"HAAAAHHHHHHH!!!!!" Sambit ni Harrie Hernandez nang naghahabol ito ng hininga. Pakiramdam niya ay matagal na siyang hindi nakakahinga.
Nakita niya lamang ang kaniyang sariling nasa isang tabing dagat kung saan ay nanlalagkit ang katawan niya sa napakalapot na kakaibang bagay sa buong katawan niya. Tila ba galing siya sa isang giyera sa itsura niya ngayon na mas masahol pa sa taong grasa.
"Patay na ba ako? Bakit nandito ako sa tabing dagat?! I'm supposed to be dead right?!" Tila gulat na gulat na sambit ni Harrie Hernandez habang labis itong nagtataka sa kaniyang kasalukuyang senaryong nakikita. He don't really know what's happening lalo na ang pagkakapadpad niya dito. Patay na siya noong huling pagkakaalaala niya. Diba dapat ay wala na siyang alaala. May dagat ba talaga sa langit? Hindi alam ng binatang lalaking si Harrie Hernandez kung ano'ng iisipin lalo na at nandito siya sa lugar na di niya alam kung saang parte ito ng lupalop ng Earth ito o kung langit ba ito eh kaso lang may dagat?!
Maya-maya pa ay bumalik sa isipan nito ang nangyari sa kaniya. To be exact ay ang pagkakasagasa sa kaniya noong isang araw.
He supposed to be dead as corpse right now. Talagang nawindang ang utak niya kakaisip kung hallucinations lang ba ang lahat ng nangyayari.
"Kung hindi ako namatay ay saan ako ngayon? Pero namatay talaga ako eh, wait lang. Kumalma ka Harrie Hernandez kumalma ka... Kumalma ka..." Sambit ni Harrie Hernandez habang pilit nitong pinapakalma ang kaniyang sarili. Paulit-ulit pa nitong sinasabi na kalmahin ang kaniyang sarili lalo na at hindi niya talaga alam ang pangyayari.
Ramdam ni Harrie Hernandez ang tila pagkakaroon ng masangsang na amoy sa kaniyang katawan at malagkit na bagay na kumakapit sa kaniya.
"Bwiset naman to oh, sa lagay ko bang to ay patay na ako pero ba't ang baho ko. Pinagloloko ko ba ang sarili ko?! Haha" Sambit ni Harrie nang mapansin niyang tila hindi usual ang nangyayari sa kaniya lalo na at hindi naman dapat makaramdam ng kung ano ang patay na diba. Tsaka dapat ay parang fog lamang o di kaya ay maputlang-maputla ang balat niya hindi ba? Yung tipong pang-horror movie talaga na madalas niyang nakikita sa telebisyon.
Hindi mapigilang mapatawa ni Harrie lalo na at napaka-lame naman ng excuse niya.
Maya-maya pa ay nagulat na lamang siya nang bigla na lamang bumuhos ang napakaraming impormasyon sa loob ng kaniyang sariling isipan. Karamihan sa pumasok sa isipan niya ay alam niyang hindi siya ang mismong may gawa ng iyon ngunit sa ala-alang iyon ay kamukha niya mismo at magkapangalan pa niya ito.
Bahagya siyang nahilo. Mas nagulat ang utak niya sa dami ng impormasyon at tila ang mga memoryang ito ay mayroong kinalaman sa kaniya o siya ba talaga iyon.
Ewan ba niya, masyado lang siya sigurong lutang o nahihibang ngunit tila pang-out of this world talaga ang mga impormasyon na nasa utak niya.
Isa pa sa kakaibang nalaman niya ay ang napakaraming impormasyon patungkol sa lugar o mundong ginagalawan niya.
"Wait, so isa itong kakaibang lugar ng mga Cultivators at hindi lang iyon dahil isang modern world ito!" Sambit ni Harrie Hernandez ng malakas habang makikita ang labis na kasiyahan sa kaniyang sariling mukha. Tila nabuhayan siya ng loob upang mabuhay.
Bigla na lamang napakamot sa kaniyang sariling batok si Harrie Hernandez lalo na at pilit niyang ina-absorb ang mga impormasyong nalalaman niya sa tila kakaibang mundong kinaroroonan niya ngayon. This is really frightening for him since he is not that knowledgeable enough to absorb all of it. Those freaking superhuman nature of people here can be undeniably a huge uproar and surprise for himself.
"Mas nauna pa kong natuwa sa pagpunta ko sa mundong ito kaysa sa orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito. Normal pa ba ako? Haha!" Natatawang sambit ni Harrie Hernandez. Dahil sa labis na kasiyahan niya sa pagkabuhay niyang muli sa mundong ito ay nakalimutan niyang hindi pala siya ang orihinal na nagmamay-ari ng katawan sa mundong ito.
Natahimik bigla si Harrie Hernandez lalo pa't masama ang isipin ang mga ganoong bagay. Wala siyang intensyon ng kung anuman pero ang masasabi niya lamang ay hindi niya gusto ang mga nakikita niyang senaryo sa loob ng utak niya.
Ang nagmamay-ari ng mortal na katawan na ito ay si Sylvan Darvell. Isang binatang nerd dahil sa makapal nitong salamin at ang pagiging mailap nito sa tao.
Ayon sa pumasok na impormasyon sa kaniyang utak ay kaedaran niya lamang si Sylvan Darvell sa mundong ito. Kaibahan sa mundong ginagalawan niya Earth ay ulila na itong lubos at tanging ang tiyahin niya lamang ang pamilyang natira rito kasama ang mga anak ng tiyahin niya. Biyuda na rin ito at masama pa ang pag-uugali nito maging ng mga cousin nito.
Ang pagkakaparehas niya lamang ay may pamilya silang mapang-api. Talagang mayroon at mayroon talagang miyembro ng angkan niyo ang may lahi ng mapang-api pero di niya naman nilalahat noh.
Nalaman niyang sa edad nitong labimpitong taong gulang sa mundong ito ay hindi naging mapalad si Sylvan Darvell lalo na at ang mundong ito ay tanging ang mga malalakas na mga Gene Cultivators lamang ang patuloy na umuunlad habang ang mga mahihinang mga Gene Cultivators ay walang mararating sa buhay. They are just an average person to be a worker here, nothing much about it. They are not to be a product of a so-called Gene Cultivator genius who surpassed anyone on it's inhumane level of talents and skills.
Sa mundong ito na ang batayan ng lakas ng isang martial arts cultivator ay sa lakas ng Gene o ang mismong abilidad ng Genes ng partikular na sangay ng kakayahan ng Genes mo.
Ang gene na tinutukoy dito ay hindi kagaya ng Gene ng normal na tao kundi isang special gene na taglay ng mga halimaw sa lugar na ito kung saan ay may iba't-ibang functions at nagbibigay ng iba't-ibang abilidad upang magkaroon ng abilidad na mapapasa sa kung sinumang makakapatay nito which grants them Geno points.
"Ano kaya ang Gene na taglay ng binatang orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito?! Ito ang namutawi sa isipan niya na tanong. He don't know about it yet.
Iche-check niya pa sana ngunit nalaman wala pala itong genes na taglay. Sa pamamagitan ng paghunting ng mga dambuhalang mga Geno Beast ay magkakaroon ka ng Geno points ngunit ang orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito ay hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong maka-obtain kahit isa.
"Ano bang ginawa ng pesteng nagmamay-ari ng katawang ito. Ni hindi man lang nito maipagtanggol ang sarili niya. At talagang hinayaan lang niya ang kaniyang sariling ipalapa sa dambuhalang balyenang na mukhang carnivore hmmp!" Sambit ni Harrie Hernandez nang unti-unting pumapasok ang mga impormasyon sa kaniyang sariling utak. Kung andito lang sa harapan niya ang Sylvan Darvell ng mundong ito ay baka pinutakte niya na ito ng sermon. Hindi niya aakalaing hanggang dito ba naman ay napakahina ng tila kamukha't-sarili niya dito.
Isa lang ang pagkakaiba nila at iyon ay hindi siya sumusuko sa buhay. Nakakalungkot mang isipin ngunit nag-transmigrate ang consciousness niya dito sa mundong ito ng Cultivation. Namatay na rin ang nagmamay-ari ng katawang ito kaya ngayon ay siya na mismo ang nagmamay-ari ng katawang ito.
Napakaswerte niya pa rin kung tutuusin lalo na at nabuhay siyang muli. Siguro ay mayroon pa siyang unfinished business o kung anuman dahil nabuhay siyang muli.
"Mabuti naman at buhay ako. Wag kang mag-alala Sylvan Darvell, pahahalagahan ko ang pangalawang buhay na ibinigay sa akin. Sisiguraduhin kong makakatapak ako sa mas mataas na lebel at hindi mo mararamdaman muli ang pang-aaping naranasan mo dito sa mundong ito!" Sambit ni Sylvan Darvell habang nakatingin sa bughaw na kalangitan. Tunay na ibang-iba ang mundong ito. It's the survival of fittest among Gene Cultivators. Hindi ito simpleng laro ng buhay at maraming banta sa kapaligiran.
Nalaman niya kasing ang orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito ay palaging binu-bully ng mga kaklase niya o di kaya ay ng ibang tao. Palaging napagdidiskitahan at parang alila kung ituring ng kaniyang sariling tiyahin mga cousins.
Ibang-iba man ito sa naunang kaalaman niya sa mundong ito.
"Tama nga siguro ang manunulat ng mga libro patungkol sa Cultivation na naisusulat nila. This world is so cruel. If you can't defend yourself, you will end up dying!" Seryosong sambit ni Harrie Hernandez habang napakuyom ng sarili nitong kamao. Talaga ngang hindi simpleng mundo ito kagaya ng Earth na pinagmulan niya na pera lamang ang batayan upang mabili ang mga bagay na gugustuhin mo pero dito ay konti lamang ang rule nito. Kahit nga ang fame o pagiging tanyag ay binabase sa kalakasan. Lakas at kapangyarihan ang batayan dito upang makamit ang lahat ng inaasam mo sa buhay na ito and the reat will follow.
Mabilis na nagtampisaw si Harrie Hernandez sa tabing dagat na may pag-iingat lalo na at ang dagat o karagatan ay maraming mga nilalang na nakatira sa kailaliman nito at hindi niya maaaring bulabugin ang mga ito. Mayroong Geno points ang bagong katawan niya mga limang points lang. Biruin mo sa labingpitong taong nabubuhay siya rito ay limang Geno points lang ang naipon sa katawan nito at wala din itong kaibigan sa mundong ito.
Pagkatapos na makapaglinis ng kaniyang katawan si Harrie ay mabilis din itong naglakad palayo sa delikadong lugar na ito.
Mabilis na lumakad si Harrie Hernandez patungo sa isang masukal na kagubatan. Kinakailangan niyang mag-ipon ng points kaagad dahil kung hindi ay baka patuloy lamang siyang magiging mahina. Ang sarili niya na lamang ang aasahan niya sa mundong ito and he can't die again just like noong nasa Earth pa siya. He will make sure that he will have his own place in this dangerous world.
Ang kagubatan na ito ay masasabing isang mahinang lebel lamang na kagubatan kung saan ay mga mahihinang mga Geno Beast lamang ang naririto at maliliit na points lamang ang makokolekta niya rito o kung sinumang pumaparito rito.
Ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan ni Harrie Hernandez lalo na at napkahina niya pa at ang grupo ng mga Geno Beast ay hindi niya kakayaning labanan lalo na ang aggressive type na mga nilalang. Isa pa ay ayaw niyang makasalamuha ang mga nandidiskitang mga Gene Cultivators. Nandito lamang siya upang komolekta ng maliit na points para unti-unti siyang lumakas at makakolekta sa susunod ng mas malalaking points sa hinaharap.
"Mayroon bang sandata ang binatang nagmamay-ari ng katawang ito o wala? Pero imposible naman iyon diba lalo na at palagi itong napagdidiskitahan." Sambit ni Harrie Hernandez lalo na at sa alaala niya ay mayroon itong hawak-hawak na maliit na kutsilyo.
Agad namang kinapa-kapa ng binata ang kanang bulsa niya. Hindi nga siya nagkamali at nakita niya na ang maliit na kutsilyong sandata ni Sylvan Darvell. Mapakla namang napatawa na lamang si Harrie Hernandez dahil sa nakita niya. Ni hindi man lang nakabili ng sarili nitong malakas sanang sandata si Sylvan Darvell dahil kinukuha lang naman ng tiyahin at mga pinsan nito ang pera niya. Nagtatrabaho bilang janitor si Sylvan Darvell sa isang malaking establishimento ng isang ordinaryong Gene Store. Talagang napakamapangsamantala ang magtiyahin na natitira niyang kamag-anak dahilan upang walang maipon o matira na pera para sa orihinal na may-ari ng katawang ito.
*Currency= Gene Coins
Ipnagpatuloy na lamang ni Harrie Hernandez ang paglalakad niya patungo sa mahinang lugar na kagubatan upang mangulekta ng Geno points sa mga mahihinang parte ng kagubatang papasukin niya.
Sa paglalakad ni Do Eun ay maingat siyang naglalakad at iniisip ang mga pinaka pangkaraniwang mga Geno Beast o mga napakahinang Geno Beasts sa mundong ito na alam niya. Ito muna ang main goal niya upang mabago niya ang masaklap na kapalaran niya. Hindi man siya biniyayaan ng lakas ngayon pero sisiguraduhin niyang makakamit niya ang lakas na kinakailangan niya upang patuloy na mabuhay sa mundong ito. He will make sure that in this world, he will be a different person that will be stronger than his past life or even the original owner of this body.
Hindi nagtagal ay nakarating na nga si Harrie Hernandez sa kagubatan. Walang pag-aalinlangan niyang pinasok at sinuyod ang daan papasok rito. Sa pag-obserba ni Harrie sa kapaligiran niya ay mabilis siyang napangiti nang may mapansin siyang pamilyar na lugar na siyang bahay ng isang nilalang na kung tawagin ay Black Ants.
"Pwede na ang isang to. Napakaswerte ko at napakalaki ng bahay ng langgam na ito." Sambit ni Harrie habang inoobserbahan nito ang bahay ng langgam na ito. Nakakatawa man isipin ngunit sa labinwalong taong gulang niya ay ngayon pa lamang siya mangha-hunting ng Geno Beast at sa napakahina pang uri ng Geno Beast ngunit masaya siya sapagkat hindi pa huli upang lumakas siya para maging ganap na Gene Cultivator. It ang pangunahing goal niya bago siya magpalakas ng tuluyan para maghangad ng mas mataas na mithiin sa pangalawang buhay niya sa mundong ito.
Agad na pinaslang isa-isa ni Harrie ang halos daliri lamang sa laki na langgam na Black Ants. Sa katunayan ay isang parasitikong langgam ang Black Ants na ito lalo na at ang laway nito ay pumapatay ng halaman kaya nga ang lugar na kinatitirikan ng bahay ng colony nito ay walang mga nabubuhay na halaman. Ang mismong lupa ng bahay nito ay parang herbicide lalo na at kahit anong tanim mo dito ay wala kang mapapala dahil mapapatay lang din ang itinanim mo.