Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

10 years of love

🇵🇭Joyce_Jayson
12
Completed
--
NOT RATINGS
18.4k
Views
Synopsis
Sa relasyon na mayroon sina Vida at Andro, Hindi nawawala ang pagtatampuhan, pag-aaway, pikunan at iyakan. Ngunit... Mas nangingibabaw sa kanila ang kasiyahan, pagkakasundo, biruan at pagmamahalan. Sa siyam na taon nilang pagsasama, ilang beses na rin silang napagod pero hindi sumuko dahil sa pagmamahal sa isa't isa. Hanggang sa umabot ang sampung taon... Mas lalong tumibay ang kanilang samahan... Sa... Sampung taon na pagmamahalan.
VIEW MORE

Chapter 1 - Panimula

"Ma'am Vida, kumain na po kayo."

Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ko. Malamang si yaya emilda 'yon, parating kumakatok dito. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakatitig sa kisame. Sobrang gulo buhok ko na mukhang pati ang eyebags ko ay sobrang lalim din. Rinig ko ang sariling paghinga. Hindi ko namalayan na nagsimula na namang tumulo ang luha ko.

"Anak, please. Don't make this hard for you. I'm sure that's also he wanted, for you to be happy." Napalunok ako ng marinig ang sinabi ni mommy mula sa labas.

To be Happy? Paano? Paano ako magiging masaya kung wala siya?! He fooled me! I want to be angry, cursed him but I can't! Nakakainis! Sobrang unfair niya!

"Anak, kumain ka na. Gawin mo nalang para sa 'min ng daddy mo." Nagsimulang humikbi si mommy na mas lalong ikinasikip ng dibdib ko.

Pinilit kong ibinangon ang sarili para tumayo. Humarap ako sa salamin at tama nga ang ini-imagine kong mukha ko. I'm really messed up right now. Sinubukan kong punasan ang luha ko pero may kasunod na namang bumagsak. San ba galing ang pesteng luha na 'to! Hindi maubos-ubos!

"Vida, anak, please. Lumabas ka na sa kwarto mo. We can talk about this, you can talk to us of what you're feeling right now," seryosong pagkakasabi no daddy.

Umiling ako na nakatingin pa rin sa salamin. Hinding hindi nila maiintindihan ang nararamdaman ko. Humiga ako sa sahig at niyakap ang sarili. Ilang minuto akong nakatulala ay nakaramdam ako ng antok.

Nagising ako bigla dahil sa sakit ng katawan. Nag-stretch ako at nakaramdam ng malaking box sa tabi ko.

Ano 'to? Sila mommy ba naglagay nito dito? Tumayo ako at inusog ang box palapit sa kama. Naupo ako at binasa ang maliit na card na nakadikit sa box.

"Ang hirap nitong ginawa ko, babe. Sana magustuhan mo 'tong gift ko..." Nagsimula na naman tumulo ang luha ko kaya nahinto ang pagbabasa ko sa nakasulat. Hindi na ako nag-abalang punasan ulit ito at sinimulan ulit basahin.

"Wag kang umiyak a. Iyakin ka pa naman, nako! Tatawanan lang kita diyan! Basta... Galing sa puso, kabig ng dibdib itong ginawa ko. Deserve ko ng maganda ring regalo babe! PS4! Alam mo na. Hehe. Mahal na mahal kita, always!" Mas lalo akong napaiyak sa nakasulat.

Nakakainis ka talaga! Pag makita lang kita kahit sa panaginip, susuntukin kita hanggang sa mawalan ka ng ngipin!

Pero....Mahal na mahal rin kita, sobra...

"For Avida Guillermo...My...

Ten Years Of Love..."