Kahit hilo na si Nathan dahil sa alak ay hindi niya magawang makatulog. Nakahiga lang siya sa kama at lihim na pinagmamasdan si Liezel na nakatingin naman sa larawan ng dati nitong kasintahan na dati naman niyang kaibigan.
Kasabay ng pakikipaghiwalay nito kay Liezel ay sabay na ring nawala ang pagkakaibigan nila. Walang naging paliwanagan o pag-uusap. Hindi na rin siya nagtanong dahil sa totoo lang ayaw din naman niyang malaman ang totoo. Because he knew back then that the truth will further complicate things.
Mahigit isang oras nang nakabantay si Nathan sa natutulog na si Liezel. Pero ganun pa man hindi pa rin siya umalis sa tabi nito kahit medyo nangangalay na siya sa pagkakaupo sa may kaliitang silya. Iniisip niyang baka bigla itong magising at hanapin siya.
Alam niyang mahimbing na ang tulog nito dahil shes snoring lightly. Hindi na nga niya alam kung gaano katagal na niya itong tinititigan. Maaliwalas pa rin ang mukha nito hindi halatang galing lang ito sa matindihang pa-iyak. At hindi rin siya makapaniwalang hiwalay na ito at si Roland.
Mas mahaba pa ang ginawang pagsuyo dito ng kaibigan kesa sa tinagal ng relasyon ng dalawa. Kung alam lang niya na sa hiwalayan din pala mauuwi ang lahat eh di sana...
Pinigilan niya ang sarili sa biglang naisip. Hindi siya dapat nanghihinayang sa mga bagay na nangyari na at hindi na mababago pa. Siya ang kusang nagparaya dahil malapit niyang kaibigan si Roland. At alam niyang gustung-gusto na nito si Liezel nung una pa lang na makita nito ang dalaga sa English class. Kahit kailan hindi nito itinago ang nararamdamang paghanga para sa dalaga.
Noon lang niyang nakita si Roland na talagang seryoso. Madaling magsawa ang kaibigan at sumusuko kaagad ito kapag nahihirapan pero hindi kay Liezel. Kahit ilang beses na itong nabasted ay hindi tumigil ang kaibigan sa panliligaw. Humihingi pa ito ng payo sa kanya.
Kaya pilit niyang binaling ang pagtingin kay Andrea.
Attracted naman talaga siya dito nung una niya itong makita kaya nga humingi siya ng tulong kay Liezel na makilala ito pero habang tumatagal the attraction faded kaya hindi niya agad ito niligawan. At doon na rin unti-unting tumindi ang pagtingin niya kay Liezel pero hindi niya kayang kataluhin ang kaibigang si Roland. Theres an unwritten rule sa mga magkakaibigan. Hindi puwedeng sabay na manligaw sa iisang babae.
Naisip niya na ang tanging paraan para mawala ang pagtingin niya kay Liezel ay ligawan si Andrea. Mabait si Andrea, matalino at maganda, hindi ito mahirap magustuhan. Infact he enjoys her company but everytime he sees Liezel with Roland parang gustong magwala ng puso niya. Na kahit na ginagawa niya ang sa tingin niya ay tama ang pakiramdam niya ay gumagawa siya ng napakalaking pagkakamali. Pero pagkakamali bang magparaya? Pagkakamali bang subukang magmahal ng iba? Pagkakamali bang pahalagahan ang pagkakaibigan?
Tinitigan niya uli ang himbing na himbing na si Liezel. If only he could make everything stop o kung kaya lang niyang ibalik lahat sa umpisa. Sa araw na una niya itong makilala nung hindi pa kumplikado at hindi pa niya kailangang mamili o pag-isipan ang mga bagay-bagay. Nung silang dalawa pa lang at ang damdamin lang niya ang mahalaga.
He wanted her face to be forever etch in his memory. Gusto sana niya itong iguhit noon pero alam niyang ang pagguhit dito ay magpapakita ng damdamin niya. Kaya kinuha na lamang niya ang kanyang backpack at inilabas doon ang bagong bili niyang second hand na polaroid camera. Balak talaga niyang ipakita kay liezel ang camera kaya siya dumaan sa apartment nito.
Napagpasyahan niyang kunan ito ng litrato kahit natutulog pa ito. Tinanggal muna niya ang flash pagkatapos ay tsaka niya ito kinunan ng larawan. Medyo naalimpungatan ito at nag-iba ng puwesto. Akala niya ay tuluyan itong magigising pero sandali pa lang ay nahimbing na uli ito.
May ilang hibla ng buhok nito ang tumakip sa mukha nito kaya hinawi niya iyon. He almost had the urge to touch her face pero pinigilan niya ang sarili. Kaibigan lang niya si Liezel at mas magandang hanggang doon na lang sila. May girlfriend na siya ngayon and it will be unfair to Andrea na hindi niya bigyan ng pagkakataon ang relasyon nilang nagsisimula pa lang.
Doon biglang nagvibrate ang phone niya. Nakasilent mode yon dahil kagagaling lang niya sa huli niyang klase kanina.Tinatawagan na pala siya ni Andrea. Nakalimutan niya na may usapan nga pala sila ng kasintahan. Nagsinungaling siya kay Liezel nang sinabi niyang nadalaw na niya ang kasintahan.
He felt compelled to lie dahil alam niyang pipilitin lang siya nito na puntahan ang kasintahan and theres no way hes going to leave Liezel, not tonight.
Dahan dahan siyang lumabas ng silid. Nang nasa sala na siya ay tinawagan na niya si Andrea.
"Hello Nathan nasaan ka na? nahimigan niya ng pag-aalala ang boses nito.
"Ahmm Andrea baka hindi na ako makapunta sa inyo."
"Bakit may nangyari ba?"
"W-wala medyo masakit lang ang ulo ko mukhang lalagnatin ako. Baka bukas na lang ako makadalaw. "Im sorry." Hindi niya alam kung bakit siya nagsinungaling dito pero yun ang lumabas sa bibig niya.
Andrea would certainly understand kung sinabi niya dito ang totoo pero naguguilty siya na kasama niya ngayon si Liezel sa bahay nito na sila lang dalawa. And that he totally forgot about her. Kanina pa siya dapat tumawag pero hindi niya nagawa.
"Ganoon ba okay sige. Magpagaling ka at uminom ka ng gamot. Magkita na lang tayo bukas."
Lalo siyang naguilty dahil pinag-alala pa niya ito. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya nakapagsinungaling na siya. Binalikan na lang uli niya si Liezel. Nang buksan niya ang pinto para pumasok ay bumiling ito at hinarap siya. Gising na pala ito.
"Kailangan mo nang umuwi Nathan late na." pagtataboy na nito sa kanya.
Sigurado ka bang okay ka na? If you want i could stay the night.
Hindi na kailangan. Dont worry about me. Kilala mo naman ako di ba. Sanay akong mag-isa.
Kahit gusto niyang manatili sa tabi nito alam niyang desidido na itong pauwiin siya. Halata namang gusto na nitong mapag-isa at ayaw nitong pag-usapan kung ano man ang nangyari. Wala rin siyang lakas ng loob na magtanong.
Sige mauna na ako. Mag-ingat ka. I lock mo yung pinto mo. Magkita na lang tayo bukas. Dadaan ako dito.
Hindi mo na kailangang mag-abala pa Nathan. May girlfriend kang dapat inaalala. Siya ang puntahan mo. Ill be okay.
Im sorry Liezel. hindi niya alam kung bakit niya sinabi yon dito but somehow he felt responsible for her loneliness.
Hindi ito sumagot sa halip ay tumayo na ito at hinatid na siya palabas. Nang nasa labas na siya ng bahay nito ay tsaka uli ito nagsalita.
Huwag kang gumaya sa akin Nathan. Pahalagahan mo yung mga taong nagmamahal sayo. Sana maging masaya kayo ni Andrea. ngumiti ito kahit pilit.
Napabuntunghininga si Nathan ng maisip ang gabing yun. Tila pinaglaruan sila ng tadhana noon. Kung kailan ito nakipaghiwalay kay Roland ay tsaka naman siya natali sa isang relasyon. Siguro nga may mga sitwasyon na hindi na dapat binabago. Pero tuwing nakakasama niya si Liezel he couldnt help but wonder.
Nang makita niyang ibinalik na ni Liezel ang larawan sa dating kinalalagyan nito ay nagkunwari uli siyang tulog. Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya at ilang segundo pa ay sinimulan na nitong tanggalin ang sapatos at medyas niya. Inalis din nito ang pagkakabutones ng polo niya.
Kahit gusto pa rin nyang magkunwaring tulog ay hindi na niya magawa. Masyado itong malapit sa kanya and his body is reacting. Kaya binuksan na niya ang kanyang mga mata.
Gising ka naman na pala. Magbihis ka na. utos nito sa kanya. Medyo lumayo na rin to sa kanya. Pero imbis na sundin niya ito ay umupo lang siya sa gilid ng kama at tiningnan niya ito ng seryoso.
Bakit ba ganyan ka makatingin? tanong nito na halatang naconscious sa paraan ng pagkakatitig niya.
Ang ganda mo talaga. Hindi na niya mapigilang sabihin dito. Kanina pa niya iyon gustong sabihin sa bar. But hes still supposed to be a brokenhearted man.
Kahit medyo nagulat ito sa pagiging matabil ng dila niya. Nginitian lang siya nito. "Lasing ka lang."
"Lasing ako hindi bulag. Tsaka noon pa naman maganda ka na Liezel. Hindi na magbabago yon."
"Kung nagagandahan ka pala talaga sa akin bakit hindi mo ako niligawan dati?" Birong tanong nito sa kanya.
Medyo natigilan siya doon. Maraming biglang nagdaan sa utak niya dahil sa tanong na iyon. Pero bago pa man siya nakasagot ay nagsalita na uli ito. Huwag ka nang mag-isip alam natin pareho ang sagot sa tanong na yan. Kung ayaw mong magbihis matulog ka na." utos uli nito sa kanya.
"Ako naman ang magtatanong sayo Liezel."
"Ano naman yon?"
"Kung niligawan ba kita noon sasagutin mo ako?
Ito naman ang natigilan at medyo umiwas pa ito ng tingin sa kanya bago sumagot. "O-fcourse, hindi ko nga lang alam kung yes or no ang isasagot ko."
"Eh ngayon?" Seryosong tanong niya.
"Alam mo you need rest, kung anu-ano nang naiisip mo. Pag- iwas na nito sa usapan.
"Im serious Liezel." Pilit naman niya.
"Ofcourse you are. Matabang nang sagot nito. "Kapag bumaba na yang tama mo tsaka tayo mag-usap ng seryoso."
"Medyo nahihilo lang ako but im perfectly sane." alam niyang nagiging makulit na siya. pero bihirang nasasabi niya dito ang eksaktong tinatakbo ng isip niya kaya sinasagad na niya.
"Okay dahil mapilit ka ito ang sagot ko. I give equal chances to everyone Nathan. Sinusubukan ko kung puwede pero kung alam kong its not gonna work, tinatapos ko na agad. Simple as that. At alam mo yon di ba?" paliwanag nito.
Then bakit hindi natin subukan?"
"What!?" nanlaki ang mga mata nito.
"Subukan natin if a relationship between us is going to work."inulit pa niya para mas maliwanag dito.
Tiningnan siya nito ng mabuti. Pero sa bandang huli ay parang napag-isip nito na hindi siya dapat seryosohin dahil nakainom nga siya.
"Alam mo ba ang hinihiling mo sa akin Nathan? To tell you honestly Im kind of insulted. Hindi ako pang rebound relationship okay." medyo galit nang sagot nito.
Gusto niyang ipaliwanag dito na seryoso siya. Pero tama ito kakabreak pa lang nila ni Andrea.
"I'm sorry. I just thought na because weve known each other for a while that a relationship between us would work." sagot na lamang niya dito.
"Nagtatagal ang relasyon dahil may pagmamahal."
"Well I do love you. Sagot niya dito. Mabilis na lumabas yon sa bibig niya. Kahit siya ay nagulat dahil hindi siya nahirapang sabihin yon ng diretso dito.
Come on Nathan alam mo ang ibig kung sabihin. Huminga ito ng malalim. Kakalimutan ko tong weird proposal mo na ito. At iisipin ko na lang na you're too drunk thats why you're not thinking straight."
Pagkatapos nun ay tinalikuran na siya nito at tuluyan na itong lumabas ng silid.
Napabilis ang paglabas ni Liezel ng kuwarto dahil sa kaba. Minsan talaga hindi niya maintindihan ang ang tinatakbo ng isip ni Nathan. A romantic relationship with him? Years ago baka nagtatalon siya sa tuwa pero hindi na sila teenager at higit sa lahat brokenhearted ito. He cant be serious.
Para mahimasmasan ng konti ay pumunta siya sa fridge nito at naghanap ng maiinom. Tubig lang sana ang gusto niya pero nang makita niya ang beer in can ay yun ang kinuha niya at tinungga. Kailangan na rin niya ng alcohol. Kanina she almost wanted to accept his suggestion no matter how crazy it is.
Bakit nga ba hindi? Ilang buwan na rin naman siyang hindi makalampas sa dating stage. Shes still lost when it comes to relationship. Maybe theyre both lost. Pero matagal nang nawala ang damdamin niya para dito. Kung ano mang meron sila eh pagkakaibigan na lang.
Thats what she keeps reminding herself kanina pa. Tama nga shes just being sentimental. She casts aside the thought. Matagal na niyang tanggap na hanggang pagkakaibigan na lang ang relasyon nila.
Tuluyan na niyang inubos ang beer. At balewalang nagbukas ng panibago nang maubos niya ang pangalawa. Kukuha pa sana uli siya ng pangatlo nang biglang may nagsalita.
"Why are you drinking my beer ng hindi nagpapaalam sa akin?"
Nilingon agad niya ang papalapit na si Nathan. Nakapagpalit na ito ng sando at short.
Kabayaran ito ng paghahatid ko sa iyo. At bakit tumayo ka pa? Baka mamaya matumba ka pa niyan.
"I told you im not that drunk."
"Kaya pala kailangan pa kitang alalayan papasok ng bahay mo."
Im just being needy i guess. Sagot nito.
"So sinasabi mo bang sinadya mong magpakalango kuno para alalayan pa kita."
Hindi ito sumagot nakatingin lang ito sa kanya. And its making her feel uncomfortable.
"Oh well dahil mukhang ayos ka naman kailangan ko nang umalis." paalam na niya dito. Nahihirapan na siyang kausapain ito ng kaswal.
"Liezel, I'm really sorry about earlier."
Dont worry about that. Medyo lasing ka so youre forgiven. Sagot na lamang niya dito. At tsaka Nathan kung ang kailangan mo lang naman ay makakausap at makakasama sa mga lakad mo hindi naman natin kailangang maging romantically involved para gawin lahat ng yon.
I know but Im talking about something more. mas lumapit pa ito sa kanya.
Tinaasan niya ito ng kilay. Anong gusto mo? Friends with benefits? diretsahan na niyang tanong dito. Puwede ba Nathan medyo nakainom ako baka patulan kita dyan." Ginaya pa niya ang sinabi nito kanina sa bar.
Dahil sa naakinom ay medyo lumakas ang loob niya. Nilapitan niya ito at walang anu-ano ay pinulupot niya ang mga kamay niya sa batok nito. Tutal ito naman ang nagsimula puwes hindi niya ito aatrasan. Kilala niya ito hanggang salita lang ito. Ganoon naman sila lagi. They like teasing each other. Sanay na siya dito. She was just caught off guard kanina.
Their faces just a few inches away from each other. He smell of alcohol and perfume at parang lalo pa siyang nalango. She smiled seductively at him at lalo pa niyang nilapit ang mukha dito. Pero nang makita na niya ang mga mata nitong walang kakurap-kurap na nakatitig sa kanya ay parang napaso na naman siya at sa huli ay siya na ang bumitaw dito. Hindi pala niya kayang makipaglaro dito dahil alam niya na siya ang matatalo.
Lalayo na sana siya nang bigla nitong hapitin ang bewang niya.
"You can't tease me and then just back away." Lalong sumeryoso ang mga mata nito at pagkatapos noon ay bumaba ang tingin nito sa mga labi niya.
Alam niya kung ano ang mangyayari. She should try and stop him pero hindi niya ginawa, hindi niya kaya. When their lips met lahat ng tinatago niyang damdamin para dito ay lumabas.
Akala niya shes over him pero hindi pa rin pala. Ilang taon din niyang ibinaon sa limot ang pagmamahal niya dito. Pero sa isang halik lang at parang patay na nabuhay ang damdamin niya para dito. Minsan mas madali nga sigurong ipakita na lang ang nararamdaman kesa itago. Tonight shell throw away whatever logic she has and just show how much she still loves him.
Lalong naging mapusok ang mga halik nito. At tuluyan na ring nawala kung ano mang inhibition ang natitira pa sa kanya. Walang pag-aalinlangan na tinugon niya ang bawat halik at yakap nito. She will make him feel her love for him through her body.
Wala nang mga salita pa ang namagitan sa kanilang dalawa. When he carried her back to his room she knows there was no turning back.
Maliwanag na nang magising si Liezel. She felt sore all over. Kaya alam niya na hindi lang panaginip ang nangyari kagabi. She and Nathan made love last night. At hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung dapat ba niyang pagsisihan ang mga nangyari. Buti na lamang at mahimbing pa rin itong natutulog sa tabi niya. He looked so serene.
Gusto sana niyang hawakan ang mukha nito pero natakot siyang bigla itong magising. Dahan dahan na lamang siyang tumayo para hindi siya makagawa ng ingay. Pagkatapos magbihis ay lumabas agad siya sa kuwarto nito at nagmamadaling umalis. She doesn't want to face him right now. Bahala na kung magalit man ito sa pag-alis niya ng walang paalam. Kailangan lang talaga lang niyang makalayo sa ngayon para hindi ito maharap.
Pagkatapos niyang balikan ang kotse at makauwi ng bahay ay nagmamadali siyang nagshower. Kahit medyo masakit ang katawan ay kailangan niyang pumasok sa opisina. She need to take her mind off sa nangyari sa kanila ni Nathan. Bakit ba sinasabi na kapag ang isang tao ay may ginawang bagay na out of character ay tinatawag yun na nakalimot. Sana nga nakalimot na lang siya dahil kung yun talaga ang sitwasyon ay malamang walang nangyari sa kanila ni Nathan at hindi na niya kailangang takasan ito kanina.
Nang makarating siya ng opisina ay sinalubong siya agad ni Serina. Anong nangyari sayo? I was trying to contact you last night after nung date nyo ni Henry pero off naman yung phone mo.
"Sorry na lowbat ako. Dahilan na lamang niya dito.
"Hanggang ngayon low bat ka pa rin?"
Ang totoo kanina pa niya pinatay ang cellphone niya. Halos mag-aapat na oras na mula nang umalis siya sa bahay ni Nathan. Malamang ay gising na ito. She was afraid hell contact her or baka mas natatakot siyang hindi man lang siya tawagan nito.
"I forgot to turn it on. Tsaka ano ba naman ang gusto mong malaman sa date namin ni Henry. Kumain kami at pagkatapos noon ay nag-usap sandali then umuwi na. Nothing out of the extraordinary happened. Wala siyang balak sabihin dito ang tungkol kay Nathan.
Okay fine I guess masyado lang akong concern dahil manok ko si Henry. So what do you think of him?" tanong nito.
"He's fine. I like him a lot." Halos wala sa sariling sagot niya dito.
"So ibig bang sabihin youll go out with him again?"
"Ni hindi pa nga uli ako inaayang lumabas nung tao. At tsaka puwede huwag mo siyang masyadong ipagtulakan sa akin. Parang hindi mo naman ako kilala." Ayaw niyang napepressure sa isang relationship.
"Yun nga eh kilala kita kaya nga gusto ko siya para sayo dahil you deserved a nice guy. Malay mo siya na ang the one.
"For now huwag muna natin pag-usapan ang aking the one. Alam mo namang busy ako ngayon. I had to reschedule a meeting kaya ito nagkukumahog ako. Hindi pa rin bumabalik si Alexis, so pati trabaho niya ginagawa ko. ang tinutukoy niya ang pinsan niyang kasalukuyang nasa Asian tour para sa honeymoon nito.
"Well ikaw ang pumayag na umalis siya at pumunta sa kung saang lupalop para magbakasyon kasama ang kanyang asawa kaya huwag kang magreklamo. Okay sige hindi na kita iistorbohin. Kailangan ko pang maggrocery at ipagluluto ko pa ang aking husband; anniversary namin ngayon." Parang nang-iinggit pa nitong inform sa kanya.
Sa kanilang tatlong magkakaibigan ito ang unang nag-asawa. One year pagkatapos nitong gumradweyt ay nagpakasal na ito. At ngayon nga ay happily married kaya nga siguro masyado itong pursigidong maging kupido niya. Yun nga lang nagiging makulit na naman ito.
Palabas na ito ng opisina niya nang pagkabukas nito ng pinto ay si Nathan agad ang bumungad. Isang matinding kaba tuloy ang bumalot sa dibdib niya pagkakita dito. Hindi niya akalaing pupuntahan siya agad nito. Hindi pa siya handang makita ito.
Nathan kumusta na ang tagal nating di nagkita ah. I thought nasa Hongkong ka. bati dito ni Serina
"Two weeks na akong nakabalik. Hindi ba sayo nasabi ni Liezel? Sabay tingin nito sa kanya. Seryosong-seryoso ito sa tilang nag-aakusang mga mata o siguro dahil guilty lang siya kaya pakiramdam niya ay galit ito sa kanya.
"Hindi niya nabanggit pero hindi naman nagkukuwento itong si Liezel sa akin. Masyadong nagiging malihim lalo na sa lovelife. Pagsabihan mo nga. Sumbong pa nito kay Nathan.
Yun nga ang balak ko. Parang may pagbabanta pa sa boses nito. Lalo tuloy siyang kinabahan.
Mukhang wala namang nahalatang kakaiba si Serina sa kinikilos nila ni Nathan. "Okay sige iiwan ko na kayong dalawa." Paalam na nito.
Gustung-gusto na sana niyang tumayo para humabol sa kaibigan pero mabilis na sinarado ni Nathan ang pinto ng opisina niya pagkalabas na pagkalabas ni Serina. Hindi na niya ito maiiwasan. Pero alam naman niyang sooner or later ay kailangan niya itong harapin.
Maupo ka muna. Aya niya dito. Pero hindi ito umupo. Nakatingin lang ito sa kanya. His accusing eyes making her feel like a criminal.
"Bakit ka umalis ng walang paalam? walang ligoy na tanong agad nito.
"Natutulog ka..."
"Liezel cut the crap. Putol agad nito sa kanya.
Bumuntunghininga siya "Ano bang gusto mong sabihin ko? Hindi mo ba nakikita kung gaanong ka- awkward ang sitwasyon natin ngayon. The truth is I dont even know what to tell you. So i left." Pag-amin niya dito.
"Hindi mo ako puwede basta iwan na lang like some jilted lover."
"Look Nathan may nangyari sa atin but were not lovers okay. Lets get that straight. Lasing ka medyo nakainom din ako. Its a one night stand. So please lets not talk about it anymore."
"As far as I am concern what happened between us is serious. May nangyari sa atin. At dahil may nangyari sa atin wala kang choice kung hindi makipag-usap sa akin.
May nangyari na nga. halos pasigaw na niyang sagot dito. "Kailangan mo pa bang ulit-ulitin? naiinis na siya dito. Hindi pa ba nito nahahalata ang discomfort niya? O siguro nananadya ito dahil sa pag-eskapo niya.
Medyo tinaasan siya ng kilay nito. At balewalang ipinatong ang dalawang kamay sa mesa niya as he leans towards her. "Liezel may nangyari sa atin. We had sex and honestly I dont mind repeating the word or the act." Namula yata ang buong katawan niya sa sinabi nito. Hes not getting her off the hook that easy.
Fine you win. I'm sorry sa ginawa kung pang-iiwan sayo. Pero I cant believe youare acting like this. Hindi ba dapat masaya ka na Im not making a big deal out of this whole situation.
"Im sorry if im making a big deal out of something this serious." Sarkastiko nang sagot nito sa kanya.
"Nathan im fine okay.Kagustuhan ko rin yon kaya you dont have to feel guilty or anything. Wala kang responsibilidad sa akin"
"Maybe youre right I do feel guilty. Hindi ako nag-iisip. Padalos-dalos ako." Sagot nito.
"So nagsisisi ka na? siya naman ang medyo nasaktan sa mga sinabi nito.
"Dont get me wrong Liezel. I'm just thinking about the consequences. I didn't use protection. Paalala nito.
And that's when it all dawned on her. Sa sobrang panic niya kanina sa ginawang pagtakas ni hindi niya agad naisip ang mas malaking problema na puwede niyang harapin. Puwede nga siyang mabuntis.
I-isang beses lang naman nangyari kaya malamang walang nabuo. Kahit siya ay hindi kumbinsido sa nasabi.
"Just to make sure, you need to consult an OB o bumili ka sa drugstore nung ginagamit para malaman kung buntis ka."
"Paano kung buntis nga ako? kinakabahan na niyang tanong dito.
"Then were going to be parents." Walang gatol na sagot nito.