Chereads / Always Yours Forever / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

First day of school. Unang araw ni Liezel bilang isang kolehiyala. At unang subject din na papasukan niya, ang English 101. Business administration ang kanyang kurso dahil yun ang kursong madali daw makahanap ng trabaho after graduation. Sayang nga lang at hindi niya kasama ang mga kaibigang sila Serina at Andrea. Mag-kakaiba kasi sila ng kurso at schedule, kaya ayon solo flight siya ngayon. At ang totoo medyo kinakabahan siya. Pakiramdam niya ay balik kindergarten siya dahil bago ang lahat. But of course yun din ang dahilan kung bakit excited din siya.

Unang beses rin kasi niyang magiging independent. Matagal din niyang hinintay ang pagkakataon na ito. Ayaw na rin kasi niyang manatili sa bahay nila dahil sa madalas na pag-aaway ng magulang niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ayaw pang maghiwalay ng mga ito kung hindi naman nagkakasundo. Buti na lamang at pinayagan na siya ng mga ito na magrent ng kuwarto malapit sa university kasama ang kaibigan na si Serina. Si Andrea naman ay nakikitira sa tiyahin nito.

Pagkaupo niya ay kinuha niya agad ang kanyang registration form at classcards. Kagabi pa niya inayos ang mga yon. She wants to be ready. Pero nang hinahanap na niya yung classcard sa particular na subject ay hindi na niya yon makita.

"Nasaan na yon?" Inalis na niya ang laman ng bag niya dahil baka napunta lang sa may ilalim pero wala talaga. Frustrated niyang binalik ang mga gamit niya sa loob ng bag habang iniisip kung saan niya naiwan ang classcard. Pero imposible namang naiwan niya yon.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may lumapit sa kanya. "Miss ikaw ba si Liezel Dominguez?" Napatingala siya sa lalaking tumawag ng pangalan niya. Kung nagulat siya na may nakakaalam ng pangalan niya mas nagulat siya ng makita niya yung lalaking nagsabi noon. Ilang segundo rin siyang nakatingala dito, walang masabi.

"Oh my God ang cute naman niya." Yun lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon.

"Miss okay ka lang?" tanong nito.

Doon siya medyo natauhan.

"O-oo. b-bakit mo alam ang pangalan ko?" medyo nauutal niyang tanong dito.

Ngumiti ito sa kanya. At para na naman siyang namatanda. "Liezel maghunusdili ka ngiti lang yan." pigil niya sa sarili. "Pero meron pala talagang ganyang kalalim na dimple. Ang cute niya talaga."bulong na naman ng utak niya. Para na siyang may split personality.

"I think you drop this."

Kahit ayaw niyang alisin ang paningin dito ay napilitan siyang tingnan yung bagay na inaabot nito sa kanya.

Laking tuwa niya nang makita niya ang kanyang classcard. "Naku kanina ko pa to hinahanap. Maraming salamat talaga. Saan mo to napulot?"

"Nahulog mo bago ka pumasok ng klase."

"Life saver ka. Akala ko talaga nawala na ito. Salamat hindi ka lang basta cute ang bait mo pa." Nadulas ang dila niyang puri dito.

"You're Welcome and Thank you." hindi yata naaalis ang ngiti sa mga labi nito. Tatanungin na sana niya ang pangalan nito nang biglang lumitaw mula sa likod nito ang isang lalaki na nakangiti din sa kanya.

"Oo nga pala Liezel siya si Roland." pakilala nito sa kaibigan.

"Ako yung nakapulot nung classcard mo." Inform nito sa kanya.

"Salamat" pero sa lalaking may nakakaakit na ngiti at malalalim na dimple pa rin ang atensyon niya.

Kakausapin pa sana niya ang dalawa para malaman na rin ang pangalan ni Mr. Dimple pero bago pa man ay nagpasukan na ang ibang estudyante sa classroom hudyat na dumating na ang kanilang professor. Mabilis na rin itong naghanap ng mauupuan. Yung Roland naman ay lumabas na. Hindi naman pala nila ito kaklase.

Sa roll call na lang niya nalaman ang pangalan ni Mr. Dimple. Nathan Rafhael Vergara. Isinulat pa niya sa kanyang notebook ang buong pangalan nito. Mamayang gabi titingnan niya kung compatible sila sa Flames.

Sa bandang harapan ito umupo kaya likod lang nito ang nakikita niya. Pero hindi pa rin niya maalis ang mga mata dito. Totoo nga yata ang love at first sight or more like crush at first sight. Kahit ano pa man ang nararamdaman niya gusto niya itong makilala ng mas mabuti.

Nang matapos ang klase ay lalapitan sana niya ito. Pero OA naman kung magpapasalamat na naman siya. Bago pa man siya makapag-isip ng excuse para kausapin ito ay lumabas na ito ng klase kasama ang isang kaklase.

Medyo nanghinayang siya doon. "Okay lang magkikita pa rin naman kami. At sa pagkakataong yon kakausapin ko na siya nang medyo matagal."pakunswelo niya sa sarili.

Masaya pa rin siyang lumabas ng classroom. Maganda ang panimula ng kanyang college days. Unang araw pa lang may nagustuhan na kaagad siya. Hindi naman pala siya dapat kabahan.

Biology ang sumunod niyang subject. Sa isang malaking assembly hall ang klase dahil sa maraming estudyante. Kasama rin niya sina Serina at Andrea sa klase na iyon.

Napag-usapan nilang tatlo na sa unahan sila uupo para hindi sila mahirapan sa lecture.

Hinahanap na niya ang mga kaibigan nang may mapansin siyang isang pamilyar na mukha, si Nathan. Parehas na naman sila ng klase, napakagandang coincidence.

Naramdaman yata nitong may nakatingin kaya lumingon ito sa direksyon niya. Nakita siya nito at ngumiti ito sa kanya. Bigla na naman siyang nabuhayan ng dugo at bumilis ang tibok ng puso niya. Lalapit sana siya dito nang may kumalabit sa kanya.

"Hoy Liezel bakit nandito kapa. Kanina pa kami naghihintay ni Andrea sa unahan. Pinagreserve ka na namin ng upuan. Halika na. aya sa kanya ng kaibigang si Serina.

"Sandali lang may kakausapin lang ako." Pero nang tingnan niya uli ay wala na si Nathan.

"Nasaan na yon? Marami pa namang estudyante kaya hindi na niya ito makita. Laking panghihinayang ang naramdaman niya.

"Kung sino man yang hinahanap mo mamaya mo na lang yan pagkaabalahan ng panahon, magsisimula na klase natin."

Napilitan na tuloy siyang sumunod dito. Pero buong period siyang tumitingin sa paligid hoping na mahagip ito ng paningin niya.

Nang makalabas sila ng klase ay tinanong na siya ni Serina.

"Alam mo kanina ka pa. Bakit parang hindi ka mapakali dyan?"

"May hinahanap nga ako. Kaya lang siguro malamang wala na yon."

"Sino ba yan?"

"Kaklase ko sa English. Ang cute niya.

Kinikilig niyang kuwento dito.

"Ano ba yan unang araw pa lang ng klase boys agad ang hanap mo."

"Hindi ko siya hinanap natagpuan niya ako."

"Fine whatever, sige mauuna na ako at may klase pa ako. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay ."

"Okay sige pupunta lang ako ng library." Paalam niya dito.

May assignment kasi agad siya at dahil wala siyang ideya sa dapat gawin magiging mabuti siyang estudyante at magreresearch. Malaki pero may kalumaan na ang library ng eskuwelahan.

Halatang luma na rin ang mga libro pero siguro naman na may makikita siya na reference material.

Dalawang aklat naman ang suwerteng nahanap niya. Yun nga lang parehong panahon pa yata ni Rizal nalimbag ang mga yon. Sobrang luma na ng mga ito pero wala siyang choice may nakauna na sa ibang mga libro.

Dahil may kainitan din sa loob ng library pumunta siya sa malapit sa electric fan. Balewala niyang binuklat ang aklat but to her dismay eh kulang ang pahina noon at ang mismong kailangan pa niyang parte ang nawawala. Kinuha niya yung isa pa na mas makapal at mas luma pero pagkabukas palang niya nang aklat ay walang anu-anong nagliparan ang ilang pahina nito.

"Ano ba yan? Hindi lang luma gutay-gutay pa. naiinis niyang sambit. Isa-isa niyang pinulot ang mga pahina. Malayo pa ang narating ng ilan. Pinagsunod-sunod niya rin yon. May mga nawawala ring pahina. Pero hindi naman niya sigurado kung nilipad lang yun kung saan.

"I think you lost this." Pamilyar ang boses ng nagsalita kaya hinarap niya agad ito.

Hindi niya mapigilang ngumiti. "Its you again. Isang nakangiti ring Nathan ang nasa harapan niya.

Hawak nito ang nawawalang pahina.

"Nagreresearch ka rin?" Tanong niya dito habang kinukuha niya dito yung lumipad na pahina nang aklat. Tuluyan nang nawala ang inis niya. Lihim na ngayon siyang nagpapasalamat na nagsiliparan ang mga pahina. Mabait nga talaga ang pagkakataon sa kanya. Sa loob lang isang araw tatlong beses nyang nakita ang bago niyang crush. Coincidence man o hindi, she will take this as a positive sign.

Yup, English 101. Nakangiti pa ring turan nito.

"Parehas tayo. Bakit hindi na lang tayo mag-join forces para hindi na tayo masyadong mahirapan." Suggestion niya dito.

"Not a bad idea. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko sayo."

Inunahan na niya ito. Nathan Rafael. Di ba yung Rafael isa sa mga ninja turtle?"

Tumawa ito. "Hindi ba puwedeng rennaisance artist kailangan ba talagang pagong?

"Hey paborito ko kaya ang mga teenage mutant ninja turtles."

"Fair enough. Well you can call me Nathan para hindi mo naman ako masyadong maassociate sa mga mutant turtle."

"Nice to meet you Nathan." Nakipagkamay pa siya dito. Pagkakataon na niya yon. Palalagpasin pa ba niyang mahawakan ang kamay nito. His hand is warm and strong. Parang ayaw na nga niya iyong bitiwan. "I think were going to be good friends." Sinadya niyang lambingan ang boses.

Sa tingin ko rin Liezel. Mukhang magiging mabuti nga talaga tayong magkaibigan. Pagsang-ayon nito sa kanya.

Malamig na simoy ng hangin ang nagpabalik kay Liezel sa kasalukuyan. Bigla ring nagmulat ng mga mata si Nathan kaya nahuli siya nitong nakatingin. "Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? May dumi ba ako sa mukha?"

Medyo napakurap pa siya nang magtanong ito. Wala naalala ko lang nung una tayong magkita." Pag-amin niya dito. Binawi na rin niya ang tingin dito.

"Thats almost a decade ago.

"Bakit nakalimutan mo na ba?" tanong niya dito.

"Puwede ko bang makalimutan yon English 101 parehas lang tayong first year.

Okay pa rin pala ang memory mo.

Oo naman. Kaya nga siguro kilalang-kilala na natin ang isat-isa dahil ang tagal na nating magkaibigan."

"Well not exactly." Medyo pagkontra niya sa sinabi nito.

"And what do you mean by that?"

"Lets just say you dont know me that well dahil hindi ko naman lahat sinasabi sayo."

"Thats not fair. Lahat yata ng tungkol sa akin nasabi ko sayo. Pati tinatago kung birthmark alam mo kung nasaan. Then sasabihin mo na youre hiding something from me?

"Lahat naman ng babae may tinatagong lihim."

Now Im curious ano naman yang lihim na yan?"

If i told you then ill have to kill you. Nakangiti niyang sagot dito.

"That top secret eh? So wala ka talagang planong sabihin sa akin kahit kulitin pa kita at makiusap ako?

"Yup no plan at all. Bumaba na siya mula sa hood ng kotse nito. Mag-uumaga na. Halika na at nang maiuwi na kita. Baka mahamugan pa tayo dito sakit pa ang abutin mo."

Hindi na ito nagpapilit pa. Sumunod na ito sa kanya. Hindi na rin ito nangulit tungkol sa sikreto niya na sa malamang ay hindi na niya masasabi dito kahit kailan.

Paaandarin na sana niya ang sasakyan nang mapansin niyang hindi pa kinakabit ni Nathan ang seatbelt nito.

"Fasten your seatbelt." utos niya dito.

"Come on Liezel youre too cautious." Reklamo naman nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. Pero dahil mukhang ayaw talaga nitong sumunod ay dumukwang siya para siya na mismo ang umabot sa seatbelt nito. Hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya halos nagkasalubong ang mukha nila. His lips accidentally brushed her cheek.

Napaatras siya at medyo nagulat din ito. Tuluyan na siyang lumayo. Naging tensyonado tuloy sa loob ng kotse. Nagkusa na rin itong ikinabit ang seatbelt.

Nang sigurado na siyang nakaseatbelt na ito ay tsaka niya pinaandar ang sasakyan. Wala itong imik habang nagdadrive siya. Hindi niya alam kung dahil muntikan na siyang mahalikan nito o dahil wala na rin itong lakas para kausapin pa siya. Hindi naman kasi ito sanay na uminom.

Nang hindi pa rin ito umimik ay palihim niya itong tinitingnan sa rearview mirror. Ang totoo ay kanina pa siya medyo uncomfortable. Nagiging nostalgic na kasi siya. Noong una ay iniisip niyang nahahawa lang siya sa kalungkutan nito. After all kung sino man ang nakakaalam kung gaano kalalim ang relasyon nito kay Andrea ay siya na yon.

Saksi siya kung paano nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa. Siya ang opisyal na tulay, ang kupido ang dahilan kung bakit nagkakilala ang mga ito.

Maganda sana ang role niyang yon. Yun ay kung hindi niya lihim na pinapangarap noon na sana siya ang napiling mahalin ni Nathan. Pero noon yon matagal na niyang tanggap na hindi siya ang mahal nito. At kahit pa naghiwalay na ang dalawa ay hindi siya umaasang magkakagusto pa ito sa kanya.

Pero bakit may kakaiba na naman siyang nararamdaman? Na tila ba hindi lang basta mga alaala ang nagbabalik kundi pati ang saya, ang kilig at higit sa lahat ang sakit.

Isang medyo aligagang Nathan ang naghihintay kay Liezel nang araw na yon. Katatapos lang ng klase niya pero wala naman silang usapan na magkikita kaya nagtataka siya kung bakit siya inaabangan nito. Nonetheless masaya siyang makita ito. Last sem eh naging close sila dahil halos lahat ng minor subject eh magkaklase sila. So ngayon kahit na sa isang subject na lang sila magkaklase ay namentain pa rin naman nila ang kanilang friendship. Pati si Roland na kaibigan nito ay close na rin sa kanya.

Anong ginagawa mo dito? masaya niyang tanong dito.

Pero bago ito sumagot inabutan siya nito ng plastic. "Para sayo."

Kinuha naman niya ayon at tiningnan ang laman. "Uy siopao. Salamat ah. May kailangan ka ano?" style nito iyon kapag humihingi ng pabor ay nanunuhol agad.

Ngumiti ito. "Oo sana eh."

"Maganda ang mood ko ngayon so malamang mapagbigyan kita. Bihira naman niya itong tanggihan may suhol man o wala.

Medyo nagkamot pa ito ng ulo bago nagsalita at parang medyo nahihiya pa. Sige na spill it out. She urged habang tinatanggal niya yung puting papel sa ilalim ng siopao.

"Ano kasi nalaman ko nung isang araw na kaibigan mo pala si Andrea." Panimula nito.

"Ano kasi nalaman ko nung isang araw na kaibigan mo pala si Andrea." Panimula nito.

"Magkaibigan nga kami. Bakit?"

"Ano kasi nakita ko siya sa isang seminar last week. Baka naman puwede mo akong ipakilala sa kanya. Nahihiya kasi akong lumapit sa kanya ng basta-basta."

Naalis ang ngiti niya. At ang kaninang masarap na siopao ay biglang naglasang papel. Tama ba ang narinig niya? Gusto nitong makilala si Andrea? At siya pa ang gusto nitong gawing tulay. Isa lang ang ibig sabihin nun, crush nito ang kaibigan niya.

Tuluyan na siyang nawalan ng ganang kumain kaya inilagay na lang uli niya yung siopao sa plastic. Gusto sana niyang ibalik dito ang bigay nito at magwalk-out na lang pero hindi niya ginawa. Wala siyang karapatan. Magkaibigan lang sila at walang masama na gustuhin nitong magpakilala sa ibang babae. Kung tutuusin nga dapat ay pinakilala na niya ito kina Andrea at Serina noon pang first sem pero hindi niya ginawa dahil medyo nagpapakaselfish siya. Gusto niya kasing siya lang ang babaeng malapit dito. Tapos ngayon magiging tulay pa siya nito. Pinilit niyang itago ang pagkadismaya.

Natahimik ka na dyan. Hindi ba puwede? parang medyong kinabahan na tanong nito.

"A-ano kasi mahiyain yun at ang totoo ayaw kasi noong pinapakilala ko siya sa mga boys. Baka kasi isipin nun nirereto ko siya sayo. Pagdadahilan niya.

Hindi naman talaga siya nagsisinungaling dito . Ayaw talaga ni Andrea na sineset-up ito.

"Ganoon ba. Wala ka bang ibang maisasuggest na gawin ko. Gusto ko sana siyang lapitan pero talagang nahihiya ako."

"Ikaw nahihiya? Walang hiya ka kaya. Ni hindi ka nga marunong mahiya sa akin. Biro niya dito pero ang totoo ay parang nanghihina na siya.

"Sobra ka naman. Hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko. Ang totoo crush ko yung kaibigan mo. Doon sa seminar gusto ko na siyang lapitan kaya lang natatakot ako baka supladahan niya ako. May nakapagsabi sa akin magkakilala pala kayo. Kaya ito humihingi ako ng tulong. Please naman Liezel tatanawin kung malaking utang na loob ito sayo."

Hinawakan pa nito ang kamay niya. Sa ibang pagkakataon ay kikiligin siya ng husto sa ginawa nito pero dahil sa ginawang pag-amin nito na may paghanga ito kay Andrea ay parang napaso ang mga kamay niya sa hawak nito. Dahan dahan niya iyong binawi.

Gusto rin niyang sumigaw ng malakas na NO ng mga oras na yon pero nalulon din yata niya ang kanyang dila. Pero halatang hinihintay nito kung ano man ang suggestion niya.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili . "Okay sige tutulungan kita. Gagawa ako ng paraan para magkakilala kayo. Pero ikaw ang dapat mismong magpakilala. Kahit mukhang suplada yung kaibigan ko mabait yon at madaling lapitan. Sa wakas ay nasabi niya.

"Sa tingin mo magugustuhan kaya niya ako?"

"I dont see any reason why not. Mabait ka naman tsaka cool. Pilit niyang pinasigla ang boses.

"Salamat talaga ah." halata ang saya nito. Kabaligtaran ng nararamdaman niya ng mga oras na yon.

"Sige ahmm mauna na ako pupunta pa ako ng library. Kita na lang tayo bukas. Pag-iwas na niya rito.

"Salamat talaga Liezel. Ang galing mo talagang kaibigan." Kitang-kita ang dalawang biloy nito habang nakangiti sa kanya. She tried to smiled back pero hindi niya alam kung nagtagumpay siya doon. Tinalikuran na niya agad ito para hindi na nito makita ang itsura niya na parang pinagsakluban ng langit at lupa.