Chereads / Mae' The Wicked Slayer / Chapter 5 - KABANATA 5

Chapter 5 - KABANATA 5

Sandali pa nang nasa itaas na si Shennah ilang minuto na siyang nakahiga sa kama pero hindi parin siya dinadalaw ng antok ng makarinig ng isang hagalpak at mariing sigaw ng isang lalaki sa ibaba ng bahay niya..

"Shit si bradley!"bulalas niya sa sarili-saka lang niya naalala na iniwan pala niya ang binata sa ibaba at walang mag-aalalay na lumakad dito, kaya agad siyang kumaripas ng takbo pababa.

Nakita niya itong nakahilagta sa sahig habang kuyom-kuyom ang sugat sa binti.

"Oh god,I'm sorry nakalimutan kung may sugat ka pala".

"Its okay, ayaw narin kitang istorbohin,masyado na ata akong nakakaabala"anito.

Doon niya nilantikan ang sarili , dahil siguro sa pagbabago ng emosiyon niya sa pagkukuwento ng nakaraan niya kaya ayaw na siya nitong istorbohin.

Inilalayan na lamang niya itong umupo sa couch.

"Nagdudugo ulit ang sugat mo..sandali papalitan ko nang bandage cloth"-saka dali daling kinuha ang bandage cloth sa drawer ng lamesa.

"Isang pagkakamaling iniwan ka ng boyfriend mo,may girlfriend na nga siya may extra doc pa."-pagbasag nito sa katahimikan.

Hindi siya agad nakasagot sa tinuran ng binata,pagkakuwa'y inangatan niya ito ng ulo at binalingan.

"Hindi niya ako iniwan,ako ang nang-iwan sa kanya"marahan niyang sagot. Sumeryoso din naman ng tingin ang lalaki.

"Atsaka hindi siya suwerte sakin..malas niya nga eh"pagpapatuloy niya.

"Bakit mo naman nasabi yan?"anito.

"Dahil puro disgrasya ang inidudulot ko sa kanya"wika niya.

"Kaya mo siya iniwan?"tanong nito.

Tumango na lamang siya bilang pagtugon.

"How sweet and intriguing sacrifice you made for him.. mahal na mahal mo siguro siya noh?"

"Uhm..I can say, kahit college palang ako alam ko sa sarili ko mahal na mahal ko siya."-mariin niyang sagot.

Napayuko si Bradley sa naririnig..bagamat nakakadama siya nang kaunting paninibugho sa ipinagtatapat sa kanya ni Shennah may parte parin sa kalooban niya na natutuwa siya sa sinasabi ng dalaga.

"Kapag nalaman niya to siguradong maiintindihan ka niya"tanging nasabi niya.

"You say so?"-tila may pag-asang natanaw sa boses ng dalaga.

"Yes! kahit nga ako ramdam ko yun pero since hindi naman kase ako ang boyfriend mo kaya hindi rin natin malalaman kung ano ang magiging reaksyion niya."

Bahagya siyang napangiti."Okay na muna sakin ang mga opinyon mo...uhm magpahinga ka na masyado ng malalim ang gabi".

Inalalayan na niya ang binata saka iginiya sa magiging kwarto nito pagkatapos ay bumalik narin siya sa silid at matapos ang malawak na pag-iisip tungkol sa napag-usapan nila ng binata ay nagdulot iyon ng kaunting kapayapaan sa isip niya at kinalaunan ay nakatulog narin buhat ng malalim na gabi.

Napapakunot-noong kumilos si Bradley dulot ng patuloy na pagkirot ng sugatang bahagi ng katawan,nahinto siya ng magbukas ang pintuan ng silid.

Napalingon siya sa tumambad sa kanya, si Shennah iyon.

"Good morning"-bati niya.

"Gising ka na pala,heto na ang almusal mo" inilapag na niya ang dalang food tray sa bedside table ng binata.

"Thank you"tanging nasabi ni Bradley.

"Kumain ka ng marami, para lumakas ka agad..dinala ko nalang dito ang pagkain para hindi muna masyadong magalaw ang mga paa mo"

"Para namang asawa ang pag-aalaga mo niyan"ngumisi pa ito.

"Tumigil ka! ginagawa ko lang yan dahil sa kondisyon mo."pagdidiinan niya na may pagkadefensive ang dating.

"Okay"binalingan na lamang ni Bradley ang pag lantak sa pagkain.

"Ikaw ba ang nagluto nito?"usisa niya.

Napatingin muna ito sa kanya saka lamang tumango.

"Kaya naman pala masarap,tuloy parang namiss ko ang ganitong luto"

"Namiss mo?" pag-uusisa niya.

"Yeah..I don't actually understand what's this feelings for, pero parang namimiss ko ang mga ganitong sandali pagkasama ka"anito.

Napansin na naman ni Bradley na nag-iba ang reaksyon sa kanya ng dalaga.

"Sorry..."hinging paumanhin niya.

Umiling na lamang si Shennah at tumayo saka kinuha ang paper bag sa ibabaw ng lamesa.

"Binilhan kita ng mga susuotin mo pagkatapos mo diyan magshower ka na para malinisan din yang sugat mo..just call me if you need your help, then I'll be right back"

"Salamat ulit"pahabol ng binata bago niya isira ang pinaglabasang pinto.

Sa sitwasyon ngayon ni Bradley hindi pwedeng iwasan at pabayaan na lamang niya ito,kailangan siya sa tabi nito hanggang sa maging maayos ang lagay ng binata..saka nalang niya iisipin ang pagtakas niya sa buhay ng lalaki.

Ang iisipin na lamang niya ay ang sa ngayon, pero hanggang ngayon ay hindi parin niya makuha ang sagot sa pagtataka kung bakit hindi siya makilala ni Bradley bagamat alam niyang nagsasabi ito ng totoo sa kanya, ibig na sana niyang tanungin ito tungkol dun pero nauunahan siya ng takot na baka magkaroon pa ito ng dahilan para usisain ang buong pagkatao niya.

Bumalik na agad si Shennah sa kwarto ng binata para i-check ito.Kinatok niya ang pinto ng hindi ito sumagot kaya dali-dali siyang pumasok para tingnan.

Napatalikod na lamang si Shennah sa pagkakagulat ng makitang naghuhubad na si Bradley ng pang-ibabang saplot,siguroy maliligo na ito.

"Bakit ka pumasok?"tanong nito.

"B-bakit kase hindi ka sumagot?"aniya sa nanginginig na boses.

"Panonoorin mo ba akong maligo?"

Shit! bulalas niya sa isip,kahit na nakatalikod alam niyang nakangisi ito dahil sa panunudyong tono ng boses.

"Ofcourse not, baka kailangan mo lang ng tulong papunta sa banyo dahil may sugat ka"-mabilis niyang pagtatama sa hinuha nito.

"Uhm, kailangan ko nga ng tulong."

Nagtataka si bradley kung bakit hindi parin lumilingon sa kanya si Shennah.

"Uhm.. bakit dika lumalapit?"

"Damn ka! pwede bang ayusin mo muna yang sarili mo bago moko paharapin"galit niyang usal rito.

"Eh hinubad ko na..ala namang suotin ko pa..saka ang hirap kaya maghubad ng damit sa lagay kong to.."

Oo nga naman..lalo na ang pantalon nito.

"Use the towel!"aniya.

"Nasa banyo..kukunin mo ba?"

Deym!May tudyo na naman sa boses nito.

"Fine"aniya.

Saka lamang siya lumabas ng kwarto ngunit mabilis din siyang nagbalik at may dala nang pink towel.

"Use this !" saka inihagis ang hawak na tuwalya habang nakatalikod.

"Is this yours?"tanong nito.

"Pwede bang gamitin mo nalang?"pagsusupla niya.

"Okay, I'm all set pwede ka ng lumingon"anito.

Mabilis na pala itong napaikot ang tuwalya sa baywang nito.

Dahan dahan niyang liningon ang binata at nakatapis na nga ito, but gad'damn it! naiilang parin siya sa bakal bakal nitong six pack abs ..she finds him in a bit sexy in a half naked body hindi niya matagalan ang pagtitig dito kaya iginiya na lang niya ang tingin sa paligid habang lumalapit.

"Pasensiya ka na kung naiilang ka sa six pack abs ko"nginisihan pa siya nito.

Mukha talagang nag-eenjoy itong nakikita siyang natataranta at mukhang UFC sa pamumula.

Nag-iinit na naman ang buong pisngi niya,pero hindi niya dapat pansinin iyon kaya hindi na lang niya ito inimik saka inilalayan papuntang banyo.

"K-kaya mo na ang sarili mo dito" saka dali-daling iniwan ang binata para maiwasan ang pagkailang na nararamdaman.

*****

"Tinola?"sambit ng ginang na may pagkagulat pa sa mga tinig.

"Uhm-opo! ito po kase ang paborito ni Bradley"tugon na lamang niya sa ginang.

"Ahh ..akala ko ba pagkakakilala lang ninyo.. bakit mukhang marami ka nang alam tungkol sa binatang yun?"

"Uhm..n-nabanggit niya lang po kung san kumain kami sa isang restaurant"pagsisinungaling niya.

"Pero mukhang special ang lalaking to sayo dahil ikaw pa ang nagluluto para sa kanya niyan ,samantalang matagal ka narin namang hindi na igigiya dito sa kusina"panunudyo sa kanya ng ginang.

"Aya"-hindi na niya natapos ang sasabihin ng makita si Bradley na naglalakad papalapit sa kanila.

"Hi"bati sa kanila ng binata.

"Bradley! bakit hindi ka nagsabing bababa ka para naman naalalayan ka"pag-aalala niya para dito.

"Ayos lang,hindi naman ako lumpo"

"Wala naman akong sinabing lumpo ka!"

"Okay na sabi ako.. saka hindi na masyadong masakit kapag ginagalaw ko.. thanks sa pag-aalaga mo"nakangiti pa ito ng lumingon sa kanya.

Pinanlakihan lang niya ito ng mata saka inilalayang makaupo sa harap ng mesa.

Binalingan na lamang ni Shennah si Manang Terry saka sininyasang ihanda na ang pagkain.Inilapag na ng Ginang ang tinolang kaluluto lang ni Shennah.

"Kumain ka na hijo!"

"Paborito mo daw ito kaya pinagluto ka ni Shennah"pabulong pa nitong pahabol sa binata bago tinalikuran.

Lumapit si Shennah sa binata saka inilapag ang dalang pakwan na pinagtitiris pa kanina.

"Iniluto mo daw to para sakin?" sabi niya matapos makalapit ang dalaga.

Liningon ni Shennah si Manang Terry na kunwari'y nag-aalis na ng mga alikabok sa ding-ding.

"Kumain ka na lang"balik niya rito saka tumabi sa binata.

"Pero pano mo na lamang paborito ko ang tinola?wala naman akong binanggit sayo ah?"napahinto siya sa huling tinuran hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito kaya nag-isip nalang siya ng paraan para ipanlusot rito.

"Nananaginip ka kagabi..at narinig kong binibigkas mo nang paulit-ulit ang salitang "tinola" kaya naisip kong tinola ang paborito mo"pagiimbinto niya.

"Talaga?"sa mukha ng pagkakangisi nito parang ayaw maniwala sa pinagsasabi niya..

"Pinanonood mo pala akong matulog ng hindi ko alam."anito na nagnining-ning pa ang mga mata.

"Tse! tumigil ka nga riyan at kumain ka nalang"pag tataray niya.

"Nawawalan ako ng gana"

"Ano?ayaw mo ba ng niluto ko?"pagtataka niya.

"Hindi,natatamad ako kaya subuan mo ako"nangingisi pang tumutok ito sa kanya.

"Hindi ka lang pala lumpo,pungkol ka pa"sabad niya.

"Kapag hindi mo ako sinubuan ibig-sabihin hindi masarap ang tinola mo!"

"Ano?e ngayon linalait mo pa ang tinola ko!" w/ a sullen-eyes she spoke.

"Ang damot mo para subo Lang"

She grab the merge of the man and carry it along with his soft lips through his mouth and commanded.

"Ahh!"

Iniangat niya na ang magkabilang sulok na bibig saka tinanggap ang pagkain.

"Aray! napakasadista mo naman dahan-dahanin mo naman ang pagsubo."

"Ang dami mong arte,hindi ka nalang lumamon! kung ayaw mo ang pagsubo ko ede kumain ka mag-isa mo"pagalit niyang bato rito.

"No! actually...I like arrogant care"saka ngumisi pa itong nakakaloko.

Sinubuan niya ito ulit pero bahagyang marahan nayun,saka niya pinainom ng tubig.. ngunit natigilan siya ng hawakan din nito iyon sa banda kung saan nakahawak ang kamay niya sa baso.

They're eyes were trapped in a sudden situation ,were they holding hands...pero...

"Uhm putulin ko lang muna ang pagtititigan ninyong dalawa"akmang pinutol pa ang kunwaring tali sa pagitan ng mga mata nila gamit ang kamay nito na nagsisilbing gunting.

Saka lang sila natauhan mula sa malalim na pagtitigan at binalingan ang Ginang.

"Ah-ano po yun nang?"tanong ni Shennah.

"May tumatawag sayo Shen , kanina pa nagriring ang telepono"saka lang niyang napansin ang hawak hawak nitong phone cord ..agad siyang tumayo upang kunin saka lumayo sa dalawa .

"Excuse me"paalam niya bago umalis.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago bumalik si Shen.

"Manang aalis po muna ako ,sandali lang... ikaw na po ang bahala kay Bradley babalik ho ako agad"pagkasabi'y dali-daling lumabas ng bahay.

Narinig nalang ni Bradley ang tunog ng pagharurot ng motorsiklo ng dalaga kaya wala ng dahilan para habulin pa niya ito ng goodbye.

"Wala manlang kiss goodbye?" sa isip niya saka hinarap ang ginang.

"Uhm Manang Terry matanong ko lang ho...ano ba ang trabaho ni Shennah?"

"Uhm...ang totoo hindi niya binabanggit kung ano ang trabaho niya, hindi ko nalang din tinatanong kase lagi nalang nag-iiba ang ayos ng mukha niya kapag napag-uusapan iyon...kaya hindi ko nalang binabanggit"mahabang pagsasalaysay nito.

"Bakit mo nga pala naitanong?"aniya maya-maya.

"Uhm..wala lang ho kakaiba kase ang purmahan niya kapag lumalakad, iyong hindi pormang babae pag lumalabas.. baka lang ho kako may kinalaman ang porma niya sa trabaho niya."

"Tama ka,hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun ang porma ng batang yun marami namang dress yun sa aparador niya pero ayaw niyang isuot."

" Manang matagal na ho ba kayong nagtatrabaho sa pamilya ni Shennah?"tanong niya.

"Oo,mga bata palang yang sina Samuel at Shennah ako na ang nag-aalaga sa kanila maging nung nabubuhay pa ang mga magulang nila"

"Pano po namatay sa car accident ang pamilya niya?"

"Hindi simpleng car accident iyon ,may nag-ambush sa kanilang lahat"wika ng ginang.

"Lahat?"bulalas niya sa pagkagulat.

"Oo kasama si Shen ng mangyari ang insidente.. pinagbabaril sila ng mga armadong kalalakihan ,nakita niya mismo ang pumatay sa pamilya niya.. ang akala ng lahat namatay narin siya pero iniligtas siya ng kuya niya ng harangin ang balang para sa kanya,naihampas lang ang ulo niya kaya siya nawalan ng malay,pero nung magising siya wala na lahat ng pamilya niya ...hindi niya alam kung pano ang buhay na wala na ang mga magulang niya kaya hindi ko na siya naiwan at ako nalang ang nag-aruga sa kanya,eh wala rin na naman akong pamilya at hindi na nakapag-asawa."

"I-ilang taon ho ba siya ng mangyari ang pag-ambush?"

"Mga kolehiyo na siya nun eh..graduating na kamo hindi ko lang matandaan kung ilang taon na siya nun."

"Ahh" sa mga isiniwalat nang ginang lubos siyang nag-aalala para sa dalaga kawawa nga naman ito, pinagkaitan na makasama ang pamilya at nag-iisa na lamang ito mabuti nalang ay nandiyan si Manang Terry para alagaan siya ..dahil kung nagkataong wala itong karamay siguradong hindi ito makakaraos sa delubyong pinagdadaanan nito, hindi tuloy niya lubos maisip kung paano nito hinaharap ang bawat araw mula nang mawalan ng pamilya.

"Nagkaroon po ba siya ng boyfriend? uhm kase kung may plano pa ho ba siyang mag-asawa at magkapamilya.."-lakas loob niyang tanong rito.

"Nagkaroon siya ng boyfriend noong nasa kolehiyo pa siya.. ang totoo magkapareho kayo ng pangalan Bradley din yun eh"

"Bradley din ho?"pagatatakang usal niya.

"Oo..sakin lang kase nagkwewento yun sa nangyayari sa paaralan nila kase laging busy ang mga magulang niya at kapatid, hindi nga nila alam na nagkanobyo si Shennah."ani ng ginang.

"Oh siya, mag-aayos lang ako sa itaas at kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako ...ha?"Tumango na lamang siya bilang pagtugon saka sinundan ng tingin ang papalayong Ginang,saka nagisip sa naging takbo ng kanilang pag-uusap.