ELLE'S POV
MAAGA AKONG nagising kaya naman naligo na ako at hinayaan na munang matulog si levin sa kama ko.
5 years old na si levin, at mas mataas ang IQ nito kompara sa mga kaedaran niya kaya naman nagaccelerate siya from kinder to grade 3.
mabilis lang kasi siyang makatoto, ang favorite subject niya naman ay math na pinakahate ko naman sa lahat.
Ewan nga namin ng ate ko 2 years old palang si levin ng makatoto siya sa pagbabasa siguro yun ang blessing na ibinigay ni god sakanya.
hinalikan ko ang noo nito bago lumabas sa kwarto.
tulog pa siguro yun si kuen nakasirado pa kasi ang kwarto nito and take note nakalock pa as if naman gagapangin ko siya duh.
bumaba ako sa may sala, nakita ko si manang na naglilinis ng mga vase at pigurin sa may shelf kaya naman nilapitan ko siya
"Ah, Goodmorning po manang pwedi ko po ba kayong tanongin?" tanong ko.
siya lang kasi ang makakasagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin kagabi.
"Ano iyon hija?" tanong nito.
"Ahm..p-pwede niyo po ba akong kwentuhan tungkol sa pagkabata ni kuen napakasungit po kasi." nahihiyang sabi ko.
"Gusto mong magkwento ako tungkol kay kuen?"
tumango ako ng bahagya.
bumuntong hininga muna ito bago ibinuka ang bibig para magsalita.
"Noong bata palang yang si kuen spoiled yan masyado dahil siya lamang ang nag-iisang anak nila sir franco at maam stella, pero nagbago ang lahat ng yun ng malaman niyang nagdadalang tao ang mommy niya, akala ng dad niya na matutuwa ito, hindi naman pala bigla nalang lumayo ang loob nito sa kanila."panimula nito.
pinaupo ko siya sa may sofa at saka niya naman ipinagpatuloy ang pagkukwento.
"Ang akala niya kasi aagawin ng nakababata niyang kapatid lahat sakanya kaya naman pinabago niya ang ugali niya, kung noon ngumingiti siya, ngayon paminsan-minsan mo nalang iyon makikita,lagi ding nakakunot ang noo niya at walang emosyong makikita sa mukha niya, bumalik lang siya sa pagngiti ng manganak na naman ang mommy niya at nalaman niyang baby girl iyon." tumigil muna siya na pagsasalita at may kinuha sa wallet nito.
iniabot niya sa akin ang isang litrato.
nagulat ako ng makita ko kung sino iyon.
Si Avegail?!
"Ito po ba ang kapatid niya?" tanong ko.
"Oo siya ang kapatid niya, nawala siya nung 1 year old palang ito. si kuen ang nakawala sa kanya kaya naman sising-sisi siya sa nangyari. ang akala niya kasi sinisisi siya ng mga magulang niya sa pagkawala ni Miss Tami."
"Tami?" tanong ko.
"Tami ang ininickname ni kuen sa kanya, paikli sa pangalan nitong Tamara Michsuka, siya ang naging kasiyahan ni kuen pero nang mawala ito bumalik na naman ito sa pagiging isnobero,walang pakialam sa paligid at ginagawa ano mang gustuhin niya."
"Kung mapapangiti mo man ulit si kuen, hija maiituturing na namin iyong swerte dahil hindi na talaga ito ngumingiti, maiikli din ang mga salitang isasagot o sasabihin niya sayo, hahaba lang iyon pag importante pero paminsan-minsan tinatamad siya sa pagsasalita a
kaya naman ginagamit niya ang ipad niya at doon isusulat ang mga sasabihin niya,kaya hija tiisin mo nalang ang pabago-bago nitong ugali. hala sige maiwan na kita at magluluto pa ako ng agahan niyo." sabi ni manang bago ako iniwan sa may sala. hindi pa nakakalayo si manang ng tanungin ko siya ulit.
"Ilang taon napong nawawala ang kapatid niyang babae?" tanong ko.
"20 years na hija pero hanggang ngayon hindi niya parin makita." sabi ni manang at iniwan ako.
Kaya pala ganon ang ugali niya. pero kahit na wala siyang magandang dahilan para magsungit!
tapos ang nawawala niya palang kapatid ay si gail? pero kailangan ko munang makasigurado.
umakyat uli ako sa taas at naglakad sa harap ng pinto ng kwarto nito ilalagay ko sana ang tenga ko sa pinto ng bigla iyong bumukas kaya naman dirediretso ang bagsak ko sa matipunong dibdib nito, napahawak naman ito sa beywang ko.
Sh*t
"Ah-eh, ah.." yung lang ang nasabi ko saka ito itinulak bahagya.
"Mag-iingat ka sa susunod." malamig na sabi nito at ibinagsak ang pinto sa harap ng mukha ko.
"Aba! wala ka talagang modo! bw*s*t ka!" sigaw ko sa labas ng pinto nito
kainis talaga makaalis na nga nasisira araw ko ng dahil sakanya!
**