"Your so annoying na babe."
Tinalikuran ko siya at pumasok na sa room ko. Sinara ko ang pinto para hindi siya makasunod. Kakauwi ko lang galing sa university na sobrang daming ginawa kasi may event. Nakakapagod talaga dahil kasali ako sa mga representative para mag-asikaso sa ibang mga outsiders na dadalo. And now kakarating ko lang tapos iniinis ako ni andro. I'm not in the mood para makipag-biruan.
"Babe, okay ka lang?" Sabi ni andro mula sa labas. Kakaupo ko lang sa kama ng bumukas ang pinto. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya sabay upo sa tabi ko.
Right. May spare key nga pala siya ng room ko. Malamang bigay nila daddy, malaki rin kasi ang tiwala nila kay andro. Siyempre Isa na 'ko doon.
"Sorry sa nasabi ko," pagpaumanhin ko.
"Okay lang. Mukhang may period ka." I rolled my eyes ng magsimula na naman siyang mang-asar.
"Wala akong dalaw ngayon," paliwanag ko. Inilapag ko ang bag at tumingin sa kanya.
"Ba't ang sungit mo? Ay nature na pala 'yan," seryoso niyang tugon. Hinampas ko agad siya ng ID pagkatapos ko itong mahubad mula sa leeg.
"Aray, babe," reklamo niya sabay himas sa balikat niya.
Tumayo ako para pumunta sa closet at maihanda ko na ang damit na susuotin bago ako maligo pero naunahan na ako ni andro. Ibinigay niya sa 'kin ang Isa sa mga favorite kong pantulog. Alam na alam ni mokong a.
Lumapit ako sa isang maliit na cabinet pero nauna ulit si andro at kumuha ng underwear at bra ko. Kinuha ko na ang underwear pero hindi ko tinanggap ang bra.
"Ibalik mo 'yang bra! Pervert!" Rinig ko ang lakas ng tawa niya pagkatapos ko siyang talikuran para dumiretso sa cr.
Ilang minuto rin ay natapos na 'ko, kasi half bath lang naman tutal, gabi na. Lumabas ako sa cr at nakitang nakahilata si andro sa kama ko habang naglalaro sa iPad ko ng Pou.
"Childish talaga," I whispered and smile. But...I find it cute, though.
Umupo na ako at humarap sa salamin. Ginawa ko muna ang skin care routine ko parati before matulog. Wala dito sina mommy at daddy dahil may meeting daw sa company, urgent. Kaya hindi na 'ko kumain. Si andro naman, kakatapos lang kaninang kumain ng umuwi ako.
Binuksan ko ang pang-ibabang cabinet at kinuha ang blower para mabilis matuyo ang buhok ko. Nagsimula na 'tong tumunog at itinapat ko roon buhok ko.
"Ako na." Bahagya akong napagalaw sa p'westo ng hinawakan ni andro ang kamay ko para agawin ang blower.
Steady lang ako habang busy siya sa pagpapatuyo ng buhok ko. Tinignan ko ang reflection niya mula sa salamin. Napangiti ako at pinipigilang hindi matawa dahil sa mukha niyang sobrang seryoso. Minsan ko lang kasi siya makita ng ganito unless, problema. Feeling ko tuloy, problema niya ngayon 'tong buhok ko.
But still... He's so cute! I really love this man kahit gaano man siya nakakainis! Grr!
"Hindi ka pala nagba-bra bago matulog?" Sambit niya pagkatapos ng katahimikan.
Nandilim bigla ang paningin ko. Mabuti nalang ay hindi ko nahampas sa kanya ang blower, na hawak ko na ulit ngayon dahil nakalayo at tawa-tawa siyang humiga sa kama kaagad.
Gusto ko ng bawiin ang sinabi ko kanina. Napahawak nalang ako sa noo. Ang sakit sa ulo ng boyfriend ko!
~•
"Ang saya natin a. Saya ka?"
Hindi ko siya sinagot at patuloy kaming nag-uusap ni emerald habang siya pati ang boyfriend ni emerald ay nag-gi-grill ng barbeque. Nandito kami sa isa sa mga private property na beach ng parents ko. Regalo sa 'min ni andro kasi... Second anniversary na namin ngayon!
"Uy, darling. Tumulong naman kayo dito. Ilang barbeque na naluto namin pero inuubos niyo habang nag-uusap kayo kaya hanggang ngayon, 'di pa rin kami tapos," pagrereklamo niya kay emerald.
"Ganon ba, darling? Sige, pagpatuloy mo na 'yan." Ganti sa kanya ni emerald kaya mas lalo itong napasimangot.
Ngumiti lang ako habang pinagmamasdan silang nag-aaway, I mean, not really... Parang mga aso't pusa like me and andro lang. Speaking of that mokong?
Napalinga-linga ako pero wala na pala siya sa tabi ng boyfriend ni emerald. Nasaan na 'yon? Bakit hindi man lang nagpaalam sa 'kin?
"Hala, wala daw sa room niyo si andro," Sabi ni emerald na kakagaling lang 'don. Kanina pa kami naghahanap dito sa buong resort kay andro pero wala pa rin siya!
Nagsimulang manginig ang tuhod ko at hindi mapakali ang mga kamay. I don't want to think negatively now pero hindi ko maiwasan! If I see that jerk again, ugh!
"Baka naluno-" Tumingin ako sa boyfriend ni emerald pero agad tinakpan ni emerald ang bibig nito kaya hindi natapos. May binulong si emerald sa boyfriend sabay kotong sa kanya.
"Wag kang mag-aalala vida. Sigurado akong nasa mabuting kalagayan si andro," pampalubag loob sa 'kin ni emerald.
"Let's start informing to the authorities," kalmado kong suggestion at agad naman silang sumang-ayon.
Aalis na sana kami ng biglang dumating si andro at may dalang mga souvenirs ng resort pati plastic na laman ay t-shirts. Naglalakad siya palapit sa 'min ng nakangiti. Hindi ko na mapigilang umiyak at nilagpasan na lamang siya kasi ayoko siyang makita at makausap ngayon! Nakakainis siya! Gabi na kaya tapos kung saan-saan pa siya pumunta!
"Babe! Sandali!" Sigaw niya mula sa malayo.
Hindi siya pinansin at nagpatuloy lang paglalakad kahit nadudumihan na ang paa ko ng buhangim dah sa malakas kong paghakbang. Pinunasan ko ang luha habang sumisinghot pa. Kasalanan 'to ng mokong na 'yon e! Pinag-alala niya 'ko!
Naglalakad lang ako ng biglang matapilok dahil sa malaking bato na hindi ko nakita. Mas lalo akong napaiyak at nanatiling nakaupo habang nakatitig sa paa ko. Anniversary na anniversary namin tapos ganito gagawin niya?! Mas mabuti pang nasa bahay nalang kami, safe pa siya!
"Tsk." Natigilan ko ng makarinig ng boses mula sa likuran. "Ang laki ng mata mo babe, pero di mo ginagamit," Sabi niya sabay tingin sa paa ko. Umupo siya at hinawakan ang daliri ko sa paa.
"Stop it! Hindi ka nakakatawa."
"Hindi naman kasi ako nagpapatawa." Seryoso siyang nakatitig sa paa ko. "Kaya mong tumayo?" Natahimik ako bigla at iniisip kung kaya ko ba.
"Just lend me your arm," sambit ko. Tumango siya at nagsimulang alalayan ako patayo pero agad ring natumba dahil sobrang sakit pala pag tumayo.
"Hindi kasi nag-iingat." Base sa tono niya, naiinis na siya. Bahagya akong napasigaw ng bigla niya 'kong buhatin ng pa-bridal style.
"It's not my fault! Yung bato kaya ang may kasalanan!" Palusot ko. Nakita ko ang ngiti sa labi niya pero nawala rin agad at nagpatuloy sa paglalakad.
"By the way? Saan ka galing?!" Tumaas ang boses ko kaya bahagya niyang inilayo ang taenga niya.
"Sa ano lang... Sa may souvenir shop," mahina niyang tugon. He sounds suspicious but anyways, nakabalik naman siya ng safe.
"Bakit hindi ka nag-paalam sa 'kin? Hmm?!"
"Kasi busy kayo kakatalak ni emerald. Naka-ilang tawag na 'ko ng babe, ayaw mong lumingon." Napangiti ako ng makita ang mukha niyang para batang nagsusumbong sa nanay.
"I'm sorry," pagpapaumanhin ko.
"Ako din babe. Sorry, dapat pala pinalo kita muna para makinig sa 'kin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero tumawa lang siya at nagsabing joke na naman.
After that night, hindi na sumablay sa 'king magpaalam si andro. Naramdaman namin ang pag-aalala sa isa't isa ng mawala siya bigla at nung matapilok ako.
We really hope for the best of our relationship even with our flaws and imperfections towards each other. Marami kaming napag-daan during our road to second anniversary but we still end up saying our sweetest smiles and laugh.
We both peacefully sleeping next to each other now. I'm not wishing for more because I have andro. Before we go to sleep kanina. We both greet each other...
"Happy 2nd anniversary babe..."
_____________________________________________________________________________________________
:>