ELLE'S POV
"SINONG BUNTIS?" nanlaki agad ang mata ko ng makitang parents ni kuen ang nasa bukana ng pinto.
"Sinong buntis hija?" baling ni mommy sa akin.
"Ah..eh--"
"Goodmorning madam, may nangyari po sa amin ng anak niyo." straight foward na sabi nung lalaki sa harap ko.
Jusko napakastraight forward naman ng lalaking to.
"ANO?!" umalingaw-ngaw ang boses ng daddy ni gail nakakuyom ang kamao nitong sinugod yung lalaki.
"Don't worry sir pananagutan ko naman po ang anak niyo." seryosong sabi nito kaya napatigil si daddy sa paglalakad.
I excused myself mukhang hindi ako kakailanganin dito.
Nagtungo ako sa kwarto ko at naisipang bisitahin si kuen sa opisina nito.
Pero kailangan ko ding magluto alam kong hindi siya masyadong kumakain ng kanin pero kahit na ang payat niya kaya.
Hindi naman sa payat talaga siya kaso sige na nga ang init niya ge translate niyo sa english.
Nagtungo ako sa kusina at isinuot ang apron naisipan kong itext si mommy at tanongin kong anong paboritong putahe ni kuen. Nahihiya kasi akong magtungo doon.
-adobong baboy
-sinigang na baboy
-afritada
-fried rice.
Matapos maihanda ang mga kakailanganing ingredients nagsimula na akong magluto hindi ako nagpatulong sa mga katulong at isa pa alam ko kayang magluto.
Inayos ko na sa mga tapper ware ang mga putahe at nagsandok ng kanin at inilagay din sa isang tapper ware balak ko na din sabihin ang feelings ko para kay kuen hay ilang ulit ko tong pinagpraktisan habang nagluluto ako ng ulam.
Okay lang saking sabihin niyang 'i don't feel the same way.' at isa pa magiisang taon palang naman kaming nagsasama.
Iniwan ko muna iyon at nagayos sa sarili matapos makapag-ayos nagpasama ako sa mga bodyguard dito sa bahay at pinagdrive sila papunta sa companya ni kuen.
***
Binati ako ng mga empleyado dito sinuklian ko sila ng ngiti at nagtungo sa elevator.
Nasa harap na ako ng elavator at naghihintay na bumukas ito hindi ko din siya tinext kanina nagbabalak na isurpresa siya.
Nang bumukas ang pinto ng elevator sumakay ako at pinindot ang top floor naghintay ng ilang minuto pinaiwan ko ang mga bodyguard doon sa baba at sinabing ako nalang mag-isang aakyat sa office niya.
Nasa harapan na ako ng pinto ng office niya hinawakan ko ang doorknob at inikot saka itinulak pabukas ang pinto nakangiti kong sinalubong ito pero agad ding nawala ng makitang may kahalikan siya.
Nasa lamesa ang babae at nakaharap sa upuan ni kuen.
Naibagsak ko ang dalang pagkain natigil sila sa ginagawa at gulat akong tinignan ni kuen.
"S-sorry aalis na ako." sabi ko at pabagsak na isinara ang pinto pinigilan ang sariling huwag maiyak pero ayaw papigil ng luha ko.
Narinig kong bumukas ang pinto ng opisina niya kaya naman tumakbo ang papunta sa elevator at sumakay.
Nang makalabas sa elevator nagmamadali akong umalis doon at tumakbo papuntang exit ng building saka pumara ng taxi at sumakay.
KUEN'S POV
DAMN IT! nasaan na ba ang babaeng iyon?!
"Boss wala po sa bahay ni Maam Elle, kahit po ang kapatid niyo ay hindi alam kong nasaan siya ngayon."sabi ni saffiro.
"Mga tanga! Kahit pa wala siya sa bahay hanapin niyo siya! Hanapin niyo ang asawa ko kung hindi puputulan ko kayo ng daliri!" sigaw ko sa kanila.
Bwesit na karina kong hindi dahil sa kanya hindi sana tatakbo paalis si elle.
Pero bakit nga ba siya tumakbo? Tamang-tama pagbukas kasi ng pinto kanina hinila ako ni karina at walang pasabi hinalikan itinulak ko ito pero huli na dahil nakita na kami ni elle.
Napasabunot ako sa buhok ko at nilagok ang natitirang alak sa bote.
May tumapik sa balikat ko nilingon ko iyon at nakitang si gail pala yon.
"Bakit?" tanong ko at nagsalin ulit ng alak na kakabukas ko palang.
"Alam mo kuya kesa maglasing tumulong ka kayang maghanap sa kanya! Kainis ka naman kasi kung alam mo lang kung anong ginawa ni elle kanina."
Mas lalo lamang akong nainis.
"Ano bang pakealam ko sakanya?!"sigaw ko hindi ko din alam ko bakit ako sumigaw nakita kong nagulat si gail sa ginawa ko.
"Wala ka nga talagang puso kuya!" sigaw nito pabalik akmang hahawakan ko ito ng tumalikod na siya at mabilis na umalis.
Sh-t ano batong ginawa ko.
**