Chereads / Mae' The Wicked Slayer / Chapter 1 - KABANATA 1

Mae' The Wicked Slayer

Kyu_Velasquez
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 21.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - KABANATA 1

AUTHOR'S POV

Sa ikapitong pagkakataon ay naipikit na naman ni Shennah ang mga mata niya,alas dos na nang madaling araw at hindi parin siya makabalik sa pagkakatulog... marahil ay ginagambala parin siya ng bangungot ng nakaraan niya.

"Shen?,Shen?-muling tawag ng isang matandang babae na nasa forty years old na ang pagkakatanda.

Napangmulatan ang dalaga ng marinig ang pangalan niya, tiningnan niya ang orasang nasa gawing kanan ng kanyang higaan six thirty-three na ayon dito umaga na pala at himala nakaidlip siya..

"Shen?,anak gising ka na ba?"

"Uho,Manang Terry, at bababa nalang ho ako!"aniya habang kusot-kusot ang kamumulat palang na mga mata.

Iyon si Manang Terry ang kasambahay nila noon pa,ito na lamang ang nag-aruga sa kaniya simula nang mamatay ang mga magulang niya,pinagkakatiwalaan ito ng pamilya kaya minahal na rin niya ito at tinuring na pangalawang Ina.

Pagkasabi nun ay wala na siyang narining na tinig mula sa Manang, siguro'y pagkasabi nun ay umalis na ito.Makalipas ang ilang segundo ay napagdesisyunan na ni Shennah na bumaba nalang.

"Hmm..hindi maayos ang porma ng mga mata mo, hindi ka na naman nakatulog"sabi ng Ginang.

Pahayag iyon at hindi tanong, alam nito ang kaniyang pinagdadaanan kaya walang sinuman ang nakakaintindi sa kanya kung hindi ito.

Hinarap na lamang niya ang mesa kaysa sagutin ang huling tinuran ng matanda,ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol dun.

Nasa harapan niya ang hinanda ng manang, nakakagutom nga rin naman kaya naupo na siya;naroon ang isang talumpong ng mayellow-yellow na saging,mapupulang mansanas at mga ubas na sa tingin niya'y bagong pitas lang dahil sa preskong paningin niya dito,naroon din ang scrable egg na hinaluan ng cornbeef at malunggay para mas masarap at masustansiya sa katawan,may bagong luto ding hotdog at mga tinapay na may kapares na keso,may isang pineapple juice sa isang glass of pitcher ,isang kape at kalalagay lang na kanin.Sinimulan na niya ang pagkain..

"Halika Manang Terry sabayan niyo na ako sa pagkain"-pag-aalok niya..

"Sige hija,mauna ka na muna... may pupuntahan ka pang trabaho kaysa sa akin na dito lang naman sa bahay"aniya.

Napaismid siya dahil sa sinabi nito,hindi dahil sa pagtanggi nito sa kanyang alok kundi dahil nabanggit nito ang tungkol sa kanyang trabaho.

"May problema ba nak?"-pagtataka nito sa kanyang reaksiyon.

"Wala po,uhm pagkaalis ko po wag niyo nakong hintayin para mananghlian dito.. dahil baka mamayang gabi pa ho ako makakauwi,"pag-iiba niya.

"Ah sige,mamamalengke nalang din ako para sa hapunan natin mamayang gabi"

"Uho"-tanging sambit niya.

Pagkatapos maligo ay saka nag-ayos ng sarili para magprepara sa pag-alis.Nakasuot siya ng leather jacket at fitted jeans, butch naman ang pansapin niya sa paa, puro black ang kulay nun,sa ilalim ng jacket ay sandong black din na nakatack-in sa pants niya.

Nagpaalam na siya sa matanda saka umalis.Sa paglabas niya ay may naghihintay na motorsiklo na black din ang kulay na meron pang saklay na helmet sa hand drive nito.

Kinuha na niya ang helmet at pinalibot ang buhok upang ipagkasya sa helmet saka sinuot ,pinabuhay na niya ang makina at pinaharurot ng usok saka umalis.

------------

Humahagikgik sa pagtawa ang labing walong taong gulang na dalaga habang kinikiliti ang nakakatandang kapatid.

"Dika pa talaga babangon ha!"

"Oo na!itigil mo na yan" anito habang natatawa pa rin dahil sa pangingiliti ng kapatid.

"Bumangon ka na kase kuya Brad,papasok ka pa sa gym niyo!"

"Eh,nakakaantok ba naman kase yang party mo ,tuloy ako ang nangangapa sa pagod"-panunumbat niya na ang tinutukoy ay ang bday party ng kapatid sa nagdaang gabi ,maraming bisita dahil debut nun ng dalaga.

"Asus!,ako pa ang sinisi mo eh enjoy na enjoy ka naman sa pakikipagkwentuhan kay ate audrey...may pabati bati kapang "Oy Audrey long time no see ah! hindi parin kumukupas ang ganda mo" na animo'y patuksong nangunguyit pagkasabi nun..

"Oy stephanie kadarating lang ng tao ng states kaya marami-raming kwentuhan yun, saka huwag mo kaming pag-isipan ng masama may boyfriend na yun" -pagtatanggol niya sa sarili.

"Wala naman akong iniisip ah, ikaw ata tong may gustong isipin ako eh" humagikhik pa ito.

"Ah ganun ha"-

"Kuya ,nakikiliti ako!tama na!"-

Pagak ang tawa ng dalawa na tumigil pagkabukas ng pinto,tumambad ang Inang giliw na giliw silang pinagmamasdan.

"Aba! kaya naman pala ang tagal ng pinag-utusan dahil nakikipagkulitan na sa bagong gising"nakangiting saad nito.

"O sige na halina kayo kakain na,at ikaw Bradley bilisan mo na riyan.. tumawag na dito si Vince at hinahanap ka,pinapaaga ka nang dating maraming costumer siguro"-dagdag pa ng Ina.

"Yes Ma,-pagkakuwan ay bumaba narin.

Tinapos na agad ni Bradley ang pag-almusal dahil tiyak na masesermunan na naman siya ng kaibigan kapag hindi pa siya magmadali.

Kasyoso niya ito sa negosyo, ang Gym na pareho nilang pinapalakad habang tinatapos ang inaaral na abogasya.Pangarap niya kaseng maging abogado at gumawa ng sariling pangalan sa industriya katulad ng Ama,noon pa man ay yun na ang nais niyang maging,pero habang hindi pa naabot ang propesyon na hinahangad ,minabuti niya na may pagkakaabalahan,kaya ng maisip ni Vince na magtayo ng gymnasium dahil panay din naman ang pag-eehersiyo nila ay agad niya itong sinunggaban ...hindi naman tumutol ang mga magulang niya bagkus ay sinuportahan pa siya ng mga ito.

Nagpaalam na ang binata sa mga magulang saka umalis.Nakasuot siya ng sleeveless shirt paring w/ white flared pants and rubber shoes,naglalakad lang siya dahil hindi naman kalayuan ang gym nila mula sa bahay niya ,nakatayo kase iyon sa subdivision kung saan nakahilira lang din ang bahay nila,minabuti narin nilang malapit iyon sa uuwian para hindi hastle sa kanila ,magkatabi lang din kase ang apartment ng kaibigan sa mismong gymnasium.

Paliko na sana siya sa isang eskeneta bago marating ang paroroonan na eksaktong sa tapat lang din ito ng tumambad sa kaniya ang humaharurot na motorsiklo,napabalikwas siya kaya natumba dahil sa pagkakabigla, kung hindi siya natumba ay marahil nasagasaan na siya ,galit na tumayo siya ng mapagtantong walang balak na huminto ang motorsiklo.

"Hoy! tigil! -galit na sigaw niya.

Agad niyang nilapitan ng huminto ito,marahil ay narinig siya nito.

"Hoy! sir! kung magpapatakbo naman kayo ng motorsiklo mag-iingat naman kayo baka makasagasa kayo! tulad nito malapit na akong matumba,ah hindi dahil natumba na ako at ku-

Hindi niya na naituloy ang sasabihin ng hubarin nito ang helmet na nakapatong sa ulo,nagulat siya na isa pala iyong babae,hindi agad siya nakapagsalita dahil humanga siya sa angking ganda ng dalaga na tila pamilyar talaga ang pagmumukha sa kanya,at wala itong masyadong kolorete sa mukha at bagay din dito ang bangs at maitim na buhok.

Bahagya siyang natauhan nang tumingin ito sa kanya ng mayroong pagtataka.. ni walang salitang lumabas sa mga bibig nito.

"Ah-ah kung inaakala ninyong dahil babae ka ay hindi na kita igdedemanda alam niyo bang reckless in driving to damage of proper-

Natigilan siya sa pagsasalita ng pumaharurot sa pag-alis ang babae,nagtataka siya sa inakto nito at galit na ibinaling ang sarili sa tinatahak na daan.

"Oh,bat ang asim ng mukha mo?"-tinanaw niya ang pinanggalingan ng boses na iyon, si vince.

Hindi siya agad nakasagot sa tanong ng kaibigan dahil nasa malawak pa siya ng pag-iisip.

"Hoy!bakit ba ang lalim ng iniisip mo?ano bang nangyari sayo?"Natigil siya sa pag-iisip ng tapikin siya ng kaibigan.

"Ahh..ano kase...yung.. babae kanina na nabangga ako parang ang pamilyar lang ng mukha..."

"Pre, lahat ng babae halos magkakapareho ang mukha,baka na encounter mo lang siya somewhere..."anito.

"I don't know... pakiramdam ko kase matagal ko na siyang kilala..and when I saw her I feel really different.."aniya.

"Ano? na love at first ka?" ngumisi pa ito ng nakakaloko.

"No! I felt an..excitement like I'm missing here ..but I'm angry..I don't know! nakakalito!"

Natuptop ng kaibigan ang bibig saka rumagaas ng halakhak.

"Dude, mukhang nabudol ka!"-tumawa pa ng may panunudyo ang hudyo.

"Hey! tumigil ka nga! nalilito na nga ako kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi mo!" pagtatanggol niya sa sarili.

"Bro-di kaya part siya ng past ko?"-sabad niya mayamaya.

Nilingon niya ang kaibigan na natahimik na.

"Oh, ba't tumahimik ka diyan?"

"Uhm,napa-isip lang ako sa sinabi mo"

"Alin ba sa sinabi ko?na part siya ng past ko?"tumango lang ang kaibigan bilang pag sang-ayon.

"Alam mo pre, kahit na isipin nating part siya ng past mo ...hindi rin naman natin malalaman dahil wala ka ngang naalala hindi ba?"

Tama ito , naaksidente kase siya walong taon na ang nakakaraan at dahil sa injuring tinamo sa ulo niya ay nagkaroon siya ng Amnesia. Ni kahit isang memories sa nakaraan niya ay wala siyang naaalala ,ang kwento na lamang ng pamilya at mga kaibigan ang nagsisilbing alaala sa misteryosong nakaraan niya.

Apat na buwan din siyang nagdusa sa pagiging walang kamalayan na binata sa mundong tinutungtungan niya, nung una ay hindi niya muna matanggap ang sitwasyong hinaharap pero dahil na rin sa pag-aagapay at pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ay unti-unti na niyang natatanggap ang naging kondisyon,bagamat meron paring kakulangan sa pagkatao niya na gustong tuklasin at pakiramdam din niyang kung ano man iyon ay hindi pinaaalam sa kanya ng pamilya at mga kaibigan..at dahil nga hindi rin niya matukoy kung ano yun kaya binalewala nalang niya at hinarap ang kasalukuyang kamalayan.

"Yeah you're right! bakit kase hanggang ngayon wala parin akong naaalala"-may panlulumo na sa mga tinig niya.

"C'mon dude, don't pressure yourself hindi mo naman ginusto ang mga nangyari"-pagbibigay lakas loob nito sa kanya.

"Thank's dude!"

"Oh come on, wag ka ngang ganyan para kang babae napakadrama mo nangingilabot tuloy akong baka babae ka sa past mo at yun ang may kulang sayo!"

"Gago!"-saka binulwakan ang kaibigan.

"Oh yes! I almost forgot"nagtaas baba pa ang mga kilay nito saka siya nginitian ng makahulugan.

"Guess what?"anito.

"What is it?"nagtatakang tanong niya.

"Ang dami nating customer today, at mukhang sisikat patong gym natin dahil may artista na tayong customer" nag appear ang dalawang damuhong kapagkuwan ay inasikaso na din ang iba pang customers.