Elle's POV
NAGISING AKO dahil sa nauuhaw ako kaya napagpasyahan kong bumaba para kumuha ng tubig.
Tiningnan ko muna si levin na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Saka ako lumabas ng kwarto.
Humihikab akong naglakad pababa ng may mapansin akong kung ano sa sahig.
"Ano to?"natanong ko sa sarili.
umupo ako bahagya at hinaplos ang sahig medyo madilim at tanging sinag ng buwan lamang ang naging ilaw ko.
Itinapat ko iyon doon at halos mapatili ng mapagtantong dugo iyon.
Sinundan ko ang bakas ng dugo hanggang sa mapadpad ako sa harap ng kwarto ni kuen.
Tinambol agad ang puso ko at walang katok-katok na binuksan ang pinto at pumasok doon.
Pagpasok ko kadiliman agad ang bumalot sa akin pero may kunting ilaw galing sa sumisilip na buwan sa may bintana nito.
Wala ito sa higaan niya at nakabukas ang ilaw sa banyo nito.
Naglakad ako papunta doon nakita ko itong nakahiga sa sahig wala itong suot na damit at tanging pantalon lamang ang suot niya, likod lamang niya ang nakikita ko kasi nakadapa ito sa sahig.
May tama ng baril ang kaliwang braso nito at patuloy sa pag-agos ang dugo nito, lumuhod ako sa gilid niya at ginising ito. Inangat niya ang ulo niya at saka tiningnan ako.
"B-bat ka nandito."nahihirapang sabi nito at pinilit na tumayo kaya inalalayan ko ito.
"Wag mo muna akong sungitan gamutin muna natin yang sugat mo."sabi ko at tinulungan itong makatayo.
Inalalayan ko siya at saka pinaupo sa kama niya saka bumalik sa banyo at kumuha ng first aid kit.
Bumalik ako doon saka siya pinatalikod sa akin at ginamot ang likod nito.
"Saan ka ba nanggaling?" Tanong ko.
"Bat mo ba to ginagawa?"balik tanong nito.
"Wag mokong sagutin ng tanong pagtinatanong kita."sabi ko at diniinan ang bulak na may alcohol sa sugat nito.
"Aray!"galit na sabi nito at saka ako tinaponan ng masamabmng tingin.
Matapos linisan ang sugat nito nilagyan ko ito ng gauze pad at saka siya pinaharap sa akin.
"Ako nang gagamot nito."sabi niya at iniwas ang mukha.
Nameywang ako sa harap niya saka siya tinignan ng masama.
"Diba kakasabi ko lang na wag mo muna akong sungitan talagang pinipikon mo ko!" Sabi ko sakanya.
"Tsk!"sabi nito.
Kumuha muna ako ng bulak at nilagyan ng ito ng alcohol saka dahan-dahang inilagay ang bulak sa sugat nito.
Kumunot ang mukha nito tandang nasasaktan ito kaya naman banayad lang ang naging kilos ko.
"Huy di mo pa sinasagot ang tanong ko."sabi ko rito.
Hindi ako nito pinansin.
Napakasungit talaga! Nakakagigil!
Tumayo na ako at saka kinuha ang first aid kit sa kama nito bago ito ibinalik sa lalagyan sa may banyo.
Naglakad na ako papunta sa pinto hawak ko na ang seradula ng bigla itong magsalita.
"Why did you choose to be with me even if you already know it's too risky and dangerous."seryosong sabi niya.
"Hindi ko masasagot ang tanong mo na yan."sabi ko.
"Maybe you'll leave me soon just like what others do."sabi niya.
Tiningnan ko siya saka humarap sakanya.
"Kung gusto mo naman pala akong paalisin bakit mo pa ipinagpatuloy ang kasal? Saka hindi ko naman ginustong makasal sayo ikaw lang naman tong nanakot at may pa quote pang 'you're my accidental bride chuchu.' saka nanutok ng baril."sabi ko.
Umiwas ito ng tingin sa akin.
"Matagal ko nang plinanong umalis pero alam mo ba kung bakit hindi ko ginawa? Inilagay ako sa sitwasyong ito hindi para pahirapan mo ako kung hindi dahil may misyon akong kailangang gawin at ayusin."makahulugang sabi ko bago lumabas sa kwarto nito at saka bumaba sa para uminom tubig.
Matapos uminom umakyat uli ako sa taas para bumalik sa kwarto ko ng may magsalita sa likod ko na ikinagulat ko.
"Ano ba kagulat ka naman!"sabi ko habang nakahawak sa puso ko.
"Samahan mokong uminom."aya niya.
May saltik nga sa utak.
Sumunod ako sa kanya papunta sa mini bar dito sa second floor.
"Ah kuen hindi sa pagiging tsismosa kaso nagpakwento ako kay manang tungkol sayo."hinintay ko siyang pagsalitaan ako ng masama pero hindi ito gumawa ng kung ano.
Sinalinan niya lang ako ng alak sa baso at itinulak ito palapit sa akin.
"Spill the beans."sabi nito at inisang lagok ang laman ng baso nito.
Huminga ako ng malalim bago nagkwento sa mga nalaman ko.
Ilang baso nadin ang nainom ko at medyo tipsy na ako pero nagpatuloy parin ako sa paginom.
"How about you? Do you have siblings?"tanong nito.
"Meron, dalawa si kuya sean at ate sabrina." Sabi ko.
"Wala na ang parents namin naaccidente sila habang papunta sana sa trabaho kaso nawalan ng brake yung sasakyan ni papa." Pinigilan ko ang maluha sa harapan niya pero ayaw talaga eh, naiiyak ako tuwing naaalala ko iyon.
"Tapos si kuya sean naman nabaril sa ulo ligtas naman siya pero hanggang ngayon comatose parin." Iniabot niya sa akin ang tissue.
Kinuha ko sa kamay niya ang bote ng alak at nilagok lahat ng laman non.
"Tsk, stop drinking you're getting drunk now."sabi nito ng akmang kukuha ng isa pang bote.
"Matutulog nako."sabi ko at saka tumayo pero nahilo ako kaya naupo uli ako.
Iniyuko ko ang ulo ko para sana mawala kahit kunti ang pagkahilo ko.
Naramdaman kong umangat ang katawan ko sa ere.
Naalala ko tuloy ang sabi niya kanina na hindi siya basta-bastang malalasing.
"Alam mo *hik* mabilis talaga *hik* akong nalalasing."humagikhik ako saka napakapit sa leeg nito.
"Ang gwapo mo pala sa malapitan."yun ang huling sinabi ko bago ako mawalan ng malay.
KUEN'S POV
Nakatulog siya sa bisig ko kaya napagdesisyonankong dalhin nalang siya sa kwarto ko baka kasi magising yung bata.
Inihiga ko siya sa kama saka siya kinumutan.
Tingnan ko ang maamo nito mukha at ikinumpara ang mukha niya paggising.
"Mukha kang tigre paggising at m
Tuta-aish bat ko ba siya ikinukumpara sa tigre at tuta tsk makatulog na nga."nasabi ko sa sarili.
Hinubad ko ang suot na sweat shirt saka tumabi dito wala namang masama mag-asawa naman kami.
**