Chereads / Mae' The Wicked Slayer / Chapter 3 - KABANATA 3

Chapter 3 - KABANATA 3

Word count=853

Kaaalis lang ni Shennah sa isang coffee Shop matapos makipagkita kay jimmy.

Pagkatawag ng boss ay agad siyang umalis sa kinaroroonan upang magkita sa address na ibinigay nito.

Mag aalas-siyete na nang makarating sa isang abandonadong gusali upang isagawa ang trabaho niya ,nang makaakyat sa ikalimang palapag ay saka kinuha ang rifle sa isang gun carriage saka siya pumwesto ,ilang minuto muna niyang pinaglinga-linga ang hawak na riple saka huminto ng makita na ang target, sapol sa ulo iyon.

Agad niyang tinipig ang gamit saka bumaba, kailangan niyang umalis doon bago siya mapansin sa pagkakagulo ng mga nasa ibabang katapat ng gusaling tinutungtungan niya.

Pasakay na siya ng motorsiklo ng mapansin nang di kalayuan ang mamang binubugbog ng nasa limang kalalakihan, pulos nagpakabunet iyon at ang isa ay may baril pang nakasuksok sa likod ng pantalon nito ,bahagya siyang napahinto ng makita ang pamilyar na lalaking nanlulumo sa pagkakabugbog ng katawan. Agad niyang pinabuhay ang makina ng motorsiklo saka nilapitan ang mga ito.

"Psst!"-pagtatawag niya sa mga pansin nito.

"Tigilan niyo na yan!"sigaw niya.

Itinigil ng mga lalaki ang ginagawang pambubugbog saka humagikhik sa pagtawa ang mga ito ng balingan siya.

"Oy miss,wag kang makikialam dito baka pati ikaw madamay"-pagmamayabang ng isang tinutukan pa siya ng baril.

"Pre, di dapat ganyan ang trato sa mga babae hayaan muna natin siya.."sabi naman ng isa.

"Oo nga pre mukhang pwede paglaruan,mukhang presko eh"-sabat ng isa pa.

"Masarap nguya-Ah! Hindi na natuloy ng lalaki ang pagsasalita ng ibato niya rito ang helmet na hinubad sa mukha ng lalaki.. saka lamang ito napaatras at napahawak sa ilong na siyang tinamaan, bahagyang lalapit ang isa pa ng akma niyang ipinadaan ang umaangat na paa sa kanang leeg nito,may nagbabadyang kamao na lalapit sa bandang kaliwa ng pisngi niya ng agad niyang mailagan iyon,malakas ang puwersang binitawan nito kaya nawalan ng balanse iyon at napasubsob sa poste ng ilaw.

Ang isa pang may hawak na baril na tinutukan siya ay agad niya namang nahawi ang kamay at pinaikot iyon ...

"Agh!"-nagngingilas na hiyaw ng lalaking nasaktan sa pagkakabali ng braso.

Pinaliparan niya naman ng isang flying kick ang isa pang balak na atakihin siya,liningon niya ang mga sinaktang kalalakihan at lahat ito ay nakatihaya sa kalsada at napapangiwi sa naramdamang sakit ng katawan;kinuha niya ang baril na linaglag ng lalaki saka itinutok iyon sa mga ito.

"Huwag!,wag! mo kaming babarilin!" pagmamakaawa ng isa na sa pagkakaalam niya ay ang siyang lider ng grupo.

"Umalis na kayo!-mahinahon niyang tugon sa mga ito.

Binalingan niya naman ang sugatang lalaki dahil sa pagkakabugbog ng grupo ng kalalakihan.. pulos pasa ang nasa mukha nito,amoy alak din ito..siguro'y kaya hindi nito magawang ipagtanggol ang sarili dahil sa kalasingan,sa pangangatawan palang nito mapapansin mo nang kaya naman nitong ipaglaban ang sarili sa mga may masasamang loob.

Kinapkap niya ang likod ng bulsa nito ng hindi mahanap ang gustong makuha,binalingan niya ulit ang mga lalaking nakabunet na akmang aalis na...

"Sandali!"-muling pagtatawag niya sa atensyon ng mga ito saka siya nilingon.

"Ang wallet?"maawtoridad niyang tanong.

"A-anong w-wallet?"pagmamaang-maangan nito.

Itinutok niya rito ang baril saka may dinukot sa bulsa nito,lumapit ito sa kanya at iniabot ang kulay kapeng kartera,saka sininyasan niyang sumibat na.

Kinalkal niya ang laman niyon ,"3024 No.8 Zamora Subway Pasay,City"

Sinimulan na naman niyang paandarin ang motorsiklo saka linisan ang lugar.

Napapangiwing sinubukan ni Bradley na iahon ang sarili sa pagkakahiga upang umupo,ng magbukas ang pinto ng kanyang silid,tumambad sa kanya ang Inang may dala pang almusal sa food tray na binibitbit nito.

"Anak!"-may pag-aalala sa mga tinig ng Ina.

"Buti naman at gising ka na,nag-aalala kami saiyo!,ano ba ang nangyari?"

Hindi agad makasagot ang binata dahil hindi rin naman niya masyadong maalala ang nangyari kagabi.

"M-may mga lalaki pong lumapit sakin at tinutukan ako ng baril...kinapkapan po nila ako saka kinuha ang wallet ko,nan laban po ako pero dahil marami sila kaya pinagtulungan nila ako m-medyo nakainom ho kase ako nun ..pero may tumulong po sakin...parang ba-babae po yung boses pero diko napo nakita ang mukha"...mahabang pagpapaliwanag niya.

"Naku anak!, pero mabuti nalang ay may naghatid sayo rito"

"Ah-s-sino po ang naghatid sakin dito?"

"Ahh hindi ko alam,pero babae nga siya tinanong ko ang pangalan pero umalis naman agad!"

Napaisip ang binata sa sinabi ng Ina,wala naman kase siyang ideya kung sinong babae ang maglalakas loob na labanan ang mga armadong lalaki na ng hold-up sa kanya.

"O, sige na anak magpahinga ka nalang muna ,umalis na ang Papa mo at kapatid mo hindi kana nila nahintay magising dahil pumasok na sa eskwela at trabaho,pero maaga din naman silang uuwi mamaya"-tatayo na ang Ina ng may maalala.

"Saka nga pala si Vince tumawag kinakamusta ka ..tawagan mo nalang daw siya kapag nagising ka na"

Tumango na lamang siya upang pagtugon sa tinuran ng Ina,saka malalim na nag-isip.