Chereads / Mae' The Wicked Slayer / Chapter 9 - KABANATA 9

Chapter 9 - KABANATA 9

Alasiyete na ng gabi ng mapagpasyahan nilang kumain sa Max's Restaurant matapos ang panonood sa sinehan.Pagpasok nila'y agad namang umupo si Shennah sa settee kung nasan ang mesa nila.

"Ako nalang ang oorder para satin"pahayag ni Bradley na tumango na lamang siya.

Saka naman ito tumalikod at dumiretso na sa counter at cashier dahil tulad kanina ay self-service iyon.

Mula sa malayo ay nakangiting pinagmamasdan lamang ni Shennah ang binata habang abala ito sa pagpili ng pagkaing para sa kanila,hindi niya lubos maisip na aabot pa sila sa ganitong sitwasyon na maayos at masaya sa kabila ng mga nagawa niyang perwesyo at pag-iwan sa binata ay heto parin at tinaggap siya uli na parang wala lang nangyari pero gayun paman hindi parin niya maikakaila ang buong katotohanang hindi siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at pagmamahal na ipinakikita nito sa kanya at alam niyang darating ang araw na iiwan din siya nito kapag malaman nang isa siyang mamamatay tao.. sa kabila ng kanyang pag-iisip ay tumunog ang kanyang telepono.

Agad niyang kinuha iyon ng makita ang pangalan sa screen ng cellphone niya si jimmy.

Nilingon muna niya ang lalaking abala sa paghihintay ng inorder nila saka patakbo siyang naglakad palabas para sagutin iyon.

"Jim?"bungad niya.

"Shennah I have new assignment for you,take a look with this"pagkasabi'y agad niyang tiningnan ang teleponong sinend sa kanya ng boss para matingnan ang profile at background ng susunod niyang target,laking panlulumo niya ng makita ang litrato nun...

"Target Name:Wilson Sauro Mariano

Age:48 yrs.old

Gender:Male

Profession:Lawyer for 20 years(devoted husband and father)

Compendium Background:Enigmatic Lawyer must be Terminated.

must be Terminated...must be Terminated..

Paulit-ulit nageecho ang salitang yun sa isip niya..hindi niya lubos maisip kung pano nagkaroon ng violation ang butihing Ama ni Bradley gayung kilala niya ito at kailanman ay hindi niya nagawang isipan na kaya nitong gumawa ng mga karumal-dumal na krimen katulad ng mga naunang target niya.

Kaya't para masagot ang mga katanungan niya ay agad niyang tinawagan uli si jimmy.

"Jimmy ano to? hindi ko maintindihan!anong Enigmatic Lawyer?bakit ganito lang ang overview background niya?"sunod-sunod niyang tanong sa matilis na boses.

"He is the Lawyer of the witnessed of one of our client he wants to be killed emmidiately,alam mong isa si Mariano sa mga kilala at magagaling na abogado ng bansa at alam ng kliyente nating hindi malabong maipanalo niya ang kasong hinahawakan na sangkot ang pangalan ng kliyente natin kaya para malusutan pinapabura na ang taong yan"

"What?wala siyang nagawang kasalanan o ano mang linabag na batas kaya hindi ko magagawa to..alam mong hindi ako papatay ng mga inosenting tao"aniya sa galit na tinig.

"I know..but we don't have a choice utos yun ng kliyente natin at ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kung gagawa nito dahil isa ka sa pinakamahusay at pinakamatinik na Agent sa Pentrum Agency, hindi pwede si Aaron dahil may assignment pa akong binigay sa kanya at hindi pa niya natatapos kaya there's no one could do this except you"maawtoridad nitong pagpapaliwanag.

"I'm sorry jim, but I can't take this! this is stupid immoral crime!I'm a slayer of wicked shit! not an innocent man! not even Wilson Mariano!"matigas niyang tugon rito na halata na ang galit sa tinig niya.

"What the hell you are talking about?hindi ka pwedeng tumanggi!alam mo ang mangyayari sayo kapag ginawa mo ito!"

"I don't even care! kill me if that's it! but I will never kill innocent people!never!"pagkakuwan ay marahas na niyang pinatay ang telepono.

Bumuga muna siya ng malakas na hininga bago liningon ang binata.May mga luha nang nagbabalak na tumakas sa nagpipigil niyang mga mata,hindi niya kayang pagdaanan ng taong mahal niya ang mga pinagdaanan niya noon,ang pagkaitan ng magulang ang mga anak nito lalo na't itinuring na niyang pamilya ang mga Mariano hindi niya iyon magagawa sa pamilya ng pinakamamahal at pinakaimportanteng tao sa kanya ..hinding-hindi.

Pinahid muna niya ang mga luhang pumatak saka pinilit na ngumiti bago balikan ang binata.

"Sinong kausap mo?"tanong ni Bradley ng makaupo na ulit siya.

"Uhm,si Manang Terry lang kinamusta ko!"

"Ahh"tanging sambit ng binata.

"Kain na tayo"pag-aalok niya para mapagtakpan ang sakit na nararamdaman.

Ngiti at tango lamang ang naging tugon ni Bradley.

"Uhm...saan mo nga pala natutunan ang Archery? base kasi kanina parang eksperto kana sa pagtira"pagbasag niya sa katahimikan.

Hindi agad nakasagot si Shennah,pano ba naman niya sasabihin na parte yun ng pageensayo niya sa kanyang trabaho bilang Agent ng Petrum?

"Uhm..nakahiligan ko lang yung sport nayun kase parang ang astig kapag marunong ka nun"palusot niya.

Hindi pa niya kayang sabihin ang totoo dito at lalong hindi pa siya handa na mawalay rito ulit.Saka na niya iisipin iyon ang mahalaga ay maayos at masaya sila ngayon at kontento na muna siya dun.

"Kanina ka pa tahimik simulang manggaling tayo sa restaurant,may problema ba?"pag-uusisa ni Bradley dahil alam niyang may problema ang nobya at hindi nito pinaalam sa kanya nag-aalala na siya para sa dalaga..kanina pa kasi ito balisa at tahimik, pansin din niya ang pagbabago ng mood nito simula nang huling nakausap nito sa telepono alam niyang hindi si Manang Terry ang nakausap nito dahil tinawagan niya ang ginang para usisain ang naging takbo ng pag-uusap ng mga ito pero ayon rito ay hindi sila nagkausap ni Shennah at hindi rin niya ito tinawagan kaya mas nabahala siya dahil nagawang magsinungaling sa kanya ng nobya,ang natitiyak lang niya ay patungkol iyon sa trabaho nito na hindi parin sinasabi sa kanya.

"Wala naman, napagod lang siguro kailangan ko lang magpahinga"

"Kung ganun, sa bahay na lang tayo dumiretso"anito.

"Per-

"Ah-ah,wala ng pero pero pagod ka na at mas lalo kang mapapagod kung babiyahe pa tayo ng matagal"

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng nobyo,kasalanan naman kasi niya kung bakit ito nag-aalala sa kanya ngayon at dahil iyon sa pag-iinarte niya..bakit kasi siya nagpapahalata?tuloy wala na siyang choice.

Nakarating na sila sa bahay ng mga Mariano,agad naman silang sinalubong ng mag-anak,tuwang-tuwa ang mga itong nakita sila.

"Ate mae!"bulalas ni Stephanie ng salubungin siya ng yakap.

"Oh, kumusta ang date niyo?"sabad naman ng Ina.

"Ok lang ma! nag-enjoy naman ho siguro si Mommy"sagot naman ni Bradley na nakatitig pa sa kanya.

Bahagya siyang napangiti sa tinawag nito sa kanya,kahit pa pala nasa harap sila ng magulang at kapatid nito ay sweet parin ito sa kanya,at lalo niyang ikinatutuwa iyon.

"Oo naman"isang ngiti ang pinakawalan niya ng tumugon.

"Oh siya, naghapunan na ba kayo?para maipaghanda kayo ni Inday"ang Ama naman ang nagsalita.

Napawi ang ngiti ni Shennah at kalungkutan at pag-aalala ang pumalit sa ekspresyon niya, ngayon naalala na naman niya ang napag-usapan nila ni jimmy kanina lang,Hindi niya makakayang pagtaksilan ang mga taong siya lamang ang tumanggap sa kanya at nagmahal ng ganito.

"Yes pa! kumain na kami.. napagod lang si Shennah kaya dito na muna siya magpapahinga bukas ko nalang siya ihahatid sa kanila."sagot naman ni Bradley.

"O sige, dun muna siya sa guest room at ng makatulog na siya"tugon naman ng Ina.

Tinalikuran na niya ang mag-anak at inalalayan naman siya ni Bradley patungo sa magiging silid niya.

"Ipapahatid ko na lang ang damit ni Steph dito para makapagpalit ka,magshower ka muna para makapagpahinga ka na rin"anito.

"Thank's, Good night!"mariing tugon niya.

"Good night Mommy"pagkakuwan ay siniilan muna siya ng halik sa mga labi saka siya iniwan.

Ngiti na lamang ang iginawad niya sa nobyo saka tinungo ang banyo upang magshower.

Paglabas niya ay naroon ang Oversize T-Shirt at short sa ibabaw ng kama,alam niyang kay Stephanie iyon dahil nabanggit sa kanya ni Bradley.Agad naman niyang dinampot iyon saka nagbihis.

Nakahiga na si Shennah sa kama pero hindi parin siya dinadalaw ng antok, ang totoo hindi naman talaga kase siya pagod hanggang ngayon iniisip parin niya ang naging takbo ng pag-uusap nila ni Jimmy, dahil sa pagtanggi niya ay tiyak na maghahanap ito ng ibang matitinik na miyembro ng Petrum Agency para magawa ang planong pagtugis sa Ama ni Bradley at kasama na siya roon, Ngunit hindi ang sariling kapakanan ang iniisip niya kundi ang buhay ng mga taong tinuring siyang kapamilya hindi siya papayag na mawalan ulit ng pamilya,kaya't gagawin niya ang lahat para maprotektahan lamang ito kahit na ang kapalit ay ang sarili niyang kapakanan.

Natigilan siya sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone niya napakunot-noo siya,saka kinuha ang telepono sa satchel.

Awtomatikong bumusangot ang mukha niya ng hindi si Jimmy ang tumawag kundi si Aaron... ang isa sa mga matitinik at mahusay na Agent na pinaglilingkuran niya.

"Aaron?"bungad niya.

"Shen? kailangan nating mag-usap! nasa labas ako at alam kung nandiyan ka sa loob ng bahay ng mga Mariano."anito sa kabilang linya.

Biglang nanginig ang buong sistema niya, agad siyang tumayo at sumilip sa bintana ng bahay.

Agad naman niyang namataan si Aaron na nakatayo sa labas katabi ng motorsiklo nito nakahelmet pa ito suot ang itim na jacket at jeans kapares ang itim na rubber shoes.

Dahan-dahan siyang lumabas ng bahay at sa isang iglap ay kaharap na niya si Aaron.

"Ano bang ginagawa mo dito?"marahas niyang tanong rito ng makalapit na siya.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan?bakit kasama mo ang pamilya ni Mariano?Ano ang ginagawa mo dito?"balik naman nito sa kanya.

"Pamilya ko na sila Aaron! sila na ang pamilya ko ngayon! at ikaw?ano ang ginagawa mo dito?"

"Hindi mo tinanggap ang misyon kaya ibinigay sakin ni Jimmy,kanina pa ako nagmamanman dito ng makita kitang kasama ng anak niya!wag mong sabihing karelasyon mo ang Bradley nayon!"mahihimigan na ang galit sa tinig nito.

"Huwag mo silang sasaktan Aaron kung hindi ako ang makakalaban mo!"maawtoridad niyang balik rito.

"Hindi natin kailangan magkabanggaan Shennah kung sasama ka sakin at babalik ka na sa ahensiya..nasisiguro kong walang mangyayari sa pamilya ni Mariano at wala ng gugulo pa sa kanila"