Nagulat si Liezel nang maabutan niya si Andrea sa loob ng opisina niya pagkatapos ng kanyang lunch break. Hindi niya alam na nakabalik na pala ito. Two days ago ay nag-email na siya dito tungkol sa kalagayan niya.
"Andrea, kailan ka pa dumating?" mahigpit niya itong niyakap.
"Kagabi lang. Buti na lang nagpadala ka sa akin ng message dahil sa totoo lang gusto ko pang tagalan ang bakasyon ko."
"Buti naman at natanggap mo ang email ko."
"Yup medyo nagulat din ako. Ilang buwan lang akong nawala ang dami nang nangyari."
"Gusto ko nga sanang sabihin sayo ng harapan kaya lang hindi ko nga alam kung kailan pa ang balik mo eh ayaw ko namang abutan pa ako ng panganganak ng hindi nasasabi sayo. Sana hindi ka galit sa akin o kay Nathan."
"Puwede ba naman akong magalit sayo. Tsaka mas una naman akong nakahanap ng ipapalit. Magiging bitter pa ba naman ako sa inyo ni Nathan."
"Salamat sa pag-intindi."
"No worries. So kailan ang kasal ninyo?"
"Hindi kami ikakasal."
"Hindi ka pa niya inaaya? Ang bagal talaga ng lalaking yun kahit kailan."
"He already asked but i said no."
"At bakit naman? takang tanong nito.
"Ayokong magpakasal sa taong hindi naman ako mahal."
"Youre kidding me right?" hindi ito makapaniwala sa pasya niya.
"Alam mo naman ang nangyari sa parents ko di ba. Nagpakasal sila dahil nabuntis ang mother ko kaya ayun parehas silang nagsisi, nagsumbatan hanggang sa maghiwalay na lang sila. Ayokong mangyari sa amin yun ni Nathan. Mas mabuti nang ganito magkaibigan na lang kami. Walang expectation so walang disappointment." Paliwanag niya dito.
"So hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?
"I dont think so."
"Kahit sabihin pa niyang mahal ka niya?
"Hindi na mangyayari yon."
"Huwag ka munang magsalita ng tapos pag-isipan mo muna."
"Pareho talaga kayo ni Serina mag-isip.
We just want the best for you. Kaya pag-isipan mong mabuti yang desisyon mo. Okay sige I have to go. Alam ko namang busy ka kaya hindi muna ako mag-aayang lumabas."
"Salamat sa pag-intindi Andrea. Ill be free tomorrow. Patapos na itong pag screen ko ng mga aplikante kaya puwede tayong mag-usap ng mas matagal bukas."
Okay aasahan ko yan. Dont forget to call okay
"Dont worry I won't forget. Niyakap niya uli ito bago ito tuluyang lumabas ng opisina niya.
Isang Pagkaalis ni Andrea ay pumasok naman ang sekretarya niya.
"Maam my delivery po para sa inyo."
Isang brown envelope na may nakalagay pang confidential ang inabot nito sa kanya. Wala naman siyang iniexpect na delivery.
"Sige salamat." Nang lumabas ang sekretarya niya ay tiningnan niya ang envelope. Wala naman itong return address. Dahil medyo curious siya sa laman ay binuksan na rin niya iyon.
Isang application letter at resume ang laman ng envelope. Pero ang mas kinagulat niya ay ang posisyon at kung sino ang nag-aapply.
Nathan Rafael Vergara she read the name aloud as instructed sa letter.
At doon bigla siyang may narinig na katok.
"Tuloy." Bigla siyang kinabahan.
Gaya ng inaasahan si Nathan ang bumungad sa kanya. Para itong magbebenta ng insurance sa itsura. Naka black slack pants ito white polo black necktie at black shoes. Kulang na lang ay attache case.
"Good afternoon Miss Liezel Dominguez balak ko sanang mag-apply."
"Ano namang kalokohan ito Nathan?" kunyari ay naiinis niyang tanong dito but she couldnt hide her smile.
"Gusto ko sanang mag-apply para maging asawa mo. Hindi ko pa naexperience ang magpakasal pero i think ill make a good husband." Punong-puno ng confidence ang boses nito. Mukhang nagpractice.
She was amused kaya sinakyan niya ang trip nito
"And what made you think youll be a good husband."
"As you can see on my resume, stable ang income ko. Meron na rin akong sariling bahay at lupa. Marunong na rin akong magluto ngayon at higit sa lahat loyal at honest ako not to mention guwapo. Im the perfect guy for you." Nakangiti nitong sagot.
"May kayabangan ka rin talaga."
"Nagsasabi lang ng totoo." He even winked at her.
Napailing siya sa ginawi nito. Kung nagbebenta siguro talaga ito ng insurance o kahit na anong produkto ay magiging high rollers ito. Ngiti pa lang mapapa-oo na kahit sino. Kailangan man nila o hindi ang produkto.
At dahil kahit noon naman eh hindi siya immune sa kaguwapuhan nito ay parang gusto nang kumanta ng Here Comes the Bride ang puso niya. Kulang na lang ay kalembang ng kampana. She could almost imagine him waiting for her habang naglalakad siya sa napakahabang aisle ng simbahan in her wedding dress.
Napakurap siya sa naisip. Kakainin na lang ba niya ang pride niya para dito?
"Sigurado ka ba talaga na gusto mo ito?" seryoso niyang tanong dito. She needs to stop day dreaming and stay focus.
"As sure as Im standing here." Seryoso rin nitong sagot.
Binasa niya uli ang resume nito. Pagkatapos ay tiningnan ito ng mabuti. Hes no longer smiling. Diretso na rin itong nakataingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya. I guess we could try.
"Sandali ibig sabihin pumapayag ka na?" kita ang tuwa sa mukha nito.
"Yes pero we still need to think things over. Lets talk about marriage pagkatapos kung manganak. That would be enough time na makapagdesisyon kung talagang gusto nating magpakasal. Feel free to back out kung gusto mo. No pressure."
"I'll take it. Hindi ka magsisisi. Ill do my best to make you happy Liezel."
"Masaya na akong nandito ka sa tabi ko." gusto niyang sabihin iyon dito pero hindi niya ginawa. Instead ay itinaboy muna niya ito.
"Sige na kailangan mo nang umalis may darating pang mga aplikante na kailangang ma-interview."
Mukhang hindi naman sumama ang loob nito sa ginawa niyang pagpapaalis dito. Hindi pa rin kasi nawawala ang ngiti nito sa labi.
If she doesnt know any better iisipin niyang baka nga tama si Serina na baka nga mahal na siya nito. Pero imposible namang mawala na lang basta ang pagmamahal nito kay Andrea overnight at siya ang biglang ipalit.
Alam niya sa sariling imposibleng mangyari yun dahil ilang beses niyang tinangkang palitan ito sa puso niya noon pero lahat ng effort niya nabigo. Pagdating sa damdamin nito para sa kanya it was all wishful thinking.
"Ano pang hinihintay mo? Tanong niya dito ng hindi pa rin ito umalis.
"Wala bang kiss para sa future husband mo?" Biro pa nito.
Medyo sinimangutan niya ito. Youre pushing your luck Nathan.
"Well you cant blame the man for trying. Mukha kasing good mood ka baka kako makaisa."
"Hindi ka na makakaisa sa akin, Nathan."
"We'll see." Nakangiti pa rin ito. "Oo nga pala pupunta ako bukas sa Cebu. May titingnan akong construction site. Anong gusto mong pasalubong?"
"Kahit ano na lang." she tried to ignore his flirtatious smile.
"Sige ako nang bahala. Huwag kang masyadong magpapagod ah."
"Oo na sige na umalis ka na." masyado na naman itong nagiging guwapo sa paningin niya. Baka nga mamaya ay makaisa na naman ito.
Hindi naman na ito nagpumilit pang magtagal lumabas na rin ito ng opisina.
Naiwan siyang binabasa ang resume nito. Siguro nga tama si Serina their marriage might have a chance to work. Magkasundo sila nito sa maraming bagay. Matagal na silang magkaibigan and who knows maybe she and Nathan are meant to be together.
Hahayaan na uli niyang mabuhay ang pag-asa sa puso niya. Ang pag-asang mamahalin din siya nito nang higit sa pagiging kaibigan lang.
Katulad ng naipangako ni Liezel sa mga kaibigan ay tinawagan niya ang mga ito at inayang kumain sa labas. Si Nathan naman ay kakatawag lang din sa kanya para magpaalam at magbilin na naman ng kung anu-ano.
Lunch ang usapan nilang magkikitang magkakaibigan.
Siya ang huling dumating medyo masakit kasi ang likod niya kaninang umaga na marahil ay medyo nangawit dahil sa trabaho kahapon.
"Hay naku Liezel as usual late ka naman sa usapan." reklamo ni Serina. Mukhang gutom na ito.
"Pagbigyan nyo na ako buntis naman."
"Hello two months pa lang yang tyan mo. Ni hindi pa nga halata. Tsaka kahit noon naman lagi kang late dumating."
"O sige na para mawala na ang inis nyo ako na ang taya."
"Wow himala manlilibre. Mukhang good mood ka ngayon. May nangyari ba?" Tanong ni Andrea.
"I decided na magpakasal na kay Nathan." Nakangiting balita niya sa mga ito.
"Oh my God congratulation girl. Akala namin hindi na babaluktot ang prinsipyo mong yan. Buti na lang at mukhang mas matibay ang tawag ng pag-ibig."
"I realized tama naman kayo. Bakit ba ako magmamatigas pa eh mahal ko naman talaga siya."
"Ay naku umamin ka na rin sa wakas. This calls for a celebration. Remember ikaw ang taya."
Tatawagin na sana niya ang waiter nang biglang sumakit ang tiyan niya.
"Anong nangyayari sayo? Okay ka lang." nag-aalalang tanong ng dalawa.
"May cramps yata ako." Sinubukan niyang tumayo pero lalong sumakit ang tiyan niya.
"Ang sakit."
"Wait dadalhin ka namin sa doktor. Inalalayan na siya ni Serina na tumayo.
"Oh my God you're bleeding. Im going to call an ambulance." nagmamadaling tumawag sa pinakamalapit na ospital si Andrea.
Ilang sandali pa at may dumating ng ambulansiya at dinala na siya sa ospital. Hindi na niya alam ang sumunod na pangyayari pagkatapos siyang isakay sa ambulansiya. Nagising na lang siya sa ospital.
"Anong nangyari?" tanong niya sa mga kaibigan. Malungkot lang ang mga itong nakatingin sa kanya. Hindi makapagsalita.
Bigla siyang kinabahan. "Kumusta ang anak ko?" kinakabahan niyang tanong sa mga ito.
Nagkatinginan muna ang mga ito bago nagsalita si Andrea. "Im sorry Liezel pero you had a miscarriage."
"Oh my God." Pakiramdam niya sa isang iglap ay gumuho ang mundo niya. Kanina lang ang saya-saya niya. Everything was doing fine. Pagkatapos bigla na lang wala na ang pinagbubuntis niya.
Napaiyak siya sa sobrang sama ng loob. Kung kailan tanggap na niya ng buong puso na magiging ina na siya. Naghahanda na nga siya ng ipapangalan niya sa baby. Kung babae she would name her Lyka at kung lalaki isusunod niya sa pangalan ni Nathan.
Bigla niyang naalala si Nathan.
"Si Nathan?" Balewala niyang tanong sa mga kaibigan.
"Tinawagan na namin siya. Kumuha na siya ng flight pabalik galing Cebu. Kaya lang baka magkaroon ng delay dahil malakas ang ulan. Baka mamaya pa siya makarating." inform sa kanya ni Serina.
"Kasalanan ko ito." sisi niya sa sarili.
"Ano ka ba Liezel. Wala kang kasalanan." Alo sa kanya ni Serina
"Hindi ako nag-ingat. Sinabi na sa akin ni Nathan na maglie low muna ako sa trabaho pero hindi ko ginawa. Its all my fault." Halos histerikal na siya sa pag-iyak.
Niyakap siya ng mga kaibigan pero hindi mapagaan ng mga ito ang loob. She just cant stop crying.
Sa ganoong sitwasyon siya inabutan ni Nathan.
"Whats going on?" tanong nito habang kita ang pag-aalala sa mukha nito.
Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak habang yakap siya ng mga kaibigan.
Andrea break the news to him. "Nakunan siya, Nathan."
Kitang-kita niya ang lungkot at disappointment sa mukha nito. Tiningnan siya nito. But he didnt approached her instead he left the room.
Lalong bumigat ang pakiramdam niya. Siguradong galit ito sa kanya dahil sa nangyari.
Sa labas ng silid ay doon nilabas lahat ni Nathan ang sama ng loob. Gusto niyang sumigaw at magwala. Hindi siya dapat umalis papuntang Cebu. Dapat sinamahan na lang niya si liezel. Sana may nagawa man lang siya para dito.
"Nathan nag-alalang lumapit sa kanya si Andrea. "Ayos ka lang ba?"
Inayos niya ang sarili. "Im fine. Kumusta si Liezel?"
"Shes okay kailangan lang siyang bigyan ng pampakalma. Tulog na siya ngayon."
"Dapat nasa tabi niya ako. But i was afraid na mas mauna pa akong magbreakdown kesa sa kanya." pag-amin niya dito. Sigurado siyang sobrang sama ng loob nito sa pagkawala ng anak nila. But hes just thankful shes safe.
Pinuntahan na niya ito. Tulog na nga ito. She look so pale and small at halata na galing lang ito sa sobrang pag-iyak." Hinawakan niya ang kamay nito.
"I'm sorry kung wala ako sa tabi mo nung kailangan mo ako. Hindi ko alam kung anung gagawin ko kung may nangyaring masama sayo. Im really sorry Liezel." Bulong niya dito. nagsisising pumunta pa siya sa Cebu.
Ilang oras din siyang nagbantay dito. Hanggang sa makabalik si Serina ay hindi pa rin siya umalis sa tabi nito.
"Nathan hindi ka pa ba uuwi? Limang oras ka nang nagbabantay dito ah. I think you should go home. Hindi ka pa yata nakakapagpalit. Ako muna ang magbabantay kay Liezel."
Medyo masakit na nga ang ulo niya.
Pagkalanding niya sa Cebu ay naghanap agad siya ng flight pabalik nang mabasa niya ang text ni Andrea na sinugod nga si Liezel sa ospital. Hindi pa rin siya nakakakain. He hates hospital and airline food."
"Okay sige kukuha lang ako ng pamalit sa bahay. Babalik ako agad. Pakitawagan mo na rin ako kapag nagising na si Liezel." Bilin niya dito.
"Of course huwag kang mag-alala. Go home eat and take a shower."
Kahit nag-aalangan ay umalis na rin siya.
Isang oras pa ay nagising na rin si Liezel. Mas maayos na ang pakiramdam niya at medyo kalmado na rin siya. Naramdaman niya kanina si Nathan pero ngayong nagising na siya ay wala naman pala ito. Si Serina lang ang nagbabantay sa kanya.
Tinawag naman agad nito ang nurse nang magising siya.
"Mas okay na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala pa ring tanong nito. Natatakot sigurong magkaroon na naman siya ng emotional breakdown.
"Okay na ako. Gusto ko nang umuwi."
"Sandali hindi ka pa kiniclear ng doctor."
"Ayoko nang magtagal dito sa hospital Serina."
"Sandali tatawagan ko lang si Nathan."
"Serina please huwag mo na siyang tawagan I dont want to see him."
"Ano ka ba. Alalang-alala sayo yung tao."
"Ayoko nang madagdagan pa ang hirap ng loob ko. Please huwag mo na siyang papuntahin dito."
"Okay sige sasabihan ko na lang siyang huwag munang pumunta dito sa ospital. Kaya bukas ka na lang magpadischarge Liezel." Nakikiusap na ang boses nito sa kanya.
"Fine, bukas na lang ako uuwi. But please iwan mo muna ako gusto kung mag-isa."
Wala itong magawa kung hindi ang lumabas ng silid niya.