"Ano ka ba Liezel kahit isandaang pregnancy test kit pa ang gamitin mo iisa lang ang magiging result niyan."
"Baka nagkamali lang." kinakabahang sagot niya kay Serina habang binubuksan na naman ang isang kit na binili niya. Tinawagan niya ito para samahan siya. Sinabi na rin niya dito ang nangyari sa kanila ni Nathan. Kahit nagulat ay hindi ito nagkomento.
"Lima na ang nagamit mo. Lahat positive. If you want puwede tayong pumunta ngayon sa OB para lang matahimik na loob mo."
Tuluyan na siyang naupo. "Anong gagawin ko Serina?" nanghihinang tanong niya dito.
"Well dapat sabihin mo kay Nathan ang kondisyon mo. Kayong dalawa naman ang gumawa niyan."
"Natatakot ako sa magiging reaksyon niya." kahit mas mahinahon pa ito sa kanya nung huli silang mag-usap iba pa rin kapag nalaman nitong buntis talaga siya.
"Pareho ninyong alam ang puwedeng mangyari. Gusto kitang sermunan pero hindi naman kita anak at matanda ka naman na. Kausapin mo na siya nang hindi lang ikaw ang nastress ng sobra. Hindi yan maganda sa baby." Payo nito.
Kinuha niya ang cellphone. Ang totoo ay tinawagan na siya ni Nathan kanina. Tinanong na nito ang kundisyon niya. Hindi niya masabi sa telepono ang sitwasyon. She needs to talk to him face to face.
Tama si Serina kailangan na nitong malaman tutal hindi rin naman niya maitatago dito ang totoo. Gusto rin niyang malaman ang reaksyon nito. Whatever it might be. This time kailangan na niya talagang lakasan ang loob.
Nakakunot ang noo ni Nathan sa pregnancy test na pinakita ni Liezel. "So anong ibig sabihin nung dalawang linya?" tanong nito.
"Positive Nathan. Ibig sabihin buntis ako." Kalmado na niyang sagot dito kahit punong-puno siya ng kaba sa dibdib.
Inaabangan niya ang pag-asim ng mukha nito pero halos wala itong reaksyon. Sana nababasa niya kung ano ang tinatakbo ng utak nito.
"Kumunsulta ka na ba sa doktor?" kapagkuwan ay tanong nito.
Hindi pa pero ilang test na ang ginawa ko lahat same result.
"Then you must consult one. Sasamahan na kita."
"Sandali nagdududa ka ba sa akin?"
"Ano bang pinagsasabi mo? Ofcourse not pero kailangan mo naman talagang magpatingin sa doktor para siguraduhing okay ang baby." sagot nito.
"Hindi mo na akong kailangang samahan. Kaya kung mag-isang pumunta sa doktor. You dont have to concern yourself with me."
"Incase you forgot anak ko rin yang dinadala mo. I have all the right to be concern at responsibilidad kung samahan ka sa doktor. Kaya puwede huwag matigas ang ulo. Ipagdadrive na kita."
"Hindi ako baldado Nathan." Pag-ayaw pa rin niya.
"I know pero puwede hayaan mo akong alagaan ka. Dont make me feel like im not part of your life. Sa ayaw at sa gusto mo sasamahan kita at wala ka nang magagawa dun." Pagmamatigas din nito.
"Hindi ba dapat bumabalik ka na sa trabaho?" Tanong na lang niya dito. Nagtatrabaho ito sa isang construction firm bilang project engineer.
"I've taken the whole day off. And you should too."
Alam niyang wala na siyang magagawa kapag nakapagdesisyon na ito. Siya na rin ang sumuko.
"Fine pero kotse ko ang gagamitin natin pagpunta sa doktor."
"Ikaw ang masusunod." Ngumiti na uli ito sa pagpayag niya.
Alam nyang she's making things hard for him at kung iba siguro eh susuko na lang. Nung una ay naisip niyang itago dito ang kalagayan niya at pumunta na lang kung saan hindi siya mahahanap nito. Pero tama ito kahit anong gawin niya hindi na mababago pa ang sitwasyon nila.
Kinuha na niya ang bag niya at inabot ang susi dito. Pansamantala ay susunod na lang muna siya sa agos ng mga pangyayari.
"Congratulation 3 weeks pregnant ka na misis." Nakangiting balita sa kanila ng OB.
Kinamayan pa nito si Nathan na nakangiting tinanggap ang balita. "Iwasan mo lang ang ma-stress, sugar, alcohol at ang magpuyat." Bilin nito. "May irereseta rin akong mga vitamins na puwede mong inumin para mas maging maayos ang pagbubuntis mo. Unang baby nyo ba ito?" tanong nito.
"Opo dok." Si Nathan na ang sumagot.
Dapat alagaan mo si Misis at siguraduhing huwag siyang mastress. Bilin uli nito.
Narinig mo Liezel sinabi ni dok bawal ang mastress. Take it easy sa trabaho.
Tumango lang siya. Halos hindi na nga siya nagsasalita. Si Nathan na ang kumakausap sa doktor. Nagtatanong rin ito ng mga dapat gawin at ang schedule ng mga susunod na check-up at kung kailan na puwedeng magpa-ultrasound para malaman ang kasarian ng sanggol. Mas excited pa ito sa kanya.
Nang palabas sila ng hospital ay inalalayan pa siya nito pababa ng hagdan.
"Ano ka ba Nathan. Buntis ako hindi handicap." Reklamo na niya dito. Pero ang totoo ay natutuwa siya sa pag-aalaga nito sa kanya. Binili na agad nito ang mga vitamins pati gatas na binilin ng doktor na inumin daw niya.
"Nag-iingat lang baka madulas ka, mabingot si baby." Biro pa nito. Kulang na lang ay buhatin siya nito o kaya ay ilagay sa wheel chair.
Nang makasakay na sila sa kotse ay nagtanong uli ito. "Meron ka bang gustong kainin? Bibilhin ko para sayo."
Tatanggi sana siya pero medyo nakakaramdam na rin naman siya ng gutom. Malapit nang mag-alas dose. Hindi na siya puwedeng magpakagutom ngayon dalawa na silang kakain.
Bigla siyang may naisip. "Gusto ko ng siopao."
"Your wish is my command. Sigurado namang may malapit na chinese restaurant dito"
"Sandali hindi lang basta kung anong siopao ang gusto ko. Naalala mo yung siopao na lagi mong binibili sa akin nung nasa kolehiyo pa tayo? Yun ang gusto ko.
Napatingin ito sa kanya. "Pero matagal nang nagsara yung tindahan ng siopao na yun." Inform nito sa kanya.
"Ganoon ba?" naghinayang siya bigla. "Sige iuwi mo na lang ako. Sa bahay na lang ako kakain. Wala na sa mood na utos niya dito.
"Sigurado ka? Puwede pa naman tayong maghanap na makakainan. Im sure meron naman tayong mabibilhan ng masarap na siopao somewhere."
"Gusto ko kasi yung partikular na siopao na yun." Nakasimangot na niyang sagot dito.
Ibang klase ka ring maglihi. Nakangiting komento nito.
"Hindi ako naglilihi. Tsaka yon naman talaga ang paborito ko noon pa."
"Akala ko kasi nagsawa ka na kasi yung huling binigay ko sayo dati hindi mo inubos tapos pinamigay mo lang. Hindi ka na rin uli nagpabili sa akin."
Noon kasing nasa kolehiyo pa lang sila tuwing naglalambing siya dito eh nagpapabili siya rito ng paborito niyang siopao. One of the things she stopped doing nang ligawan nito at maging kasintahan si Andrea.
Ayaw na niyang sanayin ang sarili sa sweetness nito dahil siya rin naman ang mahihirapan pag nagkataon.
"Hindi naman porke hindi ko na hinihingi ang ibig sabihin eh hindi ko na gusto o hinahanap." Makahulugang sagot niya dito.
"Ganoon ba? I guess mali nga ako ng iniisip. You know what I once prided myself for knowing you well. Pero mukhang tama ka nga marami pa rin pala talaga akong hindi alam tungkol sayo. I really should pay more attention from now on."
"Hindi mo kailangang magbago sa akin Nathan. You dont have to be extra attentive or anything. Hindi kita inoobliga."
"Ang sinasabi ko lang i want to know you better. Magsimula tayo uli."
"Ano ka ba? Kahit naman sinabi kung marami kang hindi alam sa akin you still know me well enough kumpara sa ibang mga kakilala at kaibigan ko. Ang hindi lang naman talaga nito alam ay lihim niyang pagtingin dito noon. Na ngayon ay unti-unti na namang umuusbong.
"Well there are times when I wanted to know what youre thinking. Katulad ngayon."
"Ang iniisip ko lang eh ang makauwi, makakain at makapagpahinga." Sagot niya dito.
"May hihilingin sana ako sayo Liezel."
"Ano naman yon? masyado na itong nagiging seryoso. Hindi siya kumportable kapag nagseseryoso na ito.
"If you need anything just tell me. Kahit sa tingin mo hindi ko kayang ibigay sabihin mo pa rin."
"Why are you acting like this Nathan?" Hindi na niya matiis na hindi itanong dito.
"Like what? takang tanong naman nito.
"Noong malaman kung buntis ako natakot ako at medyo nagpanic. Pero ikaw cool na cool at parang ang saya mo pa. Ako ba ang abnormal sa ating dalawa?"
"Ang totoo ilang araw din akong nag-isip kung anong magiging reaksyon ko kung sakaling buntis ka nga. Medyo natakot din naman ako pero dahil halos isang buwan mo rin naman akong pinaghintay at pinag-alala yung takot na naramdaman ko eh matagal nang naalis. Tsaka ang iniisip ko blessing ang bata. Ikaw pa ang magiging nanay siguradong magiging maganda ang anak natin."
"Maganda? Hindi pa nga natin alam kung babae o lalaki."
"Sa tingin ko babae."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Lalo ka kasing gumaganda. Ganoon daw kapag babae ang anak." nakangiti nitong puri sa kanya.
"Okay na ang mood ko hindi mo na ako kailangang bolahin every second." Sagot niya dito pero ang totoo ay tumaba ang puso niya sa papuri nito.
"Hindi kita binobola lalo ka ngang gumaganda."
"Sige na nga naniniwala na ako sayo."
"Dapat lang dahil kahit kailan naman hindi ako nagsinungaling sayo. Okay we're here."
Bumaba muna ito ng sasakyan para buksan ang gate. Nang maipasok na nito ang kotse ay nagmamadali uli itong bumaba para alalayan siya. This time ay hindi na siya kumontra pa.
Ang totoo ay natutuwa siya sa concern na pinapakita nito sa kanya. Pakiramdam niya ay espesyal siya dito. Bigla siyang natigilan sa naisip. Hindi siya dapat nag-iisip ng kung anu-anong pantasya tungkol sa kanilang dalawa. Walang ibig sabihin ang ginagawa nito.
"Tawagan mo ako kung may kailangan ka." Bilin uli nito sa kanya. Tumango na lamang siya.
"At sa tingin ko kailangan mo ng kasambahay. Para may makasama ka naman dito sa bahay mo."
"May naglilinis naman ng bahay ko twice a week tsaka may labandera na pumupunta dito tuwing weekend. Kaya kung mag-isa."
Okay sige sa ngayon pagbibigyan kita sa kagustuhan mong mag-isa. Basta mag-ingat ka lang lagi. Huwag kang magpupuyat at kumain ka lagi sa oras. Kulang na lang ay bigyan siya ng listahan nito ng mga dos ang donts.
Noong una ay parang gusto pa niya itong yayain sa loob. Alam niyang hindi pa ito kumakain pero she stopped herself. Mas lalo niya dapat kontrolin ang damdamin niya para dito. She cant let herself hope na mas higit pa sa magkaibigan ang magiging pagtingin nito sa kanya just because shes carrying his child.
Minsan na niyang tinawid ang boundaries ng pagkakaibigan nila. Hindi na puwedeng mangyari pa uli yon.
"Sige mag-ingat ka." Sinabi na lamang niya dito pagkatapos nun ay pumasok na siya sa loob ng bahay.
Babalik pa sana siya sa opisina pero naalala niya ang sinabi sa kanya ng doktor na huwag masyadong magpakastress. Hinawakan niya ang kanyang tiyan.
Hindi siya makapaniwalang may buhay na sa loob niya. Nang makapagbihis ay pumunta na siya ng kusina para kumain. Nitong mga nakaraang araw ay busy siya at laging puyat kaya kailangan niyang bumawi.
Katatapos pa lang niyang kumain nang may magdoorbell. Nang tingnan niya ay si Serina ang dumating. Mukhang hindi na makatiis ang kaibigan niya kaya ito pa mismo ang pumunta para makibalita.
"O ano kumusta na alam na ba niya?" tanong agad nito pagkapasok na pagkapasok pa lang.
"Nasabi ko na sa kanya ang kalagayan ko.
"Anong reaksyon niya?"
"Kabaligtaran ng reaksyon ko."
"Eh di okay so bakit parang hanggang ngayon eh mukhang Biyernes Santo pa rin ang mukha mo?"
"Ewan ko Serina I mean karapatan nya na malaman ang kalagayan ko at karapatan din niyang maging parte ng buhay ng magiging anak namin pero natatakot ako sa puwedeng mangyari."
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong nito.
"Alam mo naman ang damdamin ko para sa kanya noon di ba? Paano kung bumalik yon?
"Bakit nawala ba talaga? Tiningnan siya nito nang mabuti. "Alam mo Liezel may dahilan kung bakit walang relasyon mo ang nagtagal."
"Sinasabi mo bang mahal ko pa rin siya? tanong niya dito kahit sa sarili niya ay alam naman na niya ang sagot.
"Ang sinasabi ko lang yung pagmamahal mo sa kanya noon hindi pa napapantayan hanggang ngayon. Kaya nga naghahanap ka pa rin. Youre trying to chase that certain feeling na sa kanya mo lang naramdaman."
"Ayokong isipin na ganoon nga, that im incapable of loving someone else dahil hindi ko pa rin siya makalimutan."
"Ano ka ba hindi ka incapable magmahal. Hindi mo pa lang nakikita yung lalaki. O malamang nakita mo na siya pero ngayon pa lang niya narealize na ikaw din pala ang hinahanap niya. may halong panunukso yon.
"I dont want to entertain the thought Serina. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan."
"Pakitunguhan mo siya katulad ng dati. Close naman kayo di ba. Hes like your male bestfriend. Wala namang kailangang magbago. Ikaw na ang nagsabi wala siyang problema sa pagdadalang-tao mo. Malay mo maging daan yan para makapunta na kayo sa next level."
"Gaya ng nasabi ko ayoko nang umasa. At tsaka ayoko namang gamitin ang pagbubuntis ko para mabago ang pagtingin niya sa akin."
"Mula nang may nangyari sa inyo siguradong nagbago na ang tingin nyo sa isat-isa. Malamang puno na ng malisya." Medyo tumawa pa ito.
"Ikaw talaga kung anu-anong pinag-iisip mo dyan. Tumigil ka nga. Saway niya dito.
"Puwede ba iniisip mo rin naman ang iniisip ko. Huwag na tayong magpakaplastic."
"Hindi na mauulit yung nangyari sa amin okay. Siguro naman sapat na tong pagbubuntis ko para matuto na ako."
"What ever. Bawal ang magsalita ng tapos nakakalulon ng pakwan." Tumawa pa ito ng malakas.
"Umuwi ka na nga baka hinahanap ka na ng mister mo." Taboy na niya dito.
"Ganyan ka naman lagi iniiwasan ang topic."
"At ikaw masyado kang optimistic pagdating sa lovelife ko."
"Someone has to be. Pero alam mo pasaway ka eh. Ikaw tong walang opisyal na Jowa pero inunahan mo pa kaming dalawa ni Andrea."
Reklamo pa nito.
"Ikaw kaya tong ayaw pa mag-anak. Baka nga pati si Andrea maunahan ka."
"Speaking of that woman. Nasabi mo na ba sa kanya ang kalagayan mo at ang sitwasyon nyo ni Nathan?"
"Hindi pa nga eh. Hindi ko rin kasi alam kung kailan ang dating niya. Gusto kung magkaharap muna kami. Natatakot din naman ako baka magalit siya sa akin."
"Eh di ba may iba nang mahal yung tao. I doubt kung magalit yun. It's not like shes trying to get back with Nathan. I'm sure walang magiging problema."
"Pero mahal pa rin siya ni Nathan. Malungkot siya sa katotohanang yon.
"So hanggang ngayon ba naman yan pa rin ang pinoproblema mo? You survived that before. Kakayanin mo rin yan ngayon. Sige na nga aalis na ako. dumaan lang talaga ako dito para kamustahin ka. Oo nga pala ninang ako ah." Bilin nito.
"Oo naman. Hindi mo na kailangang ipaalala. Automatic na yun." Nakangiti na niyang sagot dito.
Nang makaalis si Serina ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinext si Andrea.
Kailangan na nga nitong malaman ang totoo. Ang pagbubuntis niya at ang damdamin niya para kay Nathan. Ilang taon din naman siyang hindi naging totoo sa kaibigan. The sooner she could talk to her the better.