Chereads / Always Yours Forever / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Napabuntunghininga si Liezel habang hinihintay na mag green light. Malalim na ang gabi at may meeting pa siya bukas.

Malamang ay icancel na niya iyon. Hindi niya puwedeng iwan si Nathan. Kung noon nga ay hindi niya ito nagawang iwan ngayon pa kayang kailangang-kailangan siya nito.

Para medyo mabawasan ang pagbabalik tanaw niya ay binuksan niya ang radyo. Nagkataong nagbabasa ang DJ ng sulat ng isang listener. Humihingi ng payo ang nagpadala ng sulat nayon.

"Inlove po ako sa bestfriend ko pero hindi ko po masabi sa kanya ang nararamdaman ko. natatakot po kasi akong layuan niya ako."

Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis. Kung maka-timing talaga ang pagkakataon parang nananadya. Pero sabagay hindi naman talaga siya nag-iisa sa mundo na nainlove sa kaibigan. Its a classic dilemma. Ilang pelikula na ba ang nagawa at ilang romance pocketbook na ba ang naisulat na may katulad na tema?

Dahil hindi niya gusto ang naririnig ay pinatay niya ang radyo. Bakit naman kasi nauso pa yang midnight radio program na tumatalakay sa mga kuwentong pag-ibig? Imbis na marelax ay lalo lang siyang natense.

"Bakit mo pinatay?"

Napatingin siya kay Nathan na gising na pala at nakikinig.

"I didnt know you listen to those cheesy radio programs." Sagot niya dito

"Maganda namang pakinggan. It helps me sleep." Tugon nito.

Binuksan uli nito ang radyo. Tapos na ang pagbabasa ng sulat at pagbibigay ng payo ng DJ. Nagdedicate na ito ng song para sa letter sender.

"Sa lahat ng lihim na nagmamahal sa kanilang bestfriend para sa inyo ang kantang ito. Napangiwi siya dahil sa unang nota pa lang alam na niya kung ano yung awit.

I've known you for so long

You are a friend of mine

But is this all we'd ever be?

I've loved you ever since

You are a friend of mine

But babe, is this all we ever could be?

Its the story of her life or atleast her college life. Gusto sana niyang patayin uli ang radyo o ilipat yon sa ibang istasyon. Hindi na lang basta nananadya ang pagkakataon nang-aasar pa. Ito ang huling kantang gusto niyang marinig. Pero hindi niya magawang ilipat ang istasyon dahil nakikinig si Nathan.

Naisip niya tuloy, all these years kaya ay hindi ito nakahalata sa totoong damdamin niya para dito? May pagka dense din naman kasi ito or more like masyado itong inlove kay Andrea para mapansin ang damdamin niya dito noon.

Para dito she will always be just a friend. Tagapayo nito, tagapakinig ng problema at kakuwentuhan, nothing more nothing less. At tanggap na niya yon matagal na. Pero bakit naaapektuhan pa rin siya ng isang simpleng kanta?

You tell me things I've never known

I've shown you love you've never shown

But then again, when you cry

I'm always at your side

You tell me 'bout the love you've had

I listen very eagerly

But deep inside you'll never see

This feeling of emptiness

It makes me feel sad

"Damn that red light." Sa traffic na lang niya nilabas ang frustration niya.

And damn that stupid song. Sigaw ng isip niya.

"Hey relax hindi ka naman siguro nagmamadali.Tsaka baka masira yang manibela ng sasakyan ko" biro pa nito sabay tapik sa kanyang balikat. Lalo tuloy siyang na-tense imbis na marelax.

She tried to calm down. Hindi niya dapat binubunton ng inis sa isang simpleng kanta. So what kung para itong bala na sapul na sapul siya. Mas maraming nangyari sa kanya na mas frustrating pa sa isang kanta about her unrequited love.

I've known you all my life

You are a friend of mine

I know this is how it's gonna be

I've loved you then and I love you still

You're a friend of mine

Now, I know friends are all we ever could be

Malayo pa lang si Nathan ay kita na agad ito ni Liezel. Mabagal itong naglalakad patungo sa kanya. At as usual ay nakangiti ito at as usual pinapabilis na naman nito ang tibok ng puso niya. Ang kaibahan lang ngayon eh hes holding a boquet of flowers.

"Para sa akin ba yan?" Birong tanong niya dito.

Hindi nito sinagot ang tanong niya.

I need you to wish me luck. Yun ang sinabi nito.

"Luck? Why?" takang tanong niya.

"Ive decided, liligawan ko na si Andrea. Matagal-tagal na rin naman kaming magkakilala. I guess it's about time to bring our relationship to another level."

Para siyang sinipa ng sampung kabayo sa narinig. Hurt is an understatement kung ipapaliwanag niya ang naramdaman niya sa sinabi nito. This is much worse nung kinausap siya ng ina at sinabi nitong makikipaghiwalay na ito sa ama niya.

K-kaya pala may dala kang bulaklak.Muntikan na niyang hindi maitago ang nginig sa boses. Inasahan na niya na manliligaw si Nathan kay Andrea . Pero kahit matagal na niyang napaghandaan ang araw na kinakatakutan niya ay masakit pa rin pala sa dibdib.

"Sa tingin mo magugustuhan kaya niya itong mga bulaklak? tanong nito na may kaba at halong excitement.

"Wala naman yatang babae ang ayaw sa bulaklak. Lalo na at galing sa isang taong espesyal. Seryoso niyang sagot dito. gusto niyang i-congratulate ang sarili for being cool and collected kahit parang gusto na niyang magwala.

Tiningnan niya ang mga roses na dala nito. Pulang-pula ang mga yon tanda ng matinding pagmamahal . Tanda rin yon ng bigo at nagdurugo niyang damdamin ng mga oras na yon. Tapos na ang mga ilusyon niya.

Kinakabahan ako. Pag-amin nito sa kanya.

"Hindi mo naman kailangang kabahan. Kailangan mo lang namang maging totoo." Payo niya dito.

"Youre right. I will just tell her how i feel. I will tell her na unang kita ko pa lang sa kanya a year ago bumilis na ang tibok ng puso ko. Na lagi siyang kasama sa mga pangarap ko. Na ngiti pa lang niya ay buo na ang araw ko. nakatingin pa ito sa malayo. Damang-dama ang bawat salita.

Nakikinig lang siya dito habang dinedeklara nito ang pag-ibig. If only it was for her siya na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

Nang matapos itong magsalita ay tumingin ito sa kanya at isang matinding pag-aalala ang nakita niya sa mukha nito.

"Bakit ka umiiyak?"

Hinawakan niya ang pisngi. Indeed she was crying. Ni hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Nagmamadali niyang pinunasan ang kanyang mga mata.

Nagdahilan siya agad dito. "A-ang ganda kasi ng sinabi mo. N-naiyak tuloy ako." Her voice is cracking. At muli ay tumulo ang luha niya na hindi na talaga niya kayang pigilin.

"Hey dont cry. Baka isipin nila pinapaiyak kita." Kinuha nito ang panyo sa bulsa at pinunasan ang luha niya na ayaw pa rin tumigil sa pagpatak. "Napakaiyakin mo talaga. Sayo na tong panyo ko. Okay ka lang ba talaga?"

"Ano ka ba okay lang ako no." pinilit niyang tumawa. "Sige na puntahan mo na si Andrea. Baka malanta na yang bulaklak na dala mo." Taboy na niya dito.

Parang nag-aalangan pa itong iwan siya. Kaya tuluyan na niyang tinuyo ang luha niya at nginitian ito. "Good luck." Yon ang hinihiling nito kaya iyon ang binigay niya.

"Salamat." Nakangiti na uling sagot nito.

Tinanguan lang niya ito. At nang tuluyan na itong makalayo ay hindi na niya uli pinigilan ang luhang lumandas sa pisngi niya.

You tell me 'bout the love you've had

And I listen very eagerly

But deep inside you'll never see

This feeling of emptiness

It makes me feel sad

But then again

Then again

Then again I'm glad

Hindi lang basta matinding kalungkutan ang naramdaman niya noong araw na niligawa ni Nathan si Andrea. Yun ang tuluyang pagkamatay ng pag-asang mamahalin din siya nito.

Nang maipakilala niya ang dalawa sa isat-isa ay hindi kaagad nito pinormahan ang kaibigan. Lihim siyang natuwa doon dahil akala niya ay kaibigan na lang ang tingin nito kay Andrea. Pero nagkamali siya. Maling-mali. Naghihintay lang pala ito ng tamang panahon at pagkakataon. Nang magthird year college sila ay tsaka ito nanligaw. The pain was too much to take.

Mahigit isang Linggo rin niyang iniwasan ang dalawa. Ayaw niyang makita ang ginagawang pagsuyo ni Nathan sa kaibigan. Nagkunwari siyang maysakit. Hindi naman mahirap magpanggap dahil pakiramdam niya ay totoong maysakit siya.

Isang buwan din siguro ang inabot bago siya nasanay sa sitwasyon at tuluyang nakangiti uli. Ang naging karamay niya sa pighating yon ay si Serina. Alam nito ang lihim niyang pagtingin kay Nathan. Muntik na nga nitong sabihin ang lahat kay Andrea pero pinigilan niya ito.

Kung mahal ng dalawa ang isat-isa wala siyang karapatang maging selfish. Hindi niya dapat guluhin kung ano mang namamagitan sa dalawa.

Mabuting kaibigan si Andrea and Nathan has always been open about his feeling para dito. Kahit kailan ay hindi siya nito pinaasa. So she never got in their way even if it killed her inside.

Nang mag green ang ilaw mabilis na niyang pinaandar ang sasakyan. Para siyang hinahabol ng nakaraan. It's ironic really dahil ang nakaraan niya ay siya pa ring kasalukuyan niya.

Gusto niyang lumayo noon pero hindi niya magawa. Nasasaktan siyang may mahal si Nathan na iba. Pero sa kabila ng katotohanang iyon ay masaya siyang kasama ito. Ganoon naman yata talaga ang nagmamahal. Masaya kahit nasa sideline lang.

Pero ngayong hiwalay na ang dalawa at single na uli ito. Ano na ba dapat ang role niya sa buhay nito? Dati siyang tulay, ngayon ay isa na siyang shoulder to cry on. Pero ni hindi nga niya alam kung paano mapapagaan ang loob nito.

Masakit na nakikita itong naghihirap and yet the only thing she can do is drive him home.

"We're here." Siya na ang unang bumaba para alalayan ito. Madalas ay nagrereklamo ito kapag tinutulungan niya itong maglakad tuwing nalalasing. But this time ito pa ang kusang naglagay ng kamay nito sa balikat niya. Hindi naman mahirap yon dahil halos hanggang balikat lang siya nito.

Hindi naman siya nagkaproblema sa pagpasok sa bahay nito kahit hindi pa niya buksan ang ilaw. Sanay na siya sa loob ng bachelors pad nito. Madalas siyang bisita nito noon. Isa sa mga perks ng pagiging kaibigan nito. She knows every corner of his house.

Inalalayan niya ito hanggang sa makarating sila sa kuwarto. Mukhang kaya naman na nitong maglakad mag-isa pero natatakot siyang baka bigla itong matumba. Magulo ang kuwarto nito; halatang ilang araw nang hindi nililinis. Meron ding painting na hindi pa tapos kaya nagkalat din ang mga brush at pintura.

Unang tingin pa lang sa kabuuan ng bahay nito, alam na agad na mahilig sa arts ang may-ari. Karamihan ay painting at sculptures ang nakadisplay sa sala nito. kahit sa silid nito ay may malaki ring abstract painting.

Una niyang nalaman ang passion nito sa pagguhit nang maiwan nito ang notebook nito sa classroom. Kinuha niya yon at nakita nga niya ang mga sketches nito. Kahit kulang siya sa artistic talent ay nasobrahan naman siya sa appreciation lalo na sa mga gawa nito.

Isa rin sa hobby nito eh photography. Nang maihiga na niya ito sa kama ay tiningnan niya isa-isa ang mga larawan na nakadisplay sa kuwarto nito. Karamihan ay larawan nito at ni Andrea. Pero may naligaw din na mga larawan niya. Mostly kuha noong college. Puro group shot yon.

Medyo sumeryoso ang mukha niya nang makita niya ang kuha niya kasama si Roland. Nakaakbay pa ito sa kanya. Ito ang una niyang naging kasintahan. Mahigit tatlong buwan lang ang tinagal ng relasyon nila. At mula noong magkahiwalay sila ay hindi na sila uli nagkausap man lang. Ito ang nakipagkalas sa kanya pero siya ang may malaking pagkukulang dito.

"Ilang buwan na bang nanliligaw sayo si Roland?" Tanong ni Serina sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Ang kulit nga niya eh ilang beses ko nang sinabing ayoko pang magboyfriend pero ayaw sumuko."

Nasa first year pa lang sila ay nagpapalipad hangin na ito sa kanya. nung tumuntong siya njg second year ay tuluyan na itong nanligaw. Kasama pa nga nito si nathan na dumalaw sa apartment niya.

"Ano ba kasing ayaw mo sa kanya. Guwapo naman yung tao mabait at matalino."

"Ikaw yata ang may type sa kanya. birong sagot niya dito.

"Well bihira ang hindi siya magugustuhan. And speaking of the devil nandito na siya at mukhang kasabay pa si Nathan."

Napalingon siya agad ng marinig ang pangalang Nathan.

Mahigit isang Linggo na rin ng huli niya itong makita. At yun ay yung araw na ipagtapat nito ang planong panliligaw kay Andrea. A familiar pain shot through her heart pagkakita dito.

Pinilit na lang niyang ibaling ang atensyon kay Roland at sa isang pumpon ng red roses na dala nito.

"Salamat."maiksing sagot niya dito nang iabot nito sa kanya ang mga bulaklak. Halos Linggo-linggo yata ay nakakatanggap siya ng regalo mula dito.

She appreciates his effort at hanga din siya sa tyaga nito. Yun nga lang hindi niya ito magawang mahalin. Matigas nga siguro ang ulo niya because everyone thought shes lucky to have him as an admirer.

"Liezel puwede ba kitang maimbitahan? tanong nito.

"Saan?"

"It's a surprise susunduin kita mamayang gabi. Halata ang kaba at excitement sa boses nito.

Napatingin siya kay Serina. Nagdadalawang isip kung pagbibigyan ang paanyaya nito. Pinagdilatan pa siya ng kaibigan na parang sinasabing pumayag ka na.Napatingin din siya kay Nathan na halos walang kibo. Malamang ay sumama ito para magbigay na naman ng moral support sa kaibigan.

"Okay sige sunduin mo ako mamaya. Ayaw naman niyang mapahiya ito sa pagtanggi niya.

Natuwa ito sa pagpayag niya. Hanggang sa makaalis ito ay paulit-ulit na pinapaalala sa kanya kung anong oras siya nito susunduin.

"Buti naman pumayag ka. Akala ko magkukulong ka naman sa kuwarto mo. Komento sa kanya ni Serina nang makaalis ang dalawa.

Mahigit isang Linggo din kasi siyang di makausap ng maayos dahil sa tuluyang panliligaw ni Nathan kay Andrea. Pero ngayon kahit paano ay tanggap na niya ang sitwasyon. She can't hide forever in her hole. Baka makahalata na rin kasi si Nathan. He can't know how shes really feeling. She's been the supportive friend all throughout. She can't be anything else to him.

On time dumating si Roland. Isang dinner date ang inihanda nito para sa kanya. Walang espesyal na okasyon. Parang pagdiriwang lang daw yon dahil gumaling na siya sa sakit niyang trangkaso. Kung alam lang nito na mas malalim pa sa simpleng trangkaso ang iniinda niya ngayon.

"Salamat at pumayag kang makipagdate sa akin. Akala ko tatanggihan mo na naman ako."

"Makulit ka kasi."

"I guess not enough dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin ako sinasagot. I wish i know whats holding you back.

Bumuntunghininga siya. Paulit-ulit na lang ang usapan nilang yon. Lagi na lang niyang sinasabi dito na hindi pa siya handa. At yon naman ang totoo. Maybe because shes still hoping for Nathan pero ngayong tinuloy na nito ang panliligaw kay Andrea. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Samantalang nandito si Roland na nagtyatyagang maghintay. Maybe she should give him a chance after all she needs to move on. And maybe makakatulong ito sa kanya para tuluyang makalimot.

Nang hawakan nito ang kamay ay hindi niya yon binawi pa. Hindi pa nga niya ito mahal pero hindi naman talaga ito mahirap mahalin. Kailangan niyang subukan.

"Regalo na naman?" nakangiting tanong ni Liezel sa kasintahang na niyang si Roland.

"Mahilig ka sa hello kitty. Nakita ko yan sa mall. Naalala kita kaya ko binili. Idagdag mo sa koleksyon mo."

"Salamat. Nakakahiya naman wala akong regalo sayo."

"Its okay i like giving you gifts.

Isang ngiti lang ang naiganti niya dito. Wala siyang mairereklamo dito. Hes been a great boyfriend understanding and generous.

"Oo nga pala kailangan ko nang umalis may klase pa ako. Paalam niya dito.

"Ihahatid na kita." Dinala pa nito ang bag niya at ilang libro.

Hindi siya nagkamaling sagutin ito. Lalo pa itong naging maalalahanin. Nang makarating siya sa klase ay tumunog ang cellphone niya. Si Nathan ang tumatawag. Sinagot niya agad ang tawag nito habang papaalis pa lang si Roland.

Kumusta bakit ka napatawag? Tanong niya dito.

Good news Liezel. Sinagot na ako ni Andrea.

Hindi siya agad nakapagsalita.Para na namang natadyakan ang pakiramdam niya.

"Hello Liezel, are you still there?"

"N-nandito pa ako. Congrats. Ako pa talaga una mong binalitaan ah.

"Siyempre di ba nangako ako sayo na kapag sinagot na niya ako ikaw ang unang makakaalam."

"Oo nga naman, masokista ka kasi Liezel. Kastigo ng isip niya. "Congrats nagbunga rin ang pagtyatyaga mo. Sige i need to go my klase pa ako."

Tinapos na niya ang tawag. Ni hindi na nga ito nakapagpaalam pa. Medyo nanginginig pa ang kamay niyang binalik ang cellphone sa bag. Hindi na talaga siya masasanay pa.

"Okay ka lang ba Liezel? tanong ng isang kaklase niya na nakapansin sa sobrang pananahimik niya. Tumango lang siya dito but that whole time eh parang wala siya sa sarili.

Dapat ay hindi na siya maapektuhan pero bakit hindi mapigilan ng puso niyang magdamdam? Kahit anong pagpapanggap niya hindi kayang itago ang nararamdaman niya. Puwede siyang magsinungaling sa buong mundo pero hindi sa sarili niya. It hurts like hell.dumaan ang oras na para siyang zombie na wala sa sarili.

"Parang wala ka sa mood may sakit ka ba?" Tanong ni Roland. Inaya siya nitong maglakad-lakad para magpahangin pagkahatid sa kanya nito. Kahit napipilitan ay sumama siya dito. She can't be affected by the fact na magkasintahan na si Andrea at Nathan. She should be happy for the two.

"Okay lang ako. Umupo siya sa isang bench sa tapat ng apartment na inuupahan nila ni Serina.

"I heard sinagot na ni Andrea si Nathan." Inform nito sa kanya.

"Nasabi na nga niya sa akin."

"You dont look so happy."

Medyo nagulat siya sa sinabi nito. Ofcourse masaya ako para sa kanila." May nahihimigan siyang hindi maganda sa tinig nito kaya naging defensive siya.

"Then bakit malungkot ka kanina nung natanggap mo ang balita? Napatingin na siya dito dahil may pag-aakusa na sa tinig nito.

"I saw your reaction when Nathan called you. Akala ko nga masamang balita ang natanggap mo. Hindi lang kita malapitan dahil nasa klase ka na. Then Nathan told me na tinawagan ka nga niya and i piece everything together."

Wala siyang maisagot sa mga sinabi nito. Alam niyang kita rin nito ang guilt sa mukha niya.

"Im sorry. I was just..."

"Alam ko naman na gusto mo siya i just didnt know na ganoon pala kalalim that even if you're with me siya pa rin pala talaga ang laman ng isip mo." Puno ng hinanakit ang boses nito.

Hindi na rin pala niya kayang magsinungaling dito. Hes not stupid. Sinubukan ko namang maging masaya."

"I know pero hindi ako sapat." He wasnt even asking, he knew.

"Hindi naman ikaw ang dahilan. Ako ang may kasalanan. Ako ang may pagkakamali. Ako ang hindi makuntento. Wala kang pagkukulang."

"Then i guess its over. Wala nang dahilan para ipagpatuloy pa ang relasyong ito. malamig na tugon nito sa kanya.

"Roland, please."

"Ano pa ba ang gusto mo sa akin Liezel? Kung kaya mo akong mahalin sana noon pa. Kaya hindi na kita pahihirapan pa. Ako na ang makikipaghiwalay dahil alam ko na niloloko ko lang ang sarili ko hoping that you will love me back."

Pagkatapos noon eh naglakad na itong palayo sa kanya.

Hindi na niya ito pinigilan pa. Para ano pa? Tama naman ito, pinapahirapan lang naman talaga niya ito at ang sarili niya. Shes so keen on forgetting her feelings for Nathan na ginamit niya ito. Nasaktan niya ang isang taong nagmahal sa kanya ng husto. Ang sama-sama niya.

Tuluyan na siyang napaiyak habang nakaupo sa bench.

"Liezel?" Napatingala siya sa nagsalita.

"N-athan anong ginagawa mo dito? mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya.

"I saw what happened. Nag-away ba kayo ni Roland? Do you want me to talk to him?"

"Umiling siya. Kasalanan ko ang lahat." Yun lang ang nasabi niya dito.Hindi na nya kailangang itago pa dito ang katotohanan.

Kung nakita na nito ang pangyayari malamang ay nahulaan na nito na nag-away sila ni Roland.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo.Tsaka mahal na mahal ka ni Roland. Siguradong bukas kapag hindi na mainit ang ulo nun pupuntahan ka niya uli. Maaayos din ang lahat sa inyo." Pag-aalo nito sa kanya.

Its not that simple Nathan. Tapos na sa amin ang lahat. Pagkatapos noon ay tumayo na siya para pumasok sa bahay. Sumunod naman ito sa kanya. Dahil mukhang wala itong balak iwan siya ay sinabihan niya ito.

"Sa tingin ko dapat ka nang umalis baka hinahanap ka na ni Andrea." Taboy niya dito.

"Kagagaling ko lang sa bahay nila. Tsaka kailangn mo ako ngayon. Puwede ba naman kitang iwan samantalang alam ko na hindi ka okay. Ganito na lang tsaka na lang ako aalis kapag dumating na si Serina."

"Umuwi siya sa parents niya. Sa makalawa pa siya darating."

"Ganoon ba eh di sasamahan kita hanggang sa okay ka na."

Okay naman ako Nathan."

"Basta sasamahan kita hanggang sa mas okay ka na." pamimilit nito.

Bumuntunghininga siya. Mukhang wala talaga itong balak na umalis. Ikaw ang bahala.

Alam niyang gusto nitong damayan siya sa inaakala nitong pagiging brokenhearted niya dahil kay Roland. Pero sa ngayon walang kahit ano na makapagpapagaan ng loob niya.

Masyado siyang naguguilty sa nagawa niya to feel any elation sa pagbibigay sa kanya ng oras ni Nathan.

Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasamang tao sa mundo. Nasaktan niya ang isang taong nagmahal sa kanya ng totoo for a love that she cant have. She deserves to be miserable.

"Kumain ka na ba?" tanong nito. Halatang naghahanap lang ito ng mapag-uusapan dahil sa sobrang katahimikan niya.

"Busog pa ako." Walang gana niyang sagot dito.

"Nonsense. Kailangan mong kumain."

Pumunta ito ng kusina para tumingin ng puwedeng mailuto. Thirty minutes din itong nanatili sa loob ng kusina. Nang makalabas ito ay may dala na itong pagkain. Medyo sunog na hotdog at instant noodles ang hinain nito sa kanya.

Sorry ha hindi ako marunong magluto. Oorder sana ako ng take-out kaya lang singkuwento na lang pera ko dito. Hindi pa ako nakakahingi ng allowance.

Salamat okay na ito. Kahit napipilitan ay kumain siya. Habang sumusubo siya ay mataman itong nakatingin sa kanya.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan? sa wakas ay sinabi niya dito.

"Bakit paano ba kita tingnan? Tanong nito.

"Na parang awang-awa ka sa akin."

"Nag-aalala ako sayo hindi naaawa."

"Then stop worrying. Kaya ko ito. Ilang araw lang magiging okay na uli ako. I dont want to ruin your night. Dapat masaya ka ngayon."

Hindi ako kailan man magiging masaya kung alam kung nalulungkot ka."

"You dont have to be sad for my sake Nathan. And besides I deserve this."

Hindi na niya mapigilan ang mapaluha. Hindi niya alam kung ang dahilan nang pag-iyak niya ay para sa pag-ibig na nawala o sa pag-ibig na hindi niya makuha. Malamang ay pareho. Ang hindi lang niya sigurado ay kung alin ang mas masakit.

Lumapit sa kanya si Nathan at inilihig nito ang ulo niya sa balikat nito.

You can always cry on my shoulder Liezel. Ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo. His voice was soft and comforting.

Tuluyan na siyang napahagulgol sa balikat nito. Wala na siyang pakialam kahit nababasa na ng luha at sipon niya ang damit nito.

Ngayon lang niya ipinakita dito ang totoong nararamdaman. Kahit wala talaga itong alam sa totoong dahilan ng pag-iyak niya ay hinayaan lang siya nito.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak. Nang maubos na ang luha niya ay siya na ang kusang lumayo dito.

Katulad nang ipinangako nito hindi ito umalis sa tabi niya. Nagkuwento lang ito nang nagkuwento. Hindi rin ito nagtanong pa ng dahilan ng paghihiwalay nila ni Roland. Hanggang sa makatulog siya nasa tabi lang niya ito at nagbantay. Sa mga pagkakataong yon hinayaan niya ang sariling maramdaman ng husto ang pagmamahal nito kahit alam niyang bilang kaibigan lang ang pagtingin nito sa kanya. Dahil bukas kasama ng puso niyang sugatan aalisin na niya kahit katiting na pag-asa na mababago ang pagtingin nito sa kanya. Kakalimutan na niya ang damdamin para dito.