Chereads / 10 years of love / Chapter 10 - Kapitulo 9

Chapter 10 - Kapitulo 9

"Vida, anak, gising!"

Naalimpungatan ako dahil sa umalog sa balikat ko. Tinignan ko si mommy na nagliligpit ng magulo kong kwarto. Nanatili lang ako sa pwesto na nakaupo at nakaharap sa tv.

"Mom, please, p'wede po bang lumabas ka muna?" I requested.

Huminto siya sa pagkuha ng unan ko na nakakalat sa sahig at tumingin sa 'kin. A worried expression plastered on her face. Nanatili lang akong nakatulala habang hindi alintana ang ayos ko pa rin hanggang ngayon.

"Avida, ilang beses mo nang pinapanood 'yang mga videos niyo ni..." Napalunok ako at biglang kumirot na naman ang puso ko dahil maririnig ko na naman ang pangalan niya. "Magpahinga ka muna anak. 'Wag mong kakalimutan na andito lang kami ng daddy mo," she advice without mentioning his name.

Alam ko... At yun ang masakit... Nandiyan sila pero may kulang e... Dahil ang pinaka-inaasahan kong nag-aalala sa 'kin, wala dito sa tabi ko.

Akala ko malungkot ako ng sobra kapag hindi kami magkasama ng matagal. Mas nakakalungkot pala yung alam mong sasamahan ka niya pero dahil sayo nangyari lahat ng 'to.

"Anak, alam kong nalukungkot ka sa pagkawala niya... Pero hindi niya gugustuhing ganito ang mangyayari sayo habang-buhay nalang..." Patuloy na nagsalita si mommy pero lahat yon hindi ko na maintindihan.

Hindi ko pa nabubuksan ang box na mula sa kanya. Hindi ko pa kaya e. Mas lalo akong... nadudurog kapag naaalala ko lahat ng nangyari sa 'min. Hindi ko alam na sa siyam na taong pagsasama namin... Doon na pala magsisimula ang masasamang nangyayari.

"Where are you na babe?" Tanong ko mula sa phone, kausap si andro.

May usapan kasi kami na magkikita dito sa restaurant. Napagdisesyunan naming dito nalang mag-celebrate ng 9th anniversary. Busy kasi sina mommy at hindi daw makakasama pero okay lang, atleast si andro nandito.

"Malapit na babe. Hintayin mo 'ko, medyo traffic lang," tugon niya.

Ibinaba ko na ang tawag kasi mukhang nandito na rin siya maya-maya. Pantagal boredom sa paghihintay sa kanya ay nagsound-trip muna ako. Napalingon ako sa labas mula dito sa glass window. Umuulan.

"You and I...We're like fireworks and symphonies exploding in the sky. With you, I'm alive. Like all the missing pieces of my heart, they finally collide. So stop time right here in the moonlight... 'Cause I don't ever wanna close my eyes..."

Ang galing talaga ng timing ng kanta sa spotify. Sinabayan talaga yung mood ng ulan. Nakikinig lang ako ng kanta at nagsimula ng mag-order. Bastos man tignan na mauuna ako pero alam na man na ni andro na mabilis ako gutumin 'pag nandito na sa restaurant kaya nag-order nalang ako.

Ilang oras na ang nakalipas pero wala pa rin si andro. Nakailang text na 'ko sa kanya pero hindi pa rin siya sumasagot. Gaano ba kahaba yung traffic sa edsa at sobrang tagal niya? Hindi naman siya ganito.

Para matahamik na 'ko ay tinawagan ko na. Nakakapag-hintay naman ako kahit na matagal pa siya pero hindi siya talaga ganito e.

"O, vida. Napatawag ka?" Tanong kaagad ni emerald.

Siya na ang natawagan ko kasi baka alam niya kung nasaan na si andro. Out of coverage kasi phone ni andro.

"Alam mo kung nasaan si andro? Tawagan mo nga. Out of coverage e."

"Bakit mo sa 'kin hinahanap jowa mo? Wait. Anniversary niyo 'di ba? Hindi sumipot?"

"Hindi naman siguro. Ang huli kong kausap, traffic daw," pagpapaliwanag ko. .

"Yun naman pala vida. 'Wag kang mag-alala, makakarating din 'yan." Pagpapagaan niya sa 'kin ng loob.

"But emerald... It's already 3 hours that I've been waiting here. Nag-aalala na 'ko, pakitawagan nga or pakitanong kay monty. Tatawagan ko ulit siya," Sabi ko.

Umo-o kaagad si emerald kaya binaba ko na ang tawag. I'm really fucking worried. Ayoko namang umalis dito kasi baka nandito rin yon mamaya so I also need emerald help.

"Hindi rin daw alam ni monty, kahit nina tita at tito. Ang alam nga nila ay pupunta siya sa dinner niyo ngayon," Sabi ni emerald ng tawagan niya 'ko ulit.

"Oh my gosh. I'm really worried emerald," sambit ko. .

"Chill vida. Nangyari na rin 'to sa beach right? Okay naman si andro 'non, don't worry. Magpapatulong na rin ako sa asawa ko. He'll be there," alok ni emerald.

Binaba ko na ang tawag at nagbayad na ng kinainan ko. Patuloy ko pa ring tinatawag si andro hanggang sa makarating ako sa parking lot. Nahinto ako ng sinagot na ni andro ang tawag.

"Hello? Babe, where are you? You made me-"

"Hello po?" Someone cut me off.

Who's this? My brows furrowed when I heard a woman voice.

"Who's the fuck is this? Are you..." Andro's woman? Nahinto ako dahil ayokong mag-assume ng masama. Andro will never do that to me.

"Uhm ma'am? Kilala niyo po ba 'tong si Leandro Sevilla?"

"Yes? I'm his girlfriend, why? Where is he? Bakit ikaw sumagot?"

"Nasa hospital po-"

"Wait. Hospital? Why? May nangyari ba?" Kaagad akong pumasok sa kotse at pinaandar ito.

"Kasi ma'am, na-aksidente po siya..."

Para 'kong biglang namanhid at tumigil ang sasakyan ko sa gitna ng highway. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa phone at maiging nakinig sa babae.

Kasabay ng malakas na ulan ay siya ring pagtulo ng luha ko. I never thought na nangyari 'to kay andro.

"Pina-contact na rin namin ang family niya po. Lahat po sila ay papunta na dito..."

Sinabi niya sa'kin kung saang hospital pero hindi ko pa rin magawang gumalaw at buhayin ang makina. Ilang saglit lang ng pagkababa ng tawag ay nag flash sa screen ko ang name ni emerald. Mukhang alam niya na din.

In a couple o hours, nakatulala lang ako sa kawalan at patuloy na rumaragasa ang luha kong di maawat sa pagtulo. Thank God na walang nangyari kay andro sa aksidente pero...

I never thought na all these years, ganon pala ang naranasan niya without telling me.

He has a cancer.

"Without you, I feel broke, Like I'm half of a whole. Without you, I've got no hand to hold...Without you, I feel torn, Like a sail in a storm...Without you, I'm just a sad song...I'm just a sad song..."

This fucking song is the one I remembered where I feel that my world is now down. In just a snap... I am nothing but fucking worthless sa buhay ni andro.

Hindi ko alam na ganoon na pala ang nararamdaman niya. I always just thinking myself all the time kaya hindi ko napansin na may cancer pala siya.

So, this is why he can't marry me. Kasi patuloy pa niyang nilalabanan ang sakit na hindi ko man lang alam.

Hindi ko man lang siya nasamahan sa mga chemo therapy niya dati. He's makes me happy, always. He knows if I have a problem or not. Tinitiis niya lahat ang pagmamaldita ko sa kanya. Parati akong nagpapabili sa kanya ng pagkain bago siya pumunta sa bahay. He make sure that all I have is happiness.

Pero bakit ganito?

Bakit siya nagkaroon ng cancer? He's so kind and gentleman. Dapat ako nalang e. Dapat ako nalang kasi ako ang mas may deserve non. Alam kong hindi ako perpektong girlfriend pero atleast sana naman...

Napatunayan ko man lang yung sarili ko na magpasaya sa kanya.

He's so unfair.

_____________________________________________________________________________________________

:<