ELLE'S POV
NAKAUWI NA ako sa bahay ipinadala nadin nung mokong ang mga folder na kailangan kong pag-aralan.
pumasok ako sa kwarto at inilagay lahat ng folder doon, maaga pa naman 5pm pa ng hapon eh.
tinawagan ko muna ang landline sa ibaba tinatamad akong bumaba eh.
"Hello po, pwedi niyo po ba akong dalhan ng pagkain at kape?" tanong ko.
"Ah oho maam sige ipapaakyat ko nalang po." sagot nung isang katulong.
"Salamat ho." ibinaba ko na ito at saka nagbihis ng pambahay.
isang cotton short at oversuze shirt ang isinuot ko komportable kasi ako sa ganon.
habang hinihintay ang pagkain naisip kong tawagan ang numero ng kaibigan ko.memorize ko kasi ang numero niya
matapos ang ilang ring sumagot ito.
"Hello this is Abegail Zeygan the owner of zeygan's boutique how may i help you?" mabilis na bati niya
"Gail." tawag ko.
"Who' is this?" tanong niya.
"Si Elle to, Rochelle." sabi ko.
"Elle?! bruha ka alam mo bang isang linggo na kitang hinanap at wala nading nagmomodel sa gawa ko! umuwi kana kaya!"
"Ah-eh kasi....basta mahabang kwento, ikekwento ko nalang pagnagkita tayo." Sabi ko.
"Umuwi kana Elle umiiyak na si Levin dito!" Sigaw nito sa kabilang Linya.
"Kamusta si Levin?" Tanong ko.
"Umiiyak nga diba?" Sabi nito.
"Tatawagan kita kong kailan ako makakauwi napakakomplekado kasi ng sitwasyon eh." Sabi ko.
"Ay bahala ka sa buhay mo basta umuwi ka na dito bukas kung hindi hihingi na ako ng tulong sa mga pulis!" Sabi nito at pinatay ang tawag.
"Kainis naman!" Sabi ko at napasabunot sa sariling buhok nafufustrate na kasi ako eh.
Anak ni ate Sabrina si Levin iniwan niya muna sa akin kasi nasa abroad siya at nagtatrabaho, yung tatay niya naman ewan ko Saan nayon sana namatay na lang siya! Kainis!
Umiyak na lang ako dahil sa frustrated na talaga ako at di ko namalayang nakatulog na pala ako.
KINABUKASAN....
Kuen's POV
Nagbabasa ako ng dyaryo habang iniinom ang kapeng itinimpla ni manang sa akin.
Nakarinig ako ng yabag at paghila ng upuan, hindi doon ang atensyon ko kung hindi doon sa mukha niya.
Kahit naka make-up siya kitang-kita parin ang namunugto nitong nga mata at sumisinghot-singhot pa.
Maganda naman siya kahit malaki eyebags niya, saka ang- d*mn kuen what the hell are you thinking! Stop it, she's a woman d*mn it, pare-pareho lang sila pagkatapos makuha ang gusto nila iniwan ka nalang nila sa ere.tsk!
Inalis ko ang tingin ko sakanya saka tumikhim para kunin ang atensyon nito.
"Bilisan mong kumain madami pa tayong tatrabahuin ngayon." Sabi ko at saka itiniklop ang dyaryong hawak bago inayos ang tuxedo ko saka tumalikod at umalis.
Narinig ko pa itong minumura ako kaya naman tumigil ako sa paglalakad at binalikan ito.
Natigil naman ito ng makita ako kaya may naisip akong gawin.
Lumapit ako rito siya naman at napapahiga na sa upuan nito.
"A-anong g-gawin mo?" Nauutal na sabi nito.
Mas lumapit pako sakanya hanggang kaunting distansya nalang ang meron sa amin. Pumikit ito, hindi ko mapigilang ngumiti pero agas din akong nagpoker face at kinuha ang suit case sa gilid ng inuupuan nito. Napatingin ako sa labi nito, red lipstick suits her better than pink, she looks ho-No stop it.
"Don't use red lipstick, natetemp akong halikan ka." Deretsyahang sabi ko bago lumayo dito.
D*mn that girl how can she make my heartbeats so darn fast?
Sumakay na ako sa sasakyan ko at saka iyon pinaharurot papuntang opisina.
Akmang lalabas na ako sa sasakyan ko ng biglang tumunog ang telephono ko.
"Who's this?" Deretsahang sabi tanong ko.
"Your wife is beautiful, can I have her?" Hindi ko na kailangan pang tanongin.
"Don't you dare touch my wife Damon! Magkakamatayan tayo!" Sigaw ko sa kabilang Linya.
"Well,since she's your wife isasama ko na sya sa mga weak zone mo, I don't bluff brother." With that he ended the call.
"D*mn! Sh*t That guy! I will kill him! Papatayin ko siya pagginalaw niya si Rochelle."
I dialed saffiro's number.
Hindi pa ito nakakasagot agad akong nagsalita.
"Secure my wife, wag na wag niyo siyang palalabasin ng Walang kasama." Sabi ko bago ibinaba ang linya.
I texted Damon's number.
'The battle is only between you and me Damon, wag lang mandamay ng inosente!'
Nag vibrate ang phone ko at nakita ko ang reply nito.
Picture iyon ni Rochelle may nakatarak na kutsilyo sa ulo nito at nilagyan pa ng dugo na Parang totoo.
Biglang tinambol ang puso ko.
Hindi ito maaari. Sumakay uli ako sa kotse ko at pinaharurot pabalik ang sasakyan itinext ko uli si saffiro at sinabing wag munang aalis ng wala ako. Nakapagdesisyon na ako, ako ang dahilan kong bakit nanganganib ang buhay niya kaya
kailangan ko siyang protektahan sa abot ng makakaya ko.
**