"Sino yun?"tanong ni Bradley kay Shennah.
Parang tumakbo ang kalahati ng katawan ni Shennah ng madatnan si Bradley na nasa harap ng pintuan,nagulat siya ng makapasok na ng bahay ng mga Mariano matapos ang mahabang pakikipag-usap kay Aaron.
Ngayon nakikita niya ang magkahalong galit at pagtataka sa mga mata ni Bradley,hindi tuloy niya alam kung pano sasagutin ang tanong nito sa kanya dahil tiyak na iba ang nasa isip nito..na may lalaki siya.
"Uhm...si-sino?"maangan niyang tanong rito.
"Sino ang lalaking kausap mo sa labas Shennah?I was about to check you on your room pero nakita kitang palabas...kaya ng makita kong may lalaki sa labas na linapitan mo nanatili muna ako rito,now tell me!who's that guy?"may galit na sa mga tinig ni Bradley.
Ayaw niyang isiping may lalaki si Shennah kaya mas maigi kung tanungin nalamang niya ito,mas mainam kung dito mismo manggagalaing ang sagot.
"He was just a friend Brad"mahinahon niyang tugon sa binata.
"A friend? In the middle of the night,he had came here to speak with you..so tell me why he is here?"
"Bradley,natutulog na ang mga magulang mo so let's just get rest..I'm also tired"
"Your not answering my question deary!"he mutterred.
"This is not the right time to talk about this-"
"And why we had to wait for the perfect time to talk about that guy?I'm asking for his name!but why you can't give it to me?give me the name Shen!"pag-uulit niya na hindi na mapigilan ang galit sa tinig niya.
Mas lalong nangangalit ang kalooban ni Bradley kay Shennah dahil sa ipinapakita sa kanya ng nobya,kung balewala lang ang lalaking yun sa dalaga bakit ganun na lang kahirap sagutin ang mga tanong niya?Ibig sabihin lang ay may tinatago sa kanya ang dalaga at yun ang pinaghihimutok niya.
"Aaron!..He's name is Aaron!"sagot ni Shennah na nahihimigan na ang pagpipigil ng paghikbi.
"And what he were up to?Ano ang kailangan niya sayo?"he said in indistinct voice.
Hindi agad nakasagot si Shennah, hindi ito ang tamang panahon para sabihin ang lahat sa binata dahil tiyak na maguguluhan lamang ito at masasaktan kapag isiniwalat niyang kaya lamang nandito si Aaron dahil gusto nitong patayin ang Ama nito.
Hindi muna sa ngayon,hindi pa dapat niya malaman ang lahat pero bakit parang wala siyang ibang pagpipilian kung hindi sagutin ang tanong ng binata,kapag hindi niya sinabi ang totoo baka kung ano ang isipin ni Bradley sa kanya and worst baka magtanim pa ito ulit ng sama ng loob sa kanya,ayaw niyang mangyari iyon..ngayon pa na nagkaayos na sila?
"uhm..."hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"Bakit ba ang hirap para sayo ang sagutin ang tanong ko?"aniya sa mas malakas na tinig.
"Bradley..this is not the right time....okay I'll tell you tomorrow...everything I promise..."malungkot niyang sambit.
Hindi maintindihan ni Bradley kung bakit ganito ang ikinikilos ni Shennah pero may pakiramdam siyang kung ano man ang ipagtatapat sa kanya ng dalaga ay lubos na ikadudurog iyon ng kanyang puso...may pakiramdam tuloy siyang kung ano man iyon ay ayaw na niyang malaman pa..
Isang malakas na buntong hininga muna ang pinakawalan ni Bradley.
"Okay,I'm sorry if I make you stunned,you must be very tired..you have to rest"anito.
Umiling lamang si Shennah at mabilis na kinantalan siya ng halik sa mga labi ni Bradley.
"Good night Mommy, we will talk tommorrow!"saka mabilis na siyang tinalikuran.
-----------
"Bakit kailangan dito pa tayo mag-usap?"tanong ni Bradley.
Kasalukuyan naman silang nasa roof top ng isang abandonadong gusali na hindi naman kalayuan sa subdivision na tinitirahan ng mga Mariano.
Dito naisip ni Shennah na magpunta para makapag-usap sila ng masinsinan na walang makakaistorbo at makakarinig,lalo na't alam niyang may sumusunod sa kanya at minamanmanan ang bawat kilos niya.
"Mas m-maganda kung d-dito tayo mag-uusap,mas ligtas"aniya sa nanginginig na boses.
"Hindi kita maintindihan,bakit kailangang maging ligtas kung pag-uusapan lang naman natin ang Aaron nayun?"
Nanatili munang tikom ang bibig ni Shennah,nagbuga muna siya ng malakas na hininga,nagpipigil ang mga luha niyang kumawala na sa mga mata niya...masakit itong gagawin niya para sa kanya kahit na magtatapat lang naman siya sa binata,dahil alam niyang sa oras na malaman na nito ang tungkol sa nalalapit na kapahamakan ng kanyang Ama na siya naman dapat ang gumawa ay may posibilidad na hindi na siya patawarin ng lalaking pinakamamahal niya at natatakot din siyang kapag malaman na nito ang lahat,ay yun narin ang sandaling kailangan na niyang magpaalam rito,kailangan niyang iligtas ang pamilya nito sa mga taong gustong manakit sa pamilya ng taong mahal niya at ang tanging paraan upang magawa iyon ay ang tuluyang mawala sa buhay nito.
Dahil alam naman niyang siya ang punot-dulo ng lahat ng peligro kinasusuungan ngayon ng mga Mariano,isa pa hindi niya hahayaang matulad sa kanya si Bradley ang pagkaitan ng pamilya at Ama na sinapit niya noon,hindi niya maatim na matulad ito sa kanya,tama na ang paghihirap na dinanas niya hindi na dapat sapitin iyon ni Bradley.
"Si-si Aaron...hindi ko lang siya kaibigan...katrabaho ko siya.."hindi na niya napigilan ang pag-agos ng nagpipigil niyang luha.
Agad naman siyang nilapitan ni Bradley at ikinulong sa mga bisig nito.
"Shhh...bakit ka ba umiiyak?tumahan ka na..hindi ako sanay na umiiyak ka sa harap ko.."pagpatahan nito sa kanya.
Agad naman siyang kumawala rito at buong tapang hinarap ang nagtatakang mga mata nito.
"Hindi ba't...nagtataka ka kung ano ang trabaho ko?"tango lamang ang ibinigay ni Bradley sa kanya.
"Isa...isa akong...isa akong slayer!"bulalas niya kasabay ng paghikbi.
Napaawang naman si Bradley na halatang naguguluhan sa pinagsasabi niya.
"But..but I'm only a slayer to those wicked people,who creates evil and dreadful things,I am working in an Agency called the Petrum Agency,the same Agency that Aaron used to intend and serve...he is one of the intelligent and spinest assassin of our troops,he worked hard and he is very loyal to our division...pero...naalala mo yung nasa Max's restaurant tayo...yung sinabi kung si Manang Terry ang tumawag sakin..hindi totoo yun"pag-amin niya.Patuloy parin ang pakikinig ni Bradley na nakatutok lang sa kanya.
"It was Jimmy...the Head of our group...he sent me the overview and information of my next assignment...but..it made me shaking when I saw the picture of your father...he was my next target..."nanginginig niyang pagpapatuloy.
"Bakit?Paano?"naguguluhang tanong ni Bradley sa kanya.
"Hindi ko rin alam ng una...pero ng ipaliwanag sakin ni Jimmy ...Our client ...he wants to be dead..kase siya ang humahawak sa kaso ng isa naming kliyente at dahil sa takot na matalo siya ng Papa mo mas pinili niyang ipapatay nalang si Tito...you know how great Lawyer your father was..I refuse to accept the mission..hindi ko magagawang saktan si Tito,mahal ko ang pamilya mo Brad...at mas lalong hindi ko kayang pagkaitan ka ng pamilya katulad ng nangyari sakin.."hindi na niya napigilang pumalyahaw.
"And then at there I quit...pero hindi nila hahayaang maging madali ang lahat, ibinigay ni Jimmy kay Aaron ang trabahong ako dapat ang gagawa..at ngayon nasa peligro ang buhay ni Tito...But I won't let that to be happened..."
"Kagabi...anong ginagawa niya sa tapat ng bahay namin kagabi?"hindi mapigilang tanong ni Bradley na mahihimigan na ang galit sa mga tinig nito.
"He called me...nalaman niyang tinanggihan ko ang trabaho...at nalaman din yang kasama ko kayo...kaya gusto niyang makipag-usap sakin...I tried to convince him to step away...but he had his condition..."
"And what is it?"anito.
"I could came back, and never bother you..he offer his...his love to me...-
"Hindi natin kailangan magkabanggaan Shennah kung sasama ka sakin at babalik ka na sa ahensiya..nasisiguro kong walang mangyayari sa pamilya ni Mariano at wala ng gugulo pa sa kanila"
"P-pano ko nasisigurong tutuparin mo ang sinasabi mo?"aniya.
"Alam mong mahal na mahal kita!gagawin ko ang lahat para sayo...ako na ang bahalang makipag-ariglo sa kliyente natin,kapag sumama ka sakin natitiyak kung magiging ligtas ang buong pamilya ni Mariano.."
"At kung hindi ako sumama?"napapahikbing tanong niya.
"Alam mo ang mangyayari Shen, at dimo gugustuhing mapahamak ang buong pamilya ni Mariano,hindi mo sila hahayaang matulad sa sinapit ng buong pamilya mo!"napaamang siya sa sinabi ng lalaki.
"Lalo na sa Bradley nayun!Alam mong hindi ako papayag na makuha ka sakin ng kahit sino,pero kahit ano kaya kong gawin para lang sayo"
Liningon niya ulit ang kabuuan ng buong bahay,alam niya kung ano ang kahihinatnan ng lahat kapag pumayag siya sa gusto ni Aaron,pero iyon ang mas mainam na paraan para mailigtas si Tito Wilson pati na ang buong pamilya nito,lalong lalo na si Bradley.Pinahid muna niya ang mga natuyong luha saka uli binalingan ang lalaki.
"Sige,sasama ako sayo bigyan mo lang ako ng sapat na panahon para makapagpaalam sa kanila...at tiyakin mo lang Aaron na walang mangyayaring masama sa buong pamilya ni Bradley kung hindi ako ang makakalaban mo!"
"You have my word,hon!"anito.
-siya na ang bahalang makipag-usap sa kliyente namin"sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha niya...
"No! I won't let that happened!hindi ako papayag!"marahas na pagtanggi ni Bradley na nahihimigan narin ang pag hikbi ng binata saka siya yinakap ng mahigpit.
Pilit siyang nagpupumiglas pero mas lalo lang humihigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata.
"Bradley...this is the only way...don't make this too hard for me.."
"Hindi ako papayag!"saka siya binalingan habang hawak parin ang magkabilang braso niya.
"Eight years...eight years akong nagdusa sa pangungulila sayo dahil sa pagkawala ng memorya ko na hanggang ngayon hindi parin bumabalik! tapos ngayon iiwan mo lang ulit ako..bakit ito pa ang paraang pinipili mo?samantalang pwede naman itong iharap sa kaso,pwede kaming maghire na magbabantay sa Pamilya ko!samin! twenty four,seven..pero bakit kailangang lumayo ka pa sakin?!"he screamed.
"Dahil mas lalo lang lalala ang lahat..hindi sila titigil..lalo na si Aaron!kilala ko siya alam ko kung ano ang kaya niyang gawin..hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nakukuha...isa pa patuloy lang malalagay sa peligro ang buhay mo kapag manatili pako sayo.."
"Hi-hindi kita maintindihan!ano bang sinasabi mo?"naguguluhang tanong niya kay Shennah.
"Hindi simpleng crush lang ang nangyari satin noon..bago kapa mainjury at mabura lahat ng memories mo...We are in out of town and we choose to celebrate our first Anniversary in Leyte..pero may mga lalaking humahabol satin ng pauwi na tayo..particularly sakin dahil ako lang ang kailangan nila at nadamay ka lang..and then may bombang paparating satin..at dahil sa kagagawan ko kaya ka nawalan ng malay ng mabangga tayo..I have seen you so badly na hindi ko na alam ang gagawin...Nang maisugod ka na sa hospital kitang-kita ko ang pag-aalala sayo ng pamilya mo,nakita ko rin kung gaano ka na nahihirapan at dahil iyon sakin!hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sayo!and then I have come to realized na hindi magiging maayos ang buhay mo kapag patuloy akong manatili sayo...kaya ipinangako ko sa sarili ko na kapag magising ka na yun na rin ang sandaling kailangan ko nang magpaalam sayo para tuluyan nang maging maganda ang buhay mo..."patuloy parin ang pag-iyak niya.
"At sa tingin mo naging maganda ang buhay ko?naging selfish ka Shen nag desisyon ka para sa sating dalawa!nabuhay ako ng walong taon na walang alam!na hindi ko manlang kilala ang sarili ko sa tingin mo maayos yun?sa tingin mo normal yun?sa tingin mo maganda yun?!"hindi na niya napigilang sumigaw.
"Oh come on Brad...It's not about us,it's about your Dad and your family's safety...kaya buo na ang desisyon ko...nasa safe house na ang pamilya mo,naipaliwanag ko na ang lahat sa kanila bago pa tayo umalis,and I have made deals so...it must be done"buo niyang sagot.
Tinalikuran na niya ang binata dahil nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha niya, kapag nakita ni Bradley na naaapektuhan siya baka maglakas-loob pa itong pigilan siya... at gusto niyang ipakita na buo na ang loob niya,para sa taong mahal niya...magsasakripisyo siya.
Napahinto siya sa paghakbang ng may pumulupot na braso sa baywang niya,mas lalo tuloy pumakawala ang mga luha niya.
"Please Shen..I don't want to lose you again,hindi ko makakayang harapin ang susunod na bukas na wala ka na sa buhay ko,gagawin ko ang lahat wag ka lang umalis wag mo na akong iwan ulit please...ikadudurog ng puso ko iyon ,patunayan mong mahalaga ako sayo ngayon,wag mo kong iwan...I love you so much!"
Sunod-sunod naman ang pagtulo ng mga luha niya,masakit ang kalooban niyang tumingala nalang sa langit pagkakuwan ay pumikit,hindi na niya makakaya ang sakit na dinadala niya... para siyang sinaksak sampung beses kada segundo,hindi niya alam kung pano haharapin ang taong pinakamamahal niya...kailangan niyang lumayo at ayusin ang lahat sa kanya at sa pagbabalik niya ay magiging karapat-dapat na siya sa pagmamahal sa tanging lalaking inalayan niya ng kanyang puso.
Marahas siyang kumawala sa pagkakayakap ni Bradley at patakbong linisan ang buong lugar...
"Babalikan kita Bradley,pangako yan...Mahal ko!"
--------------
"Pre, tama na yan!masyado ka nang maraming nainom!"pag-aalo ng kaibigan niyang si Vince.
Nakakalabindalawang bote ng beer na siya pero hindi parin nabubura ang paghihinagpis ng kanyang puso matapos siyang iwan ni Shennah anim na buwan na ang nakakaraan sa roof top ng abandunadong gusali kung saan sila nag-usap,halos naging patapon narin ang buhay niya simula ng umalis ang dalaga sa buhay niya... naging gawain narin niya ang maging lasenggero matapos ang nangyari sapagkat hanggang ngayon nagpupuyos parin ang galit niya para sa dalaga dahil sa pag-iwan sa kanya sa kabila ng pagmamakaawa niyang huwag na itong umalis pa...pero gayun paman iniwan parin siya nito at sumama sa ibang lalaki...sa Aaron na yun na bigla nalang sumulpot sa buhay nila.
Sa kabila ng lahat nagaing ligtas rin naman ang buhay ng kanyang Ama at pamilya dahil narin sa ginawang pag-alis ng babaeng mahal niya wala na ngang gumambala pa sa kanila at naging normal ang takbo ng buhay nilang pamilya ngunit hindi ang puso niya sa kabila ng lahat hindi parin niya natatanggap ang pag-alis ng huli,sinisisi din niya ang sarili kung bakit hinayaan pa niyang mawala si Shennah sa kanya tuloy ngayon para na siyang pinapatay dahil sa tindi ng sama ng loob sa dalaga.After all he was missing her...so much...
"Hayaan mo ko Vince! hindi pako lasing!"matigas niyang tugon sa kaibigan.
"Pare! ano ka ba...huwag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo hindi gugustuhin ni Shennah na magkaganyan ka!"anito na nag-aalala para sa kanya.
"Si Shennah?wala naman siyang pakialam sakin...iniwan niya nga ako hindi ba?"sarkastikong balik niya rito.
"Brad!alam mong hindi totoo yan...ginawa lang niya yun para sa kaligtasan ninyong pamilya,you know that!"
"No! I don't,hindi ko alam! hindi ko maintindihan!hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang mawala sakin para lang mabuhay ako!sana namatay nalang talaga ako kung mawawala din naman siya sa kin!"he screamed and cried awfully.
Parang lumabas na ang lahat ng sakit na kinikimkim niya sa loob ng anim na buwan,para siyang tinotorture tuwing hihinga na lang siya...parang gusto nalang niyang magpatiwakal,tatlong beses na sunod-sunod ang pagtawag ng kanyang pangalan ni Vince hanggang sa magdilim ang paligid.