ELLE'S POV
"BILISAN MONG kumain dyan levin ibibili kita ng laruan." sabi ko habang tinitignan itong kumain.
"Tita mommy *munch* si tito dad po?" tanong nito habang ngumunguya.
"Sinong tito dad?" nalilitong tanong ko.
"Mabait po si *munch* tito dad kaya sana tita mommy *munch* wag mo sanang *munch* awayin siya po ang nakakita sa akin ng malawa po *munch* ako kahapon." sabi nito.
"Tumigil ka muna sa pagsasalita, kainin mo muna yan." sabi ko.
Tito dad? mabait daw? yun mabait tsk! asa ka naman baby levin.
iniwan ko muna siya habang kumakain at saka nagtungo sa kwarto ko.
hindi ako pumasok sa opisina ngayon bahala siya dyan inaalila niya lang ako doon.
kinuha ko ang cellphone ko at saka nakipag-voice call kay gail.
"Hi gail." bati ko.
"Hi!"
"Free ka ba ngayon?" tanong ko.
"Why?" tanong nito pabalik.
"Samahan moko sa mall magshoshopping tayo." aya ko.
"Sure what time?" tanong nito.
"Ngayon na ipapasundo nalang kita sa bodyguards ko." sabi ko
"Okay....sige." sagot nito.
inend ko yung call at saka nagbihis.
matapos magbihis hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at saka bumaba na.
"tapos ka na levin?" tanong ko.
"Opo tita." sabi nito.
"Makinig ka aalis si tita pero maiiwan ka muna dito ha maglaro muna kayo ni manang okay?" sabi ko.
nagsimulang namalisbis ang luha niya sa mata pababa sa pisnge.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Iiwan niyo na naman po ba ako?" umiiyak na sabi nito.
"H-hindi, babalikan ka ni tita okay? love mo ba si tita?" tanong ko. tumango naman ito.
"Kung ganon maging strong ka at protektahan mo ang sarili mo sa bad guys okay?" sabi ko.
"Opo!" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.
haist nagpapalambing na naman.
"Sige na alis na ko para maagang makabalik si tita, Tita loves who?" i asked.
"Me!"
"Tita loves who?" i asked again.
"It's levin and that's me!" he said.
kiniss ko ang matambok na pisnge nito bago ko siya ibinigay kay manang.
isinicure ko din ang bahay at saka pinabantayan ng maigi si levin hindi ko alam kong kailan kikilos yung nagbigay ng threath sa akin.
---
MALL
Nasa mall nakami at naglalakad nasa paligid lang ang bodyguards ko naka-on din ang gps ng phone ko.
"Bes may dumi ka sa buhok mo." sabi ko.
kunwari kong kinuha ang dumi sa buhok niya pero buhok niya ang kinuha ko.
"Aray naman!" sabi niya at hinimas ang buhok.
"Sorry." sabi ko sabay piece sign inipit ko sa panyong hawak ko ang hibla ng buhok niya.
nagpatuloy kami sa paggala at binilhan ng mga gamit si levin.
"Salamat sa oras mo gail ah?" sabi ko.
"Welcome, you can count on me anytime what are friends for?" she said after that we bid our farewell.
Nang makauwi sa bahay sumalubong agad sa akin si levin at may hawak na chocolates.
"Sinong nagbigay sayo niyan?" tanong ko.
"Si tito dad po." sabi nito. at takam na takam pa sa kinakaing chocolate.
"Kumain kana ba ng hapunan?" tanong ko.
"Sabay po kaming kumain tita." sabi nito.
tumango tango ako atsaka siya kinarga papasok sa bahay.
may naramdaman akong parang may nagmamasid sa amin.
binalewala ko nalang iyon.
"Binili mo ba lahat ng laruang gusto niya?" tanong nito.
"Ay butiki!" napatili ako sa gulat.
"Bat ka nang gugulat?!" sigaw ko.
tinaasan lang niya ako ng kilay. aba talagang.
ibinaba ko si levin at pinapunta sa sala para doon buksan ang mga pinamili ko.
"Alam mo maiintindihan ko naman kong bipolar ka pero wag mo naman araw-arawin, tinitiis ko lang ang ugali mo kahit ako inis na inis na gusto na kitang sabunutan alam mo ba yun!" sigaw ko.
"May magagawa pa ba ako ganito na ko eh." sagot nito at tinalukuran na ako saka sumunod kay levin sa sala.
sana naman hindi niya sungitan si levin, aahitin ko na talaga ang kilay niya.
pero hindi dapat iyon ang uunahin ko.
umakyat ako sa taas at saka nagtungo sa kwarto ni kuen.
pumasok ako doon hindi naman nakalock. at aba well organize ha, napakalinis at nakaarrange yung mga gamit niya hindi makalat.
nagtungo ako sa banyo nito at saka kinuha ang toothbrush niya pinalitan ko iyon ng kaparehong toothbrush nong sakanya saka ako nagmadaling lumabas muntikan pakong madulas.
piw! muntikan na yun ah. tinext ko agad si Caleb ang kaibigan kong doctor. magpapatulong akong magpa DNA test para kay avegail at kuen at kapag napatunayang magkapatid nga sila hindi ako magdadalawang isip na pagtagpuin silang dalawa yun nalamang ang tanging paraan na alam ko para bumalik ulit sa dati ang pag-uugali ni kuen.
sana naman bumalik na ang dating ikaw kuen para hindi na ako nabw*bw*s*t sayo kainis!
Makatulog na nga kumain naman na din ako doon.
**