Mag-iisang linggo na at hindi na naman makatulog ng maayos si Shennah ngunit hindi na ng nakaraan niya ang gumagambala sa kanya,kundi mukha ng isang pasaan na lalaki at lubos siyang nag-aalala para rito...para kaseng bumalik ang ganoong eksena sa nakaraan niya, natigilan siya sa pag-iisip saka kinurap-kurap ang mga mata ng magring ang telepono niya,akmang sasagutin na niya ito ng mapansing hindi si jimmy ang tumatawag unknown number iyon,nagtatakang nagtaas siya ng kilay saka sinagot.
"Sino to?"-agad niyang tinanong ng tinig ng lalaki ang nagsalita.
"Wala muna bang hello diyan?"anito sa kabilang linya.
Wala siyang kaideideya kung sino ang tumawag sa kanya , kaya galit na sinagot niya ito.
"Just tell me your gad'damn name at kung saan mo nakuha ang number nato kung ayaw mong ibaba ko ang telepono!"
"Whoa! relax its just me Bradley yung muntikan mo nang banggain!"anito.
Hindi niya alam pero parang natuwa siya ng magpakilala ito,parang tinugon nito ang mga araw at gabing iniisip niya ito simula nang huli silang magkaengkwentro.
"So, where did you get this number?"-mahinahon niya nang sambit rito.
"I get this from Audrey ,ilang araw nadin akong pabalik-balik sa restaurant niya at nagbabakasakaling dumaan ka dun ulit, pero lagi naman akong bigo sa paghihintay kaya kinuha ko nalang ang number mo sa kanya, mabuti nalang at nag-iwan ka pala sa kanya."
Napapangiti siya sa mga ipinagtatapat sa kanya ng binata, hindi niya mapigilan ang sariling matuwa rito, ngayon lang kase ulit siyang nakaramdam ng ganoon sa mga nakaraang lalaki na nagpaparamdam ng pagkainteres sa kanya ,ang unang impresyon kase palagi sa kanya ay kakaiba siya sa mga normal na babae na nagbibistida at nagsusuot talaga ng mga damit na naayon sa kasarian nila,may pagka cool din naman daw siya kaso katulad ng dating ng isang tunay na lalaki pero dina niya iyon pinapansin dahil natural lang naman para sa kanya ang mga sinusuot na ganun dahil sa trabaho niya.
"At bakit mo naman akong gusto makita?" -
"Gusto ko lang magpasalamat sa pagtulong mo sakin nung isang gabi-,naikuwento kase sakin ng kaibigan ko na nakita niya daw akong inaakay ng isang babaeng puro nakaitim at isinasakay sa motorsiklo nito, base palang naman sa pagdedescribe niya ay nahulaan ko nang ikaw yun ..iyon din kase ang sabi ng Mama ko na-
"Ang mama mo?"tanong niya.
"Oo-sabi niya babae daw ang naghatid sakin at may bangs kaya napagtanto ko ngang ikaw iyon."
"Ah I see,,"-maliit na tugon niya.
"Pero actually nahihiya ako sayo kase isa pang babae ang nagligtas sakin , lakas tuloy makatotoy ng dating"-he chuckled.
Napangiti din siya dahil sa pagbibiro nito.
"Uhm ,I learned martial arts to protect myself but someone needed my help at nagkataong ikaw yun"sagot naman niya.
"Yeah, I'm actually quiet amazed that a woman like you had that capability to stand on your own in aspect of defending oneself".
"Kailangan , para kaya mong ipaglaban ang sarili mo sa mga taong gustong manakit sayo"seryoso na sa mga tinig niya ng sabihin iyon.
"Ahm- gusto ko sanang magpasalamat sayo in person pero baka nakakaistorbo ako-"
Napasimangot siya nang maalala kung bakit nilayuan niya ang binata noon.
"Actually you are, its already late ng tawagan mo ko and I was about to sleep"pagsusupla niya.
"Kahit pala malalim na ang gabi hindi parin nababawasan ang kasungitan mo, hindi ko alam kung pano nakakatagal ang boyfriend mo sayo."
Natigilan siya sa binanggit ng binata...para talagang ibinabalik siya ng nakaraan niya at nalilito na naman sa pinagsasabi ng lalaki sa kanya.
"Yun nga rin ang pinagtataka ko kung pano niya ako natiis.."tanging saad niya.
"I see.."biglang bumaba ang boses nito.
-, pero hindi uubra sakin ang pagsusungit mo,"
"Sino bang may sabing sinusungitan kita?why? do I look rugged to you?"wika niya.
"Kind'a of that,you see..ang mga mata mo, tuwing nagkakatitigan kase tayo parang gustong lumabas niyang mga mata para pagsisipain ang mga cute kong mata dahil sa pagkakadilat"
Marahan siyang napatawa.
"At sino namang nagsabing cute ang mga mata mo? "
"Sus! ang sungit mo na nga indenial ka pa!"anito sa kabilang linya.
"I'm not, at wala naman akong idenideny"
"Well..mahirap nga namang umamin ang taong indenial"
"I'm not,I told you.."pag-uulit niya.
"Yeah,yeah.. mukang ayaw mo namang umamin kaya magpapaalam na ako..its really late,saka mo nalang ako puriin sa panaginip mo,sweetdreams!"mula sa kabilang linya.
At may kisses pa itong pahabol bago ibinaba ang telepono.
Pinatay narin niya ang linya saka nahiga sa kama,sa isip niya ay naroon ang mukha ng binata,nakangiti pa ito sa kanya at may pagkagiliw sa mga matang nakatitig rin siya dito,well nakakatunaw nga naman ang malatsokolateng mga mata nito na sobrang tamis para sa kanya ,sa pag-iisip ay nakatulog nalang din siya.
-----------
Nakahiga parin si Shennah sa kama niya, kadarating lang niya mula sa trabaho ..sa ika-walong taong pagiging wicked slayer niya ay may tinapos na naman siyang buhay.
Pero buhay naman iyon ng mga taong walang karapatang huminga sa mga kahayupang ginagawa nila ,siya lamang ang tagaputol ng mga lumalaking sungay ng mga biktima at taga hatid sa impyernong kinabibilangan nila.
Sa pag-aalalang iyon ay naikuyom niya ang mga palad..nagpupuyos talaga ang galit sa dibdib niya kapag naaalala ang mga taong hayop pa sa mga totoong hayop dahil sa mga walang kapatawaran na pinag-gagagawa ng mga ito,sa ilang sandali pa ay tiningnan niya ang katabing orasan mag aalas-onse na ..itinaas na niya ang katawan at dumiretso sa banyo.
Naghihingalo si Bradley na paikang-ikang sa paglakad habang hawak hawak ang kaliwang binti na inaagusan ng dugo,palakad-lakad siya sa kalsada habang puro mga puno naman ang nakikita sa magkabilang gilid ,wala siyang masyadong maaninag dahil wala namang mga poste ng ilaw ang paligid kaya bahagyang madilim, ang sinag ng buwan na lamang ang nagsisilbing ilaw niya habang tinatahak ang madilim na daan ,nahapo niya ang sentido ng sumakit iyon .Meron din palang sugat iyon at nagdudugo na,nabuhayan ng loob si Bradley ng may makitang bahay... sa pansin niya ay nag-iisa lang na nakatayo iyon sa lugar ,may ilaw ang mga magkabilang semento ng gate,pinindot niya ang door bell pero walang lumalabas o nagpapakitang tao,iniangat niya ng tingin ang bahay ng makitang bukas ang glass door sa diretsong pagkaaninag niya ay kwarto iyon ,siguro ay gising pa ang may-ari nito dahil may ilaw pa ito sa loob.
Inakyat niya ang bakod ng bahay na di naman kataasan,advantage ang height niyang six'footer para makasampa agad sa loob.
Sa pagpasok niya sa bakod ay may nakita siyang staircase "kapag sinusuwerte ka nga naman oh" bungad niya saka itinaas ang ulo bilang pasasalamat sa maykapal.. agad niyang kinuha iyon at itinapat sa balkong pakay.
Malapit na niyang maakyat ang dulo ng hagdan ng madulas ang paa niyang maysugat kaya napahiyaw siya sa sakit na naramdaman.
Agad niyang itinikom ang bibig dahil tiyak na magdudulot iyon ng kaunting ingay sa makakarinig at baka isipin pa ng may-ari na akyat-bahay siya,naihakbang na niya ang kahuli-hulihang baitang ng hagdan at sa wakas ay nasa loob na siya.
Katatapos palang ni Shennah sa pagshoshower at lumabas na siya sa banyo ,agad siyang dumiretso sa aparador upang kumuha ng damit na susuotin ,susuotin na niya ang underwear ng may marinig na sigaw ng isang lalaki ,natitiyak niya iyon dahil brusko ang tinig ..agad niyang sinuot ang underwear at inayos muna ang suot na roba,agad niyang kinuha ang baril na nasa loob ng drawer niya at agad na pumwesto sa likod ng kurtina ng glass door.
Papasok na ang lalaki dahil naaanigan niya ang anino nito,napansin niyang paikang-ikang ito maglakad at hawak-hawak pa ang kabilang binti,pagkakita niya ng likod nito ay saka niya sinipa ang sugatan nitong paa,dahil sa ginawa niya ay bumulyaw ito sa sakit at napaluhod ..tinutukan niya ito ng hawak na baril saka tinanong.
"Sino ka?"-
"Miss sandali,hindi ako magnanakaw I'd just came here to ask for a little help!"-
"Aba nageenglis ang magnanakaw" sa isip niya,dahil sa sinabi nito ay nawala na sa kaisipan niya ang pag aakalang magnanakaw nga ito,dahil nakasuot ito ng white longsleeve kapares ng branded na maong ,naka rubber shoes ito at may mamahaling wrist watch ,kaya pinaharap na lamang niya ito.
"Humarap ka sakin!"-pag-uutos niya.
Humarap ito sa kanya ng makita ang pamilyar na mukha.
"Bradley?"-gulat niyang sambit ng magkakilanlan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa binata.
"Pwede bang tulungan mo muna ako bago ka mag sungit diyan,tsaka bakit ka may baril?pulis ka ba?"anito.
Saka lang niya itinago ang baril at ipinuwesto sa loob ng drawer niya.
Nilapitan nalang niya ang binata upang makalimutan ang tanong nito na hindi niya sinagot.Pinapuwesto nalang niya ito sa kanyang kama.
"Umupo ka,diyan ka lang at kukunin ko ang medical kit "-
Pagkakuhay agad siyang pumwesto sa tapat ng binata.
"Ipatong mo ang paa mo sa tuhod ko"-hinubad niya ang sapatos nito.
Ginamit niya ang gunting upang panpunit sa manggas upang magamot ang sugatang binti.
"Saan mo naman nakuha ang sugat nato?"-pagbasag niya sa katahimikan.
"Tumama yan sa isang tubo ng mabangga ang kotse ko!"
"Nabangga ka?!"-may halong pag-aalala ang boses niya at mga matang tumitig sa binata.Bigla tuloy naiinis siya sa lalaki.
"Bakit kase hindi ka nag-iingat?"
"Uhm -sorry naman ...galing ako ng olonggapo... hinatid ko lang ang kapatid ko kaya ako inabot ng gabi,may dumaan kaseng kambing kaya ng makaiwas ay nabangga ako sa isang puno ,diko napansin namay tubo pala kaya tinamaan ang paa ko"pagpaliwanag nito.
"Mabuti nalang at walang butong tinamaan,pero it takes a week bago humilom ang sugat para makalakad ka nang diretso, malalim kase ang pagkakadiin ng tubo sa binti mo ,hindi ka puwedeng mag gagagalaw"-mariin niyang paalala.
"Thanks doc" nakangisi pa itong nakatitig sa kanya.
Tinupi na niya ng bandage cloth sa paang may sugat.
"Ang laki naman niyan"usal ni Bradley mayamaya.
Tinaasan niya ng tingin ang lalaki ng makitang malapad ang pagkakangiti at nakatitig ito sa gawing dibdib niya,naiyuko niya ang ulo ng makita mariing naka bukas iyon, nag-iinit ang mukha niya saka dali-daling tumayo upang ayusin ang sarili.
Nakalimutan na niyang nakaroba pa pala siya at underwear lang ang suot sa loob ng roba.
"Shit ka!"-bulalas niya sa binata
"Sorry! "-marahang sabi nito.
"Pervert!"
"Oy anong pervert?ikaw naman itong nagpakita ah!"
"Eh bakit hindi mo agad sinabi?"
"Eh nagkukuwento pa ako eh!"mangangatwiran ng hudyo.
Muli siyang humarap dito pagkatapos ayusin ang sarili.
"Umalis ka muna ,magbibihis ako!"maawtoridad niyang saad dito.
"Ano?e diba sabi mo hindi ako dapat mag gagagalaw!"
Naipikit niya ang mga mata sa pagpipigil sa binata,talagang ginagalit siya nito.
"Tumalikod ka!"-"at huwag kang lilingon!"
Huhubarin na niya ang roba ng lumingon ang binata sa kanya..
"Pero nagu-
Agad niya itong binato ng unan.
"Sinabi nang wag kang lilingon"aniya sa mataas na boses.
"Pero nagugutom nako"
"Mamaya na!"
-" At Kapag lumingon ka gigilitan kita ng leeg!-pananakot niya rito.
"Sino bang may sabing lilingon ako"-pagkakuwa'y tumalikod na.
Binalingan nalang ulit ni Shennah si Bradley matapos makapagbihis.
"Halika ka sa baba!"aniya.
"Oy, sandali tulungan mo naman ako"
"Ano ka lumpo?kaya mo nayan"pagkasabi'y umaktong nasaktan pa ang binata para alalayan niya ito.
Tinaasan lang niya ng kilay ang lalaki at pinaikutan ng tingin saka hinarap.
"Ang arte mo,kumapit ka sa balikat ko" pag-uutos niya rito.
"Wag na lang, mukhang galit ka naman eh".
"Ede wag!"-
"Heto na nga,wala ka namang awa,ganito ba ang trato mo sa boyfriend mo?".
"Wala na akong boyfriend"
"Huh?-saka ngumisi pa ng makahulugan.
"Ahh.. kaya pala ang sungit mo ,siguro hindi na nakatiis sa pagtataray mo ..pano ba naman kase kung titigan mo palang parang susuguran mo na ng patalim kapag lumapit sayo-awh! " pangingilipit nito ng bitawan niya at mapasubsob sa sahig, nakonsensiya siya sa ginawa kaya tinulungan niya itong makatayo.
"Bakit mo ko binitawan?"-panunumbat na tingin nito.Hindi nalang niya inimik ito saka matiwasay na silang nakababa ng hagdan.
"Maupo ka diyan!"utos niya.
"Galit ka na naman"
"Ganyan lang talaga ang boses ko kaya masanay ka na"aniya na may halong pagtataray.
"Ahh gusto mo pala akong masanay,parang gusto mo pa akong makasama ng matagal ..."
"Sa lagay mong yan mukhang makakatagal ka pa talaga dito,pero kung gusto mo nang umalis buong-buo kang makakalayas sa pamamahay ko"
"Grabe ka talaga..Well konsensiya mo nalang kapag may mangyaring masama pa sakin sa labas,matitiis mo bang masira ang napakaguwapo kong mukha?"-
Nginisihan nalang niya ito habang itinutuon ang pansin sa pagbubukas ng refrigerator.
"Ako nalang ang mag hahanda ng pagkain ko ,baka maisipan mo pang lagyan ng gayuma ang ipapakain mo sakin"sabad naman ni Bradley.
"Wag kang mag-alala lason ang ilalagay ko sa pagkain mo at hindi gayuma!"-pagkasabi'y inilapag na niya ang hawak na platong may pagkain sa mesang kaharap ng binata.
"Hmm.."animoy isang batang paslit na natatakam sa pagkaing kaharap.
"Maiba ako,mag-isa ka lang bang nakatira sa bahay nato? saka wala kang neighboorhood ang boring ata nun"
"Si Manang Terry na lang ang kasama ko dito, saka hindi boring ang life ko,tahimik saka iwas sa gulo."
"Para mo naman sinabing may war sa lugar namin...pero nasan ang parents mo?wala ka bang kapatid?"
Bahagya siyang napatigil at sumeryoso ang mukha,well...lagi naman kasing seryoso ang mukha niya pero ang mga sandaling yun ay parang bumabalik na naman siya sa nakaraang pilit niyang kinakalimutan,ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol dun maging si Manang Terry ay hindi na iyon ibinabanggit ...pero di niya maintindihan ang pakiramdam,parang may kagustuhan sa puso niyang isiwalat ang kwento ng buhay niya sa lalaking nagtatanong ngayon sa kanya.
"It's okay kung ayaw mong pag-usapan".Marahil na pansin nito ang pagbabago ng emosiyon niya.
"Wala na sila!.."mariin niyang sagot.
Bahagyang napatigil sa pagkain si Bradley ng magsalita na siya.
"They died when I was in college, both of them pati na ang kuya ko.."pagpapatuloy niya.
"W-wha-t happened?" marahang tanong ng nakikinig na lalaki.
"Car accident"-but it's already passed,nothing to talk about it.."
-pagkatapos mong kumain magpahinga ka na, dun ka na sa guest room matulog..-good night !"saka nilisan na niya ang komidor.