Chapter 13 - Chapter 12

THE BLITZ MARRIAGE: MARRIED AT FIRST SIGHT

Chapter 12

Sam's POV

Nandito ako sa kusina, katatapos ko lang magluto at mag-bake. For the past two days wala akong ibang ginawa kundi mahiga, matulog, manood ng tv at movies, mag-cellphone at mag-alaga kina Hikaru at Lantis.

Hindi kasi ako pinayagang gumawa ng gawaing-bahay ni Aljosh, kailangan ko daw kasi magpahinga at magpagaling. Habang siya naman ay pumapasok sa opisina n'ya.

Kaya ngayon na pwede na akong gumawa ng gawaing-bahay, nagluto ako at nag-bake. Kahit naman kasi may mga kasambahay kami eh gumagawa din ako dito sa bahay. Ayaw ko kasi ng wala akong ginagawa.

Anyway, naglalagay ako ngayon ng mga niluto ko sa lunch box. Balak ko kasing dalhan si Aljosh.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Travis.

Yes! May number na ako ni Travis at Aljosh. Binigay sa akin ni Aljosh para daw matatawagan ko sila anytime.

"Hello, Madam?" sabi ni Travis nang sagutin niya ang tawag ko.

"Travis, may lunch meeting ba si Aljosh?" tanong ko naman.

"Wala po, Madam."

"Great. Ahm punta ako diyan. Magdadala ako ng lunch n'yo."

"Sige po. I'm sure matutuwa si Boss. Magpapadala po ako agad ng driver para po sunduin ka."

"No need. Magpapasama na lang ako kay Mang Alfredo."

"Sige po."

"Bye." paalam ko kay Travis.

"Bye."

Pagkatapos nang tawag ay inilagay ko na sa isang bag. Pagkatapos ay nagtimpla ako ng fresh orange juice at inilagay iyon sa tumbler.

Nang matapos kong igayak ang mga dadalhin ko ay pinuntahan ko si Manang Lydia na nasa salas at naglilinis kasama ang iba pang kasambahay.

"Manang Lydia, pasabi po kay Mang Alfredo na aalis kami. Dadalhan ko po ng pagkain si Aljosh, magbibihis lang po ako." sabi ko kay Manang Lydia na napangiti sa sinabi ko.

"Kaya naman pala ang saya mo kanina sa kusina kahit mag-isa ka lang doon at ayaw mo kami patulungin." sabi ni Manang Lydia sa nanunuksong tinig.

"Manang naman."

"Sige na, magbihis ka na. Ako nang bahala magsabi sa Manong Alfredo mo." nakangiting sabi ni Manang Lydia kaya naman napapailing na lang ako na pumunta sa kwarto.

Kakapasok ko lang ng kwarto nang mag-ring ang cellphone ko, agad ko iyong kinuha sa bulsa ng short ko at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" sabi ko habang papasok ako ng bathroom.

Maliligo ako ng mabilis. Kakahiya namang pumunta ako ng Fralanciana Empire nang amoy kusina ako.

"Mahal Ko, nasaan ka? Saan ka ba talaga lumipat? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?"

Napataas ang isang kilay ko ng marinig ko ang tinig ni Sherwin.

"What do you want, Sherwin?" tanong ko na hindi maitago ang inis sa boses.

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ibinenta nila ako. We were in a relationship since college. I never cheat, I always support him, I do everything for him and give everything I can give.

Well, except for one thing, my virginity. Pero hindi naman 'yon sapat na dahilan para lokohin niya ako, at lalong hindi iyon sapat na dahilan para ibenta niya ako.

"Sam, I know na galit ka sa akin, sa amin ni Rina. But what happened last time was not our fault. It's a misunderstanding."

"Really?" I smirk with what he said.

"Yes. It's all Shane's doings."

"Shane?"

"Yes. She's one of the waitress at Rina's. Binayaran siya ni Fernan para lagyan ng gamot ang pagkain at inumin mo. Pagkatapos ay tinawagan niya ang kapatid mo at pinalabas na kami ang may kasalanan. Hinding-hindi namin magagawa ni Rina 'yon sa 'yo."

I tried so hard to contain my laugh. Ngayon ko lang na-realize na napakagaling palang umarte at magdahilan ni Sherwin. Kung hindi ko alam ang totoong pangyayari siguradong naniwala na ako sa mga sinasabi niya. And I guess it is one of the reason kung paano nila ako naloko nang hindi ko nahahalata sa loob ng maraming taon.

Yes, taon na nila akong niloloko, eight years to be exact. They had a relationship since we graduated from college.

Tinatanong ko nga ang sarili ko kung bakit kahit minsan hindi ako nagduda sa kanila. Sabagay magaling kasi silang umarte at magtago, plus malaki rin tiwala ko sa kanilang dalawa.

"Sam, Mahal Ko, please believe me, believe us." nagmamakaawabg sabi pa niya.

I sighed to suppress my anger.

"Okay, I'll believe you." pagsisinungaling ko.

"Thank you, Sam, for believing me, for believing us. So saan bahay mo? Puntahan ka namin ni Rina. Hangout tayo."

"Hindi ako pwede ngayon eh. May pupuntahan ako." pagdadahilan ko.

"How about tomorrow?"

"Birthday ni Mama. Alam mo naman na hindi ko kayo pwedeng isama 'di ba?"

"Then Saturday and Sunday. Weekend 'yon, wala ka sigurong lakad no'n."

"I'm not sure. Kilala mo naman sila Kuya, they will surely ask me to spend more time with them. Then by Monday and Tuesday may lakad din ako."

"Mukhang busy ang Mahal Ko ah. Hmm sa Wednesday na lang?"

Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko sanang makita kahit sino sa kanila ni Rina, pero hindi rin naman pwedeng magdahilan ako lagi. Baka makahalata sila na iniiwasan ko sila, at iyon ang hindi dapat mangyari. Gusto ko pa kasi malaman kung hanggang saan aabot ang panloloko nila.

"Okay, Wednesday. Pwede bang 2 in the afternoon? May gagawin rin kasi ako that day."

"Sure. See you on Wednesday."

"Hmm."

"Bye." paalam niya.

"Bye." paalam ko rin.

"I lo-" hindi ko na tinapos kung anuman ang sinasabi n'ya at agad ko nang pinindot ang end button. I know that he's going to say that he loves me, but I also know that it is a lie kaya bakit ko pa papakinggan.

Ipinatong ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at pagkatapos at pumunta na ako sa bathroom at naligo. Pagkatapos ko maligo I put a towel on my head at nagsuot ng bathrobe. Tapos ay pumunta na ako sa walk-in closet.

Nasabi ko na bang I really love this walk-in closet. Halata kasing pang-couple. We don't have seperate shelf for clothes, footwear and accessories. I mean kay Aljosh ang left side at akin naman ang right side. Tulad sa cabinet and drawer ng mga damit at drawer. Pag binuksan yung kabinet left side of it is mga damit ni Aljosh, yung mga nasa right side sa akin naman. Lahat naman ng nasa left na drawer kay Aljosh, sa right akin.

Ang plano ko noon eh hiwalay ang mga gamit namin, as in literal na parang may hati itong walk-in closet. Para sama-sama ang mga gamit ko at sama-sama rin ang mga gamit ni Aljosh.

But Aljosh disagree. Gusto daw kasi n'ya na tuwing kukuha siya ng gamit eh makikita n'ya na magkasama ang mga gamit namin. His exact words were:

'Gusto ko sa tuwing kukuha akong gamit eh makikita kong magkasama mga gamit natin. It will always remind me how lucky I am to met you that night and how lucky I am to be your husband. I may not love you yet, but I can say that I am attracted to you. Aaminin ko na meron akong nararamdaman para sa 'yo, and I am not sure kung ano itong nararamdaman ko. But I know that I am happy that you are with me and you are my wife.'

Sinong mag-aakala na ang paglalagay ng gamit sa walk-in closet ay mauuwi sa confession. Hindi man niya sinabing mahal na niya ako, pinaramdamn naman niya sa akin kung gaano ako kaimportante at ramdam ko ang sincerity n'ya sa bawat salitang binitawan n'ya.

Anyway, napili kong suutin ay yellow sunday dress na above the knee at flat sandals. At dahil ayaw kong makilala ako ng mga empleyado ng Fralanciana Empire, kumuha na din ako ng yellow cloth face mask at sunglass.

I don't know kung bakit nagpagawa si Aljosh ng mga cloth face mask naming dalawa, and take note kumpleto sa kulay kaya pwedeng iterno sa suot namin. Pero kahit anuman ang dahilan ni Aljosh, nagpapasalamat ako na nagpagawa siya kaya may magagamit ako ngayon.

Inilagay ko ang face mask at sunglass sa handbag ko at tapos ay lumabas na ng kwarto. Pinuntahan ko si Manang Lydia na nasa kusina na.

"Manang, aalis na po ako." paalam ko kay Manang Lydia na hinuhugusan ang mga ginamit ko sa pagluluto at pagbe-bake. "Pasensya na po at hindi ko nalinis ang mga iyan."

"Ayos lang, hija. Baka mapasma ka kung ikaw pa ang maglilinis ng mga ito. Ilang oras ka ding nagluto at nag-bake."

"Salamat po. Meron na po ba kayong nagawang grocery list at listahan ng mga kulang dito sa bahay?"

"Oo. Kakagawa ko lang kanina. Nandini pa nga sa bulsa ko at hindi ko pa naiitabi. Bukas ko bibilhin ang mga iyon." sabi ni Manang habang nagtutuyo ng kamay.

"Ako na lang po bibili. Bibili rin naman po ako ng pang-regalo kay Mama at mga kailangan ko sa pagbe-bake."

"Sigurado ka ba, hija?"

"Opo."

"Ay hala, ikaw ang bahala kung 'yan ang gusto mo. Naay ang listahan." tapos ay may kinuha syang papel na nakatupi sa bulsa ng kanyang suot na pantalon.

Kinuha ko iyon at inilagay sa handbag. Tapos ay kinuha ko na ang bag na may mga lunch boxes at tumbler.

"Alis na po ako, Manang Lydia." paalam ko ulit.

"Sige. Nasa labas na si Alfredo. Mag-iingat kayo ha."

"Opo." tapos ay lumabas na ako ng bahay at pumunta na sa kotse kung saan naghihintay si Mang Alfredo.

Travis's POV

After my phone call with Madam, inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at tumayo na para puntahan si Sylvia, ang pinakamatagal ng secretary sa mga babaeng secretary ni Boss.

"Sylvia, ipa-cancel mo na ang lunch ni Boss."

"Are you sure? Baka ako ang mapagalitan. Alam mo namang ilang araw nang mainit ang ulo ni Boss. Ayokong makaharap ang dragon." nag-aalangang tugon ni Sylvia.

"Don't worry. Hindi magagalit si Boss sa 'yo." Aalis na sana ako nang may maalala akong sabihin. "Huwag mong hahayaang may pumasok sa office ni Boss. May pupuntahan lang ako saglit." I said at tuloy-tuloy na akong umalis.

Ramdam kong nakatitig siya sa akin habang papuntang office ni Boss. Marahil ay nagtataka siya kung bakit pina-cancel ko ang pagkain ni Boss. Alam kong gusto n'yang malaman kung bakit but I am not in the position para sabihin sa kanya ang tungkol kay Madam.

Tiningnan ko muna ang office ni Boss at sinigurado kong malinis iyon. Knowing Madam, kapag nakita niyang hindi nakaayos itong office ni Boss siguradong siya ang mag-aayos at maglilinis dito. At kapag nangyari 'yon siguradong ako ang masasabon ni Boss.

After kong i-check ang office ay bumaba na ako sa lobby. Mas maigi nang ako ang maghintay kay Madam. Baka magalit sa akin si Boss kapag hinayaan kong maghintay si Madam.

"Sir Travis, ano po ginagawa n'yo dito?" tanong ni Shane, ang bago naming receptionist.

Yes, siya si Shane na dating waitress ng Rina's. Nalaman namin na 18 years old lang siya at kaya siya nagta-trabaho sa Rina's ay para makaipon para makapag-college siya. When Boss found about it agad niyang ini-hire si Shane as receptionist and si Boss na din ang magpapa-aral sa kanya.

"Padating si Madam."

"Really? Ito na siguro yung chance ko para makapagpasalamat sa kanya."

Magsasalita na sana ako ng mahagip ng mga mata ko ang isa sa kotse ni Boss.

"She's here. Gusto mong sumama?" tanong ko kay Shane kasi nakikita kong gusto talaga niyang kausapin si Madam.

"Talaga?" paninigurado niya kaya tumango ako bago naglakad palapit kay Madam. Dali-dali naman sumunod sa akin ang excited na si Shane.

"Good morning, Madam." magalang na bati ko nang makababa si Madam sa kotse.

"Tsk. Huwag mo nga ako tawaging 'Madam', kinikilabutan ako. Tsaka ang feeling ko tuwing tinatawag mo akong non eh ang tanda-tanda ko na pero bata pa naman ako at mas matanda ka pa sa akin. I'm only 26 years old. Just call me 'Sam'. "

"Pero baka magalit si Boss."

"Hindi, ako ang bahala. Sagot kita."

Napapailing na lang ako sa pinag-uusapan namin. Pero wala pa rin ako

magagawa kundi ang pumayag na lang. Si Boss ang amo ko, pero mas dapat sundin si Madam. Dahil kung ano ang gusto ni Madam 'yon ang masusunod.

"Anyway, Sam this is Shane. Siya yung tumulong sa amin na malaman ang nangyari sa 'yo. She is now a receptionist of Fralanciana Empire." pagpapakilaa ko kay Shane.

"Yeah, nabanggit nga sa akin ni Aljosh." then she looked at Shane and smiled. "Hi, Shane, nice to meet you. I want to thank you sa ginawa mo. Kung hindi dahil sa 'yo baka kung ano na ang nangyari sa akin." pagpapasalamat ni Madam, I mean ni Sam kay Shane at niyakap pa niya ito.

"Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo. Hindi lang po trabaho ang binigay n'yo sa akin, binigyan n'yo pa po ako ng scholarship. Maraming-maraming salamat po." sabi ni Shane pagkatapos siyang yakapin ni Sam.

"You deserve it. Sabi ni Aljosh matalino ka naman daw, sadyang kinulang ka lang financially kaya hindi ka makapag-college." nakangiting sabi ni Sam.

"Thank you po talaga."

"Shane, tuwing pupunta dito si Sam at wala ako ikaw ang magdadala sa kanya sa office ni Boss. Pwede mong gamitin ang elevator ni Boss basta kasama mo si Sam." sabi ko kay Shane.

"Yes, Sir Travis." sagot ni Shane habang tumatango, at pagkatapos ay hinarap niya ulit si Sam. "Thank you po ulit, Ma'am. Maiwan ko na po kayo, babalik na po ako sa pwesto ko."

"Sige." nakangiting sagot ni Sam.

"Let's go." aya ko kay Sam nang makaalis na si Shane.

Nang tumango si Sam ay pumunta na kami sa eelvator. We have four elevators, 3 ay para sa mga empleyado at ang isa naman ay kami lang dalawa ni Boss ang pwedeng gumamit, na kung tawagin ng mga empleyado eh Dragon's elevator.

Nang makasakay na kami sa Dragon's elevator ay hinayaan ko na lang si Sam na nanahimik. I can sense that she's a little nervous. Hinayaan ko lang s'ya na pakalmahin ang sarili n'ya.

Nang makarating na kami sa top floor kung nasaan ang office ni Boss ay lumabas na kami ng elevator. Agad namang inilibot ni Sam ang paningin. At nakita kong nalilito s'ya.

"May anim na secretary si Boss bukod sa akin, tatlong lalaki at talong babae. But you don't have to worry kasi ang elevator na ginamit natin ay diretso sa mismong office ni Boss. This is the receiving area, dito kinakausap ni Boss ang mga gusto siyang kausapin." sabi ko na ang tinutukoy ay ang lugar kung nasaan kami.

Meron ditong mga sofa na at center table. Tapos ay itunuro ko na din kay Sam ang mga pinto kung alin ang sa mismong office ni Boss, pantry, conference room, palabas kung nasaan ang mga secretary, comfort room at ang secret room kung saan natutulog noon si Boss kapag ginagabi s'ya dito sa opisina.

"Okay, na ako dito. You-"

"Is this what you called proposal? It's a piece of trash!" hindi natapos ni Sam ang sinasabi n'ya dahil sa narinig naming pagsigaw ni Boss.

"Is that Aljosh? Bakit galit na galit s'ya?"

"This is the third day na ganyan s'ya. May makita lang siyang konting mali nagagalit na siya. Everyone is afraid of him at ako lang talaga ang nakakalapit sa kanya." I explained.

"Why? I mean kapag umuuwi naman siya he's gentle at laging nakangiti, malambing. Hindi ko siya nakikitang galit."

"He's the one you should ask. Wala ako sa posisyon para pangunahan si Boss. I have to go. Babalik na ako sa meeting at baka pati ako eh mapagalitan."

Nang tumango si Sam ay umalis na ako. Binuksan ko ang pinto na papunta diretso sa conference room.

Albert's POV

"Is this what you called proposal? It's a piece of trash!" I shouted angrily. "I am disappointed with all of you. Paano 'to nakapasa sa mga head n'yo? Is this the quality you want for Fralanciana Empire? Gusto n'yo ba masira ang image natin. We were known for having great projects. Pero ano 'to?"

Napatigil ako sa panenermon nang pumasok si Travis. He just smiled at me bago umupo sa katabi ko. He didn't even bother to explain kung saan s'ya galing.

I was about to ask him nang mag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko sana iyon papansinin dahil ayaw na ayaw ko na may gumagamit ng cellphone habang may meeting, unless it's an emergency. But it should be answered outside the room. Pero nang mahagip ng mga mata ko kung sino ang tumatawag ay agad ko iyong dinampot at sinagot.

"Hello?" I answered gently.

At ramdam ko na natigilan ang mga kasama ko dito sa conference room, except for Travis na nakangiti nang nakakaloko.

"Can you please be calm? You can talk to them gently and you don't have to shout. Tell them nicely kung ano ang gusto mo at kung ano ang ayaw mo." sabi ni Sab sa tonong tila isang nanay na sinasabihan ang anak.

"Where are you?" I asked though I already have an idea where she is.

"Take a guess. Bibigyan kita ng clue. Kung nasaan man ako, rinig na rinig ko ang pagsigaw mo." she said teasingly before ending the call.

Inilagay ko ang cellphone sa bulsa ko bago hinarap ang mga kasama ko dito sa conference room.

"Meeting adjourned. Let's continue this tomorrow." sabi ko na lalo naman nilang ipinagtaka dahil I never end a meeting that way.

Pero wala na akong pakialam sa kanila at pumasok na ako sa office ko. And at the receiving area of my office, standing near the glass wall, I saw my wife looking at the view outside.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Then I kissed her cheeks and then inilagay ko ang ulo ko sa balikat n'ya malapit sa kanyang leeg na naging dahilan para maamoy ko ang pinaghalong natural niyang amoy and a slight scent of sweetness that makes me feel home whenever she's near me. And I actually like her fragrance na talaga namang hinahanap-hanap ko.

"Why are you here?" I asked her gently.

"Nagluto ako kanina kaya dinalhan kita ng lunch. Nag-bake din ako ng cake para sa 'yo."

"Really?"

"Hmm." she humm while nodding.

I can't stop myself from sniffing her neck. Her fragrance always makes me feel relax. And her sweet smile always tell me that I can do anything.

Humarap s'ya sa akin at ikinawit niya ang kaniyang mga kamay sa batok ko. And then I slightly brush my nose on hers.

"Why are you mad? Ilang araw na daw mainit ang ulo mo." she asked while looking at me.

"It's nothing." I answered.

"Did I scare you?" I asked. Alam ko kasi na ngayon niya lang ako narinig na sumigaw.

"Dahil ba sa nangyari sa akin?"

I hugged her tight.

"Yeah. I can't stop myself thinking na paano kung hindi namin nakausap si Shane. Paano kung hindi kami nakarating agad? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa 'yo."

Inilayo n'ya ng konti ang katawan n'ya at pagkatapos ay hinawakan ng dalawang palad niya ang aking magkabilang pisngi at tumingin sa aking mga mata.

"But you came and you saved me, at iyon ang mahalaga. You should stop thinking about those what ifs. Understand?"

Tumango ako at hindi ko napigilan ang sarili kong halikan siya sa kanyang mga labi. Pareho kaming nabigla pero wala ding namang lumayo sa amin.

Our kiss lasted for a few seconds bago ko ilayo ang mukha ko at yakapin siya na ginantihan rin niya ng yakap. It felt so magical. That is our first kiss since we got married. Maliban siyempre during the wedding.

I then kissed her hair while hugging her.

"Kain na tayo." sabi ko sa kanya pagkalipas ng ilang minuto.

We then went to the couch. Agad inilagay ni Sab ang mga dala niyang pagkain sa center table ang mga pagkaing dinala n'ya. May dala siyang sushi, carbonara, kanin, nilagang kalabaw, pork barbecue, lumpiang sariwa, at fish fillet. And for dessert may dala siyang chocolate cake, leche flan at fruit salad.

Ako naman ay kumuha ng isang pinggan at isang kutsara sa pantry. Kumuha rin ako ng pitsel at isang baso.

"Bakit isa lang?" I just smiled at her at umupo na sa katabi niya.

Isinalin ko ang laman ng tumbler sa pitsel. Tapos ay kumuha na ako ng pagkain at inilagay sa hawak kong pinggan.

"Let me feed you." I said at itinapat ko sa kaniya ang kutsarang may lamang pagkain.

Sinubukan pa niyang agawin sa akin ang kutsara but I didn't let her kaya wala siyang nagawa kundi ngumanga. After ko siyang subuan ay ako naman ang kumakain, alternate kami.

Nang matapos kaming kumain ay inilagay ko na sa center table ang pinggan. Tapos ay lumapit ako kay Sab para halikan siya. Pero nahulaan yata niya ang gagawin ko kasi tinakpan niya ng kanyang dalawang kamay ang kanyang labi.

"Tama na, nakakarami ka na."

I laugh with her statement. Totoo naman kasi, pagkatapos ko kasi siyang subuan ng pagkain eh lagi ko iyong sinusundan ng halik.

"You can't blame me. Since we got married, you have no idea kung ano'ng pagpipigil ang ginagawa ko para lang huwag kang halikan. And now that I can finally kiss you sinusulit ko lang."

"Sino naman kasing may sabing magpigil ka?" narinig kong bulong n'ya.

At dahil nakatingin ako sa kanya, kitang-kita ko nang manlaki ang kanyang mga mata. With her expression I can say na sa isip lang niya dapat sasabihin.

"A-ano.. Ahm.. I-ibog kong s-sabihin-"

I didn't let her finish kung anuman ang sasabihin niya. Kinabig ko siya, niyakap at hinalikan. At first magkalapat lang mga labi namin, but after few seconds I move my lips at tinugon naman ni Sab iyon. My arms were at her waist, and Sab's arms were at the back of my neck.

We were so engrossed in kissing that we didn't notice when the door opened.

"Awtss. Porn."

And I swear that right now I could kill a doctor even if he is my friend.

~sweetbabyrsmwx~

Starting next week every Saturday na ako mag-update... True na ito... Hindi ko na hintayin makatulog mga junakis ko para hindi ako nasisira sa promise ko.

Enjoy reading...