Chereads / 10 years of love / Chapter 11 - Kapitulo 10

Chapter 11 - Kapitulo 10

"Kantahan mo naman ako babe, ikaw naman... please..."

Napalunok ako at hindi alam ang sasabihin. Nandito kami ngayon sa rooftop. Nakaupo sa couch habang nakasandal sa 'kin si andro. Isang taon din siyang nagpa-chemo therapy pero ilang buwan na rin siyang tumigil dahil ayaw na daw niya. Hindi na pinilit ng mga magulang niya kahit masakit. Ako rin, kahit sobrang sakit.

"Yung kinakanta ko sa 'yo, bago tayo matulog," dugtong niya.

Wala pa rin akong maisagot kahit na alam ko ang kantang tinutukoy niya. Buti nalang hindi malamig kasi may silungan naman itong couch, dinugtungan nila daddy kasi parati na ditong tumatambay si andro kapag pasikat na yung araw o palubog man. Nakabonnet na si andro kasi naglalagas na yung buhok niya hanggang sa ngayon ay nakalbo na siya but he's still so handsome to my eyes.

Pinipigilan kong umiyak kasi ayokong mag-alala siya. Sa isang taon na nasa tabi niya 'ko habang nakahiga siya sa bed ng hospital, he didn't not see me crying 'cause I don't want to.

Alam kong masasaktan siya lalo kapag makita niya akong umiiyak. Ayoko non. I want to be the reason of his smile, his laugh and his heartwarming love. Sa ilang taon naming pagsasama namin alam kong naibigay ko naman ang pagmamahal na gusto niya pero I want to be the person na makukuha niya pa ring mabuhay.

Pero mukhang imposible na 'yon ngayon...

"Babe, sige na," pamimilit niya.

The reason why I don't want to sing it kasi alam ko na ang susunod na mangyayari... At ayoko.

"Uhm... M-May tanong ako b-babe..." My voice suddenly crack. Iniba ko na lang yung usapan.

"Ano yun?" He said without looking at me.

Wala akong lakas na loob na itanong ito dati pero ngayon ko na itatanong.

"Bakit...hindi mo sinabi? Na may...cancer ka pala?" I tried not to look at him, sadly but I just I can't do it.

Natahimik siya ng ilang minuto at tumingin sa kalangitan na madilim, puno ng mga bituin.

"Alam mo ba 'pag nagpeperform ako sa stage dati? Natatakot ako. Ever since mayroon na 'kong stage fright pero nilalabanan ko kasi passion ko ang kumanta but then... When I saw you, staring at me like I'm your worst enemy with that dreamy and touching eyes of yours...nagkaroon ako ng lakas na hindi ko alam kung saan nanggaling bigla. Nung nakita kita hindi ko alam pero mas lalo ko pang ginalingan na kaya ko pala.."

Nagsimula ng tumulo ang luha ko na alam kong hindi na mapipigilan kahit anong punas.

"Sakto...kaibigan mo pala si emerald na pinsan ko," ngumiti siya at saglit na tumingin sa 'kin."Sabi ko sa isip ko, akalain mo yun? Mukhang kailangan kitang ligawan," ngumisi siya bigla.

Hinampas ko siya ng mahina na ikinatawa niya. Nakuha niya pa talagang magbiro!

"Tapos nung nakilala kita... Ayun na naman yung mata mong parang ako yung pinakaayaw mo sa mundo. Kahit na ganon ka, ang sarap mong asarin, pagselosin at mas lalong ang sarap mong pasayahin. I know it might sound cheesy but everytime I see you smile, you make my heart flutter," Sabi niya at tumitig na sa 'kin.

I bit my lower lip to contain the pain I'm feeling right now. Masaya ako sa sinabi niya pero bakit ngayon niya lang sinabi 'to?

"Sa 1st year anniversary hanggang sa ngayon na pang-sampu na tayo..." Huminga muna siya ng malalim at tumulo na rin ang luha. "Thank you, babe."

Napaiyak na ako sobra. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinuklian niya naman ito.

"Hindi ko sinabi sayo kasi... Ayokong masaktan lalo. Na maiisip ko na hindi ako habang-buhay sa tabi mo. Pag nalaman mo, mahahalata ko sa mukha mo na sobrang nasasaktan ka. Nagpapaalala yon sa 'kin na, hindi ako ang magiging asawa mo, magiging ama ng mga anak natin. Hindi na kita masusurpresa sa tuwing anniversary natin. Hindi na kita, makakausap, mahahalikan at mayayakap ng ganito kahigpit. Sobrang sakit Avida," mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa 'kin na parang mawawala ako.

Hindi na siya nagsalita pa. Tanging mga hikbi nalang namin sa Isa't Isa ang maririnig. Kahit ako rin e. Sobrang sakit din andro.

"Bakit ba nangyayari sayo 'to?" Humiwalay na ako sa pagkakayakap at tumingin sa mata niya. "If only I can also feel the pain na nararamdaman mo. Kukunin ko-"

"No, babe. Mas mabuti na 'to. Alam kong makakaya mo kasi strong ka 'di ba? Makakaya mong wala ako."

Napailing-iling ako at pumikit.

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Hindi ko kaya andro! Hindi ko kaya babe please!" Bahagya na kong napasigaw dahil sa pamimilit na hindi ko kaya.

"Kakayanin mo. Hindi mo man ako makikita pero nandito pa rin ako, parating nasa tabi mo.

Isisnandal niya ulit ang ulo niya sa balikat ko kaya hindi ako gumalaw. Hindi ko siya sinagot dahil Hindi ko alam kung paano magpapatuloy ang buhay ko kung wala siya.

"Babe... Pano yung mga pangarap natin? Susuko ka nalang ng ganon ganon lang? P-Paano ako? Iiwan mo nalang ng ganito?" Tanong ko sa kanya pero nakapikit na siya.

Tangina. Ang sakit.

"Ang swerte mo a. Ang lambot kaya ng balikat ko! Enjoy na enjoy ka e," pagbibiro ko.

Pinunasan ko ang luha at nakatitig kay andro. Sobrang swerte ko sa taong 'to para ibigay siya sa 'kin ng diyos. Pero bakit sa sobrang swerte ko sa kanya kukunin mo kaagad siya Lord? May nagawa ba kong maraming kasalanan para parusahan mo 'ko ng ganito?

"Inaantok na 'ko babe," sambit niya bigla. Napalunok ako at umiyak na naman.

"S-Sige...matulog ka na. Nandito lang ako, hindi ako aalis," I assured.

"The other night dear, as I lay sleeping...I dreamed I held you in my arms. But when I awoke, dear, I was mistaken. So I hung my head and I cried..." Nagsimula akong kumanta na kanina niya pa nirerequest na palagi niyang kinakanta sa 'kin bago ako matulog.

"Y-You are my sunshine, my only s-sunshine. You make me h-happy when s-skies are gray...You'll n-never know dear, how much I l-love y-yu. Please don't take my sunshine a-away," my voice crack while singing dahil sa iyak ko.

"Babe," mahina niyang sambit.

"Hmm?" Sagot ko.

"I love you," Sabi niya. Tumango-tango ako ng marinig 'yon.

"I know," tugon ko.

"Happy 10th anniversary," bati niya.

Mas lalo akong naiyak at tinakpan ang bibig para pigilan ang ingay ko. Hindi ko mapigilang mapaluha ngayon ng sobra Kasi...

This is the last time I hear his voice saying that....

Ito na ang huling pagbati niya sa 'kin...

"Happy 10th anniversary, babe..." I answered.

_____________________________________________________________________________________________

:<