Chereads / Mae' The Wicked Slayer / Chapter 7 - KABANATA 7

Chapter 7 - KABANATA 7

Naghihintay pa si Bradley sa labas ng bahay ni Shennah dahil may usapan silang mamasyal para sulitin ang mga sandaling hindi sila nagkasama noon.

Isang linggo narin ang nakararaan mula nang maisiwalat ang buong katotohanan mula sa nangyari sa pagitan nilang dalawa kaya para makabawi sa mga panahong hindi sila nagkasama ay nagyaya si Bradley na lumabas muna sila pero sabi ng dalaga ay kailangan muna niyang magpahinga ng isang linggo hanggang sa humilom na ang sugat niya sa binti 'chaka naman kase kung paikang-ikang siya sa paglakad habang namamasyal sa buong kamaynilaan'.

Agad siyang nag-angat ng tingin ng lumabas na si Shennah pero nakakunot-noong hinarap niya naman ito.

"Oh bakit ganyan ang hitsura mo?para kang dinaanan ni ursula diyan.."pangangantsaw nito.

"Bakit naman ganyan ang suot mo?"

" What?what's wrong with my get up?"

"Really? leather jacket,pants and butch?"

"Oh?"

"Eh mas mukhang lalaki ka pa sakin niyan eh..magpalit ka"pag-uutos niya.

"Ang pagkaka-alam ko lalabas lang tayo"

"Hindi mo ba makuha may date tayo..kaya dressed yourself upstairs,I'll wait for you"

"Bakit kasi hindi mo agad sinabing date toh.."saka naiinis siyang tinalikuran.

five minutes later...

"Oh bakit nakat-shirt ka?paired w/ jeans?"

"Ano na naman ba ang problema?"

"Para ka namang tomboy niyan eh!"

"Hay naku! nakakapagod ang pabalik-balik ah...ano bang gusto mo?"

"Wala ka manlang bang dress?"anito.

"Ang arte nito!"naiinis na bulalas niya.

"Ikaw lang ang baduy"

"Tse!"saka dali-daling bumalik agad ng bahay.

another five minutes...

"Ayan.."hinagod niya ito ng tingin ng nakasuot na ito ng white floral dressed..ang sarap nitong pagmasdan dahil mas nangibabaw ang kagandahan nito sa suot na...natigilan siya ng huminto sa paanan nito.

"Rubber shoes?"at nagtaas pa ng kilay.

"Oh bakit na naman? bagay naman ah"wika niya.

"Mag heels ka nalang mas magandang tingnan.."

"Kanina ka pa ha matatadyakan na talaga kita"

"Eh bakit naman kase hindi ka manlang magpaganda para sakin"

"Bakit?mukha ba akong panget?"sarkastikong tugon niya.

"What I mean is ..can't you even try to dressed like you rely on your age and gender?"

"Eh kung ikaw nalang kaya magdressed atsaka mag heels tutal parang mas bet na bet mo naman"

"Sige na bilis, mahaba pa ang ibabiyahe natin"

"Ang hirap mag pabalik-balik eh..kainis!"padabog pa niyang sabi bago bumalik ulit sa kwarto ng bahay.

Nang sa wakas ay nakaalis na sila sa kanilang bahay matapos ang malasonang debatihan ay nakarating narin sila sa maynila.Doon nilang napagpasyahang mamasyal.

"Saan naman tayo pupunta?"tanong ni Shennah mayamaya.

"Ikaw,saan mo ba gusto?"

"Wat da!.may padate-date ka pang nalalaman wala karin naman palang plano..tapos ngayon ako pa ang pag-iisipin mo.."galit niyang angal rito.

"Ito naman..naprepressure na nga ako kung saan kita dadalhin eh..kung gusto mo dumiretso ka na sa puso ko.."nakangiti pa itong bumaling sa kanya.

"Bakit?wala pa ba ako diyan?"pagsusupla niya.

"Naks! humihirit ka na ngayon ahh.."nginitian pa siya nito ng may panunudyo na tila tuwang-tuwa pa sa nangyayari.

"Tse!tigilan mo nga ako!kumain nalang tayo... gutom nako!"tinalikuran na niya ito at mabilis na naglakad patungong restawran na malapit lang sa kinatatayuan nilang mall.

Nagpatiuna na si Shennah sa counter ng cashier para umorder ,hindi na niya alam kung umupo naba si Bradley dahil nagtungo na naman siya sa counter, self service kase iyon..nag-angat na siya ng ulo para makapili ng pagkaing ioorder na nagpakahilira sa itaas niya..ng bigla may umakbay sa kanya nag-angat siya ng ulo ng makita si Bradley na ngiting-ngiti pa sa kanya..

"Babe,anong gusto mong iorder?"ibinaling niya ang paningin sa babaeng cashier na nakatingin sa kanya.. tuwang-tuwa pa itong pinagmamasdan sila.Nagkunot-noo lang siya at pasikretong siniko si Bradley saka pasimpleng nginitian ang kahera.

"Dalawang steak lang miss saka dalawang fries"

"Uhm..ma'am jamboo po or medium?"tanong ng kahera.

"Make it jamboo miss,parang pagmamahal ko sa kanya jambong jamboo"sagot naman ni Bradley na nginisihan lang siya.

"I'm sorry miss,may tama kase itong kasama ko hindi nga lang halata"

"Oo nga ma'am mukhang malakas ang tama sa inyo.."kinikilig pang sabi nito.

Nginitian na lamang niya ang kahera saka pumili ng bakanteng lamesa,naiwan na si Bradley roon at ito nalang ang nagdala ng tray na ang laman ay ang mga inorder nila.

Nang makalapit ito ay pinaningkitan lang niya ito.

"Ang galing naman mag beautiful eyes ng babe ko,ang kyut kyut"saka pinisil pa nito ang kaliwang pisngi niya.

Tinapik lang niya ang kamay nito saka tiningnan ng masama.

"Tumigil ka nga Brad,kumain ka nalang diyan"pagsusupla niya dito.

"Pwede bang wag mo na akong tawaging"Brad" parang tunog magkumpare lang tayo eh"

"At ano naman ang gusto mong itawag ko sayo?"

"Ano ba ang endearment call nating dalawa noon?"saka nagpataas-baba pa ito ng kilay.

Hindi nalang niya ito pinansin at nilantakan na lang ang kaharap na pagkain..kanina pa siya gutom dahil hindi na siya kumain ng almusal saka matagal-tagal din naman ang ibiniyahe nila.

Napatigil siya ng mapansing hindi ginagalaw ni Bradley ang pagkain saka inangatan niya ito ng tingin.

"Bakit hindi mo man-"hindi na niya naituloy ang balak na sasabihin ng mapagtantong kanina pa pala siya tinititigan nito kaya hindi pa ito kumakain bigla tuloy nag-init ang mga pisngi niya..bahagya lang siyang natigilan ng pumihit ito nag pagtawa,maging siya ay nagtaka din.

"Marunong ka rin palang mag blush"ngiting-ngiti pa itong nakatitig sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi nito,saka sinipa ang paa nitong nasa ilalim ng mesa nila siniguro niyang ang kanang binti ang kanyang tatamaan at hindi ang kahihilom palang na sugat nito.

"Ouch!"

"Tumigil ka na ok? at kumain ka na lang diyan..ang dami mo pang sinasabi"

"Ikaw naman kase hindi mo pa sinasabi sakin kung ano ba ang endearment call nating dalawa noon"

"Wala! walang ganun dati"pagsisinungaling niya kahit meron naman.

"Sus..hindi ako naniniwala alam kong meron nararamdaman ko"paniniyak nito.

"Kung ano man yun,wag munang alamin pa"

"So meron nga?sinasabi ko na eh..now tell me what is it?is it babe?..darling?..sweetheart?..honey?.. baby?..or what?"

"Mommy!"sagot niya habang pinipigilan ang sariling matawa.

Kahit si Bradley ay hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha.

"A-anong mommy?"

"Mommy ang tawag mo sakin"hindi na niya napigilan ang sariling humagalpak ng tawa kahit pinagtitinginan na siya.

"Ikaw pa nga ang nakaisip nun eh,ang corny noh?"hanggang sa matawa na naman siya.

"Bakit mo naman pinagtatawanan ang tawagan natin?"na animo'y nagtatampo.

Natigilan na si Shennah ng makitang sumeryoso na ang mukha ni Bradley kaya umayos na siya ng upo.

"Sorry"hinging paumanhin niya.

Pero hindi na niya napigilan ang sariling lubusan ng tumawa.. mamaya nalang niya iisipin ang galit ni Bradley sa kanya.

"Bakit ba?ang sarap tumawa eh.."

Naglalakad lang sina Shennah at Bradley sa isang amusement park.

Kanina pa walang kibo si Bradley mula ng umalis sila ng restawran.. kanina parin siya hindi pinapansin nito,tuloy nagsisisi siya sa paghagalpak ng tawa niya kanina,siguro ng tatampo lang ito kaya idadaan na lang niya sa paglalambing.

"Ano ba Naman tong lalaking to?parang Bata!" sa isip niya.

Dali-dali siyang lumapit dito pagkakuwan ay hinawakan niya ang kamay ng binata.

They hold their hands as they were sweet couple walking along the scenes by the lots of people around them.

"Gusto mo subukan natin ang ilang rides?"mariin niyang tanong baka madaan niya sa mahinang boses.

Pero hindi parin ito nagsalita..

"Hoy!galit ka ba?"

Ngunit hindi parin ito umiimik.

"Bradley kausapin mo naman ako"pakiusap niya rito.

"Sorry na..di ko lang naman napigilan ang sarili ko kanina,wag' ka nang magalit"tinitigan lang siya nito sa mata.

"Deym! sige na nga hindi nako galit.."

"Good"

"Pero, sa dalawang kondisyon"

"Uhm...okay,what is it?"

"First tatawagin mo ko sa endearment call natin and secondly e,kikiss mo ko"

"Ano? ayoko nga!"

"Ede wag..bahala ka.."

"Ang arte mo! bahala ka diyan.."saka tinalikuran ang lalaki.

"Bahala ka din..ganyan ka naman eh..If I know never kang naging sweet sakin..tinitiis mo lang ako kase hindi mo naman ako mahal.."may nahihimigang tampo pa ang mga tinig nito pagkasabi.

Nakonsensiya naman si Shennah sa sinabi ng binata..actually may point ito hindi nga kase niya tinatawag si Bradley na "daddy" dahil nacocornihan siya dito bakit kase yun pa ang naisip ni Bradley na tawagan nila at hindi rin siya gumagawa ng mga sweet things para kay Bradley kahit noon pa dahil ito na lagi ang gumagawa ng mga bagay na iyon para sa kanya .

"Okay fine..daddy!"pagkakuwan ay nagbigay pa siya ng endearment smile din rito.

"Mukang napipilitan ka lang naman siguro"

"Hindi noh"

"Talaga?"

"Oo nga!"

"Sige kung totoo yan,kiss mo ko"

Inirapan niya ito at pinanlakihan ng mata.

"Oh! ayan na naman yang mga mata mo...that's my second condition remember?"

Wala siyang mairarason dito,siya ang nakikipagbati kaya dapat lang na siya ang kumilos.

"If I know that's your way to seduce me"sabi niya.

"Ofcourse not! kita mo.. talagang napipilitan ka lang eh,hindi mo nga ako mahal"

Akmang tatalikod na ito sa kanya ng hilahin niya ang sidsid ng pulo nito upang bahagyang mapayuko saka niya siniilan ng marahas na halik.

The kiss were deep as if it is the first and the last time that their lips were at side.Gulat parin ang kaisipan ni Bradley matapos pakawalan ni Shennah ang mga labi nila.

"Halika na! baka bumulagta ka na lang diyan dahil sa halik ko..isipin pa nilang may lason ang mga laway ko kaya ka nawalan ng malay"saka marahan siyang naglakad papalayo.

Mulat paring sinundan na lamang ni Bradley ng tingin ang dalaga,the kiss were indeed delciously taste!kaya ganun na lamang ang pagkatulala niya,may mga ngiti sa labing sinundan nalang niya ang dalaga.