"Di kita namimiss!"
Humalakhak ako ng malakas pagkatapos ay uminom ng kape na kanina ko ka tinimpla. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni andro sa 'kin ngayon. He's so sinungaling! Ayaw niya pa aminin e.
"Kailan ka ba uuwi dito?" Mawawalan na 'ko ng boses kakasagot sa tanong ni andro.
Pang-ilang tanong niya na 'yan simula ng dumating ako dito sa New Yorkork, para sa company. Ako pinadala ni daddy kasi hindi na nila kaya dahil sa edad nila daw kaya pumayag nalang ako. Nalungkot talaga ng husto si andro 'non nung sinabi ko. Kahit hindi niya sabihin, ramdam ko! Kasi paano ba naman, nung mga isang linggo bago ako umalis, hindi na umalis sa tabi ko. Doon na naliligo at nagbibihis sa bahay.
Anyways, nalungkot din naman ako dahil hindi ko siya makikita ng personal tsaka mahawakan but it's okay. Marami na kaming napagdaanan kaya sisiw nalang 'to.
"After 6 months," Sagot ko.
"Huhu, wag ka na umuwi. Maghahanap ako ng bago!" Tinawanan ko lang siya. Magka-facetime lang kami ngayon sa laptop ko pero ang lapit ng mukha niya kaya kitang kita ko ang pagbusangot ng mukha niya.
"Okay, maghahanap din ako dito," I said.
"Luh! Sige lang Avida Guillermo! Baka magulat ka, nandiyan na 'ko! Humanda ka sa 'kin!" He looks already pissed.
"Ikaw kaya nauna! Pero I'm just kidding lang naman! You know that I won't do it," pagkumbinsi ko sa kanya.
"Good girl!" Ngumiti siya at kiniss ako kahit sa screen lang. He's such a baby boy! Sobrang cute. I also miss him already!
"How's your day?" Tanong ko kay andro. Kaka-face time ulit namin now. Medyo haggard na ang mukha niya kasi I'm not there to do his skin care routine. Aw! I really miss him. Naawa tuloy ako dito sa lalaking 'to.
"Ayun, malungkot." Napangiti lang ako dahil sa ekpresyon na nakikita ko ngayon sa kanya. Pero cute pa din.
"Mag-wash up ka na. Mag-face time ulit Tayo after mo," sabi ko.
Tumango siya kaya pinatay ko muna ang laptop ko. Busy rin kasi ako sa pagchecheck ng mga documents. Minsan habang nag-fefacetime kami ni andro, pinapanood niya lang akong may ginagawa hanggang sa makatulog siya. Minsan naman siya ang may ginagawa kaya ganon rin ang ginagawa ko. Minsan naman kinakantahan niya ako hanggang sa makatulog na. Ganon lang ang set-up namin buong month.
"Kamusta diyan sa New York? Glow up na girl a!" Napailing-iling nalang ako sa bungad na papuri agad sa 'kin ni emerald. Ka-facetime ko siya ngayon para mangumusta daw.
"Not really naman. Mas nakastress nga kasi super dami kong errands na pinuntahan. Super puno ng schedule ko. Buti nalang nakakausap ko pa si andro," kwento ko kay emerald.
"Haynako. Beautiful ka pa rin vida. Hahaha! Pero may sasabihin ako!!!!"
Nagtaka ako bigla sa sasabihin niya. Sana naman hindi negative or anything sexual itong sasabihin ni emerald. Wala pa namang filter 'tong bibig niya.
"What?" I ask.
"Buntis ako girl! Ninang ka a!" Nanlaki ang mata ko sa narinig at hindi makapaniwala.
"Wait," nag-hand sign pa ako ng stop kasi hindi masink in sa utak ko! "Y-You're what?!" I exclaimed.
"Pregnant vida! I'm pretty preggy here!" Tumayo pa siya at pinakita ang tiyan na medyo malaki nga.
"Oh my gosh!" Tinakpan ko ang bibig habang tinuro ni emerald ang tiyan niya. "Really?!" Tanong ko.
"Oo vida!" Paninigurado niya pa.
"Congratulations! I'm proud of you emerald. Sure, ako ninang niyan," pagsang-ayon ko sa alok niya na ako daw ninang.
"Yehey. Can't wait na umuwi ka na!" May halong excite na tono sa boses niya.
Me too. Hindi na 'ko makapaghintay na makita ang inaanak ko. Sana magmana sa father at hindi kay emerald.
~•
"Miss you babe!" Sambit ko.
"Di Kita miss. Umuwi ka na." Tumawa lang ako sa sinabi niya. Kapag talaga nagfe-face time kami, hindi nawawala sa sasabihin niya 'yan.
"Uuwi naman ako babe, don't worry! Hintay lang," I assured and ask him to wait. Alam kong kaya niya 'to, kaya namin 'to.
Ngayon tuloy nararamdaman ko na 'yung mga LDR couples. Though this is not permanent for us ni andro pero ilang buwan din kaya malungkot at ang hirap pala lalo na kung alam mong malayo sayo yung mahal mo.
Natigilan ako sa ginagawa ng may kumatok sa pinto ko. Huminto muna 'ko sa ginagawa at nagpaalam kay andro na aalis muna 'ko saglit para buksan ang pinto.
"Yes?" Tanong ko pagkabukas ko ng pinto. I saw a woman na mukhang manager nitong hotel na tinutuluyan ko. May dala siyang mahaba at malaking box may katulong pang dalawang lalaki na mukhang mga bellboys na napag-utusan lang.
"Hi ma'am, someone delivered this to our hotel and there's a card name saying this is for you." Tumaas ang isang kilay ko.
Pinapasok ko sila at nilapag nila sa upuan ang bit-bit na mukhang mabigat. Lumabas na sila pagkatapos kong magpasalamat. Tinignan ko ang card na nakalagay.
To: Avida Guillermo
From: Di kita miss, umuwi ka na
Humalakhak lang ako sa tawa ng mapagtantong galing kay andro ang regalo. Lumapit kaagad sa desk ko para makausap si andro.
"You're so sweet, babe. Thank you!" Sabi ko.
"Hindi sa 'kin galing yan no," tanggi niya.
Tumawa lang ako bilang tugon. Ayaw pa talaga umamin. Halata na kaya. Pero dapat lang talagang magbigay siya! 6th anniversary na namin today! Hihi. I'm super happy! Kahit LDR kami, he's still make away. By the way, mayaman naman pala siya, kaya okay lang sa kanya gumastos ng delivery.
"Regalo ko?" He ask, suddenly.
"Hmm? Wala," sagot ko.
"Okay lang. Uwi ka nalang ngayon, regalo mo sa'kin."
Ngumisi ako at umiling. Hirap akong binuksan ang gift niya habang nakatuon para kay andro ang atensyon.
"Of course I have a gift for you. Hintayin mo lang si Monty," sabi ko. Tinaasan niya 'ko ng kilay.
"Ano namang kinalaman ng pangit na 'yon sa regalo mo? Nakipag-usap ka sa kanya? Kailan? Bat hindi ko alam?" Sunod-sunod niyang tanong.
I knew he would react like this. He's so jealous kapag may iba 'kong kausap na lalaki or what, lalo na kay Monty. Pero that's one of the reasons why I still love him. My so immature babe.
"Stop overreacting, babe! It's not like some romantic talks. It's about my gift for you. Kinausap ko siya kahapon. Nasa kanya gift ko sayo, siya tumanggap sa delivery boy kasi nga gabi ka na nakakauwi," pagpapaliwanag ko.
Tumango-tango lang siya hanggang sa may kumatok sa pinto niya. Nagpaalam siya sa 'kin na bubuksan ang pinto na sakto naman ang pagbukas ko sa regalo ni andro sa 'kin.
"What the?!" I look at all the chocolates. As in full of chocolates! He knows na diet ako kaya bakit niya 'ko bibigyan nito?
"Wow babe! Ganda naman nito!" Pinakita niya kaagad sa 'kin ang portrait na painting ko na dalawa kaming magka-akbay habang nakatingin sa langit na puno ng stars sa gabi. Kung si andro, maganda ang boses. Ako, magaling mag-paint. Kaya ito nalang naisip kong regalo.
"My gift looks sentimental. Pero ano namang trip mo at binigyan mo ko ng ganito karaming chocolates?" Tinaasan ko lang siya habang nakangisi siyang tumingin sa 'kin.
"Kainin mo babe, masarap yan. Gawa ko," Sabi Niya. Nag-iba ang ekpresyon ng mukha ko into kuting na napaamo ng may-ari.
"Really? You make this?" Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya. Sa dami ba naman nitong, baka napuyat siya kakagawa.
"Oo, dali! Tikman mo," Sabi niya.
Masaya 'kong binuksan ang chocolate. Dahan-dahan kong inilapag sa bibig ko ang chocolate habang malawak ang ngiti ni andro.
"What the fuck?!" Napasigaw ako sa lasa ng chocolate na mukhang styrofoam lang pala pagkatapos kong kumagat.
Rinig ko agad ang tawa niya. Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi pa rin siya umaawat sa pagtawa.
"It's a prank! Happy 6th anniversary babe! Miss na kita, uwi ka na!"
_____________________________________________________________________________________________
:>