ELLE'S POV
NAGISING AKO sa sinag ng araw na tumatama sa mukha.
Pinakiramdaman ko muna ang paligid.
Teka bat biglang lumaki si levin.
Oh my ghad wag mong sabihing?
Napabalikwas ako sa pagkakahiga pero napahiga ulit ako kasi biglang umikot ang paningin ko at parang pinipiga ang ulo ko sa sakit.
Idinilat ko ang mata at tiningnan ang katabi ko.
Nakaharap sa akin si kuen at mahimbing na natutulog. Sh*t bat ampog- d*mn elle ano ba yang iniisip mo?
Pilit kong bumango uupo na sana ako sa kama ng maramdaman kong may malaking bisig ang yumakap sa beywang ko kaya napahiga ulit ako.
Inilagay niya pa ang paa niya sa legs ko. Aba?
Dahan-dahan kong inalis ang kamay nito sa beywang ko saka ang paa nito bago umalis sa kama nito.
Kahit nahihilo at mabigat pa ang ulo ko dahil sa hang over nagmadali parin akong umalis sa kwarto niya saka pumasok sa kwarto ko, inilagay ko ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko.
B-bat ganito ito? Hindi ko maintindihan bakit ako nagkakaganito?
Inalis ko sa isipan ko si kuen saka naligo,para mawala din ang hang over ko buti nalang di pa nagigising levin.
Matapos makapagligo, ginising ko si levin para makaligo nadin ito.
Nang makapagfreshen-up na inaya ko itong bumaba para makapag-almusal na pinaupo ko siya sa tabi ko at si levin at sinalinan ang plato nito ng pagkain.
Nang ako na ang kukuha ng pagkain nakarinig ako ng tunog ng takong ng sapatos agad na lumingon ako sa direksyon niya tumutulo pa ang tubig galing sa buhok niya habang siya naman ay naglalakad na parang model habang inaayos ang sleeves ng suot nitong tuxedo.
B-bat ang gwapo niya? aish! Elle focus kakain kapa diba?
Inialis ko ang paningin ko sakanya saka napalunok hindi pwedi! Nagkakagusto na ba ako sa kanya? Waaaah! Bakit siya pa? Aishhh! Nababaliw na ata ako.
"Titamommy ayos kalang po?"nabalik ako sa aking huwisyo ng may yumugyog sa balikat ko.
Napatingin ako kay levin at sa lamesa napadami ang paglagay ko ng ulam sa plato ko.
"Ah-eh p-pasensiya na." Paghingi ko ng paumanhin, nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin si kuen sakin habang mahinang nginunguya ang kinakain nitong bacon.
Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Gusto mong ahitan kita ng kilay!" Napatakip agad ako sa bibig ko ng mapagtantong napalakas ata ang pagkakasabi ko.
"Anong sabi mo?"kunot noong tanong nito.
"I mean gusto mo pa bang ikuha kita ng bacon?"palusot ko. Bw*s*t na bibig to oh kainis!
"Kumain kanalang dyan."sabi nito saka pinunasan ang bibig ng table napkin.
"Aalis ka na po?"tanong ni levin sakanya.
"Yeah, be a good boy i will buy you some toys pag nakauwi nako hmm?"he said tumayo ito at ginulo muna ang buhok levin tumingin ito saglit sakin at inirapan ako.
Aba talagang!
Inubos ko ang pagkain sa harap ko at saka sumunod sa kanya.
"Huy!" Tawag ko.
Hindi ako nito pinansin.
"Kuen ano ba!"sigaw ko rito.
"Ano?!"iritable din nitong sabi.
"Dadalawin ko sa ospital ang kapatid ko matagal-tagal na din akong di nakakadalaw doon."sabi ko.
"Gawin mo ang gusto mo basta wag kang aalis ng walang kasamang bodyguard."sabi nito sabay alis.
"Edi wow!"sabi ko saka nagmake face kahit wala na ito.
Bumalik uli ako kay levin tapos naitong kumain kaya inaya ko itong umakyat sa taas at magbihis kasi dadalawin namin si tito pogi niya.
"Titamommy kailan po gigising si tito? It's been 3 years since the last day i saw him smiling at me po."sabi nito habang ibinubutones ko ang suot nitong polo.
"I don't know either baby, maybe he needed to rest some quite long you know your tito is a very very busy man, let's just wait for him to wake up and greet him our biggest, warmest and best hug ever!" Nako po mapapasabak na naman ako sa english debate nito.
"Okay tita, how about tito dad, tita i haven't seen you being sweet towards each other, you always bully him po."sabi niya.
"Anong bully him?"i asked.
"Tito said binubully mo daw siya tapos nagsasabi ka daw po ng badwords, diba titamommy sabi mo sa akin na bawal ang magsabi ng badwords kasi magagalit si papa jesus." Nako brinain wash ng mokong ang sarili kong pamangkin ginawa ba naman akong masama?
"Hindi ko binubully ang tito mo siya lang tong bipolar sarap suntikin."sabi ko at saka nagbihis na rin.
Brinade ko into a crown brade saka naglagay ng kaunting make-up.
Matapos makapag-ayos bumaba na kami para umalis.
"Ah silvan magpapasama sana ano sa ospital kasama ko ang pamangkin ko, pwedi bang magsama ka ng maraming bodyguards para bantayan kami?"tanong ko.
"Ah-eh maam on duty po silang lahat ngayon tanging ako, si saffiro at sebastian lang po ang nandirito. Saka may sniper naman po sa labas para kubg sunugod man ang kalaban mapapatay agad sila."sabi nito.
Andami naman sinabi tinatanong ko lang kung pwedi siya maging driver ko.
Tinanguan ko ito saka sumakay na sa sasakyan.
Sa Romero's Hospital naka confine si kuya malaki nadin ang bills namin sa ospital kaya napagdesesyonan ni ate na magabroad na lang.
Sinecure muna ni saffiro ang parkibg lot saka pinagbuksan kami.
Nang makapasok sa hospital nagpunta agad ako sa room 407.
"Hi kuya"bati ko alam kong naririnig niya ko.
Pinaupo ko sa hospital bed si levin saka hinawakan ang kamay ni kuya.
"Kuya gumising ka na oh namimiss na kita alam mo ba yun, magtatatlong taon na simula nung humilata ka dyan."sabi ko.
"Tito wake up na po."sabi din ni levin.
Tumagal kami ng limang oras atsaka umuwi na.
Nasa daan na kami ng biglang may humarang sa sinasakyan namin.
"Sino yan saffiro?" Tanong ko.
Narinig kong napamura siya ng ilang ulit at hindi mapakali.
Nagulat ako ng may mga lalaking lumabas sa sasakyan at itinutok ang malalaking baril sa sasakyan namin. May mga nakamotor din.
"Maam Elle pagsinabi kong yumuko ka, yumuko ka po."sabi nito habang naglalabas ng baril?
"Titamommy bakit po tayo nagstop?"tanong ni levin.
"W-wala may nangyari nakaharang lang tulog kana ulit."sabi ko sakanya.
Ipinikit naman niya ang mata niya at natulog nalang uli.
"Maam may tagong compartment po sa ilalim ng upuan kakasiya po doon si levin pwedi niyo po siyang itago doon."sabi ni saffiro nagsimula nakaming paputukan ng mga lalaki kaya napahiyaw ako dahilan upang magising uli si levin.
"Tita? Ano pong ingay yun?"tanong nito.
"Levin diba sabi ko sayo poprotektahan mo ang sarili mo sa mga badguys pwedi bang magtago ka dito lalabas ka lang pagsinabi ko okay?"sabi ko buti nalang hindi na ito nagtanong kaya mabilis kong naisarado ang pinto ng compartment.
Tinawagan ko ang numero ni kuen.
"K-kuen tulongan mo kami! Dalian mo!"sigaw ko sa kabilang linya.
Napasigaw ako ng matamaan ang kamay ni saffiro kaya naman sinabi kong palit kami ako ang magdadrive habang siya ang magbabaril.
Sinusundan parin kami ng mga nakamotor at nakasasakyan.
Ipinilit ko silang iligaw pero nabutas ang isang gulong sinasakyan namin kaya pagewang-gewang iyon.
Napadpad kami sa hindi mataong lugar.
Nang nawala sa likuran namin ang sasakyan nila lumabas ako ng sasakyan at tinulungan si saffiro.
"Maam magtago na po kayo ako napong bahala sa kanila."sabi nito at inalis ang kamay ko sa braso niya.
"P-pero-"
"Umalis na po kayo!"sigaw nito at saka itinulak ako. Nagmadali akong kunin si levin doon sa tagong compartment saka ito kinarga at tumakbo na paalis.
Tumakbo ako ng tumakbo at naramdaman kong mahapdi ang kaliwang paa ko.
Hindi ko ito napansin kanina ah. Ibinaba ko muna si levin saka nagpahinga natago kami sa ilalim ng isang malaking puno.
"Titamommy sila po ba yung mga badguys?"tanong ni levin tumango lama g ako at pinaharap siya sakin.
"Makinig ka tatakbo tayo palabas dito makakalabas tayo dito okay?"sabi ko.
Nagsimula ulit kaming tumakbo hanggang sa matanaw namin ang daan pabalik sa sasakyan namin kanina.
May nakita akong pamilyar na sasakyan.
Sa wakas ligtas na kami.
"TITODAD!"sigaw ni levin at tumakbo papunta sakanya.
Tatakbo din sana ako ng biglang manginig ang tuhod ko at napahiga sa sahig nakita ko pa ang nag-aalalang mukha ni kuen habang tumatakbo papunta sa amin.
Napangiti ako sa wakas nakakita na din ako ng isa sa mga emosyong matagal niya itinago.
"Elle!"Yun ang huling salitang barinig ko bago ako nawalan ng malay.
**