ELLE'S POV
TATLONG ARAW lang ang burol ni kuya kaya ngayon ay ililibing na siya masakit man pero kailangan naming kayanin ni ate, tatlong mahahalagang tao ang nawala sa amin at tanging kami nalang ni ate ang hahawak sa pareho naming mga kamay.
"Elle kumain ka naman kahit tatlong subo lang." Pilit ni ate sa akin.
"Tatlong araw kanang ganyan baka ma ospital ka na naman." Patuloy nito.
"Wala akong gana ate." Tangi ko.
Nakaupo ako sa harapan ng kabaong ni kuya,ni hindi ko na isip na iwan ito.
Wala talaga akong ganang kumain,sobrang na se-stress na ako hindi ko na talaga alam kong anong gagawin ko.
Halo-halo na ang mga emosyon nasa isip at puso ko, naninikip ang dibdib ko tuwing nakikita ko si kuya na parang natutulog lang ng mahimbing sa loob nang kabaong.
"Elle,magagalit si kuya kapag ganyan ka sige ka dadalawin ka niya gabi-gabi kapag hindi ka pa kumain." Sabi nito.
"Ate mas okay nayong ganon atleast makita ko man lang si kuya kahit multuhin man niya ako o sa panaginip lang." Naubos na ata ang luha ko magdamag kasi akong umiyak ng umiyak.
Niyakap ako ni ate at hinaplos-haplos ang buhok ko.
"Naiintindihan naman kita elle, pero kailangan mo dapat kumain para lumakas ka tingnan mo nga ang sarili mo." Pinasadahan niya ako ng tingin bago ulit nagsalita. "Ang putla-putla mo na,anlaki na nang eyebags mo at hindi ka pa nagbibihis tatlong araw mo nang suot ang damit mo simula ng makalabas at maimbalsamo si kuya mula sa hospital."puna nito.
Hindi ko nalang ito pinansin pinagpatuloy sa pagtitig kay kuya.
Kailan kaya ako ngingitian ni kuya? Siguro kung mabubuhay akong muli sa mundo to gusto kong sa ganoong pamilya parin mapabilang.
"Ayaw niya paring kumain tita." Narinig kong sabi ni ate sab.
Naramdaman kong may humaplos sa buhok ko at niyakap ako hindi na ako nag-abalang lumingon dahil sa pabango palang ay alam ko nang mommy iyon ni kuen.
"Hija, kumain ka na kahit maliit lang at least magkalaman yang tyan mo." Pilit nito.
Pagod nakong magalit kaya hindi magawang itaboy sila palayo.
Kaya napagpasyahan kong kumain nalang para matahimik sila.
"Mommy,sorry kung pati kayo nadamay sa kadramahan ko."umalis ako sa upuan ko pero agad ding napaupo ng makaramdam ako ng hilo kaya ang ginawa nila nagpakuha na lamang sila ng lamesa at doon hinanda ang pagkain ko.
Nagsimula na akong kumain at nang mabusog ay pinaligpit ko sa kanila ang lamesa.
"Elle,nandito na ang pari." Sabi ni ate sab hindi ako gumalaw sa inuupuan ko.
Nagsimula na ang pagdadasal at maya-maya binisbisan na siya ng holy water.
"Ibaba niyo na siya." Sabi ni father.
Agad akong tumayo at umiiyak na lumuhod sa harap ng kabaong para pigilan sila.
"S-sandali lang,wag muna please! Kuya! Kuya! Please wag muna." Pagmamatigas ko.
"Elle stop it! Marami pang dadaluhang libing si father, kaya please let it go." Sabi ni kuen sa akin at hinila ako gamit ang beywang ko.
"P-pero si kuya, kuen si ku--"
Nagdilim ang paningin at ang huling nakita ko ay ang unti-unting pagbaba ng kabaong ni kuya.
KUEN'S POV
AGAD KONG sinalo si elle ng mawalan ito ng malay.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko!" Sabi ng ate nito.
Tatlong araw na kasi siyang nakaupo ni hindi ko man lang nakitang lumayo o iniwan niya ang pwesto niya.
Malaki din ang kasalan ko sa kanya alam ko yun noon paman.
Nakita ko na noon ang kuya nita sa isang auction sa russia isa siya sa mga tauhan ni damon na noon ay matalik kong kaibigan. Kung hindi lang dib sana iyon nangyari noon, wala sana nabuong away sa pagitan namin.
Nabaril ng isa sa mga tauhan ko yung kuya niya dahil sa tinangka niyang itakas ang isang mamahaling russian doll na nagkakahalaga ng 60M.
Kinarga ko sya at isinakay sa sasakyan saka ipinaharurot pa punta sa mansyon.
Nang makadating doon,kinarga ko ulit siya at dinala sa kwarto ko, sa kwarto ko muna siya pagpapahingahin alam kong marami siyang litrato ng kuya niya sa drawer nito nakita ko yun ng mahimatay siya nong nalaman niyang patay na ang kuya niya.
Inayos ko ang pagkakahiga niya at nagpakuha ng damit at maligamgam na tubig na may bimpo para mabihisan at mapunasan siya.
Wala naman masama since mag-asawa naman kami.
Nang dumating ang bimpo at ang maligamgam na tubig dahan dahan kong inalis ang suot nitong damit at saka siya pinunasan.
Pero agad akong napatigil ng ilang metro nalang ang layo ng kamay ko sa dibdib nito.
Ibinagsak ko ang pamunas at tinawag si manang para siya nalang ang gumawa.
Kailangan ko ding mag-pahangin ang init kasi kahit naka on ang aircon.
Nang makalabas agad akong kumuha ng beer in can at tinunga iyon.
"Kamusta si elle kuya!" Bungad ni
Gail kasama ang ate ni Elle.
"She's sleeping let her rest for a while." Sabi ko at iniwan sila.
**