"Babe, nagugutom ako."
Sumandal ako sa upuan sabay baba ng phone. Tinignan ko si andro na nakanguso na habang nagda-drive. We're going now to a family gathering sa isang sikat na restaurant na pina-reserve nina Tito at tita, parents ni andro for our 3rd anniversary daw.
"May pagkain naman 'don sa restaurant. But if you're really hungry... Pwede tayong mag-drive thru," I suggest.
"Yehey!" His face expression turned into a happy one ng marinig ang sinabi ko.
"Wag mong ibigay sa 'kin pagkain mo mamaya, if hindi mo maubos! Mas nauna ka pa sa gathering e!" Bumalik na ako sa pag-scroll sa feed ng instagram ko pagkatapos ko siyang sermonan. Gawain niya kasi 'yon, alam namang diet ako.
"Aye aye captain. Hehe." He turned right the steering wheel at binilisan ang pagmamaneho dahil baka ma-late kami sa exact time. Strict kasi ang ibang family ni andro sa oras, marami kasing gagawin and ngayon lang nagkaroon ng free time.
Nag-order na si andro at mabilis naman itong naibigay. Natigilan ako sa pag-scroll ng mabilang ko kung ilang paper bag ang inilagay niya sa tabi ko. What the?
"Siguraduhin mong mauubos mo 'yan. Wag kang magsayang ng pagkain. Ako na kaya ang nagpapaaral sa sarili ko dahil sa online business namin ni emerald kaya alam ko ang hirap mag-budget-"
"Tayong dalawa kakain nito," he said and smiled at me.
"What?!" I exclaimed. He just started the engine at nagpatuloy na sa pagmamaneho. "Really!? No!" Umiling ako dahil hindi nagugutom tsaka....diet ako now!
"Sabi mo nga... Wag mag-aksaya ng pagkain," dahan-dahan niyang pagpapaliwanag na mas lalong nakakainis.
"Siyempre kanina... You told me na nagugutom ka, but I didn't say I'm also hungry, dude!" Biglang huminto ang sasakyan na ipinagtaka ko.
"Dude mo na 'ko ngayon?" He sounded mad.
Natahimik ako at ni-recall ang sinabi.... "Siyempre kanina... You told me na nagugutom ka, but I didn't say I'm also hungry, dude!"
Oww. I didn't do it on purpose. Ayaw pa naman ni andro palang tinatawag ko siya na ganon. Nasanay lang kasi ako sa ibang mga friends ko na lalaki sa university, tinatawag kong dude.
"I'm sor-" Hindi ko natapos ang sinabi ng nilagay niya sa bibig ko ang burger.
"Kainin mo 'yan. May kasalanan ka ngayon." He looks serious habang nagda-drive na. Tahimik lang ako kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagkagat sa burger. Tinotopak na ngayon si andro kaya hindi na ako nakipag-bangayan at paminsan-minsan ay pinapainom ko siya ng float niya.
"You look wonderful, iha," papuri sa 'kin ng mommy ni andro. Ngumiti ako at nakipagbeso sa kanya. Ganoon din sina mommy at daddy sa iba pang kamag-anak ni andro. Kakarating lang namin sa restaurant pero hindi pa rin ako iniimik mo andro.
Naupo na kaming lahat matapos ang pakipagkamayan at batian sa isa't isa. Nakahanda na ang mga pagkain namin na hindi ko na mabilang dahil sa dami. Tinitigan ko si andro na mukhang nagulat rin sa handaan.
"Hi, Avida," bati sa 'kin ni Monty at tumabi sa 'kin.
"Mama, si Monty o. Lang manners!" Napailing-iling nalang ako sa isinigaw ni andro kaya lahat sila ay napatingin sa 'min.
"Tsk. Binata na kaya 'ko. Kaya kong ligawan si Avida pag naghiwalay kami!" Inismiran ni andro si Monty. Nagulat ako ng hawakan ni ang kamay ko at ipinakita kay Monty.
"Kita mo 'to? Hindi kami maghihiwalay! Magbaglot ka ng lampin at matulog ka na, gabi na o," pang aasar ni andro kay Monty. Lahat ay pinipigilang hindi matawa kaya't sinaway agad sila ni tita at sabay naman silang nanahimik.
"Happy 3rd anniversary sa inyo. Kailan ba kayo magpapakasal?" Naubo ako bigla sa narinig kong sinabi ni tita.
"Ma, ako na po bahala diyan," sagot ni andro.
"Aba'y kahit mauna ang apo, masaya na 'ko!" Mas lalo akong nagulat sa narinig kaya nanatiling tahimik nalang ako habang nag-uusap sila. Kung makapagsalita sila, parang ang dali-dali manganak!
"Labas muna tayo," bulong ko kay andro na kumakain ng marahan. Halata sa kanya ang pagtataka pero sumang-ayon naman siya. Nagpaalam muna kami kina mommy bago umalis.
"Bakit? May problema? May masakit ba sayo? May sakit-" I cut him off.
"Oa muna. Wala 'kong sakit o kahit ano," paliwanag ko.
"E, ano pala?" Ngumiti ako at inilabas sa small pouch bag ko ang panyo. Tumaas ang kilay niya na nagtataka kung anong gagawin sa panyo. Lumapit ako sa kanya at piniringan siya.
"Hold my hand. Trust me."
Yun lang sinabi ko bago siya sumang-ayon at sinundan ako. Medyo nahirapan pa 'kong pasunurin siya kasi kailangan pa naming dumaan sa hagdan bago makarating sa balcony ng second floor dito sa restaurant.
Tinanggal ko na ang panyo at sumilay agad ang ngiti sa labi niya. Nakasabit kasi ang lahat ng pictures namin simula nung nililigawan niya palang ako hanggang sa latest pics namin. Hindi ko alam kung paano nagawa ng staffs na nandito pero masaya ako kasi ang ganda ng kinalabasan.
"Wow, may pa-surprise pala si mayora!" Hinawakan niya ang Isa sa mga pics namin habang nagsasalita. Natawa ako sa sinabi niya.
"You like it?" Excited kong tanong. Lumapit siya sabay tango.
"Siyempre naman kahit na malamang ay hindi ikaw ang gumawa," he said, teasingly.
"Pano mo naman nalaman?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"May amnesia ka na. Parati kaya tayong magkasama. Bahay ko na nga 'yung bahay mo."
Right. He's super duper tama. Kulang nalang ampunin siya ng parents ko. Only child lang kasi ako kaya tahimik sa bahay. Hindi naman kasi ako joker or what kaya si andro parating nagpapasaya kina daddy lalo na pag nagdidinner kaming sabay-sabay.
Tinignan ko ang mga lights na kulay white. Bumabagay sa buwan at bituin ngayon gabi. Nilagay ni andro sa balikat ko ang jacket niya ng mapansing nilalamig ako. He hug me from the back habang pinagmamasdan namin isa-isa lahat ng pictures namin.
Parati nalang kasing si andro ang nagsusurprise saming dalawa. I want to make a big effort Naman for our 3rd anniversary. I'm so happy sa reaction niya ngayon.
Humarap ako sa kanya para kausapin siya pero kinuha niya kaagad ang right hand ko at naglagay sing-sing. Nanlaki ang mata ko sa nakita.
"Are you proposing to me?!" I exclaimed in joy. Oh my God! I'm engaged!
"Couple ring 'yan." Natahimik ako bigla. Tumawa siya at pinakita rin ang kamay niyang may sing-sing rin katulad ko.
"Sabi ko nga, paasa ka rin e." Tumalikod ako sa kanya at humarap sa labas para tignan ang buwan. He hug me again tightly, this time.
"Easy lang, babe. Sa tingin mo magpoprose ako sa balcony lang?"
"It doesn't matter no! Ang mahalaga yung moment tsaka yung sing-sing!" Sagot ko. Tumawa siya at umiling.
"No. Ang ingay kaya ng sasakyan sa baba. Rinig mo?" Tinaasan niya 'ko ng kilay.
Sabagay! May point siya, maingay nga. Sumimangot lang ako at iniisip kung paano kung magpropose nga siya, kailan kaya 'yun? Basta! Kahit anong taon man 'yan! Oo ang sagot ko malamang! Pakipot pa ba 'ko?
"Happy 3rd anniversary babe. Masaya 'kong hanggang ngayon tayo pa rin," bulong niya.
"Happy anniversary din. Of course. Subukan mo lang magloko, ilalabas ko lahat ng ugly pictures mo at ipapakita ko sa new girl mo!"
"Wala naman akong ugly pictures e. Ikaw kaya meron! Hala! Kabahan ka na!" Pananakot niya sa 'kin pero imbes na matakot ay gusto ko siyang saktan!
Sa huli ay nag-away na naman kami at patuloy na nag-aasaran ngayon. Kanina Ang seryosos ng usapan pero hindi na ngayon! Nature na rin talaga 'to ni andro. Ang maging mood changer ko parati.
Habang nag-uusap kami ay nakatingin kami sa magandang kalangitan at dinadamdaman ang masayang gabi dahil sa tatlong taon na pagsasama namin.
Now I found myself kissing him under the moon and stars as a witness of our love... In our....
3rd year anniversary...
_____________________________________________________________________________________________
:>