Chapter 16 - Chapter 15

Sam's POV

"Ms. Sam, nandito na po tayo." seryosong saad ni Trevor nang makarating kami sa Fralanciana Empire. Kaya naman bumaba na kami.

Nakilala ko na kanina ang Knights. At tulad nga ng sabi ni Aljosh, Trevor is my driver and will stay with me while observing in the distance. Trent and Trinity will be my bodyguards and personal assisstants, and they will be always at my side. While the others, although nakilala ko na rin sila, pero hindi ko na alam kung asan sila ngayon.

Nalaman ko din na magkakapatid sila Trevor, Trent at Trinity. Trevor is the oldest, second ay yung isa pa nilang kapatid, at ang bunso ay ang kambal na sina Trent at Trinity. Malaki ang pagkakahawig nila Trevor at Trent, kamukha siguro nila ang isa magulang nila. While Trinity is hindi nila kamukha, at siguradong ang isa pang magulang nila ang kamukha niya.

Kanina ko pa rin iniisip kung bakit pamilyar ang mukha nilang Trevor at Trent. Sigurado akong ngayon ko lang sila nakilala, pero talagang pamilyar sa akin mukha nila. I think I met someone na kahawig nila pero hindi ko maalala kung sino.

"Just tell him na nandito si Cindy." inis na saad ng babaeng kausap ni Shane.

Isang tingin at masasabi kong mayaman siya. What she wears from head to toe were all branded. Pero kakahinayang kasi with the price of those items madami na sanang pamilya ang pwedeng matulungan, o mga hayop sa kalye na mabigyan ng kanilang tahanan at pagkain.

Hindi sa pagyayabang, pero I can also afford to buy those pero hindi ako bumibili dahil pakiramdam ko nagsasayang ako ng pera. Meron din naman kasing mga mabibiling mga gamit na magaganda ang quality pero hindi naman mataas ang presyo.

"Good morning Ms. Sam." nakangiting bati sa akin ni Shane nang makalapit ako sa receptionist area. "Sandali lang po, may kausap lang po ako."

"It's okay. Pwede naman akong pumuntang mag-isa. Hindi na kita aabalahin." nakangiti ko ring sabi.

"Pero baka po ako ang mapagalitan."

"Don't worry, ako ang magsasabi sa kan'ya. Hindi ko hahayaang mapagalitan ka."

"K-kayo po ang bahala." walang magawang wika ni Shane.

I smiled at her again bago ako tumalikod papuntang Dragon's Elavator, kasunod sila Trent at Trinity.

Hindi pa man kami nakakalayo narinig ko ng sumigaw si Shane.

"Miss, bawal ka diyan! Miss! Miss!"

Hindi ko na nilingon kung ano ang nangyayari. Dahil sa oras na ito wala akong ibang gusto kundi ang makarating na sa office ni Aljosh.

The elevator was about to close nang biglang pigilan iyon ng babaeng kausap ni Shane kanina kaya naman naalerto bigla sila Trent at Trinity na nasa unahan ko.

"Are you aware that this elevator can be only use by the CEO and emperor of this building? Who do you think you are to use when me, who is the future empress of this establishment, is not allowed to use it?" mataray na wika nito sa akin.

"I'm sorry, Ms. Sam, hindi ko po agad siya napigilan." hinging-paumanhin ni Shane na kakalapit lang sa amin. "Punta na po kayo sa taas. Sigurado pong kanina pa po kayo hinihintay ni Boss."

Tumango lang ako at tipid na ngumiti bago pindutin ni Trent ang close button. Tahimik lang kami habang nasa elevator. Alam kong nakikiramdam sila Trent and Trinity, at nakikita kong nagsesenyasan sila through their eyes, kita ko sa reflection ng elevator. I know that they want to tell me something pero hindi nila magawa dahil we literally just met earlier, kahit sabihing personal assisstant ko sila at bodyguard nagkakahiyaan pa rin kami.

Nang makarating kami sa top floor kung saan naroon ang opisina ni Aljosh ay agad kaming lumabas ng elevator. Nang makita ko ang couch dito sa receiving area ay agad nag-init at namula ang pisngi ko. Naalala ko kasi ang tagpong nadatnan ng mga kaibigan ni Aljosh. Hindi nagtagal ang paningin ko sa couch dahil agad ko ring iniiwas ang mga mata ko roon.

Hindi kami nagtagal sa receiving area dahil agad din kaming lumabas sa pintong papunta kung nasaan ang mga secretary ni Aljosh. Una kong hinanap ang mesa ni Zoe. Hindi naman ako nahirapan dahil iyon ang unang mesang makikita pagbukas ng pinto.

"Hi, Zoe." nakangiting bati ko.

"Hi! Ano'ng meron? Bakit sinabihan mo akong hintayin ka? Gutom na ako, konti lang kasi nakain kong breakfast kanina. Kami na lang ni Travis natitira dito. My other co-workers already went out to have lunch. Kung hindi ka lang nag-text kanina eh sumama na rin ako sa kanila.

I texted her earlier, sinabi kong huwag muna siyang mag-lunch at hintayin ako.

"Sorry. Here." sabi ko at iniabot sa kanya ang isa sa mga paper bag na dala ko.

"What's this?" takang tanong niya habang tinitingnan ang laman ng paper bag.

"Nagluto ako ng lunch ni Aljosh, so naisip ko na dalhan ka rin."

"Wow. Thank you. Akala ko aasa na lang ako sa mga bigay ni Brent para matikman ang mga luto mo. He will be so envious kapag sinabi kong pinagdala mo ako ng lunch. That twin brother of yours really love your cooking."

"I don't think so. Pareho lang kami no'n, mahilig kumain. Ang pinagkaiba lang nag-aral akong magluto pero siya mas gustong kumain."

"Ayaw lang niya siguro sabihin sa 'yo, but tuwing kumakain kami sa mga restaurants wala siyang bukam-bibig kundi kung gaano kasarap yung pagkain kapag luto mo, na kung ikaw lang daw ang nagluto siguradong mas masarap pa sa kinakain namin." saad ni Rina na nagpagulat sa akin.

I really have no idea na gusto pala ni Kuya Brent ang luto ko. Wala kasi siyang sinasabi kaya akala ko dala lang ng katakawan kaya lagi siyang madaming kumain nang mga niluto ko.

"Anyway, iwan ko na kayo. I'm really hungry at excited na akong tikman itong niluto mo. Doon ko na sa pantry ito kakainin. Salamat ulit, Sam." tapos ay tumayo na siya at dinala ang paper bag na bigay ko papuntang pantry.

Hahanapin ko na sana ang table ni Travis ng may bumukas na pinto at lumabas doon si Travis. I guess, it is his office. Sabagay, Travis is not just Aljosh's secretary, he is his persona assisstant kaya dapat lang na may office din siya.

Travis looked at us and then it feels like a lightning strike me.

"Ikaw!" sigaw ko na may pagturo pa kaya Travis.

"Ako?" takang tanong ni Travis na tinuturo ang sarili.

"Oo. Ikaw." pagkumpirma ko.

"Ano'ng ginawa ko, Ms. Sam? May kasalanan ba ako?" nagtataka at naguguluhang tanong ni Travis.

"Ikaw yung dahilan kung bakit parang pamilyar sila Trevor at Trent, magkakahawig kayong tatlo. Ikaw yung isa pa nilang kapatid." sabi ko na tila nakatuklas ng isang misteryo.

"Ah, yun lang pala. Akala ko kung ano na. Yes, Ms. Sam, kapatid ko silang tatlo." pagkumpirma naman ni Travis.

"Kanina pa ako isip ng isip kung bakit parang pamilyar sila Trevor at Trent. Alam kong may nakita na akong kahawig nila pero hindi ko maalala kung sino. Kung hindi pa kita makikita hindi ko maaalala."

Magsasalita sana si Travis pero may biglang nagsalita sa likuran namin.

"Hindi ka binabayaran ni Albert para makipag-chikahan lang. Ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan ni Albert at ikaw ang second-in-command ng kompanyang ito pero ganyan ang ginagawa mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga kapwa mo empleyado kapag nakita ka. I'm sure Albert will be disappointed with you." inis na sabi ng babaeng nadatnan namin kanina sa lobby, yung nagsabing girlfriend siya ni Aljosh.

"What are you doing here, Cindy?" seryosong saad ni Travis.

"Why are you serious now? When you're talking with her hindi ka naman seryoso ah. Bakit ngayong ako ang kinakausap mo seryoso ka na? Sino ba siya? Is she your girlfriend?" maarteng saad ng babaeng Cindy pala ang pangalan.

"What? No! I wouldn't dare! Kailanman ay hindi ko naisip 'yon!" Travis exclaimed na tila isang malaking kasalanan ang sinabi ni Cindy.

"Eh sino ba 'yan? Sino ba ang tatlong 'yan? Ang lalakas ng loob ng tatlong 'yan na gamitin ang elevator ni Albert. Ako nga never pinayagan ni Albert gamitin n'ya eh, si Travis lang talaga pinapayagan n'ya." mataray at maarteng wika ni Cindy.

Sasagot na sana si Travis nang biglang bumukas ang opisina ni Aljosh.

"What's the commotion in here?" kunot-noo at seryosong tanong n'ya na nakatingin kay Travis.

Wala akong nagawa kundi tumitig lang kay Aljosh. Naninibago kasi ako sa pagiging seryoso niya. I mean, yes, he is serious the first time we met pero hindi siya ganito kaseryoso. Now I understand kung bakit 'Dragon Emperor' ang tawag sa kanya. When he is at work he is so serious na parang magbubuga siya ng apoy anytime.

"I was talking with Ms. Sam nang-"

"You're here." putol ni Aljosh sa sinasabi ni Travis ng mapatingin siya sa gawi ko. Hindi siya nakangiti pero nawala na ang pagkakakunot ng noo niya at medyo nabawasan ang pagkaseryoso ng mukha n'ya.

I'm not sure kung sa akin ba siya nakatingin o kay Cindy. But I do really hope na sa akin siya tumitingin.

"Albert! I'm glad you're here na. I caught Travis talking with these three during office hours."

"It is already lunch break, Cindy." cold na sabi ni Travis.

"But you were still here and not having a lunch. Meaning you're still doing your work and not yet taking your lunch break." sabi naman ni Cindy. "At isa pa, 'yang tawag mo sa akin. Who told you that you have the rights to call me by my name? You were just a merely assistant, we are not at the same level." tapos ay humarap sya kay Aljosh at itinuro kaming tatlo nila Trent at Trinity. "And, Albert, before I forgot, these three use your elevator. I tried to stop them, but one of your receptionist let them. Ang kakapal ng mga mukha."

"Is that our lunch?" Aljosh asked when he lowers his gaze. "Bakit parang ang dami?"

Sasagot na sana ako nang mauna na namang sumagot si Cindy.

"Yes. I ordered this from your favorite restaurant. Dinamihan ko talaga kasi ayaw kong magutom ka."

Nang tingnan ko si Cindy ay nakita kong may hawak rin siyang dalawang paper bags na hindi ko napansin kanina.

"Come here. Let's eat. I am already starving."

"I'd like to, but-"

"Bakit hindi ka lumalapit?" kunot-noong tanong ni Aljosh.

Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot. Hindi naman kasi ako sigurado kung ako ba ang kinakausap ni Aljosh. Kaya minabuti kong tumahimik na lang.

"I want to. Gustong-gusto kong lumapit sa 'yo pero nakaharang itong dalawang ito." maktol ni Cindy na ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Travis.

I know na kailangan kong kumilos, tumabi. Pero hindi ko maikilos ang mga paa ko. Dahil aminin ko man o hindi, I am hurting right now.

Bumuntong-hininga si Aljosh bago naglakad palapit sa amin. I was expecting na pagsasabihan n'ya ako dahil nakaharang ako kay Cindy, then he will grab her and they will both go to his office and do everything they want to do.

But none of those happened. Because what he grabs is not Cindy's hands but mine. Then he took all the paper bags I was carrying before he put his arms around me without minding the people around us.

"I missed you." he whispers softly on my ear. It was so soft that I'm sure no one hears it but me.

My cheeks feels hot, and I'm sure that I am blushing right now kaya naman isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya na nagpangiti naman kay Aljosh.

Habang nakasubsob ako kay Aljosh, I saw from the corner of my eyes ang expression ng mga kasama namin. Si Cindy na nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa nakikitang eksena. Sila Trent at Trinity na bagaman hindi nanlalaki ang mga mata eh halata naman sa kanilang mga mukha na hindi nila inaasahan ang inaasta ng boss nila ngayon. At si Travis na hindi na nagulat sa ginawa ni Aljosh na nakatingin sa mga kapatid na tila sinasabing 'Masasanay rin kayo.' habang nakangisi.

"Why are you not responding earlier? I'm talking with you but what I get were silence and you staring at me."

"A-akala ko kasi hindi ako ang kausap mo. I-I thought you were talking with her."

"Nope. I'm talking with you."

"I'm sorry. Akala ko kasi talaga hindi ako ang kausap mo."

"It's fine." Aljosh said at tapos ay iniakbay niya ako. "Let's go, I really am starving."

"Wait." pigil ko ng iginigiya na niya ako papuntang opisina niya.

Kinuha ko sa kanya ang tatlong paper bag sa kamay niya at ibinigay ko iyon kina Travis, Trent at Trinity.

"Here's your lunch. Pasabi na rin kay Trevor na yung lunch niya ay nasa kotse. Hindi ko naibigay sa kanya kanina kasi bigla siyang nawala."

"Ms. Sam, hindi mo na kami kailangang ipagluto. Si Boss na lang ipagluto mo para hindi ka masyadong mapagod." nag-aalangang wika ni Travis na pasulyap-sulyap pa kay Aljosh.

"Iyon na nga eh, magluluto na rin lang ako ng para sa kanya bakit hindi ko pa kayo idadamay? Hindi naman kasi pwedeng kumakain kami tapos hahayaan lang namin kayo. Kung ako lang ang masusunod, pati yung iba ipagluluto ko. Pero hindi ko alam kung paano ko sila mabibigyan."

"Payag ako na ipagluto mo silang apat. Pero para ipagluto mo pa yung iba, hindi na ako papayag. Mapapagod ka lang kung madami kaming ipagluluto mo."

Hindi ko mapigilang mapanguso sa sinabing iyon ni Aljosh. Para kasi sa akin walang pinagkaiba kung madami o konti ang lulutuin.

"I know that you love to cook at hindi kita pipigilang magluto, at pwede mo rin gawin lahat ng gusto mo. But you have to make sure that you will not tire yourself."

"Okay." I said after I sighed.

"Can we go now to my office? I am starving that I feel like I can eat a whole elephant."

I just nod at him. We were about to walk when Cindy speaks.

"Y-you're going to let her in at your office?" tanong ni Cindy na tila noon lang natauhan.

"Yeah. What's wrong with that?" saad ni Aljosh na hindi tumitingin kay Cindy.

"Why? Akala ko ba no one is allowed to enter your office except Travis, kahit nga kapatid mo at mama mo eh sa receiving area mo kinalausap. Pero bakit siya pwedeng pumasok ng office mo? At kahit nang sabihin ko sa iyong ginamit niya ana elevator mo, you have no reaction at all." nagtatakang sabi pa ni Cindy.

"It's none of your business." Travis answered in a very cold tone. Tapos ay iginiya na ako ni Travis papunta sa office niya.

Nakakailang hakbang pa lang kami ng magsalita uli si Cindy.

"Can I join you at lunch? May kailangan rin kasi akong sabihin."

"No."

"Yes."

Sabay na sagot namin ni Aljosh kaya nagkatinginan kami.

"Are you sure?" Aljosh asked.

"Hmm." I hummed as I nod. "May kailangan daw sabihin sa iyo eh. Sa receiving area na lang tayo."

"Are you aware that she is my ex and she acts like a stalker because whenever I am she will always be there. And I am doing everything I can para maiwasan ko siya."

"Yes. Nabasa ko sa files na binigay mo."

"At payag ka pa rin na sumabay siya sa atin ng lunch?"

"Baka importante sasabihin niya." pangangatwiran ko.

"Ikaw ang bahala." napabuntong-hiningang saad ni Aljosh.

"You can come with us." sabi ko kay Cindy na may tipid na ngiti.

After that, pumunta na kami ni Aljosh sa receiving area while Cindy is following us. Sila Travis, Trent at Trinity naman ay umalis na din.

Nang makapasok kami sa receiving area ay agad akong inalalayan ni Aljosh na makaupo sa couch. And as I sat here, I again remembered what happened last time kaya naman napatungo na lang ako at tulad kanina ramdam ko na namang unti-unting nag-iinit ang pisngi ko.

Seeing my reaction, Aljosh burst laughing kaya naman agad ko siyang inirapan.

"What's funny?" takang tanong ni Cindy na kakaupo lang sa katapat naming couch.

"Nothing." sagot ni Aljosh na tumatawa pa rin. "I'll just get the utensils." tapos ay tumayo na siya para magtungo sa pantry.

The moment Aljosh stands up ay inilabas ko na ring isa-isa ang mga dala kong pagkain na nasa paper bag na ipinatong ni Aljosh sa center table kanina.

"What are those?" narinig kong tanong ni Cindy. "Are those Filipino dishes?"

"Oo." tipid na sagot ko habang tumatango habang isa-isang tinatanggalan ng takip ang mga dala ko.

Knowing Aljosh's appetite sinadya kong damihan ang dala kong kanin at ulam. May dala akong nilagang kalabaw, kalderetang kalabaw, lumpiang sariwa, chopseuy, at fish fillet.

"Didn't you know that Albert is not fond of Filipino dishes? His favorites are Japanese dishes. That's why I brought Japanese foods." tapos ay isa-isa na rin niya inilabas ang laman ng dala niyang paper bag.

Tulad nga ng sabi niya puro Japanese foods dala niya tulad ng sushi, sashimi, unadon, tempura, onigri at madami pang iba.

"Ha? Eh hindi naman halata na may paborito siyang pagkain. Kahit kasi ano ang iluto ko laging madami siyang kinakain." napapaisip kong sabi. "Pero may dala pa naman akong ibang pagkain." sabi ko na inilabas ang laman ng isa pang paper bag.

Sushi, tempura, onigri, ramen, okonomiyaki at yakitori ang dala kong Japanese foods. Pero may dala din akong Korean foods like kimchi, bibimbap, at bulgogi. Inilabas ko na din ang desserts na dala ko, leche flan, fruit salad, chocolate cake at chocolate bar. May dala din akong fruits, mangga at saging.

"Desserts? He doesn't like sweets. And where is his coffee? You should know na mahilig siya sa kape. Maya't maya kung uminom siya ng kape, at tuwing kumakain siya hindi pwedeng mawala ang kape. He can drink more than ten cups of coffee in a day."

"I know. But I limit him to less than 5 cups a day. He can have it on breakfast, snack time or at night. Basta hindi lalampas sa 5 cups. Too much caffeine is not healthy kaya naman sabi ko sa kanya na fresh fruit juice and water ang dapat iniinom niya tuwing lunch at dinner." sabi ko habang inilalabas ang dalawang bote na may lamang juice.

"He agreed?" hindi makapaniwalang saad ni Cindy.

"Yes. He ag-"

"Here." putol ni Aljosh sa sinasabi ko. Inabautan niya si Cindy ng pinggan, kutsara, at tinidor.

"Thanks." nakangiting tinanggap ni Cindy ang mga iniabot ni Aljosh. At nang makita niya ang laman ng tray na hawak ni Aljosh ay agad siyang ngumisi sa akin.

I got curious kaya naman tiningnan ko ang laman ng tray. And when I saw it ay agad kong binigyan ng matalim na tingin si Aljosh. Dahil ang laman ng tray ay isang pinggan, isang kutsa, isang tinidor, mga baso at isang pitsel ng tubig.

I guess Cindy thought na hindi ako ikinuha ni Aljosh ng kakainan kaya sya ngumisi sa akin. Pero malakas ang kutob ko na hindi iyon ang dahilan.

"What?" Aljosh asked ng makaupo na siya sa katabi ko. Hindi ko kasi tinitigil pagtingin ng masama sa kanya. Tapos ay tumawa siya bago magsalita, "Don't worry, we're just going to eat."

"Siguraduhin mo lang Alberto Jose." nagbabanta kong sabi na tinawanan lang niya tapos ay bumulong siya sa akin.

"Kakain lang tayo, promise. I won't kiss you because we're not alone. But if you like pda, I will be more than happy to do it."

"Alberto Jose!" sigaw ko at hinampas ko din siya ng mahina sa kanyang braso. At muli, tinawanan lang niya ako.

Cindy's POV

I am now staring at Albert. Ang laki ng pinagbago n'ya sa loob lamang ng isang buwan.

First, his eating preferences. As long as I can remeber, he doesn't want to eat Filipino dishes. He didn't hate it, he's not just fond of it. Konti lang nakakain niya kapag Filipino foods ang nakahain. But now, ang dami niyang nakain.

Hindi lang 'yon, dahil kahit ang daming dalang pagkain ni Sam, they both finished it. Kahit kailan hindi ko pa nakitang sobrang ganang kumain ni Albert, ngayon lang. Kahit nga ang mga dessert na dala ni Sam eh naubos nila, well except sa chocolate cake na mamaya na lang daw nila uubisin.

Idagdag pa na pumayag siya na bawasan ang pag-inom niya ng coffee.

Next is him sharing his utensils. Albert doesn't have OCD but he always practices proper hygene at isa na doon ang hindi pag gamit ng mga bagay na ginamit na ng iba. But now, siya pa ang nagsusubo ng pagkain kay Sam. At pagkatapos niya subuan si Sam, siya naman ang sunod na susubo/kakain. They are literally using the same utensils.

And then Albert being clingy and showing PDA. When we were still have a relationship, he is always busy at ako ang laging gumagawa ng paraan para magkita kami at magkausap. At kahit puntahan ko siya dito sa ofiice he will still be doing his work at papansinin lang ako kapag kumakain na kami.

He also didn't want us to be close to each other kapag may kasama kaming iba. He holds my hand, hugs me, kisses me and do everything what couples do only when we were alone.

But now, mula ng makita niya si Sam he is always near her, holds her hand everytime he had a chance, tas kanina niyakap rin niya si Sam kahit na marami kaming kaharap nila. And with how Travis looked earlier, I can say na hindi ito ang unang beses na nakita niya si Albert na ginawa iyon.

Pero pinakamalaking pagbabago sa kanya were his smiles and laughter. Bata pa lang ako kilala ko na si Albert, but I never saw him smile, let alone laugh, even when he is with his friends and family. Pero kanina pa siya tumatawa at hindi rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"How's your meeting with Katherine?" Albert asked softly to Sam.

"Mind-blowing. Can we talk about it later? Hindi pa kasi talaga nagsi-sink in sa akin yung mga sinabi ni Katherine kanina." Sam answered after sighing.

"Okay. Just tell whenever you are ready." malambing na saad ni Albert at tapos ay inakbayan niya si Sam at inihilig niya ang ulo ni Sam sa kanya.

Bagay na hindi niya ginawa sa akin noon. We kissed and hugged only during our intimate moments. But if we were not doing anything intimate, we just sit right to each other.

Kung alam ko lang na may itinatago siyang sweetness hindi sana ako nakipaghiwalay noon. O kaya naman eh sana hindi ko sinunod yung sinabi ng pinsan ko. Eh di sana sa akin niya ginagawa yung mga ginagawa niya ngayon kay Sam.

With that thought ay agad nanlisik mga mata ko. Pero agad din akong huminga ng malalim para kontrolin ang nararamdaman kong pagkairita. It will not definitely be good kapag nakita ni Albert na naiinis ako sa Sam na 'yon.

I fake a cough para makuha ko ang atensyon ni Albert. At hindi naman ako nabigo dahil tumingin sa akin si Albert pagkatapos akong ituro ni Sam.

"Albert, can I talk to you privately?" tanong ko na nakatingin kay Albert.

"Sa pantry lang muna ako." Sam said at tapos tumayo siya at inumpisahan na niyang iligpit mga pinagkainan namin.

"You don't have to leave." pigil ni Albert kay Sam at hinawakan niya ang mga kamay nito at muling pinaupo sa tabi niya. Tapos ay humarap siya sa akin, "Whatever you want to say to me, you can say it nang kasama natin si Sam."

He said it so serious, at alam ko na hindi ko mapapagbago ang desisyon niya. Kaya naman bumuntong-hininga na lang ako at nagsimula nang magsalita.

"Alam mo namang nagsara na yung company na pinagta-trabahuhan ko, di ba?" I asked, but he didn't answer. He just look at me as if saying na kailangan ko ng sabihin kung ano ang gusto kong sabihin. So I did, "I want to apply as your secretary."

"Hindi ako ang dapan na kinakausap mo, you should submit your resume at the HR dapartment. And besides, I already have six secretaries. Hindi ko kailangang magdagdag dahil kaya naman nila ang kanilang mga trabaho."

"Fire one of them then hire me." suggestion ko.

"My secretaries were working for me for years. They were all efficeient and doing great at their job. There's no reason for me to fire them. And besides, even if they will be fired or resigned, HR ang bahalang maghanap ng kapalit nila." cold na saad ni Albert.

"Can't you do anything about it? You're the owner and CEO of this company, you can do everything you want."

"Yes, I am the CEO. Kaya nga dapat lang na sumunod ako sa mga batas na pinapatupad ng company. Here in Fralanciana Empire, we don't tolerate palakasan system. Anyone can recommend someone para makapag-trabaho dito. Pero lahat 'yon, regardless of who recommended them, ay mag-a-apply sa HR at dadaan lahat sa tamang proseso."

"Kung kay Fernan ako mag-a-apply, I'm sure ibibigay n'ya agad ang posisyong gusto ko." sabi ko sa kanya, and I hope na magbago ang isip niya at i-hire na niya agad ako.

Fernan is my childhood friend. At alam ko na simula pagkabata ay hindi na sila magkasundong dalawa. Madalas silang magtalo sa isang bagay, at ayaw magpapatalo sa isa't isa.

"Go to Fernan and ask for any position you want. No one is stopping you." and then he looks at Sam. "Let's go."

Inalalayan ni Albert na makatayo si Sam. Tapos ay inakbayan niya ito at inilagay naman ni Sam ang kamay niya sa bewang ni Albert ang kamay niya at pumunta na sila sa opisina ni Albert.

And they left me dumfounded.

Albert's POV

The moment I closed the door of my office ay agad kong isinandal doon si Sab and claimed her lips. She was shocked at first, but after few seconds she responded to my kisses.

Kanina ko pa siya gusto halikan. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil kaharap namin si Cindy, and I know that Sab wouldn't like it kung hahalikan ko siya sa harap ng iba.

I put my hands on her waist and hug her tight as she puts her hands at the back of my neck. Mas pinalalim ko pa ang paghalik sa kanya at sinabayan naman niya ang mga halik ko. Ang mga kamay ko na nasa bewang n'ya ay unti-unting tumataas.

Pero bago pa man tumaas ng todo ang mga kamay ay pinigilan ko na ito sa pagtaaas. And then I talk to Sab while still giving her kisses.

"We should... stop this... I... may not... be able... to stop... myself... later... if we... don't... stop now."

She hummed but we both didn't stop kissing. Instead our kiss got deeper and deeper and deeper.

After few minutes of kissing her, I reluctantly stopped. Ipinatong ko ang noo ko sa noo niya, while brushing my nose to hers.

"We really should stop. I don't want to force you." I said softly.

"Who said you were forcing me?" Sab said and then hinila n'ya ako dahilan para muling maglapat ang mga labi namin.

"Sab, don't tempt me." I said but Sab just smiled sweetly and bit her lower lip. And I can't stop from kissing her again.

I deepened our kiss again, and then my lips moved on her neck. She angled her head for me to have a better access. My hands started to move up and down on her back. Then I kissed her again on her lips as my hands travellled from her back to her stomach, then to her back again.

I hugged her and stopped kissing her. Then I whispher on her ears sweetly, "Let's stop this. I really can't control myself anymore if we will continue this again."

"You don't have to control yourself." she whispers back at me. "I am ready."

The moment she said those I felt my body heat up even more. And I tried so hard to stop myself from kissing her again. Because I know that if I kiss her again, I can't really control myself again.

"I promised myself that if we were going to do it again, we must be both sobber and it should be at our bed." sabi ko habang inilayo ko ng konti ang mukha ko sa kanya. Iniipit ko sa tainga niya ang ilang hibla ng buhok na nasa pisngi na niya.

"You are special, Sab. And I want our first night together as husband and wife to be special." sabi ko at hinalikan ng marahan ang kanyang noo. "For now, let me hug you as I calm myself down." and then I hug her again and she hugs me back.

Sam's POV

We are now here at the couch on Aljosh's office. Nagbabasa ako ng wattpad gamit ang laptop ni Aljosh habang si Aljosh naman ay sa tabi ko nagbabasa at pumipirma ng mga documents.

Kanina pa ako pasulyap-sulyap kay Aljosh. Hindi ko kasi maiwasang maipagkumpara si Aljosh at Sherwin, napakalaki talaga ng pagkakaiba nila.

Two months after my eighteenth birthday naging kami ni Sherwin. Kakasagot ko lang sa kanya when he claimed my first kiss. I was shocked pero hinayaan ko na lang, he is my boyfriend after all.

At first he only kisses me everywhere, on my cheeks, on my hands and most of the time on my lips. Every now and then he tries to kiss me on my earlobes, neck or shoulders. But I always feel goosebumps everytime he tried to kiss me kaya pinipigilan ko siya. Kahit pa laging sinasabi ni Sherwin na pwede niya ako halikan kahit saan dahil boyfriend ko siya hindi pa rin ako pumapayag. Hindi pa man kasi lumalapat ang labi niya sa earlobe, leeg at balikat ko eh kinikilabutan na ako, paano pa kaya kung lumapat na?

But he didin't stop there. Dahil after we celebrated our first month, he started to become touchy. I don't mind the hugging, holding hands at kapag umaakbay siya sa akin because it is normal betweem couples. Pero nang tumagal naiilang na ako sa mga yakap niya.

Tuwing yayakapin kasi niya ako lagi iyong napakahigpit at laging magkadikit na magkadikit mga katawan namin, to the point na madalas eh nagkakadikit na pati private parts namin. Hindi ko naman iyon pinapansin noong una. Pero napapadalas kasi ang 'aksidenteng' pagsagi or paghawak niya sa dibdib ko, nang mapansin ko iyon doon ako nakaramdam ng pagkailang. Pero dahil sabi ni Rina eh normal lang iyon na gawain ng isang lalaki, I shrugged it off at gumawa na lang ng paraan para makaiwas kahit papano.

And then when we celebrated our first year anniversary nagsimula naman siyang mag-request, he wants us to do 'it' to prove that we love each other. Pero kahit anong sabihin niya hindi ako pumapayag. Sabi kasi ni Mama dapat ginagawa lang 'iyon' kapag mag-asawa na.

And throughout our relarionship, everytime na mapapagsolo kami, kahit saang lugar, he will request 'it' and try to convince me, pero never akong pumayag. He even said na kahit hawak lang daw, but I still didn't agree. Kasi alam kong once na pagbigyan ko na siya he will always ask for it and eventually I will have no choice but to do what he wants.

Pero si Aljosh, ibang-iba. He is my husband and he has all the rights para hilinging 'iyon' but he never did. Yes, he is a kissing monster, or should I say a kissing dragon, but he force me. Kahit kaming dalawa lang ang magkasama he never took advantage of me. He never hugged me so tight to the point na magkadikit na magkadikit na ang katawan namin, at kahit kailan hindi niya 'aksidenteng' nasagi or nahawakan ang dibdib ko. In his every moves, in his every actions at sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig, I can always feel na inirerespeto niya ako. Never kong naramdaman kay Aljosh ang pagkailang na naramdaman ko kay Sherwin. It is as if Aljosh is waiting for me to be ready.

And when he said earlier na I am special and that he wants our first night together as husband and wife to be special, aaminin ko na sobra-sobrang kilig ang naramdaman ko. No ma treated me so special except for my Papa, brothers, cousins, grandfathers, and uncle. Si Aljosh ang kauna-unahang nagparamdam sa akin na espesyal ako na hindi ko kadugo.

Maybe you're thinking bakit hindi ako nakipaghiwalay kay Sherwin noong nag-uumpisa siyang gumawa ng inappropriate things. Pumasok na rin sa isip ko ang makipaghiwalay, hindi lang isang beses. Pero I love him that time kaya hindi ko itinutuloy. And isa pa, Sherwin is my first boyfriend and I'm so naive in relationships na lagi akong nagtatanong at lumalapit kay Rina, na lagi namang sinasabi na normal lang daw iyon sa isang lalaki. She even advised me na pagbigyan na lang si Sherwin, pero never kong ginawa. But Rina is one of the reasons kung bakit nakasanayan ko na lang ang mga ginagawa ni Sherwin.

"Are you alright?" tanong ni Aljosh at niyakap ako na ikinagulat ko.

"Yes, why?" takang tanong ko naman.

"Bigla ka na lang kasi natulala. I was calling you pero hindi mo ako naririnig."

'Natulala na pala ako kakaisip sa pinagkaiba ni Sherwin at Aljosh.'

"Sorry, may naisip lang ako." hinging-paumanhin ko.

"It's okay." Aljosh said and then he kissed my forehead. "Papunta dito si Neil, may result na daw kasi yung DNA test."

"That fast?"

Katatapos ko pa lang magsalita ng may kumatok sa pinto and then bumukas iyon at pumasok si Travis.

"Boss, Dr. Neil is here."

"Sige, sa receiving area mo na lang siya papuntahin." sabi ni Aljosh na tinanguan ni Travis at tapos ay lumabas na ito.

"Are you ready?" tanong niya na inilahad ang kamay sa akin.

I smiled at him at tapos ipinatong ko ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Inilalayan niya akong tumayo at magkahawak-kamay kaming pumuntang receiving area.

Nang makarating kami sa receiving area ay nanibago agad ako sa Dr. Neil na nasa harap namin. Wala na kasi ang aura niya na parang laging handang mang-alaska. Ang Dr. Neil na nasa harap namin ay may aura ng isang seryosong doktor.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." sabi ni Dr. Neil nang makaupo kami. "You asked me to dona DNA test to have a more concrete evidence na si Sherwin ang ama ng ipinagbubuntis ni Rina." he said in a very serious tone kaya naman tumango na lang ako. "But what we found out is not what we are expecting."

"What do you mean?" kunot-noong tanong ko.

"Rina is pregnant with twins, superfecundation twins to be exact."Superfecundation?" naguguluhang tanong ko.

"Yes. Superfecundation twins is when a woman is impregnated by two men."

"You mean-"

"Rina is pregnant with twins that has different fathers." pagpapatuloy ni Dr. Neil sa gusto kong sabihin. "Pero ang mas nagpagulat sa akin ay hindi anak ni Sherwin ang sinoman sa mga bata." dagdag pa ni Dr. Neil na nagpagulat sa akin.

"S-sino?"

"I already did some investigation and I found it out." saad ni Travis habang ibinibigay sa akin ang isang brown envelope na agad kong tinanggap at tiningnan ang laman.

Una kong nakita ang result ng DNA test na nagpapatunay na hindi si Sherwin ang aman ng pinagbububuntis ni Rina. Nakita ko rin ang mga katunayan ng sinasabi ni Travis na seperfecundation twins nga ang dinadala ni Rina.

But what shocked me the most ay kung sino ang ama ng mga ipinagbubuntis ni Rina. Because I know them, they were the two biggest client of Rina's. And I feel guilty dahil ako ang dahilan kung bakit nila natuklasan ang Rina's.

Tatay kasi sila ng classmates ko noong college. Noong kakaumpisa pa lang ng Rina's ako mismo ang lumapit sa kanila para sabihing sa Rina's na lang sila magpa-cater tuwing may mga meeting sila or party. Hindi naman sila agad pumayag, but after they tried the dishes at Rina's, naging suki na sila ng Rina's.

"I have to go. Dumaan lang talaga ako dito para sabihin sa inyo 'yan." narinig kong pamamaalam ni Dr. Neil.

Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkagulat at hindi pagkapaniwala sa mga nalaman ko, o dahil ba nagi-guilty ako kaya hindi ko makuhang magsalita. Kaya naman nginitian ko na lang si Dr. Neil at tinanguan.

"Thank you, Neil." pasasalamat naman ni Aljosh.

Agad umakbay sa akin si Aljosh nang makalabas si Dr. Neil.

"Are you okay?" Aljosh asked.

Tumayo ako at lumapit sa glass wall at tiningnan ang view sa labas. Kitang-kita sa pwesto ko iba't ibang building na nakapaligid sa Fralanciana Empire. Kahit ang mabibilis na sasakyan na nasa kalye ay kitang-kita ko.

"Medyo nagi-guilty ako. Ako kasi ang dahilan kung bakit naging client ng Rina's ang dalawang iyon. At ano ba akong klaseng kaibigan para hindi ko mapansin na something is going on between them. Kung nalaman ko lang sana agad ang mga nangayayari, napigilan ko sana si Rina na makagawa ng mali."

Naglakad palapit sa akin si Aljosh. Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong niyakap mula sa likuran, at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat.

"It is not your felt, you don't have to feel guilty about it. Pinakilala mo lang sila sa isa't isa for business purposes. At kung anuman ang pinag-usapan nila o nangyari sa kanila pagkatapos mo silang ipakilala sa isa't isa, labas ka na doon. Dahil kung hindi naman gusto ni Rina ang nangyari hindi siya papayag." sabi ni Aljosh na nagpakalma ng konti sa akin.

"Pero sana may napansin man lang akong kakaiba sa ikinikilos ni Rina para sana napigilang ko siya." pagdadahilan ko pa rin.

"Nalimutan mo na ba na nakaya niyang itago sa iyo na may relasyon sila ni Sherwin?" natigilan ako sa sinabing iyon ni Aljosh. "It only means na talagang magaling siyang magtago, kaya huwag mong isipin na may kasalanan ka. Besides, are you sure na makikinig siya sa 'yo in case na malaman mo agad ang nangyayari sa kanya? Are there any incident na kahit isang beses eh nakinig siya sa 'yo?"

With those questions tuluyan nang gumaan pakiramdam ko. Dahil mula nang maging kaibigan ko si Rina she didn't listen to me even once, she didn't take my advises seriously. At ginagawa lang niya ang kung ano ang gusto niya.

"As I expected." Aljosh said ng makalipas ang ilang sandali na hindi ako sumasagot. Iniharap niya ako sa kanya at sinabing, "Kaya huwag mo nang sisihin sarili mo." he then kissed me gently on my forehead and hugged me tight.

Starting today, him kissing my forehead will be my favorite gesture of his. Dahil sa tuwing hanahalikan n'ya ako sa noo I can feel his care and sincerity, that he respects and protects me. Mga bagay na hindi ko naramdaman noon kay Sherwin.

~sweetbabyrsmwx~

Tapos na!!! Goal achieved!!! 6500 words ang update ko ngayon... Sana magustuhan n'yo ang chapter na ito. At sana nasulit ang paghihintay n'yo....