Chereads / 10 years of love / Chapter 2 - Kapitulo 1

Chapter 2 - Kapitulo 1

"Happy 1st anniversary!"

Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagtakip sa bibig ng makapasok ako sa kwarto. Nakita ko siyang may hawak na cake at merong nakasulat na anniversary sa wall sa likod niya with great decorations na sunflower at may theme na gold which is really my favorite flower and color. Dumagdag pa ang sahig na puno ng balloons na kulay ginto rin.

"G-Gawa mo 'to?" I stuttered.

Tumango siya at ngumiti na parating nagpapatunaw ng puso ko. Humawak ako sa dibdib at ngumuso. I tried myself not to cry but I can't do it! Inilapag niya ang cake kaya lumapit ako kaagad at niyakap siya ng mahigpit.

"Iyakin naman ng siopao ko," Asar niya sa 'kin. Kinurot ko kaagad ang tagiliran niya. He knows that I hate him calling me like that!

"Ouch naman. Joke lang naman babe!" Rinig ko ang mahina niyang tawa, na kahit iniinis niya ako for the past months before our one year, his laugh is always my cure. Hindi na ako nagsalita at nanatili pa rin kaming magkayakap.

"How did you do this?" I suddenly ask. Knowing his attitude na parating nakaupo at wala man lang exercise, imposibleng gawin niya 'tong mag-isa.

"Sina mommy at daddy mo, hehe," mahina niyang tugon.

"Wow, so you're making utos na sa parents ko?" I smiled when I see him, pouting.

"E, Ang tamad kasi ni Monty, ayaw akong tulungan. Sina tita naman nag-offer ng tulong," pagpapaliwanag niya. I laughed when I heard his reason. Malamang parehas talaga sila, magkapatid e.

"Mas tamad ka pa nga sa kapatid mo," I laughed loudly when his reaction look like it's pissed already.

"Ayoko na. Break na tayo!" I make an 'o' reaction for what he said.

"So childish, babe."

In the end, we both laughed and enjoy the cake he made by himself. Nakakagulat, Actually! Gaya ng sabi ko, tamad siya! Kaya niyang matulog at humilata lang buong araw sa kama niya. But today, mas lalo akong na-impress kasi ginawa niya pa 'to for our anniversary.

I'm also thinking to surprise him like this pero nauna siya. So, fine, he won. I really appreciate his effort. Pero siyempre may regalo din ako for him na music box. Musikero kasi 'tong si mokong at ito rin ang dahilan kung bakit kami nagkakilala.

"Wise men say... Only fools rush in. For I can't help falling inlove with you."

Habang kumakanta ang lalaking nasa stage ay malakas na sigaw na pangalan niya na hindi ko na maintindihan dahil sa rami ng sumasambit na audience. Nahila lang ako dito ni emerald dahil two tickets daw ang meron siya kaya sinama niya na ako na kapatid niya dapat ang kasama pero busy.

"Ang gwapo niya vida no!" Sigaw ni emerald.

"And?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.

Tumingin ako sa mukha niya hanggang sa mapunta sa mata niya. Natigilan ako ng tumitig rin siya sa 'kin. Agad akong umiwas ng tingin at tumingin nalang sa ibang audience. Tumingin ulit ako sa kanya pagkatapos ng ilang minuto. Mukhang namalikmata lang ako kanina.

But I admit it. He's really handsome. Malamang may girlfriend na 'yan. A performer like him can catch a girl instantly by his voice lalo na sa looks niya.

Ilang oras rin kaming nakinig sa iba pang mga performer hanggang sa matapos din. Nakangiti si emerald habang ako ay inis na inis na dahil sa rami ng tao. Hindi naman kasi ako nasabihan ni emerald at basta nalang naniwala sa kanya na may sakit pero hindi naman pala.

Habang naglalakad kami palabas may kumausap kay emerald na namumukhaan ko. He's that guy!

"Ayos ba performance ko?" Ngumiti siya habang nakatingin sa 'kin. Sino ba kausap niya?

"Oo naman insan! Galing mo!" Papuri ni emerald.

Wait. What?! Magpinsan sila?!

Pinandilatan ko agad ng mata si emerald dahil sa narinig. Pagtataka lang ang isinagot niya sa 'kin.

"Sino siya?" Tanong ng nasa harap ko ngayon kay emerald.

"Oo nga pala! Si Avida, kaibigan ko. Avida si Leandro, pinsan ko," Sabi ni emerald.

Tumango lang ako at balak na sanang ayain so emerald ng inilahad ni Leandro ang kamay niya sa harap ko.

"Hi, vida," ngumiti siya na ikinatahimik ko bigla. I couch a bit at tinanggap ang kamay niya para mag-shake hands.

"Hi," I simply greet him.

And now remembering that time... Si emerald pala may dahilan kung bakit kami nagkita at nagkakilala. Ngayon ko lang naalala.

"Tulala na naman si siopao tita!"

Muntik na akong mahulog sa couch ng tumayo si andro at sumigaw. Napakunot ako ng noo ng inalala ang isinigaw niya.

"Pagpasensyahan mo na si Avida, Leandro. Hindi ko nga alam ba't ganyan 'yan. Habaan mo nalang ang pag-intindi mo ha?" Tinapik ni mommy ang balikat ni andro at inosente naman siyang tumango.

"So pinagtutulungan niyo na ako?" Tumaas ang kilay ko at nakasimangot na tumingin sa kanilang dalawa. Bumulong pa si andro kay mommy at sabay silang tumawa.

Tumayo ako para dumiretso sa kusina. Edi kayo na magtawanan diyan. I don't know if I'm really part of this family, mas marami pa kayang picture si andro dito sa house kesa sa 'kin! But I'm also happy kasi supportive at loving and parents ko. In my age of 19, pinapabayaan na nila akong mag-boyfriend basta may limitasyon. They always reminding me about that.

"Babe, wag na galit ikaw. Sayawan na lang kita," panunuyo niya.

Hindi ko siya sinagot at nagsimulang mag-slice ng cake. Nag-pictorial kami kanina and of course nag-post din ako sa social media ko about our anniversary. Hindi ko na tinignan kung ilan ang mga nakakita kasi malamang marami na 'yon in just a minute. Knowing na famous 'tong si andro and marmai rin naman akong followers lalo na sa Instagram.

I feel andro's hands in my waist and his chin in my shoulder. "Wag ka na magalit. Joke lang 'yon babe."

"Alam ko. Nagugutom kasi ako," I slightly lied.

"Babe," he backhug me tightly and kiss my neck.

"Hmm?" Tugon ko. Busy ako sa paghihiwa kaya hindi na ako nagsalita ng mahaba.

"I love you."

Nahinto ako at tinignan siya. Ngumiti ako at hinawakan ang ng mahigpit kamay niya.

I'm really happy to be with him. Sa loob ng isang taon, Hindi mawawala ang pag-aaway namin. Araw-araw nga e. But we always choose to be okay and communicating about what's our problem with each other. Andro never failed to express how much he loves me. Sobrang tamad niya sa ibang bagay pero when making effort and time for us, he always make a way.

"I love you too." I kiss his cheeks. "Happy 1st anniversary, babe."

_____________________________________________________________________________________________

:>