Chereads / Always Yours Forever / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Isang nakangiting Nathan ang sumilip sa medyo nakabukas na pinto ni Liezel sa opisina.

"Puwede bang pumasok? I hope you're not that busy." Paalam nito sa kanya

"Hindi naman ako masyadong busy may tinatapos lang ako na report."

"Malapit nang maglunch. Tandaan bawal magpalipas ng gutom." Paalala nito.

"Medyo tinatamad kasi akong lumabas." Dahilan niya dito. "Magpapabili na lang ako ng take-out. "Ikaw kumain ka na ba?" tanong niya dito.

"Ang totoo gusto sana kitang yayain maglunch sa labas. Pero dahil may tinatapos ka pa i guess tsaka na lang."

"Ikaw bakit parang hindi ka busy. Di ka ba hinahanap sa site? Ang alam niya ay may tinatayo itong condo sa Alabang.

"Lunch break ko. Ito may pasalubong ako sayo. Inabot nito sa kanya ang isang brown paper bag.

"Ano na naman ito?" Kahapon ay nagpadala ito ng prutas sa bahay niya. At nung isang araw naman eh cd ng mga classical music. Pampaalis daw ng stress.

Nang buksan niya ang supot tatlong pirasong siopao ang laman non.

"Thanks pero di ka na dapat nag-abala." Naalala pa rin pala nito.

"Sigurado akong magugustuhan mo yan. Sige na tikman mo na."

Dahil mapilit ito ay tinikman niya yung isa.

Gulat siyang napatingin dito at pagkatapos ay kumagat uli siya sa siopao na parang hindi makapaniwala. "Ito yun itong-ito yung lasa. Akala ko ba nagsara na yung tindahan ng siopao? Pero hindi siya puwedeng magkamali. Hinanap talaga nito yung kinicrave nyang siopao.

"Nagsara na nga sila pero nagbukas uli, sa ibang lugar na nga lang. Nagtanong-tanong ako at nalaman ko kung nasaan yung bagong puwesto nila. Namatay na si Aling Soledad yung original na gumagawa ng siopao na yan pero buti na lang naipasa niya sa anak niya yung recipe." Kuwento nito.

"So ibig sabihin bumalik ka pa talaga sa dati nating university para lang magtanong at maghanap?" Alam niya na thoughtful ito at sweet pero hindi niya akalaing seseryosohin nito ng husto ang request niya.

"Hindi raw kasi magandang hindi napagbibigyan ang buntis." nakangiting sagot nito.

"Salamat." for some weird reason ay naging emotional siya. Parang pakiramdam niya ay maiiyak siya sa tuwa.

"Hey siopao lang yan. Hindi naman yan house and lot o plane ticket papuntang Europe."

"Masaya lang ako. Ang tagal ko na kasi itong hindi natitikman."

Ang gusto talaga niyang sabihin dito ay namiss niya ang mga maliliit at sweet na bagay na ginagawa nito para sa kanya noon. Isang aspeto ng pagkakaibigan nila na nawala dahil parang hindi naman tama na gawin nito iyon gayong may kasintahan ito.

Di ba sabi ko nga just tell me what you want.

"Bakit kapag hiningi ko ba ibibigay mo? naghahamong tanong niya dito.

Basta ba kaya ko. Kahit noon naman malakas ka na sa akin. Lalo na ngayon. Pero siyempre dapat pagbigyan mo din ako.

Tinaasan niya ito ng kilay "Sabi ko na nga ba may hihilingin ka. Ganito ka lagi. Binibigay mo muna ang gusto ko tapos bigla kang may hihilinging pabor."

"Kilala mo nga talaga ako."

So ano naman ang gusto mo?

Umayos muna ito ng upo pagkatapos ay ilang segundong medyo nanahimik na parang naghahanda. Siya naman ay naghihintay lang sa sasabihin nito.

Liezel gusto kung magpakasal tayo."

Buti na lamang at paubos na ang siopao na kinakain niya kung hindi ay siguradong nabilaukan siya sa sinabi nito. Inabutan siya nito ng mineral water ng medyo nasamid siya. Mabilis niyang ininom yon.

Nang medyo nahimasmasan siya ay tinanong niya agad ito. "N-nagbibiro ka ba? gusto sana niyang ipaulit dito ang sinabi dahil baka nabibingi lang siya. From friend to lovers and now husband and wife. Masyado naman yatang bumibilis ang mga pangyayari.

"Im serious Liezel."

Sigurado ka ba sa sinasabi mo Nathan? hindi pa rin siya makapaniwala.

"Oo naman tsaka mas mabuti yun para sa anak natin. Hindi siya lalaking illegitimate." Katwiran nito.

Doon bumalik sa lupa ang pag-iisip niya. Tama, ang bata ang totoong concern nito. Hes not asking for her hand dahil sa mahal siya nito. Gusto nitong i-secure ang future ng bata even if it means matatali ito ng habambuhay sa kanya. Sakripisyo ang ginagawa nito.

Huminga siya ng malalim. "Im sorry pero hindi ko matatanggap yang marriage proposal mo. I don't want to get married for the wrong reasons. Ayokong itali ka. pagtanggi niya dito.

I dont mind being bound to you forever. Giit nito.

Well I do.

"I'm sorry akala ko kasi..."

Akala mo ano? Na dahil buntis na ako magpapakasal na lang ako basta? Nathan I do have my pride. Isang rason lang ang magiging dahilan ng pagpapakasal ko at iyon ay dahil mahal ko at mahal ako ng taong magpapakasal sa akin. I'm not willing to compromise that principle, not even for you.

"I understand." sagot nito. Pero kita niya ang lungkot nito.

"Dont get me wrong Nathan. I do appreciate you asking me."

Gusto siyang kastiguhin ng parehong puso at isip niya. Nasa harapan na niya ngayon ang lalaking minahal niya ng matagal na panahon at hinihingi na ang kamay niya. Pero siya pa ang umaayaw.

Pinilit nitong ngumiti. "Its okay hindi naman ito ang unang beses na may humindi sa marriage proposal ko. Halata ang lungkot sa boses nito. Parang gusto niya tuloy bawiin ang pag hindi niya dito.

"Nathan dont worry isusunod ko naman sa apelyido mo yung bata at lalong hindi ko siya ipagkakait sayo. Sincere siya sa sinabing yon. Alam niyang magiging mabuting ama si Nathan at hindi niya yon puwedeng ipagkait sa anak niya.

"Alam ko naman yon Liezel. Pero sana pag-isipan mo ng mabuti yung proposal ko. I just knew na kaya nating maging masaya. Magkaibigan naman tayo. I know we could make it work."

"Kaya mo ba akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo?" Yun ang gusto niyang itanong dito pero hindi niya magawa.

Nang mapansin nitong wala na siyang masabi pa ay tumayo na ito. "Sige mauna na ako. Sorry kung medyo nagulat kita. Huwag kang magpapakagutom."

Dont worry too much about me Nathan. Ilang beses ko nang sinabi sayo na kaya kung mag-isa. At yun naman ang totoo. Nag-iisa siyang anak pero malayo siya pareho sa mga magulang niya na ilang taon na ring hiwalay. Shes used to being alone.

"I know that you can survive even without me. But sometimes I wish youre not that damn strong and that you actually need me to be with you, to protect you and our child."

"Gusto ko rin naman yon. Pero hindi naman natin kailangang magpakasal di ba."

"Yeah, i guess you're right. Good day Liezel." At tuluyan na itong lumabas ng opisina niya.

Siya naman ay naiwang tinitingnan ang siopao na ibinigay nito. Pinipilit na kumbinsihin ang sariling tama ang ginawa niyang pagtanggi dito. Kahit gusto nang magwala at magsumigaw ang puso niya dahil pinalampas niya ang pagkakataon na mapasakanya ng tuluyan ang taong minamahal.

Tama mahal pa nga niya talaga si Nathan. Kaya hindi niya magawang tanggapin ang proposal nito. Hindi niya ito kayang itali sa isang sitwasyon na puwede nilang pagsisihan sa bandang huli.

What the hell is wrong with you Liezel? Bakit mo siya tinanggihan? Parang gusto na siyang sabunutan ni Serina nang sinabi niya rito ang nangyari.

"Alam mo naman ang dahilan ko."

"Hindi pa rin kita maintindihan. Sige sabihin na nating hindi ka niya mahal ngayon pero kapag kasal na kayo puwede mo namang gawin ang lahat para mahalin ka niya. Infact i think mahal ka rin naman nun hindi pa lang niya narerealized."

"Mahal niya ako bilang kaibigan. At hanggang dun lang yon."

"Friends don't sleep with each other. And you're underestimating yourself Liezel. I bet if you just try he'd fall for you too. I'd say kausapin mo uli siya and accept the proposal. Hay naku ako ang mas nastress dahil sayo." reklamo nito.

"Nakapagdesisyon na ako. Ayokong maging makasarili. Ayokong ako lang ang maging masaya."

"Kaya magpapakamartir ka na naman?Hahayaan mo na naman na makahanap siya ng ibang mamahalin samantalang ikaw ni hindi mo magawang magmahal ng iba."

"Meron na akong siguradong mamahalin. I'm going to be a mom. Yun na ang mahalaga sa akin ngayon." sagot niya dito.

"Yun nga magiging magulang na kayo ni Nathan kaya dapat gawin mo lahat ng makakabuti sa anak mo. At para sa akin makakabuti sa kanya na magkasama kayong dalawa. If hes doing it for the kid eh di ganun din ang gawin mong rason. Pag-isipan mo."

Huminga siya ng malalim habang nag-iisip. May punto rin naman ito. Its not like she's forcing Nathan. Ito mismo ang nag-aya pero ganoon naman talaga ito. He's the type who always wants to do the honorable thing. Nasa kanya talaga ang huling pagpapasya.

"Medyo maaga yata ang pag-aaya mo sa aking uminom pareng Nathan." Komento ng kaibigan at katrabahong si Bernie.

"Ang totoo I need your advice pare. Pag-amin niya dito.

"Babae ano?"

"Paano mo nalaman?"

"Ang lalim kasi ng buntunghininga mo kanina. At tsaka wala naman tayong problema sa site. Tungkol ba ito kay Andrea?"

Umiling siya."Kay Liezel pare."

"Liezel, yung kaibigan mo?" Medyo napangiti ito.

"Shes pregnant at ako ang ama."

"Problema nga yan. Naghahabol ba?"

"Yun nga ang problema I'm the one chasing after her. Nung una nagtago siya sa akin at ngayon naman nung inaya kung magpakasal ayon tinanggihan ako.

"Well she's a character. Minsan lang kaming nagkita but basing on that one meeting obvious naman na shes strong and very independent. Hindi yun magpapakasal sayo dahil lang buntis siya."

"Yun na rin ang sinabi niya sa akin."

"Pakakasalan lang daw niya ang taong mahal niya."

"Yun naman pala eh di solve na ang problema mo."

"Paanong magiging solve?"

"Make her fall for you. Tapos tsaka mo uling ayaing magpakasal."

"Pare mahirap siyang paibigin. Kaibigan lang ang tingin nun sa akin. Baka lumayo na siya ng tuluyan if I tried to pursue her. Ganoon siya sa mga naging karelasyon niya once things get too serious nakikipaghiwalay siya. I dont want to scare her away again."

"Yan ang hirap sayo sumusuko ka kaagad.

Yung misis ko 2 years ko yon niligawan. Ilang beses din akong binasted pero kita mo sa huli nakuha sa tiyaga. Ikaw isang beses pa lang inayawan nawawalan na agad ng pag-asa."

"Hindi lang siya ang unang umayaw sa akin. Pakiramdam ko nga minsan hindi yata husband material ang tingin sa akin ng mga babae."

"Baka kasi easy to get ka." biro nito sabay tawa. Natawa na rin siya sa biro nito. "Pero sige magseryoso na tayo. Gusto mo lang ba siyang pakasalan dahil buntis siya? O dahil mahal mo siya?"

Hindi niya sinagot ang tanong nito.

"Kapag alam mo na ang sagot diyan sa tanong na yan then tsaka ka na lang uli gumawa ng move." Payo nito. "Mag-isip ka muna. "Sige mauuna na ako at baka hinahanap na ako ni Misis." paalam nito.

"Ingat." yun na lang ang nasabi niya dito.

Pagkaalis nito ay umorder uli siya ng maiinom.

He feels helpless. Pero kasalanan din naman niya. Pinaniwala niya ang sarili sa mga kasinungalingan. All these years sarili lang niya ang niloloko niya.

Sa kagustuhan niyang laging gawin ang makabubuti ay nagparaya siya. Pero wala namang kinahinatnan ang lahat.

Ang meron lang siya ngayon eh mga relasyong hindi na kayang buuin.

Kinuha niya ang wallet mula sa bulsa. Hindi pa niya inaalis dun ang larawan nilang dalawa ni Andrea. Not because he couldnt get over her but because all these years hes been hiding Liezel's picture in his wallet. Ginupit pa nga niya ang larawan para lang magkasya iyon sa wallet niya.

Habang inaalis na niya ang larawan nila ni Andrea he realized that it's foolish to even blame fate kung hindi man niya nasabi ang damdamin para kay Liezel. Sarili lang naman talaga niya ang dapat sisihin dahil sa mga maling desisyon niya noon.

Kahit nagparaya siya ay tuluyan pa ring nasira ang pagkakaibigan nila ni Roland. Naghiwalay din sila ni Andrea. At ngayon muntik pang mawala nang tuluyan ang pagkakaibigan nila ni Liezel. Buti na lamang at binigyan uli siya ng tsansa ng pagkakataon. Still he's messing it up big time. Ni hindi niya magawang kumbinsihin si Liezel na pakasalan siya. At hindi pa rin niya masabi ang totoong nararamdaman.

Dahil sa frustration ay inubos na lamang niya ng tuluyan ang natitira pang alak sa bote. Tuwing lasing lang yata siya nagkakaroon ng lakas ng loob para gawin at sabihin ang mga dapat sinabi at ginawa niya noon pa. Pero kailangan na niyang baguhin ang style niya. Hindi na siya dapat nanghihiram ng lakas ng loob sa alak if he wants to win Liezels heart.