Chereads / 10 years of love / Chapter 12 - Pagtatapos

Chapter 12 - Pagtatapos

"Miss Avida, ano pong dahilan niyo, bakit nagdonate kayo ng ilang milyon para sa may cancer patients?"

My mouth is half open when I heard the question from one of the reporters. I'm here sa press conference ng bago kong movie. After 5 years, I am now pursuing my career as an actress. Wala naman talaga 'to sa vocabulary ko pero may nag-alok kasi sa 'kin and nakita ko naman ang opportunity so I took it. And hearing now the question about that caught me. Hindi na 'ko magtataka dahil yon naman ang mga trabaho nila.

"Next question, please?" Sabi ng manager ko na nasa gilid.

Nagbulong-bulungan sila at nagsimulang magbato ulit ng tanong. Pero naiwan ang question na 'yon sa utak ko so I kinda like to answer it.

"The reason why I want to donate, worth of a million money sa mga cancer patients is because of someone very close to my heart, I mean- the half of my life. He also suffer from that kind of cancer kaya gusto kong tulungan ang ibang mayroon nito," sagot ko without giving a very detailed about andro. Ayoko nang pati si andro ay madamay pa.

Natapos ang press conference ng successful naman. Medyo hindi puno ang schedule ko ngayon. Wala naman akong new movie, series or drama now kasi wala pa akong tinatanggap. Wala rin akong photoshoots ngayon kaya naisipan kong bumisita kina emerald.

"Your daughter is very beautiful, buti nalang ako naging ninang niyan," sambit ko na may halong papuri sa sarili.

Napaismid ang mukha ni emerald habang nilalapag ang juice at cake. Tinignan niya ang mag-ama niya na naglalaro sa garden.

"Kapal vida a. Ikaw ba Ina? Ikaw bumukaka?"

Natawa nalang ako sa isinagot niya. Ang bilis niya talagang mapikon pagdating sa anak niya. Well, of course. Siya ang naghirap talagang ilabas ang inaanak ko so I let her win this time.

"Kamusta naman life mo? Sikat na sikat a!"

Uminom ako ng juice at kumain muna ng cake. Ganon din naman si emerald habang tawa-tawa laming pinapanood ang inaanak kong kalaro ang husband ni emerald.

"I can say, it's good so far," matipid kong sagot.

"Hindi mo kasi sinisipot lahat ng binablind-date ko sayo! Tinatakasan mo. Si andro pa rin ba?"

"Walang makakapalit kay andro na sinumang lalaki emerald. He's too good para mapalitan. Ang ibig kong sabihin, Hindi naman ako naghahanap katulad talaga ni andro pero maybe, hanggang dito nalang talaga yung pagmamahal ko. Hindi na kayang tumibok sa ibang tao."

Ilang oras din akong tumambay kina emerald hanggang sa umabot na ako ng gabi kaya umuwi na ako. I am now in my penthouse, enjoying my jacuzzi. Nakapikit Lang ako habang humihinga ng malalim. Hanggang sa maramdaman ko ang katahimikan ng paligid.

Marami ng nagbago sa paligid ko pero heto pa rin ako, naka-steady lang at hindi umuurong. After 5 years, pinipilit kong kalimutan si andro pero dahil na rin sa haba at ang lalim ng pinagsamahan namin, he's still in my brain, heart and soul. Hindi na siya matatanggal kahit kailan.

"Are you eating properly naman anak?" Tanong ni mommy through phone call.

Ilang beses na rin siyang tumatawag sa 'kin about sa pagkain or what. Paulit-ulit nalang but I don't find it nakakainis kasi sobrang happy ko at ganito si mommy at daddy sa 'kin. Ilang taon nila 'kong hindi sinukuan. Pinagsisisihan ko ring hindi bumangon kaagad kasi hindi lang naman ako ang nasaktan 'non, pati sina mommy din dahil naging close din sila ni andro.

"Yes, mom. I have a healthy lifestyle, don't worry."

"Bumisita ka rito sa weekend ha? Miss ka na namin," sabi niya.

"Me too mom. Miss ko na rin kayo, dadalaw po ako diyan for sure."

For 5 years kasi ay umalis na ko sa bahay at bumukod na. I have now a 7 houses sa iba't ibang lugar. For 5 years in the industry of being an actress, I really earn a lot kaya nagpatayo nalang ako ng bahay.

"I miss you so much, anak!" She kiss both sides of my cheek.

"Miss you too, mom, dad," niyakap ko naman si dad.

"Nanonood kami ng mga movie mo tsaka TV shows! I'm proud of you anak," papuri sa 'kin ni mommy.

"Mag-iingat ka parati anak a. Dapat alagaan ang kalusugan," bilin naman sa 'kin ni daddy.

Marami pa kaming napagkuwentuhan habang nagdi-dinner. Weekend na ngayon kaya nakabisita na ako kina mommy. And also may kailangan rin ako ditong balikan after 5 years, I promise to myself kasi na bubuksan ko na ang box na binigay sa 'kin ni andro.

"Sure ka ba anak? Papasok ka na sa kwarto mo?"

Tumango lang ako kay mommy. Before kasi, pinatingin na ako sa psychologist dahil sobrang depressed ko na talaga. Ni kumain ay hindi ko magawa, buong araw lang akong umiiyak as in araw-araw talaga. But thanks to my doctor, tinulungan niya akong makarecover din sa wakas.

"Thank you mom, baba din po ako mamaya," sabi ko and she agreed naman before leaving.

Binuksan ko na ang pinto. Tumambad kaagad sa 'kin ang madilim na kwarto. Una ko kaagad binuksan ang ilaw kaya nakita ko ang kabuuan ng kwarto ki dati. It's still the same as before. Wala pa ring pinagbago, like me.

Umupo na ako sa bed. Ang sabi ni mommy, araw-araw niya 'tong nililinisan pero wala siyang pinakilaman na gamit kahit Isa. She knows na babalik rin ako dito at aalalahanin ang nakaraan kahit na masakit.

Nagsimula na 'kong hanapin ang box na 'yon. Nakita ko ang box sa ilalim ng kama ko. Kinuha ko iyon at hirap na hinila palabas. Napaubo pa ako saglit dahil may kaunting alikabok pa ng binuksan ko na ang box at hindi na binasan yung nasa labas kasi nabasa ko na 'yon dati.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang lahat ng nasa laman. Lahat ng mga regalo ko sa kanya from our 1st anniversary hanggang sa 10th. Meron rin siyang mga message na nilagay. Isa-isa ko yung binasa habang natatawa nalang dahil sa mga jokes niyang corny.

Nahinto ako sa paghahanap pa ng napako ang tingin ko sa isang teddy bear na mayroong CD sa bulsa niya. Meron rin siyang button na parang recorder kaya kinuha ko ito at pinindot ang button.

"Ehem... Ehem... Mic test, este- hindi pala 'to karaoke. Ehem! Gumagana ba 'to?! Baka nabudol ako ni manong, mahal pa naman niyo. Hays! Bahala na nga!" Napangiti ako bigla habang pinapakinggan Ang boses ni andro na hindi ko aakalaing maririnig ko ulit.

"Babe, Ang cheesy nito pero may hinanda akong song! Alam kong alam mo na 'to pero... Ito kasi yung kanta kung saan ako nahulog sayo, yiee, saluhin mo naman ako! Joke Lang... Ito na talaga!"

"Wise men say

Only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be

Take my hand

Take my whole life too

For I can't help falling in love with you

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be

Take my hand

Take my whole life too

For I can't help falling in love with you

For I can't help falling in love with you"

Nakangiti lang ako habang pinapakinggan ko siyang kumakanta. Ayoko ng umiyak kasi nakakapagod na. Alam kong ang hiling ni andro ay maging masaya ako kaya 'yon ang gagawin ko with still loving him.

Ng matapos ang record ay kaagad kong inilagay sa DVD Ang CD at nag-play na ito.

Mas lalo akong napangiti ng napanood ang video. Compilation siya ng mga Snapchat vids namin na may filter na dogs tsaka iba pa. Meron rin Yung kumakain kami sa restaurant tapos meron rin Yung nagbabasketball kami tsaka badminton. Pati yung new year na naghalikan kami sa gitna ng fireworks sa vid. Lahat yun napakuha niya. Natapos ang video na may message niya na 'i love you, Avida Guillermo'

Ng matapos ang video ay doon na ako naiyak. Naiyak ako hindi dahil sa lungkot kundi sa saya. Kahit na kinuha sa 'kin si Andro, napapasalamat pa rin ako dahil nakilala ko siya at nagkaroon ng boyfriend na higit pa sa expectations ko.

"I love you, Leandro Sevilla... Thank you for your Ten Years Of Love..."

The end.