Ilang araw pa lang pagkatapos maospital ni Liezel ay binalak niya agad na bumalik sa trabaho. Pero pinigilan siya nina Serina at Andrea na halos araw-araw dumadalaw sa kanya.
Nathan also tried his best na makausap siya pero hindi pa rin niya ito kayang makita. Pakiramdm niya na kung makakausap niya ito ay hindi niya kakayanin.
Sinisisi pa rin niya ang sarili kahit sinabi na ng doktor na nagkaroon ng problema sa development ng feutus which caused the miscarriage. Hindi rin mawala sa isip niya ang disappointment sa mukha ni Nathan ng malaman nitong nakunan siya. At nakadagdag yon sa sakit na naramdaman niya ngayon.
Hindi niya akalaing na ganito siya sobrang masasaktan. Katulad ng relasyon nila ni Nathan alam niyang things will never be the same again ngayong wala na ang pinagbubuntis niya. Alam niyang may kulang na parang may nabawas sa pagkatao niya at hindi na iyon maibabalik pa.
Pero kailangan niyang bumalik sa dati atleast on the surface. Maraming taong nag-aalala sa kanya. Kahit ang Mama niya na minsan na lang tumatawag ay biglang nakipagcommunicate sa kanya. Even her Dad decided to call.
She appreciates their concern pero ayaw niyang ipakitang masyado pa rin siyang naapektuhan ng mga nangyari. Kaya niyang mag-isa yun ang mantra niya.
Dahil ilang araw na rin siyang hindi lumalabas ng bahay she decided to jog away her boredom.
Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw ay gumising na siya at naghanda. Wala pang araw pero dahil safe naman ang loob ng subdivision ay hindi naman siya nababahalang maglakad kahit mag-isa lang siya. May mga nagjojogging na rin naman ng madaling araw kaya kahit papaano ay may mga kasabay siya.
Nang malibot na niya ang buong subdivision ay medyo gumaan ang pakiramdaam niya. Nakakaalis din kasi ng stress ang pagpapawis. Pasikat na ang araw nang mapagpasyahan niyang umuwi na. Pabalik na siya ng may natanawan siya sa harapan ng gate ng bahay niya.
It was Nathan. Mukhang kanina pa ito naghihintay. He was looking at her direction kaya hindi na niya puwede pa itong pagtaguan. Napilitan na siyang lumapit dito.
Mukha itong haggard at parang ilang araw nang hindi nagshave.
"Buti naman at lumabas ka na ng bahay. Mukhang bumalik na rin ang kulay mo." simula nito. He looked kind of uneasy.
"Anong ginagawa mo dito?" walang ganang tanong niya dito
"Gusto lang kitang kamustahin."
"Okay lang ako." Binuksan na niya ang gate. Wala siyang balak na papasukin ito. Tuluyan na sana siyang papasok nang magsalita uli ito.
"Ganito na lang ba tayo lagi Liezel? Mag-iiwasan at magkukunwaring walang nangyari?"
Huminga muna siya ng malalim bago niya ito muling hinarap. "Naalala mo ba Nathan yung sinabi ko sayo bago ko nalaman na buntis ako? I said na hindi na tayo puwedeng maging magkaibigan."
"I'm not accepting that. Hindi mo puwedeng itapon na lang ang pagkakaibigan natin natin."
"Ano pa ba ang gusto mo sa akin Nathan? Bakit ba ayaw mo pa akong tantanan? Wala ka naman nang hahabulin sa akin. Hindi na ako buntis. Nawala na ang anak ko." she tried to sound calm pero hindi pa rin niya maiwasang maging emosyonal. She doesnt want to talk about her miscarriage lalo na dito.
"Hindi lang naman ikaw ang nawalan, Liezel."
"So ano ang gusto mong gawin natin ha Nathan? Console each other? Pagkatapos ano? Stay as friends?" she wanted to cry pero kahit luha parang ayaw nang lumabas sa kanya.
"Liezel." Ang nasambit na lamang nito.
"Hindi ko na kaya Nathan. Kung kaya mong magpretend habang buhay na okay lang ang lahat ikaw na lang dahil ako Im done with all this shit. Kaya puwede lang umalis ka na." Tuluyan na niyang sinarado ang gate at nagmamadaling pumasok sa bahay.
Parang talunang sundalo na umalis si Nathan. Ilang araw din niyang inabangan ang paglabas ni Liezel pero wala naman siyang nasabi dito. Honestly he was also lost. Hindi niya alam kung paano maibabalik ang dating relasyon nila.
Noong isang Linggo lang akala niya ay ayos na ang lahat. She already agreed to marry him pero ngayon ano pa ang dahilan nito para magpakasal ito sa kanya. He no longer has any claim on her.
Hes losing her and he couldnt do anything about it. And maybe shes right baka nga wala ng puwede pang isalba sa relasyon nila. At kung ano mang meron sila ay kasama nang nawala kasabay ng pagkawala ng sana ay magiging anak nila.
Dahil wala naman siyang makakausap ay tinawagan na lamang niya ang kaibigang si Bernie. Pinuntahan naman agad siya nito sa isang bar na ilang araw na rin niyang gabi-gabing pinupuntahan.
"Bago ka umalis papuntang cebu youre on a celebratory mood ngayon naman para kang namatayan." komento agad nito pagdating.
"Ang totoo namatayan talaga ako. Nakunan si Liezel. Ngayon lang siya nag-open dito sa nangyari.
"I'm sorry to hear that. Kamusta na si Liezel? How was she taking it?
"I dont know. She doesnt want me to know. Kasama nang pagkawala ng anak namin naglaho na rin whatever relationship we have build over the years.
"Shes grieving give it time. Maaayos din ang lahat." payo nito.
"Hindi ko alam pare. I was hoping nasa sana madamayan namin ang isat-isa. Pero lalo lang kaming nagkakalayo. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang isuko na lang kasi baka doon siya maging masaya. Its like the more I fight for our friendship the more it slips away. I dont even know what to do anymore.
"So youre giving her up?"
Napalingon si Nathan sa nagsalita.
"Andrea, anong ginagawa mo dito?
"Iwan ko muna kayo." mabilis na lumayo si Bernie sa kanilang dalawa.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Its easy kung iisang lugar lang naman ang lagi mong pinupuntahan these past few days. Parokyano nga siya ng lugar na ito. Nung magbreak sila nito noon ay dito rin ang tambayan niya. Hindi pa sila nakakapag-usap ng masinsinan nito mula ng magbreak sila.
"I cant believe na sumusuko ka na agad." Pagpapatuloy nito.
"If letting her go is the only way to make her happy then Im willing to do it."
"Duwag ka lang at yun ang totoo. Hanggang kailan ka magtatago sa katotohanan ha Nathan? So whats the point of breaking up with me kung hindi mo siya hahabulin."
Ginawa ko na ang lahat, Andrea."
"Kung totoo yang sinasabi mo bakit ganito ang nangyayari sa inyo?"
"Honestly i dont know."
Then you have to figure it out. At hindi mo yon magagawa by contemplating retreat. Totoong may mga pagkakataon na mas maganda ang sumuko na lang at magparaya pero believe me Nathan hindi ito ang pagkakataon na yon.
Pumikit muna siya sandali at hinagod ang hindi pa niya nasusuklay na buhok. Youre right duwag nga ako and for years I havent figured out anything.
"Sinungaling. Matagal mo ng alam kung ano ang nararamdaman mo ayaw mo lang harapin. Gusto mo bang malaman ang totoong dahilan kung bakit I rejected your marriage proposal?
So tama ang hinala ko na hindi lang dahil sa trabaho.
"Nakita ko sa likod ng larawan natin yung picture ni Liezel nung maiwan mo yung wallet mo sa bahay namin one week before you proposed. Alam mo dun ko narealized na niloloko ko lang pala ang sarili ko all these years. Na nagpapanggap lang pala talaga tayong dalawa. Ikaw nagpapanggap na mahal ako at ako naman nagpapanggap na hindi ko alam na si Liezel talaga ang mahal mo. There was a hint of bitterness in her voice.
"I'm sorry Andrea. Im sorry for hurting you. He feel like an asshole.
"Kasalanan ko rin naman dahil hanggang sa huli kahit alam ko na ang totoo ni hindi ko magawang makipaghiwalay sayo. I felt relieve ng ikaw na ang tuluyang tumapos ng relasyon natin. Dahil that time hindi ko pa rin kaya. Kaya nga hindi kita agad kinompronta. But now im more than ready to let go. So don't be sorry dahil okay na ako Nathan. Pinakita pa nito ang engagement ring sa palasingsingan nito.
" Oo nga pala mas maganda nga pala ang lovelife mo sa ngayon. Masaya siya na nakakita na ito ng lalaking mamahalin. She deserves to be loved nang walang kahati.
Well then you better start working on your happiness. And one last advice please go home ayusin mo ang sarili mo. Hindi ka na mukhang matinee idol sa itsura mo. Baka lalo kang hindi harapin ni Liezel niyan."
"Yeah, kahapon pa nga ako huling nagshower. Pag-amin niya dito. Sige uuwi na ako."
"Salamat uli. At sana maging magkaibigan pa rin tayo."
"Ofcourse Nginitian pa siya nito bago siya umalis."
Nang makalabas na si Nathan ay umupo si Andrea sa stool and order a drink. Pagkatapos maubos ang inorder ay tumayo na ito.
Papalabas na ito ng bar ng habulin ito ng bartender.
"Miss naiwan mo yung singsing mo." Ang engagement ring na ibinandera nito kanina kay Nathan.
"Iniwan ko talaga yan. Sayo na lang." She smiled bitterly to herself at pagkatapos ay walang ingay na umalis.
Hanggang sa huli nagpakamartir siya.