Tuluyan nang binaba ni Liezel ang librong binabasa. Hindi rin naman siya makapagconcentrate. Wala sa isip na hinawakan niya ang kanyang tiyan. Wala pa naman siyang kakaibang nararamdaman kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapatingin sa doktor o nagsasagawa ng pregnancy test. Kahit sinabihan na siya ni Nathan na magpatingin ay nagmatigas siya.
Mahigit dalawang Linggo na ang nakakaraan ng huli silang magkita. Naputol ang usapan nila sa opisina dahil may kliyente siyang dumating.
Sinadya rin niyang mag-out of-town ng isang Linggo para iwasan ito. Alam niya kasing kukulitin siya nito na magpatingin. At ang totoo ay natatakot talaga siya sa puwedeng maging resulta. Delayed na siya ng tatlong araw at kinakabahan na siya. Pero pinipilit pa rin niyang isipin na baka naman masyado lang siyang nastress kaya malamang ay umatras din ang menstruation niya. Tumingin uli siya sa kalendaryo. Nagiging paranoid na nga yata siya.
Tatawagan na sana niya ang kaibigang si Serina nang biglang nagring ang cellphone niya.
Si Henry ang tumatawag. Kung hindi pa ito nagparamdam ay hindi niya ito maaalala.
"Hello henry kumusta na?"bati niya dito. Pilit niyang pinasigla ang boses.
"Hello Liezel. I'm sorry kung ngayon lang uli ako nakatawag may pinuntahan kasi akong convention sa Singapore."
"Its okay busy rin naman ako these past weeks."
"Puwede ba kita uling maaya sa dinner tomorrow night."
Noong una ay parang nag-alangan siya pero naisip niyang mabuti nga sigurong lumabas siya para hindi niya masyadong maisip si Nathan at ang sitwasyon nila.
"Sure sunduin mo na lang ako sa opisina bukas. May meeting kasi ako until 7 pm."
"Sige dadaanan na lang kita tomorrow night at around 7:30 pm. Okay lang ba sayo yun.
Tamang-tama lang. See you tomorrow. Goodnight. Paalam na agad niya dito.
Pagkatapos ng tawag ay nakatanggap naman siya ng text mula kay Nathan. Nagtatanong na naman tungkol sa kalagayan niya at kung puwede daw ay magkita sila. Hindi na niya sinasagot ang mga tawag nito. Pero dahil siguradong hindi siya titigilan nito hanggat di siya nagrereply ay pinatay na lamang niya ang kanyang cellphone.
Alam niyang shes acting like a child dahil ayaw niyang makipag-usap dito ng maayos pero sa ngayon ay gusto lang muna niya ng katahimikan. Alam niyang what happened between them is a mistake. Pero dapat nga ba niyang pagsisihan ang isang bagay na ginusto naman niya?
Matagal din niya itong minahal. At ang inakala niyang naglaho niyang damdamin para dito ay maingat lang pala niyang naitago maging sa sarili niya. At dahil nakasanayan na niya ang pagtatago ng totoong nararamdaman para dito kahit ngayong puwede na niyang sabihin ang lahat ay hindi na niya magawa.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lakas ng loob. Nung gabi lang siyang yon nagkaroon ng tapang at sa tulong pa ng alak. Doon lang niya naipahiwatig dito ang totoong nararamdaman niya. Maunawaan man nito iyon o hindi.
So maybe she has no regrets after all. Yun nga lang hindi na niya ito kayang pakitunguhan tulad ng dati. Kahit ano pang sabihin at isipin niya, they already crossed the line. At ngayon nasa limbo na ang relasyon nila.
Pasado alas siyete nang magtext si Henry na nakarating na ito at hinihintay na siya sa harapan ng gusali. Hindi na niya ito pinaghintay pa ng matagal lumabas siya agad para puntahan ito.
"Tapos na agad ang meeting? Tanong nito. Maaga kasi ito ng ten minutes sa napag-usapan nila.
"Maagang natapos. So saan tayo?"
"Doon sa dati. Nakapagreserve na rin ako."
"May pagkaboy scout ka nga talaga laging handa." Biro niya dito.
"Ganoon nga ako always ready." Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse. Suwerte namang walang traffic kaya kaya mabilis silang nakarating ng restaurant.
Kakaupo pa lang niya ng tumunog ang kanyang phone. Medyo napasimangot siya nang makita niyang si Nathan ang nagtext at tinatanong nito kung makikipagkita ba siya dito. Kagabi pa talaga ito nangungulit kaya mabilis na niyang pinatay ang kanyang cellphone.
"Youre the only busy person I know who turn off her cellphone." komento ni Henry.
"Nakakahiya kasi sayo. The last time kasi naistorbo ang date natin. So im just making sure na walang makakabala sa atin ngayon." Dahilan niya dito.
"You said yes to my second invitation so no hurt feelings."
Nginitian lang niya ito. So far wala pa siyang nakikita na maaari niyang ayawan dito. That's why umoo siya uli sa invitation nito. Besides its time for her to seriously find a future husband tutal naman hindi na rin naman siya bumabata. Twenty four years na rin naman siya at pareho na ring masaya sa kanikanilang love life sina Serina at Andrea. Hindi na nga silang nagkakasama-samang tatlong madalas. Napag-iiwanan na nga siguro siya pagdating sa pag-ibig.
"Masarap ang steak nila dito. I hope youre not on a diet. Nakatingin na ito sa menu at umoorder.
"Hindi naman ako mapili sa pagkain and i love steak."
Hinayaan na niyang ito ang umorder para sa kanilang dalawa. Habang naghihintay ay nagkuwento ito tungkol sa dinaluhan nitong convention. Nakikinig lang siya at minsan ay nagcocomment. Wala naman siya masyadong maikukuwento dito at lalong hindi naman siya puwedeng magkuwento tungkol kay Nathan. Buti na lamang at nasa mood itong magsalita kaya halos tango na lamang ang ginagawa niya.
Ilang minuto pa ay dumating na rin ang order nila. Angus steak at mamahaling wine ang dala ng waiter. Si Henry pa mismo ang nagbukas ng bote ng wine at nagpour sa kanyang wineglass.
"Thank you. Talagang ginagawa nito ang lahat para maging espesyal ang gabi niya.
Iinumin na sana niya ang wine nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya.
"I wouldn't drink that if i were you. Muntikan na siyang masamid nang marinig ang boses ni Nathan.
Mabilis niya itong nilingon. Nasa malapit na table lang pala ito. Medyo madilim ang lugar kaya hindi niya agad ito napansin.
"A-anong ginagawa mo dito? hindi na niya naitago pa ang pagkagulat sa pagkakita dito.
"Sorrry to interrupt your dinner. Mukhang mahal yung wine pero hindi ba dapat nagpapatingin ka muna sa doctor para siguraduhing safe para sayo ang uminom ng mga alcoholic beverages." Halata ang inis sa boses nito.
Namutla siya sinabi nito.
"Wait may sakit ka ba? And do you know this man?" Tanong ni Henry na halata din ang pagkalito.
"W-wala akong sakit." Sagot niya dito.
Pagkatapos ay tiningnan niya nang may pagbabanta si Nathan. Hindi naman ito nagpatinag. Balewala nitong hinila ang upuan sa table nito at nakishare sa table nila ni Henry.
"Oo nga pala ako si Nathan and you are Henry right. Nasabi kasi sa akin ni Serina na may date nga kayo ngayon ni Liezel." Casual na casual ang pagsasalita nito na akala mo ay welcome ito sa table nila.
"Nathan please." Pakiusap na niya dito. Alam niyang hindi talaga ito aalis. Hes making her pay sa mga pagtatago niya dito these past weeks.
Doon na rin medyo umalma si Henry. "Hindi ko alam kung ano ang kailangan mo kay Liezel pero shes with me and youre making her feel uncomfortable. So puwede umalis ka na at kung ano man ang dapat nyong pag-usapan ipagpabukas mo na lang."
Doon lalong sumeryoso si Nathan. Huminga muna ito ng malalim na parang tinitimbang ang sitwasyon. Tumingin pa ito sa kanya at pagkatapos ay tumayo ito. "Okay ill leave you two alone sa dinner nyo. Pero hindi naman siguro aabutin ng umaga ang date nyo di ba? Liezel hihintayn kita sa labas." Pagkatapos noon ay iniwan na sila nito.
Nakatingin lang sa kanya si Henry na tila hindi makapaniwala.
Im really sorry. Nasabi na lang niya dito.
You know what lets just finish this dinner dahil mukhang masyadong importante ang pag-uusapan ninyo ng kaibigan mo. Sagot na lamang nito pero halos hindi rin nito nagalaw ang pagkain. Nawalan na rin siya ng gana at pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag na nito ang waiter para hingin ang bill.
"Nahihiya ako sayo." Pag-amin niya dito.
"Siya rin ba yung kaibigan mo na tumawag sayo last time. Tanong nito.
Hindi siya makasagot.
Napabuntunghininga na lamang ito. I guess there will be no third date. " Tumayo na ito.
Nagkakamali ka ng iniisip. Wala kaming relasyon."
It doesnt matter because hes obviously someone important to you. Good night Liezel. Tuluyan na siya nitong tinalikuran.
Hindi agad siya tumayo kahit nakalabas na ito ng restaurant. Pumunta na lang muna siya ng rest room para kalamayin ang sarili.
Nang tuluyan na siyang makapag-ipon ng lakas ng loob ay tsaka siya lumabas. At doon nga sa may parking lot ay naghihintay pa rin sa kanya si Nathan. Nakasandal ito sa kotse nito. Galit niya itong sinalubong.
"How dare you ruin my night? Pinahiya mo ako sa date ko. Ano bang gusto mong palabasin? mahina lang ang boses niya pero halata ang galit doon. Mukhang balewala naman dito ang galit niya.
"Ano pa ba sa tingin mo ang gusto kung palabasin Liezel. Ilang araw mo na akong pinagtataguan. Kapag pumupunta ako sa opisina mo wala ka raw. Pati sa bahay mo wala ka rin. You dont answer my call. Mas malala ka pa sa news black-out."
"So ganito ang gagawin mo susundan mo ako pati sa date ko? Ano ka stalker?"
"Kung hinaharap mo na lang sana ako i wont resort to this kind of things para lang makausap ka. Bakit mo ba ako pinapahirapan Liezel? halata na ang frustration sa boses nito.
"Ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo. Hindi ba dapat masaya ka dahil im not making a big deal out of this. Ikaw tong parang babae na naghahabol."
Sorry if im trying to be a responsible adult. At ikaw mukhang kailangan mo naman talaga ng bantay. Hindi ka dapat umiinom ng alak. Paano kung buntis ka?
"I'm sorry about that. Nawala sa isip ko. pag-amin niya dito.
"Nawala sa isip mo o sinadya mong kalimutan. Liezel ano man ang gawin mo this situation wont go away. And im not going away."
"Hindi nga ako buntis. Pagmamatigas na lang niya dito.
"Are you a hundred percent sure? Kung sigurado ka bakit ayaw mong samahan kita sa doktor para magpatingin?" naghahamon nitong tanong sa kanya.
"Fine kung yan ang gusto mo just to get you off my back bibili na ako ng pregnancy test kit na yan at bukas na bukas din ipapaalam ko sayo ang result. Masaya ka na?"
Hinagod nito ang buhok na parang doon ito humuhugot ng pasensya. "Liezel alam kung nahihirapan ka ngayon sa sitwasyon natin. Nahihirapan din naman ako. At kung puwede ko lang sana ibalik sa dati ang lahat, ginawa ko na. Believe it or not I dont want to lose you and I dont want to lose our friendship. Kita ang lungkot nito. "Sana naman huwag mo naman ako ipagtulakan palayo. Pakiusap na nito.
Naantig naman ang damdamin niya sa sinabi nito. But she remained firm. Kailangan ko nang umuwi." Sagot na lamang niya dito.
"Ihahatid na kita."
"Magtataxi na lang ako. Tatawagan na lang kita bukas." Pag-iwas pa rin niya dito.
Papunta na siya sa sakayan ng taxi nang magsalita uli ito. I'm really sorry liezel."
"For what?" malungkot niyang tanong dito.
"For complicating things between us.""
"Nasabi ko na sayo di ba ginusto ko ang nangyari. And I'm sorry too Nathan because I dont think this time eh kaya ko pang manatiling maging kaibigan mo."
She saw the pain in his eyes dahil sa sinabi niya. Ayaw na niyang magpakita pa ng kahit na anong damdamin pa dito kaya mabilis na niya itong tinalikuran. Nang may dumating na taxi ay pinara niya iyon at nagmamadaling sumakay.