Sam's POV
"Papa." tawag ko kay Papa nang buksan ko ang pinto ng sa study room n'ya pagkatapos kong kumatok.
Sunday ngayon. Simula noong Friday, no'ng nag-birthday si Mama, eh hindi pa kami nakakauwi. Mas tamang sabihing hindi kami pinapauwi. Kahit ang mga pinsan ko, tito, at grandparents ko eh nandito din. They were enjoying Aljosh's company kaya naman nag-decide silang mag-bonding kaming lahat ngayong weekend.
They were all at the garden now planning for a one week vacation. Pero hindi ko sigurado kung matatapos ang pagpaplano nila dahil hindi sila magkasundo sa lugar.
Umalis si Papa kanina to answer a phone call. Pero nang hindi na siya bumalik I decided to follow him. Meron kasi akong itanong sa kanya mula pa noong birthday ni Mama, hindi lang ako nabibigyan ng pagkakataon na makausap siya ng mag-isa.
"Yes, Baby? Come in." sabi niya kaya naman binuksan ko ang pinto at pumasok.
Nang makapasok ako ay tumayo siya at inaya ako sa sofa maupo.
"Is there a problem?" tanong niya nang makaupo kami.
"No. I just want to ask something." sabi ko habang umiiling.
"What is it?"
"I'm just curious. Noong ipinakilala ko si Sherwin sa inyo, lahat kayo inayawan ang relasayon namin, lalo na kayong tatlo nina Lolo at Granddad. Pero bakit kay Aljosh yoy agreed with him easily, samantalang nang kausapin niya kayo eh para hingin ang blessing n'yo sa pagpapakasal namin?"
"You reall don't have any idea about that night, do you?" tanong niya na sinagot ko lang ng iling. "We didn't agreed to him easily. Katulad noong si Sherwin ang hinarap mo sa amin, inayawan din namin si Albert."
Flashback:
Leonardo's POV (Sam's father)
"What do you think is the reason bakit pinapunta niya tayo dito? May inutusan pa siya para sunduin tayo, para lang siguradong makakapunta tayo." I asked my father and father-in-law who is with me at a room in FE Hotel.
"I don't know either. But I can only think of two reasons. One is about business, second something or someone connected to the three of us." sagot ng father-in-law ko na si Daddy Austin.
"I'm sure it is not about business. Because if it is about business, he will definintely asked for an apppintment first. And it will definitely not at nine in the evening." sabi naman ni Papa Ramon.
"Eh di naiwang dahilan ay something or someone connected with the three of us. At dahil hindi dahil sa business, ibig sabihin maaaring tungkol sa mga anak ko." wika ko naman.
Hindi na nakasagot sila Papa Ramon at Daddy Austin dahil bumukas ang pinto at iniluwa si Albert Fralanciana. Umupo siya sa singlr couch na nasa harapan naming tatlo habang ang kanyag assisstant ay nanatili sa labas.
"Good evening." bati niya sa amin na tinanguan lang namin. "I know na naguguluhan kayo kung bakit ko kayo pinatawag. Kung ako ang tatanungin gusto ko sanang ako ang pumunta sa inyong bahay para doon kausapin. Pero ayaw kong iwan si Sam nang matagal."
"Ano'ng kinalaman ni Sam sa pag-uusapan natin?" kunot-noong tanong ko.
"Sam didn't want you know this yet, but I know that what I will do will means a lot to her." tiningnan niya kami isa-isa, sa akin siya huling tumingin. He is looking straight into my eyes when he talk speak again. "I want to ask Sam's hand in marriage and to ask for your blessings."
"What?!" gulat at sabay naming tanong ni Daddy Austin habang si Papa Ramon ay nakatitig lang ng matiim kay Albert.
"Sam and I are getting married tomorrow." he said flatly.
"What are you talking about? Sam has a fiancé. Hindi man kami payag sa relasyon nila ni Sherwin, but it doesn't mean na papangunahan naming mag desisyon si Sam." naguguluhang tanong ko.
"Actually, Sam already agreed. She is also here at FE Hotel. She's the reason why I can't go to your houses. After what happened, I don't want to leave her."
"Why, wha happened?" naunahan akong magtanong ni Daddy Austi.
"Well, she wa drunk-"
"Drunk? Hindi basta-basta nalalasing si Sam. At bakit siya naglasing?" I cut him off.
"She didn't tell me the reason. I'm not sure if it is because she's not ready to talk about it? Or because I already said to her that I did a background check on her at pinaimbestigahan ko din kung bakit siya nandito."
"Do you know the reason?" I asked impatiently.
"She found out that her fiancè and were cheating on her. I don't know kung paano yung eksaktong pangyayari. But she went to Sherwin's place, nagkataong nandoon din si Rina at silang dalawa lang ni Sherwin ang nandoon."
I was dumbfounded when I heard that at hindi ko nagugustuhan ang naiisip kong tagpong naabutan ni Sam. And I feel my anger rising nang maisip ko kung ano ang maaaring gawin ng isang lalaki at isang babae magkasama sa iisang bahay.
"At ano ang kinalaman mo sa nangyari kay Sam?" tanong ni Daddy Austin.
"As I was saying she got drunk. While I was drugged. And when I saw her enter her hotel room hindi ko napigilan ang sarili ko na sundan siya and-"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, agad ko siyang sinuntok.
"Yoo took advantage of my daughter!" I shouted at him while throwing punches.
I let my anger out. I will never forgot someone who took advantage of my children, especially my daughter.
I don't care who is in front of me. I don't care even if he is the so-called Dragon Emperor of Fralanciana Empire. Because right now, all I care is that he took advantage of my princess.
"That's enough, Leonardo." pagsuway ni Papa sa akin makalipas ang ilang minuto.
I only punched him in the face twice or thrice. The rest were on his body. Kung sakali kasing totoo ang mga sisabi niya, ayaw ko naman makita ng anak ko na puro pasa ang mukha ng lalaking ito.
He never dodged, even a little bit. He just stand there and accept all my punches.
"I know that what I have done to your daughter is unforgivable. And being drugged is not an excuse for my actions. That is why I am taking responsibility for what happened. I already asked Sam to marry me. And she doesn't want her family to know about it, I know that having your blessing will be meaningful to her. But whether you give your blessings or not, our wedding will still be held tomorrow."
End of Flashback
Sam's POV
Nandito na ako sa kwarto ko. Pagkatapos naming mag-usap ni Papa ay dito ako dumiretso.
Hindi ako makapaniwala na Aljosh let my father punch him. Based on the report on Aljosh's life, he is an expert in martial arts and weapons. Meaning dodging Papa's attacks were easy to him.
I'm not saying na Papa is not good martial arts and weapons. In fact noong bata pa lang si Papa pinaturuan silang magkakapatis ng martial arts at humawak ng iba't ibang sandata. Pero sadyang mas madami lang alam at mas mahusay si Aljosh.
At aaminin kong natutuwa ako dahil namamhikan siya at humingi ng blessings kina Papa, Lolo Ramon at Granddad. Although it is not the traditional na pamamanhikan, na kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ganon ang nanyari. Siguro kung pumayag ako na ipaalam agad sa pamilya ko ang tungkol sa amin, maybe he will be willing to do the traditional way ng pamamanhikan.
Kahit hindi niya ako ginagawa niya pa rin ang mga bagay na alam niyang mahalaga at makakapagpasaya sa akin. At aaminin kong kinikilig ako dahil do'n.
Nakangiti akong pumunta sa walk-in closet ko. Agad akong tumungo kung saan nakalagay ang mga maleta ko, pinag-eempake na kasi ako ng mga gamit ko.
"Samantha, Anak, hindi naman sa pinapalayas kita, but you were now a married woman. Kaya dapat lang na kunin mo na ang mga gamit mo sa kwarto mo. Don't worrt, because your room will always be yours. Doon pa rin kayo tutulog ni Albert everytime that you will spend the night here."
Those were Mama's words. Hindi ko nga lang masyadong naintindihan. Kasi she wants me to pack all my things pero sinabi rin niyang dito kami tutuloy ni Aljosh kapag nandito kami.
Pero isa lang masasabi ko, tanggap ni Mama si Aljosh. Kasi noong lilipat ako sa apartment ko hindi ako pinagdala ni Mama nang kahit anong gamit ko dito sa kwarto maliban sa mga damit ko. Katwiran pa ni Mama ayaw daw kasi niyang manakawan ako sa apartment ko.
Hindi man niya direktang sinabi, but I know na si Sherwin ang tunutukoy niya. Isa kasi sa kinatatakutan niya nang tumira ako sa apartment is baka daw doon na din tumira si Sherwin. Ang tagal bago ko siya napapaniwala na hindi ako papayag na tumira doon si Sherwin o kahit matulog siya doon kahit isang gabi lang. I even promised na hindi kami mapapagsolo ni Sherwin para lang kumalma si Mama.
Pero ngayong si Aljosh na ang kasama ko, talagang pinapakuha pa niya ang mga gamit ko. Hindi ko pwedeng sabihin dahil mayaman si Aljosh kaya ganon, dahil mayaman din naman sila Sherwin hindi nga lang kasing-yaman ni Aljosh.
"What are you doing?"
I look at Aljosh when I heard his voice. Nandon siya sa pinto papasok ng walk-in closet.
"Mama wants me to pack my things." sagot ko na ipinagpatuloy ang paglalabas ng mga maleta. Madami-dami din kasi ang gamit ko kaya hindi pwede ang dalawa o tatlong maleta lang.
"Why?"
Ikinibit ko ang balikat ko bago magsalita. "I don't know. Kasi kahit ako naguguluhan. She said na dapat kunin ko na lahat ng gamit ko dahil may asawa na ako. But she also said na this will stay as my room at dito tayo matutulog everytime na nandito tayo."
"I will help you." sabi niya at lumapit sa akin. Siya na ang nagdala ng mga maleta palapit sa lalagyan ko ng mga damit. "Well, we can leave some of your clothes and things. Para naman may magagamit ka kapag nandito tayo."
I was about to agree to him when we heard Mama's disapproval.
"No. You should bring all of your things. Pwede mo rin dalhin kahit mga furnitures dito sa kwarto mo." sabi ni Mama na palapit sa amin. Kasunod niya si Papa at ang mga kapatid ko.
"Akala ko ba hindi mo ako pinapalayas, Ma?" kunot-noong tanong ko.
"Oo nga, Ma, bakit pinapakuha mo na lahat ng gamit ni Bunso? Pinapalayas mo ba siya?" tanong ng kambal ko, si Kuya Brent.
Tapos ay narinig namin ang malakas at nakakahawang halakhak ni Papa. Pero kung noon natatawa kami everytime na maririnig na tumatawa si Papa, this time walang sumabay sa pagtawa niya and we all look at him na nagtataka except for Mama na sa amin ni Aljosh nakatingin.
"You all misunderstood your mother. Hindi niya pinapalayas si Sam." sabi ni Papa na tumatawa pa rin. "She just want to renovate Sam's room."
"Eh bakit kailangan pang alisin lahat ng gamit ni Bunso?" takang tanong ni Kuya Alex.
"Because she already plans to go shopping tomorrow. Mamimili siya nga mga damit at gamit nila Sam at Albert. Bibili rin siya ng mga tela kasi balak din niyang magtahi ng mga damit nating lahat." sagot uli ni Dad.
"How about the furnitures? Bakit kailangang dalhin din ni Sam ang mga 'yon?" tanong ni Kuya Kurt.
"Hindi ko sinabing kailangan niyang dalhin, ang sabi ko pwede niyang dalhin. Pwede niyang dalhin ang mga furnitures kung gusto niya, pero kung ayaw niya I can put all of them sa bodega." sagot naman ni Mama.
"Because she will change everything in this room. From the color of the paint, wallpaper, curtains, furnitures, and even the bed, she will change it with a bigger bed size." dagdag naman ni Papa.
Tumayo ako at lumapit kay Mama.
"You don't have to do that, Ma. Everything is fine in this room. Even the bed, kasya naman kami do'n kaya hindi na kailangang palitan. Huwag ka nang magpakapagod." malambing na sabi ko kay Mama habang yakap ko siya.
Pero tinanggal niya ang braso kong nakayakap sa kanya at hinarap ako.
"Anong everything is fine? Sa iyo siguro oo. Pero paano naman kay Albert? Kalalaki niyang tao pero he needs to stay in a room covered with pink and has a princess theme. And your bed, kailangang palitan talaga iyon. Paano kung ano, ano. Paano kung, kung, kung ano." sabi ni Mama na nagpapula sa mga pisngi ko at napatawa naman ng pigil ang mga kuya ko.
"Paano daw kapag ano, kapag gumagawa kayo ng ano." tumatawang wika ni Kuya Ralph.
"Kapag gumagawa kayo ng blessings" tumatawa ding sabi ni Kuya Alex.
"Gumagawa ng milagro." sabi naman ni Kuya Steve na tumatawa rin.
"Kapag ginagawa n'yo kung ano ang ginagawa ng mag-asawa." tumatawang saad din ni Kuya Brent.
"Sa madaling sabi, paano kapag gumagawa kayo ng bata." tumatawa rin si Kuya Kurt.
Dahil sa pinagsasabi nila ay lalong namula ang pisngi ko kaya naman lalong lumakas ang tawa ng mga loko-loko kong kapatid.
Pero hindi pa man nagtatagal ang tawa nila ay pinaghahamapas na sila ni Mama sa kanilang mga braso.
"Aray!"
"Aww!"
"Ma!"
"Teka, Ma!"
"Aray, Ma!"
Angal nilang lima habang hinahampas sila at pinapalo ni Mama. Kayang-kaya naman nilang iwasan ang hampas at palo ni Mama, pero hindi nila ginagawa. Dahil once na umiwas sila, lagot sila kay Papa.
"Ang dudumi ng mga utak niyo." sabi ni Mama habang patuloy pa ring hinahampas at pinapalo sila Kuya. "Linis-linisin n'yo ang mga utak n'yo. Kung anu-ano ang naiisip n'yo. Ang sinasabi ko paano kapag nagkaroon na sila ng anak, hindi sila kakasya sa bed ngayon ni Sam. Kaya ano ang pinagsasasabi n'yong gumagawa ng kung ano, ng blessings, ng milagro? Ha? Ha? Ha?"
"Sorry na, Ma."
"Hindi na uulit."
"Ma, masakit na."
"Sorry talaga, Ma."
"Na-misinterpret ka namin, Ma."
Patuloy sa paghingi ng sorry at pagpapaliwaang sila Kuya habang si Mama naman ay tuloy din ang paghampas at pamamalo sa kanila.
"Hayaan n'yo na lang na gawin ng Mama niyo ang gusto n'ya. Kunin n'yo na lahat ng gamit mo, Princess. At kung may gusto ka rin kunin sa furnitures kunin mo na rin. Lalo na ang nasa collection room mo."
Nagtataka kong tiningnan si Papa. Hindi ko kasi alam kung bakit kailangan ko din tanggalin ang mga nasa collection room ko. I know na ire-renovate itong room ko, but pwede namang hindi na isama sa renovation yun.
Lahat ng collection ko at paborito kong laruan noong bata pa ako ay puro nasa collection room ko#j ko. Marami akong laruan noon at karamihan sa mga iyon ay nai-donate ko na sa mga ampunan, except sa mga toys na nasa collection room ko.
Nasa collection room ko yung pinakamalaki kong doll house, bigay sa akin 'yon ng mga Kuya ko kaya naman sa lahat ng doll houses ko, 'yon lang ang hindi ko ipinamigay. Hanggang baywang ko iyon, at may tatlong floor. Kumpleto rin ang gamit non na tulad sa isang bahay. Meron din iyong mga manika na nakatira; nanay, tatay, apat na kuya at bunsong babae. Pagawa daw nila Kuya 'yon kaya ako lang ang merong ganoong doll house.
Nasa collection room ko din ang barbie dolls ko na bigay din nila Kuya at ng mga pinsan namin. Puro kasi custom-made ang mga iyon kaya hindi ko magawang ipamigay.
Sa dami ng laruan ko noon, itinira ko lang talaga ay yung doll house at mga manika na bigay ng mga kapatid at pinsan ko. And the rest ay dinonate ko na. Well, except din pala sa mga stuffed toys.
Since I was young, I really love to have stuffed toys. Basta may magustuhan akong stuffed toy agad ko iyong pinapabili may it be a stuffed doll, stuffed animal and especially teddy bears.
I have all kinds of stuffed dolls and animals, in different sizes. While my teddy bears were complete in different sizes, colors and outfits. Pinakamarami sa stuffed toy collection ko ay mga teddy bears.
Aside from stuffed toys I also love to collect fairy figurines. Everytime na may pinupuntahan sila Mama at Papa na business meeting out of town or out of the country lagi silang may pasalubong na fairy figurines kaya naman talagang dumami ang collection ko.
"Your mother is planning to turn your collection room into kitchen, just like what you've always wanted." nakangiting sabi ni Papa nang makita ang nagtataka at nagtatanong kong mukha. Ramdam ko ang panunubig ng aking mga mata na nagpangiti kay Papa. Tapos ay humarap siya kay Aljosh. "Simula nang matuto si Sam magluto at mag-bake eh ginusto na niyang magkaroon ng sariling kusina dito sa kanyang kwarto. Lagi kasing inuubos ng mga kuya niya ang kanyang bine-bake at niluluto kaya sa huli madalas si Sam ang hindi nakakain ng kanyang niluto." tumatawang saad ni Papa. "Pero dahil wala siyang paglilipatan ng mga collection n'ya, we never had the chance na tupadin ang hiling n'ya. But we can do it now."
"Sana all ire-renovate ang kwarto." pagpaparinig ni Kuya Ralph.
Hindi ko napansin kung kailan natapos si Mama sa paghampas at pagpalo sa kanila.
"Mama, bakit naman kay Sam lang ang ire-renovate? Paano naman ang kwarto ng mga gwapo mong anak?" tanong naman ni Kuya Brent na tinanguan ng iba ko pang Kuya.
"Bakit? May mga asawa na ba kayo?" nakairap na tanong ni Mama na nagpasimangot sa mukha nilang lima kaya naman hindi ko napigilang mapatawa ng mahina. "Hindi ba kayo nahihiya? Nauna pa si Bunso na mag-asawa kaysa sa inyong lima. Ang tagal ko nang naplano ang renovation ng mga kwarto n'yo. Kasi akala ko mauuna kayong mag-asawa. Pero ano nangyari? Nauna pa mag-asawa si Sam sa inyo."
"Sige, Ma, bukas na bukas aayain ko nang magpakasal si Zoe. At bukas na bukas din papakasal kami." seryosong sagot ni Kuya Brent.
"Ako naman aayain ko magpakasal yung nakilala ko sa bar last week, si Annie." singit naman ni Kuya Steve.
"Sa akin yung pinsan niya, si Rhea." sabi naman ni Kuya Alex.
"Akin si Gina, yung kaibigan ni Rhea." saad naman ni Kuya Ralph.
"Si Alona sa akin, yung kapatid ni Annie." wika naman ni Kuya Kurt.
Akmang hahampasin ulit ni Mama ang mga kapatid ko ng unahan siya ni Papa na batukan ang mga ito na naging dahilan para dumaing ang mga ito.
"Hindi porke't gusto naming mag-asawa kayo eh kung sinu-sino na lang aayain ninyong magpakasal, o mamadaliin ang pagpapakasal."
"Joke lang naman kasi 'yon, Papa." sabi ni Kuya Brent habang hinihimas ang ulo. "Mahal ko si Zoe pero hindi pa ako ready magpakasal."
"Ewan ko sa inyo. Lahat na lang ginawa n'yong biro." singhal ni Mama sa kanila.
"Huwag ka na magalit, Ma. Hindi man namin alam kung kailan pero sigurado naman kami na magpapakasal kami kapag nakita na namin ang babaeng para sa amin." lambing ni Kuya Kurt na inakbayan pa si Mama. "Ganito na lang, para makabawi ako sa iyo eh ako na bahala sa mga gagastusin mo sa pagpapa-renovate nitong kwarto ni Sam."
"Aambag din kami." sabi naman ng iba ko pang kapatid.
"Ano'ng ibig n'yong sabihin? Hindi ko kayang ibigay sa Mama n'yo ang kailangan niyang halaga?" angal naman ni Papa.
"Hindi naman sa ganoon, Papa. Gusto lang namin tulungan ka sa gastos at makabawi kay Mama." pangangatwiran ni Kuya Kurt
"Hindi! Asawa ko ang Mama n'yo kaya ako ang bahalang magbigay nang panggastos n'ya. Kahit magkano pa 'yan kayang-kaya ko 'yong ibigay sa kanya. Kung gusto n'yong may pagkakagastusan kayo, humanap kayo ng sarili n'yong asawa. Hindi 'yung asawa ng may asawa ang pagkakagastusan n'yo."
Napailing na lang si Mama sa sinabi ni Papa, habang kami ni Aljosh ay nagkatinginan at napangiti sa isa't isa. At ang aking mga kapatid ay natahimik na lang at hindi alam ang isasagot.
"If you want, pwede nating palagyan ng kitchen itong bedroom natin." sabi ni Aljosh sa akin.
Nakauwi na kami, at kasalukuyan kaming nakahiga sa kama. Nakaunan ako sa isang braso n'ya habang nasa baywang ko naman ang isa pa. Nakaharap kami sa isa't isa at magkalapit ang aming mukha.
I lightly kissed him on his lips.
"No need. Wala naman dito sila Kuya para ubusin ang iluluto at ibe-bake ko. Isa pa, gusto ko yung kitchen natin. Malawak at kumpleto sa gamit."
"Are you sure?" paninigurado pa niya at tumango ako bilang sagot. "What are your plans for tomorrow?" he asked after a few minutes.
"Balak ko sana mag-apply. But when Katherine learned about it she disagreed. Magkita na lang daw kami bukas... May ipapakita siya." sagot ko naman.
"Does that mean hindi mo ako madadalhan ng lunch bukas?"
I promised him kasi na ako na lagi ang bahala sa lunch nila ni Travis.
"Magdadala pa din ako. Sa hapon pa naman kami magkikita ni Katherine. Do you have any request for your lunch?"
"Wala naman. Ikaw na ang bahala."
"By the way, sa Wednesday magkikita kami ni Sherwin."
"Do you want me to be there?"
"Gusto ko sana. But this is not yet the right time na malaman niya ang tungkol sa atin. But don't worry, I will be very careful. Hindi ko na hahayaang may maulit yung nangyari nung nakaraan."
"I believe you, but you have to bring Trevor, Trent and Trinity with you."
"Trevor, Trent and Trinity?" kunot noong tanong ko. Hindi ko kasi kilala ang mga binanggit niya.
"They will be your driver and bodyguard starting tomorrow. Si Trevor ay magbabantay at magmamasid sa malayo. Samantalang sila Trent at Trinity naman ay laging malapit sa 'yo." paliwanag niya.
"B-bodyguard? Bakit ko kailangan ng bodyguard?"
"Well, the last time we were at Rina's your cousin Daniel saw us. To be exact nakita n'ya ako na buhat-buhat kita, pero hindi ka niya nakilala. Namukhaan niya ako kaya tinanong niya kung sino yung buhat ko at ano ang nangyari. I have no choice but to tell them the truth."
"Y-you mean alam na ng mga kapatid ko at mga pinsan ang nangyari?" paninigurado ko.
"Yeah. They want to teach them a lesson pero pinigilan ko sila. I told them that I am already dealing with Fernan, and you want to deal with Sherwin and Rina yourself. I also promised them na sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang nangyari but they didn't calm down. Gusto nilang maghali-halili sila sa pagbabantay sa 'yo everytime na hindi tayo magkasama. At dahil alam kong hindi mo magugustuhan na lagi ka nilang babantayan, sinabi ko na ikukuha na lang kita ng bodyguard."
I stared at him intently. "Ano pa sinabi mo sa kanila? I know those guys, overprotective sila sa akin. Hindi sila papayag na tatlo lang ang bodyguard ko. Pwede pa siguro ang lima, pero tatlo lang? Hindi sila papayag." sabi ko na nagpahalakhak sa kanya.
"You really know them well. Ang una naming napagkasunduan talaga is we will hire five bodyguards at Villaruiz Agency. Pero when my cousin found out the reason why we want you to have bodyguards, he instantly asks his elite team to prepare. Trevor is the leader of Knights, and as I said earlier he is assigned to guard you fron afar, but he will still be with you inside the car or establishments. The twins, Trent and Trinity, were the second-in-command of the team, and their assigned to be with you wherever you are. Hindi sila pwedeng umalis o lumayo sa iyo. And the rest of the team will be guarding you and observing the surroundings secretly."
Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya pagkatapos niyang magpaliwanag.
Villaruiz Agency is an agency na itinayo ng Lola ni Aljosh. It is known for training the best bodyguards. Lahat ng bodyguards na galing sa Villaruiz Agency ay magaling sa iba't ibang martial arts at pag hawak ng kahit anong sandata. And they can do their jobs very well.
And their elite team o mas kilala bilang 'Knights' ay ang pinakamagaling sa kanilang agency. But they were exclusive for their family. Hindi sila nagiging bodyguard ng hindi miyembro ng Pamilya Fralanciana. Kahit gaano ka pa kasikat, kayaman o makapangyarihan kung hindi ka miyembro ng Fralanciana Clan then you will never see even a glimpse of the Knights or even know who they are.
"B-bakit parang mas oa yata ang pinsan mo kaysa mga kapatid at pinsan ko?" hindi ko napigilang komento na muli niyang ikinatawa.
"You can't blame him. Jaywell is the one incharge of the entire clan's safety. And because I am the future leader of our clan, he will really puts great importance on your safety because you are my wife."
"I'm really not comfortable with having bodyguards around me. Is there no other way? I promise that I will never let it happen again and no one can me again."
"Jaywell is easy to talk with, all you have to convince is your brothers and cousins."
"Ahh. Knowing them they will definitely disagree. Kung hindi pwede ang taga-Vilaruiz Agency then they will hire bodyguards from other agency or they will be the one to guard me." I said frustratingly.
"Fine, payag na ako na may bodyguards ako. As if I have a choice naman." sabi ko matapos ang ilang sandaling pananahimik. "But please, tell them to wear normal clothes."
"Normal clothes? What do you mean?" nagtataka at kunot noong tanong niya.
"I want them to wear jeans, shirts, polo shirt or anything they are comfortable with. But I don't want them to wear the usual outfit of a bodyguard, you know, black suit or white polo. It will be too obvious na bodyguard sila and they will be too eye-catching kasi kapag sinuot nila ay yung laging suot ng mga bodyguard. I don't definitely want na tumutingin sa amin lahat nang makakakita sa amin dahil may kasama akong bodyguard."
At isang malakas na tawa ang muli kong narinig galing kay Aljosh.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" naiinis kong tanong pero lalo lang siyang tumawa.
Sa sobrang inis ko ay tinalikuran ko siya. Lalayo na rin sana ako sa kanya pero agad niya akong niyakap at pilit iniharap sa kanya.
"I'm sorry. Hindi na ako tatawa." pero halatang pinipigilan lang niya ang tawa niya kaya inirapan ko siya. Kaya naman tumikhim siyang tatlong beses para matigil siya sa pagtawa bago muling magsalita. "Don't worry I will tell them to wear normal-" agad ko siyang pinalo sa braso. "Sorry, nagkamali lang. I will tell them to wear casual clothes. May request ka pa ba?"
"I will also hire them as my assistant. At kailangan din nilang gawin ang lahat ng ginagawa ng isang assistant. I am planning to start another business, kaya kailangan ko talaga magdagdag ng assistant. Kaya sila na lang kukunin ko."
"Okay, the three of them will wear casual clothes and they will also be your assistant. Anything else?" umiling naman ako bilang sagot. "Can we now go to sleep, Wife?"
Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya sigurado akong namumula ang mga ito. Agad kong isiniksik ang mukha ko sa kanyang dibdib para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero kinikilig ako sa tawag niya sa akin.
"Wife, can we go to sleep?" he asked again.
At dahil hindi ako makapagsalita sa sobrang kilig na nararamdaman ko, tumango na lang ulit ako.
He then kissed my forehead. "Goodnight, Wife. Sweet dreams." then he lift my face kissed me on my lips.
~sweetbabyrsmwx~
Natapos din. Hindi ko na-achieve ang goal ko na 6000 words, but I will try next time.
Sorry for the loooong wait. Nagkasunod kasi ang pagkakasakit namin ng baby ko. sorry talaga sa inyo.
Sa totoo lang, nahihiya ako sa inyo kasi hindi ko natutupad ang pangako ko sa inyo. At para maiwasan ko nang mangako na baka mapako, hindi ko na lang sasabihin kung kailan ang next update. But I will surely post it pagtapos ko na.
Sorry again and thank you. Enjoy reading...