahit gustuhin niyang mag-travel around the world for the rest of her life eh kayang-kaya kong tustusan lahat ng kanyang gagastusin." sabi pa ni Aljosh.
"I know. Nagbibiro lang naman ako." sagot ni Dr. Neil at pagkatapos ay hinarap na ako. "What can I help you, Sam?"
"Are you the owner of Vargas Medical Center?" tanong ko kay Dr. Neil.
"Ay, hindi ako. Yung tatay ko." sagot naman ni Dr. Neil.
"Umayos ka nga ng sagot." sabi naman ni Aljosh.
"Totoo namang hindi ako ah. Hindi pa naman niya naiipamana sa akin 'yon eh." katwiran naman ni Dr. Neil. Pagkatapos ay humarap ulit siya sa akin. "Pero kahit hindi ako ang may-ari no'n matutulungan naman kita bilang anak ng may-ari. Pero sana naman eh huwag mo maisipang bilhin 'yon dahil pag nagkataon eh wala na akong mamanahin."
"Hindi ka ba talaga seseryoso?" tanong ni Aljosh.
"Oo na, seseryoso na. Pinagagaan lang ang paligid eh. Sobra kasi kayong seryoso." humarap uli siya sa akin, but this time seryoso na siya. "Ano ba ang maiitulong ko sa 'yo?"
"Rina is pregant with Sherwin's child. I want to confront them, but knowing how cunning the two of them siguradong itatanggi nila lamang iyon. Czarina found some evidence na magkasama silang nagpapa-check-up sa VMC at mga papeles na nagsasabing inaamin ni Sherwin na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Rina. But-"
"You want a more concrete evidence, a DNA. Para wala na silang maidadahilan. But you want to get a DNA test secretly." putol ni Dr. Neil sa sinasabi ko.
"Yes. Can you help me?"
"Of course. Aalamin ko kung kailan ang next check-up niya at kung sino ang doctor niya, then I will take care of the rest."
"Thank you."
'Rina and Sherwin, just wait. Dahil siguradong babawiin ko ang mga dapat talagang akin, at pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyong panloloko sa akin.'
~sweetbabyrsmwx~