Kahit pagod na at puyat ay hindi pa rin tinitigilan ni Liezel ang pagtanggap ng mga bagong application. Isang buwan nang nakabalik ang pinsan niya mula sa honeymoon nito pero hindi pa rin siya nagpapaawat sa pagtatrabaho.
Kailangan niyang lumimot. Kahit hindi niya aminin ay masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng hindi pa man niya naisisilang niyang sanggol. Hindi sapat ang paglayo niya kay Nathan para tuluyang mawala ang sakit. May mga gabing tinitingnan pa rin niya ang kanyang tiyan. Hindi niya akalaing didibdibin niya ng husto ang pagkawala ng anak niya. Pero tapos na ang pagluluksa hindi na siya puwede pang lamunin ng kalungkutan.
Halos maghahatinggabi na nang makauwi si Liezel. Gabi-gabi ay yun ang ginagawa niya. Umuuwi siyang pagod na pagod para hindi na siya makapag-isip at diretsong tulog na lamang siya. Its her way of brushing off the pain. Sometimes it works pero kadalasan nahihirapan pa rin siyang makatulog.
Ngayong physically ay ayos na siya ay balik na naman siya sa kanyang pag-iisa. Hindi siya puwedeng araw-araw na lang ay inaaalala ng mga kaibigan. Pero aaminin niyang kung wala ang mga ito ay hindi niya alam kung anong puwedeng mangyari sa kanya emotionally.
Back then she was proud of her independence pero ngayon ramdam na ramdam niya ang kalungkutan. Her life is as quiet and as empty as her house.
Pagkapasok niya ay binuksan niya agad ang ilaw. Madalas ay dumideretso na siya agad sa kusina o kung talagang pagod na siya ay sa kuwarto. Ngayon ay gusto na lamang niyang matulog.
"Buti naman dumating ka na."
Muntikan na siyang mapasigaw sa gulat. Buti na lamang at natakpan niya ang bibig.
Si Nathan ang nagsalita. Hindi niya agad ito napansin.
"Papaano kang nakapasok sa bahay ko?" Mukhang kanina pa ito nakaupo sa salas niya at hinihintay ang pagdating niya.
"I use a bit of ingenuity. Alam mo dapat baguhin mo na ang lock ng pinto mo dahil siguradong madali kang mapapasok ng magnanakaw. And by the way may nakita akong beer sa fridge ininom ko na habang naghihintay sayo."
"Ano bang ginagawa mo dito?"
"Ano pa nga ba ang pakay ko kundi ang makipag-usap sayo."
"Wala naman na tayong pag-uusapan pa."
"Yan ang hirap sa ating dalawa palaging pakiramdaman. Hindi natin masabi kung ano ba talaga ang nasa isip natin. Ganoon lang ba kadali sayong itapon ang lahat ha Liezel? All these years nagkukunwari lang ba talaga tayo? Lahat ba ng pinakita natin sa isat-isa hindi totoo. At paano yung pagpayag mo na magpakasal sa akin. Ano yun ililipad na lang ng hangin?"
"Ano pa ba ang gusto mo Nathan? Wala nang nag-uugnay sa ating dalawa. Wala nang dahilan para ipagpatuloy pa kung ano mang relasyon meron tayo. Ni hindi ko nga masasabing relasyon ang mayroon tayo. It was an agreement na wala ng bisa."
"Isa yung pangako Liezel. At seryoso ako nung sinabi kung gusto kitang pakasalan."
"Alam ko, pero yung dahilan wala na. Wala ka nang responsibilidad sa akin. Kaya puwede ba huwag mo na akong pahirapan. Lets just move on." pakiusap na niya dito.
"Hindi mo ba ako minahal kahit konti? Kahit konti lang." biglang tanong nito.
Nagulat siya sa tanong na iyon. Kahit hindi naman niya masabi dito ang damdamin hindi pa ba sapat ang mga ginawa niya para ipakita ang pagmamahal niya para dito. Ganito ba talaga ito kaclueless sa nararamdaman niya?
"Ano bang pinagsasabi mo? Walang kinalaman dito ang pagmamahal Nathan.
"Paanong walang kinalaman? Yun ang dahilan kung bakit gusto kitang pakasalan. Pagmamahal ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Mahal kita Liezel at di ba ikaw na rin ang nagsabi you always try and see if a relationship could work. So bakit hindi mo subukan sa akin? Sa atin? Liezel im just asking for a chance."
"Anong sabi mo?" Hindi niya makapaniwalang tanong dito.
Nalito naman ito sa pagtatanong niya.
"I-i said..."
"Sinabi mo bang mahal mo ako?" putol niya dito. Puwede ba Nathan para sayo isa lang akong panakip butas.she always assume na ang pagmamahal nito sa kanya ay hindi lalagpas sa pagkakaibigan. But why is he asking so much from her? Iniisip na ba nitong desperado na siya?
Tinitigan siya nito his eyes mirroring her confusion. Pero ilang saglit lang ay nagsalita uli ito.
"Nung araw na ibinalita sa akin ni Roland na sinagot mo na siya. It took all my strength to just smile and congratulate him. Nung gabing maghiwalay kayo I wanted to tell you na sana hindi ko na lang hinayaan na mapunta ka sa kanya na sana inamin ko na lang na gusto kita na mahal kita. Na sana naghintay na lang ako kahit gaano katagal. But i was already with Andrea and i was already being unfair to her for wanting you samantalang siya ang girlfriend ko. I was desperate back then to forget you dahil akala ko yun ang dapat kung gawin. Pero paano ko nga ba naman matututunang kalimutan ang isang taong kahit kailan naman hindi ko magagawang iwan. Hindi ka naging panakip butas dahil sa umpisa pa lang ikaw na ang laman ng puso. Sinubukan ko na ibaling ang pagmamahal ko kay Andrea pero hindi ko nagawa. Ang nangyari lang eh nasaktan ko siya pati na rin ikaw. I have secretly loved you all these years at hindi yon nabago dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita.
Masyado siyang nagulat sa mahabang confession nito na hindi siya agad nakapagsalita. Sa tagal ng panahon pareho lang pala sila ng nararamdaman nito.
Nang mapansin nito ang patuloy niyang pagkalito ay lumapit ito sa kanya at walang seremonyang hinalikan siya nito sa labi. Puno yun ng pananabik. His kiss was so intense like hes trying to remove all her doubts. And she couldnt help but answer with the same fervor.
Medyo nanghinayang pa siya ng itigil nito ang paghalik sa kanya.
"Seryoso ka pala talaga nung sinabi mong gusto mong subukan nating maging higit pa sa magkaibigan. Akala ko kasi dala lang yon ng kalasingan pati yung nangyari sa atin.
"Kung hindi pa ako nalasing nun malamang hindi pa ako umamin na I want us to be more than friends. Im sorry kung naduwag ako."
"Baka naman kaya mo lang sinasabi ngayong mahal mo ako dahil nakainom ka." kunyari ay may pagdududa niyang tanong dito.
"Kalahating bote lang ng beer ang ininom ko pampalakas loob. Hindi naman yun nakakalasing. But just to be sure I could spend the night here. Siguradong bukas wala na ang tama ng alak sa akin." he seductively smiled at her.
"Ano ka sinuswerte akala mo makakaisa ka uli sa akin?"
"Well yun sana ang gagawin kung Plan B kung hindi uubra ang Plan A. Aakitin kita and make you admit na mahal mo rin ako.
"Hindi mo na yun kailangang gawin pa dahil pareho lang tayo ng nararamdaman. Noon pa man mahal na rin kita. At pinapatawad ko na ang pagiging dense at mabagal mo." sagot niya dito.
"Dont worry Ill make it up to you. Pupunuan ko lahat ng mga nasayang na panahon. At sisimulan ko yon ngayon pa lang." he seductively put his arms around her and gently pull her towards him.
"Sandali umubra na yung Plan A bakit gusto mo pang tumalon sa Plan B?"
"Plan C na ito para siguradong hindi na magbago ang isip mo. Makawala ka pa." Pagkatapos ay niyakap siya uli nito ng mahigpit and they shared another passionate kiss.