ELLE'S POV
IT'S BEEN 2 weeks simula ng makatanggap ako ng death threat.
alam na din iyon ni kuen kaya naman marami na ang nagbabantay sa akin.
hindi ko muna tinawagan si gail dahil alam kong madadamay si levin pagkinuha ko siya doon.
"Ano ba papasukin niyo kasi ako! kaibigan ko yung nasa loob!" nagulat ako ng marinig ko ang sigaw ni gail sa labas.
hindi pwedi! bakit siya nandito? paano niya ako nahanap?
tumayo ako sa swivel chair at binuksan ang pinto.
"Bitawan niyo siya." sabi ko.
binitawan siya nito kaya naman pumasok kami sa loob ng opisina ko.
"Maup-." natigil ako sa pagsasalita ng makatanggap ako ng dalawang nagkasunod na malutong na sampal sa magkabilang pisnge ko.
"May gana kapang sabihan ako ng ganyan habang ang pamangkin mo umiiyak at hinihintay ang pag-uwi mo?! ikaw marangya na ang pamumuhay mo pero ang pamangkin mo? iniwan mo ni hindi kaman lang nagsabing kasal kana pala?!" sigaw nito. nauunhan naman ang mga luha ko sa pagtulo sa pisnge ko.
"I-i'm sorry." yun lang ang nasabi ko.
"Nag-iisip ka ba ha? isang araw lang bigla kang nawala tapos malalaman kong kasal ka na pala?!" sigaw parin niya.
napaupo nalang ako sa sahig.
This is too much to handle, makakayanan ko pa ba?
"Ikekwento ko sayo lahat."
nag-iyakan lang kami pagkatapos kong makwento lahat ng nangyari sa akin.
"Patawarin mo ko bes, nasampal tuloy kita ikaw kasi eh!" sabi nito habang nagyayakapan kami.
"Sorry din kong dahil hindi ko agad sinabi lahat, ayaw ko kasing problemahin mo din ang problema ko, alam kong busy ka na masyado sa boutique mo pero bes pwedi bang sayo na muna si levin? alam mo namang napakakomplekado ng sitwasyong pinasukan ko, wag kang mag-alala magpapadala ako ng pera buwan-buwan." sabi ko.
"Eh kasi-ahmm bes isinama ko si levin dito, gusto ka na talaga niyang makita." sabi niya.
"Gail naman!" sabi ko.
"Nasan siya ngayon?" tanong ko.
"Iniwan ko siya sa cafeteria sa ibaba kasama si Maverick." sagot niya.
tumayo ako at saka lumabas ng opisina sumama naman ito sa akin.
pagdating namin nakita ko si maverick na parang balisa.
"Si levin?" bungad ko.
"Eh kasi elle.." pabitin nasabi nito.
"Diretsahin moko mavie." banta ko.
"Si levin kasi nawawala." diretsong sabi niya
"ANO?!" sabay na sabi namin ni gail.
"Sinabihan ko siyang wag aalis kasi bibili kang ako ng tubig pagbalik ko hindi ko na siya nakita." paliwanag nito.
agad akong humarap sa mga bodyguards na kasama ko.
"Nawawala ang pamangkin ko tulungan niyo kong maghanap." sabi ko.
Tumalima naman sila agad.
nagsimula nadin akong maghanap, alam kong hindi pa nakakalayo si levin.
"Levin? Levin baby? nasaan ka?" sigaw ko. pinagtitinginan na ako ng mga empleyado kaya nagtanong ako.
"Maam may nakita po akong bata kanina lumabas po ng building." sabi nung isa.
"Lumabas?" tanong ko. tinanguan niya lang ako.
tumakbo ako palabas ng building hindi ko inalintana ang pagtawag ng mga bodyguards ko.
"Levin?! Levin anak nasan ka?!" sigaw ko habang umiiyak.
"Levin anak nasan ka?" umiiyak parin ako.
nang hindi mahanap napag pasyahan kong humingi ng permiso kay kuen para gamitin ang sa sasakyan nito sa paghahanap.
walang pakandungan akong pumasok.
nakita ko siyang nakaluhod habang nagpapakain ng bata?
Si levin
"Levin?!" tawag ko.
"Titamommy!" umiiyak na tawag nito.
mahigpit ko siyang niyakap.
"Saan ka ba nagpunta? pinag-alala mo ako alam mo ba yun?" umiiyak na sabi ko.
"S-sorry po titamommy." sabi nito habang sinisinok.
Nakita ko lang siyang nakatayo kaya naman kinarga ko si levin at humarap dito.
"S-salamat." nahihiyang sabi ko.
"Sa bahay mo siya patirahin masyado iyong malaki para sating dalawa." sabi nito na ikinagulat ko.
hindi din ito nakatingin sa akin kasi bumalik na ito sa harap bg laptop niya.
Satin? Tama ba ang narinig ko Satin?
pinunasan ko ang mukha ni levin gamit panyo ko saka dinala sa opisina ko sa harap.
"Sa susunod wag na wag kanang aalis ng walang kasama okay? sige ka gusto mong kunin ka ng mga bad guys?" sabi ko.
"Ayoko po ng ganon titamommy." sabi nito.
pinaupo ko siya sa couch at tinawagan si mavie at gail.
nang masabing nakita ko na si levin pinaakyat ko sila dito.
"Ano nang gagawin mo?" tanong ni gail.
"Pumayag si kuen na patirahin ko si levin doon, kaya wag kang mag-alala babantayan ko siya ng maigi." pangako ko.
ngumiti lang si gail sa akin habang yakap naman ni mavie si levin.
----
Gabi na at nakauwi na kami walang ibang suot si levin maliban sa suot nitong jumper at long sleeve shirt.
kaya naman nagtanong ako sa mga kasambay kong may mga damit pambata sila. buti nalang meron pang naiwan ang anak ng isa sa mga kasambahay dito.
"Magtoothbrush ka na tapos tabi kana sakin okay?" sabi ko.
"Opo tita."sagot nito bago tumalon pa alis sa kama.
may kumatok sa pinto kaya naman tumayo ako at binuksan iyon.
nagulat ako ng makita ko si kuen sa labas, naka pajama na ito at kakagaling lang siguro sa banya dahil na aamoy ko ang shampoong gamit nito.
"Bat ka nandito?" tanong ko.
may inabot itong sobre at saka tumalikod. akmang maglalakad ito ng magsalita ako.
"Bat mo ba to ginagawa?" tanong ko.
Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Talagang! nakainis yung lalaking yun alaka ko panaman nagbago na ang ugali nito. bipolar talaga!
**