"May kotse ka pala pero bakit motorsiklo ang gamit mo tuwing lalabas ka nang bahay?."
"Mag-isa lang akong bumabiyahe kaya mas prefer kong gumamit ng motorsiklo kaysa kotse"pagpapaliwanag niya.
"Pero bakit ngayong gabi mo pa ako ihahatid kung pwede namang bukas?"
"Busy ako bukas kaya hindi kita mahahatid, ngayon lang ako pwede"
"I'm sorry , masyado na kitang naabala..If only I could do anything for you just to give back the favor I will ..kaya kung kailangan mo nang tulong just tell me."
"I'll put that on my mind ,but just promise me na mag-iingat ka palagi"
"Sure"
"Uhm..magpahinga ka na lang muna,medyo matagal-tagal pa ang ibabiyahe natin."
Pagkasabi'y ibinaba na ni Bradley ang ulo upang isandal sa gilid ng bintana ng kotse.
Mag-iisang oras na silang bumabiyahe pagkatapos makauwi ni Shennah agad niyang pinabihis si Bradley upang iuwi sa bahay nila..nag-aalangan man siyang harapin uli ang pamilya ng binata ngunit kailangan na niyang gawin ito para sa kaligtasan ng taong minamahal niya..oo hindi parin nawawala ang pagmamahal niya sa binata kahit na lumipas ang limang taong nagkahiwalay sila, kailangan niyang umalis sa tabi ng binata para ilayo sa kapahamakan na siya namang dulot niya ayaw niyang siya pa ang makasira ng buhay ng taong gusto niya pero masakit man ay ginawa niya iyon..matapos ang nangyari sa pamilya niya kailangan na niyang lumayo dito dahil saksi siya sa sunod-sunod na trahedyang nangyayari sa binata na siya naman ang dahilan..kaya bago pa ulit mangyari iyon ay kailangan na naman niyang isuko ang pag-ibig para sa binata kinakailangan na naman niyang lumayo hanggang sa dumating ang araw na maging karapat dapat na siya sa lalaking pinaka mamahal niya.
Naimulat ni Bradley ang mga mata ng bahagyang tumigil na ang kotseng sinasakyan nila,iginiya niya ang paningin sa paligid ng makita ang malaking bahay nila sa labas ..nakarating na pala sila ..
"Andito na tayo"Umikot si Shennah ng kotse para alalayan sa paglabas si Bradley.
"Parang ang baliktad yata..ako ang lalaki pero ikaw ang nagbubukas ng kotse para sakin,nakakailang pogi points ka na sakin?!"
Natawa siya sa tinuran ng lalaki.
"Hayaan mo na .."saka inilaayang makababa ng kotse ng makarating sila sa labas ng pinto saka nag doorbell.
"Bakit ka pa nagdoorbell ?e bahay naman namin yan"anito.
"Serado ang pinto kaya kailangan may magbukas para satin"
"Ahh paano na-"hindi na natuloy ni Bradley ang sasabihin ng may pumihit na ng doorknob ng pinto at makita ang nakababatang kapatid.
"Kuya! buti naman nakauwi ka na !"saka marahan siyang binigyan ng napakahigpit na yakap.
" A-aray!"bulalas niya.
"So-sorry ..anong nangyari sayo kuya?"
"Mamaya ko na ikukwento papasukin mo muna kami"
"Ahh sorry pumasok na kayo!"
"Uhm pumasok ka na.."si Shennah iyon.
"Bakit?hindi ka papasok?"pagtataka niya.
"Kailangan ko nang umuwi baka masyado nang lumalim ang gabi"
"Pero sand-"hindi na niya natuloy ang sasabihin ng lumabas na ang kanyang mga magulang.
Parang napako ang mga paa ni Shennah sa kawalan ng sasabihin sa pamilya ..ang plano panaman niya ay umalis agad ng bahay kapag naihatid na niya ang binata pero dahil sa nangyari mukhang malabo na yata iyon,pero ang hindi niya inaasahan ay mukang hindi rin naman siya nakikilala ng mga ito kaya pabor din iyon sa kanya.
Nasa harap na sila ng pagkain,inimbitahan na siya dahil naikukwento na ng binata sa mga ito ang pagtulong niya,pero hindi naman sa ayaw niyang makilala ito pero maykinakatakutan lang siyang mangyari at matuklasan ng mga ito.
"Salamat hija sa pagtulong at pag-aalaga mo sa aming anak"nagsalita ang Ama.
"Wala po yun"-marahan niyang sagot.
"Alam mo ate Shennah napakafamiliar mo sakin..parang nakita na kita dati at nakilala pero hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.."
Nataranta siya sa sinabi ng dalaga..baka nagkakaideya na ito at nakikilala na siya..parang tuloy gusto na niyang layasan ang kabahayan at tumakbo papalayo rito.
"Uhm..marami kase akong kamukha dahil may bangs ako.."pagpapaliwanag niya para mawala ang mga pagdududang nakaabang sa mga isip nito.
"Oo nga hija..you were so familiar but I can't remember why? siguro dahil sa nagiging ulyanin nako"sabid naman ulit ng Ama na nagdulot ng tawanan sa buong komidor.
Natetensiyon na si Shennah dahil kanina pa siya pinagmamasdan ng buong pamilya siguro dahil iniisip ng mga ito ng mabuti kung saan man siya nakita at nakilala dahil nga pamilyar daw siya sa mga ito.
Akmang magpapaalam na siya para maiwasan ang nagbabadyang pagkakatuklas ng buo niyang katauhan ng magsalita ang ginang.
"M-mae?"Napalingon siya sa sinambit ng Ginang..parang tumakas na ang lahat ng kaba at takot na pinipigilang ng kanyang nararamdaman kanina pa.
paktay na.. boking na...
Liningon niya si Bradley na bahagya ring nagtataka sa tinuran ng Ina.
"Mae?...tama Mae.. si ate Mae..ikaw nga ate Mae.."sunod-sunod na hiyaw ni Stephanie saka siya nilapitan at yinakap.
Hindi paman siya nakakapagsalita ay lumapit na rin ang mag-asawa at yinakap siya ..Saglit niyang naramdaman ang pagmamahal na matagal na niyang namimiss sa matagal na panahon..ang pagmamahal ng isang pamilya...saglit siyang natigilan ng magsalita ang binata na naiwan sa kinauupuan nito at bahagyang nagtatanong ang mga mata sa mga nasasaksihan.
"Anong nangyayari?..bakit niyo tinatawag si Shennah sa pangalang mae?... sino si mae?.."sunod-sunod na tanong niya na mababakas na ang kalituhan sa mukha.
Kumalas na ang Ginang at nilapitan ang anak.
"Brad..."may pag-aalangan na sabid ng Ina.
Naikwento na ng Ginang ang mga pangyayari sa pagitan nila Bradley at Shennah.
Magkasintahan sila noong nasa kolehiyo palamang at nagkakilala sa Unibersidad na pareho nilang pinapasukan..isang taon nagtagal ang kanilang relasyon hanggang sa mangyari ang aksidente na naging sanhi ng pagkacomatose ni Bradley at sa paggising ay wala ng maalala,apat na buwang hinarap ang kondisyon hanggang makarecover.
Isiniwalat din ng Ina kung bakit agad hindi niya sinabi sa binata ang tungkol sa kanilang dalawa ng dalaga, ang dahilan ay si Shennah na mismo ang nagsabing kailangan niyang lumayo para daw sa kaligtasan ng nobyo,at dahil nga wala ng maalala ang binata sa pag gising kaya mas minabuti na lang ng Ina na wag sabihin ang tungkol dun dahil alam niyang lubos lang masasaktan ang anak kapag nalaman nitong may nobya ito dati at iniwan lang sa hindi maisiwalat na dahilan kaya pinili ng Ina na tikom ang bibig.
Hindi parin magkamayaw si Bradley sa isiniwalat ng Ina. Galit na hinarap niya ang Ina.
"Pero bakit hindi niyo agad sinabi sakin?bakit tinago niyo parin?"
"Anak..sa tingin ko ...hindi kami ang makakapagpaliwanag niyan..."aniya sa mahinahong tinig.
Tumayo na ang Ginang saka sininyasan ang Asawa at anak na sumunod narin.Naiwan silang dalawa sa sala na halatang hindi alam kung sino ang unang magsasalita.
matapos ang ilang minuto;
"Wala ka manlang bang sasabihin sakin?"sabad ni Bradley na hindi parin humaharap sa dalaga.
Natutuliro si Shennah kung ano ang sasabihin dahil galit na sa kanya ang binata dahil sa tono ng pagtatanong nito...
"Uhhmm...wa..wala namang da-dapat na sabihin kase.."
"Kase wala naman akong alam ganun ba?"galit na pagdurugtong ng sasabihin niya.
"Hi-hindi sa ganun..kase..wala narin namang tayo kaya wala ng dahilan para sabihin ko pa.."
"Base sa kwento sakin ni Mama ay walang break-up na nangyari..so pano mo nasabing wala na ngang tayo?"galit paring tanong nito.
" I also thought you were mad at me at first and your just pretending that we were just strangers and not knowing each other..kaya hindi ko narin pinansin"
"That's not the answer to my question Shennah!"
"I don't deserve you Brad.." mariin niyang sagot habang sunod-sunod ang pag patak ng kanyang luha hanggang sa humagulgol na siya.
Bahagyang napalingon si Bradley at nilapitan si Shennah habang hindi parin tumitila sa pag-iyak..parang may kung anong patalim ang tumusok sa puso niya at nakadama siya ng kirot at lungkot ..hindi siya sanay na umiiyak ang dalaga dahil ang alam niya ay masyado itong seryoso para umiyak lalo pa't siya ang dahilan ng pagtangis nito.
Hinimas-himas niya ang kamay ng dalaga at hinawakan sa pisngi upang bahagya itong iangat at ng matitigan niya ang mga naluluhang mata nito.
"Stop crying..I just need answers to my question ..kase kailangan ko yun para maintindihan ko ang lahat .."malumanay na niyang saad.
Tumigil na si Shennah sa pag-iyak at isa-isang pinahiran ang mga luha at magbabadyang tumulo..
"Mas gugustuhin kung wala kanang maalala dahil mga panget at malulungkot na memorya lang naman ang nasa nakaraan..kaya piliin mo nalang ang kung ano ang meron sa kasalukuyan bilang bagong alaala mo na masaya kang nakasama ako..mas gugustuhin ng kalooban ko iyon brad..."muli na namang tumakas ang nagpipigil niyang mga luha para hindi iyon malaglag pero hayon parin at nageenjoy na mafall.
"Fine..ayaw ko nang maalala ang lahat,basta tumigil ka na sa pag-iyak mas nadudurog ang puso ko kapag nakikita kitang umiiyak, mas doble ang sakit.."anito na halatang nahihirapan din.
Saka tumango-tango si Shennah na parang bata at tumigil na sa pag-iyak..wala nang boses ang mga pag-iyak niya pero panay parin ang luha.
"Hey! diba sabi ko tumigil ka na sa pag-iyak?"
"Oo.. tumitigil na nga pero itong mga luha ang pasaway ayaw mag paawat!" pagrereklamo niya.
"Maybe this could help"saka siya pinihit papalapit at walang anumang inangkin ang kanyang mga labi,parang isang sensasyon ang bumalik sa pakiramdam na iyon sa kanyang katawan ,pigil hininga din siya dahil sa pagkakabara ng kanyang labi sa pangahas na umangkin nun matapos palang ang paghigit niya sa pag-iyak ay ang awtimatikong pagtigil ng pagtulo ng mga luha niya..kasabay nun ang pagkawala ng takot at pangamba na nararamdaman niya kanina pa..natigil siya ng kumalas na ang binata mula sa kanya.Walang anumang sinikmuraan niya ito.
"Aww!"pangingihit nito sa nasaktang parte ng katawan.
"What was that for?"tanong nito sa kanya.
"Bakit mo ginawa yun?"balik naman niyang tanong rito.
"At bakit naman hindi?eh hindi naman tayo naghiwalay ah?".
"Kahit na..alam mo bang hindi mo pa ako nahahalikan nun? ha?"matapang niyang tugon.
"What?you mean we didn't kiss before?"
"Oo! hangga't hindi ko sinasabi"
"Pa-parang ang kawawa ko naman nun,under pala ako sayo"na napakamot pa siya ng ulo.
and they started to laugh as it won't last..